My Virgin Eyes 5

1806 Words
"Huwag!" malakas na sigaw, sabay balikwas nang bangon. Parang hinahabol ako ng sampung kabayo dahil sa paghingal ko nang sobrang bilis. Jusko po! Akala ko'y katapusan ko na. Ngunit parang totoo na sinalpak sa aking bibig ang mga chocolate. Bigla ko ring naipikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko'y parang mangyayari iyon. Hindi kaya tutuhanin ng lalaking 'yun? At kung baga ay binabalaan ako ng aking panaginip? "Bombie! Gising ka na ba?" pagtawag sa akin ni Inay at mga katok din sa pinto ng kwarto ko. Bigla rin akong napatingin sa bintana. Nakita kong maliwanag na salabas. "Inay, tulog pa po ako!" pasigaw na sagot ko para marinig nito. "Ano? Tulog ka pa? Alam mo ba kung ano'ng oras na?!" palatak na tanong sa akin ng mahal kong Ina. "Ala-singko pa lang ng umaga Inay," sagot kong humihikab pa. Pagkatapos ay muli akong nahiga para muling bumalik sa pagkakatulog ko. "Tumayo ka na riyan, Bombie. Dahil pupunta rito si Mr. Anderson. Pansamantalang ikaw muna ang magmaneho sa Amo ng Itay mo. Dahil masama ang pakiramdam niya," narinig kong sabi ni Inay. "Ha? Bakit ako, Inay? Hindi ako marunong magdrive ng sasakyan!" "Huwag mo akong pinagloloko, Bombie. Paanong hindi ka marunong, eh? Tinuruan ka ng iyong ama. Hala! Sige! Tumayo ka na riyan at baka dumating na siya." bilin sa akin ni Inay. Ahhh! Bakit ang malas ko? Sobrang aga pa para malasin ako? Balak ko pa naman sanang hindi na magpakita sa lalaking iyon. Tapos heto, ako pa ang magmamaneho sa kaniya. Hindi ko iyon matanggap! "Bombie, bilisan mo riyan!" sigaw na sabi ng Inay ko, bago umalis sa tapat ng pinto ng silid ko. Kakamot-kamot naman akong sa aking ulo. Wala akong pakialam kung magmukha akong bruha. Hindi ko kasi matanggap ang utos sa akin ni Inay. "Ahhhh! Ang saklap ng aking kapalaran!" malakas na sigaw ko pa. Pagkatapos ay tumayo na para maligo. Baka kasi biglang dumating si Mr. Iwan. Agad naman akong pumunta sa banyo. Nag one two three lang ako sa aking paliligo. Pagkatapos ay maliksi akong nagbihis. Isang black na pantalon at puting t-shirt ang suot ko. Papatuyuin ko muna ang aking buhok bago lagyan ng sombrero. Nagdesisyon na rin akong lumabas ng silid ko para pumunta sa kusina upang kumain. Nakita kong may mga pagkain na sa ibabaw ng lamesa. Walang salita akong naupo sa bakanteng upuan. "Bilisan mong kumain, Anak, baka dumating si Mr. Anderson," paalala sa akin ni Inay bago umalis dito sa kusina. Marahan na lang akong tumango rito. Hanggang sa magsimula na akong lumamon. Kakailang subo pa lang ako nang marinig ko ang busina ng isang sasakyan. Kaya no choice ako kundi tumayo na lang. Mabilis lang akong nagtoothbrush. Pagkatapos ay nagmamadali na akong tumakbo. "Bombie, bilisan mo. Naghihintay na sa 'yo si Mr. Anderson. Alam niyang ikaw ang magmamaneho." "Sige po, Inay," sagot ko. Sabay kuha ng sombrero at agad na inilgay sa aking ulo. Malalaki ang hakbang ko para lumabas ng bahay. Paglapit ko sa kotse ng lalaki ay nagmamadali akong sumakay. "Why are you late?!" singhal na sabi nito sa akin. "Pasensya na po," magalang na sabi ko. Para hindi na humaba ang usapan. "Magmaneho ka na. Huwag ka nang tumunganga riyan, babae!" pasinghal na utos nito sa akin. Marahan na lang akong tumango. Tiningnan ko muna ang notebook na nasa harapan ko. Ang sabi kasi ni Itay sa akin, na sa notebook daw na ito nakasulat ang mga lugar na pupunta ng lalaki. May mapa rin dito kaya hindi ako mahihirapan o hindi na rin ako magtanong dito, baka kasi sigawan lang ako. Masama pa naman ugali nito. Kumunot ang noo ko nang mabasa kong may hearing siya sa korte ngayon? Isa ba siyang lawyer? "Gusto mo bang ma-late ako, babae?!" pasigaw na tanong nito sa akin. "Heto na po, Magmamaneho," tarantang sabi ko. Pagkatapos ay nagmamadaling pinatakbo ang sasakyan papunta sa korte. Sinundan ko na lang ang mapa na nandito. Hanggang sa tuluyan na kaming makarating kung saan gaganapin ang hearing ng lalaki. "Sumunod ka sa akin dalhin mo ito," anas nito, sabay abot sa akin ng attache case. Nakita ko ring kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng pants nito. "Get ready!" narinig kong sabi pa ng lalaki, habang naglalakad. Ako naman ay patuloy lamang sa pagsunod dito. "Attorney Anderson, totoo bang ikaw ang nagpasabog ng P.L company ni Congressman Barry!" Maliksi akong napatingin sa unahan ng lalaki, nang makita kong may mga reporters ang nakaharang sa daraanan namin. Ngunit may mga lalaking hinahawi sila para makadaan si Mr. Iwan. Tama nga ang hinala kong isa itong lawyer. Bigla naman tumigil ang lalaki. "Ito lang masasabi ko. Hindi ako gagawa ng ikasisira ng pangalan ko!" masungit na sagot ng lalaki. Pagkatapos ay muling humakbang para lumayo sa mga makukulit na mga reporters. Ako naman ay nagmamadaling sumunod sa lalaki hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa court room. Peste! Parang gusto ko na lang tumakbo. Pakiramdam ko'y ako ang lilitisin ngayon araw. Hindi ko tuloy mapigilan ang magdasal ng wala sa oras. "Bombie, huwag kang matutumba..." pabulong na kausap ko sa aking sarili. Hanggang sa kinuha na nito sa akin ang attache case na hawak ko. Pagkatapos ay pumunta na ito table na nasa unahan. Nakita kong umupo na roon ang lalaki. Wala man lang akong makitang takot sa mukha ni Mr. Anderson. Mukhang sanay na sanay na ito sa ganito. Imikot naman ang mga mata ko sa buong court room. Maraming mga tao ang nandito. Mukhang matataas na tao rin sila. Ako lang yata ang naiiba rito. Hanggang sa may dumating na isang lalaki. Alam kong isa itong judge at nakikita ko iyon sa damit na suot nito. Malamin tuloy akong nagbuntonghininga. At tuluyang naupo sa may gilid. Hindi ko lubos akalaing makakapunta ako rito sa court room. At masasaksihan ko ang palitan ng kuro-kuro ng mga abogado at mga nasasakdal. Ililista ko talaga ito. At ito rin ang araw na hindi ko malilimutan kailanman. Mayamaya pa'y nagsalita na ang judge. Napag-alam kong siya si Judge Samwel Kang. Parang nakakatakot ito. Lalo na ang tabas ng mukha. Pero mas nakakatakot si Mr. Anderson, lalo na kung tumingin. "Una pakinggan natin ang tungkol sa kasong lilitisin natin ngayong araw. Attorney Anderson, please go ahead." Hanggang sa tumayo na nga si Mr. Anderson. Nakita ko rin ang isang lalaki. At mukhang ito ang nasasakdal. Ito ba si Congressman Barry. Ngumisi pa nga ito kay Anderson at tila kampanti. Namataan ko rin ang isang abogado. Ito siguro ang may hawak sa kaso ng Congressman. "Ika-dalawampu ng Mayo taong dalawang libo dalawampu't isa. Ganap na alas-nuwebe inputo ng gabi. Kasalukuyang naglalakad ang batang si Emily Luis. Do you remember, Congressman Barry? Natatandaan mo rin ba kung papaano mo siya sinagasaan? At tuluyang binawian ng buhay?!" "Objection your honor! Wala siyang matibay na ebidensya para husgahan ka agad si Congressman...!" sigaw naman ng isang attorney. "Please continue, Mr. Anderson," muling anas ni judge. Para ipagpatuloy ang pagsasalita. Wala namang nagawa ang abogadong may hawak kay Congressman, kundi na upo na lang ulit para muling pakinggang ang sasabihin ng Amo ko. "Nang gabing iyon. Ano'ng dahil at basta mo lang sinagasaan ng kotse mo ang batang si Emily? Na walang kalaban-laban sa 'yo. Ngunit imbes na tulungan mo siya'y mas lalo mo pang pinatakbo ang sasakyan mo. Are you running away from something that night, Mr. Barry?!" "Wala akong tinatakasan, dahil wala naman akong nabanggang bata!" mariing kaila ni Mr. Barry. "Are you sure?!" mapang-uyam na tanong ni Mr. Anderson. "Kahit patayin mo ako ngayon, Mr. Anderson, wala kang makukuhang sagot mula sa akin. Dahil wala akong alam sa binibintang mo!" "Okay, heto ang mga ebidensyang nalakap ko. Nandiyan din ang video na kung papaano mo sinagasaan ang kakawang bata. At dahil sa iyo, hanggang ngayon ay nagluluksa ang pamilya ni Emily!" mariing sabi ni Attorney Anderson. "Objection your honor! Fake ang lahat ng mga ebidensyang iyan. Gusto lang nilang perahan si Congressman!" muling anas ng abogadong may hawak kay Mr. Barry. Parang sumakit naman ang ulo ko sa mga dibate ng magkabilang panig. Kung alam ko lang na ganito pala sa loob ng korte hindi na sana akong sumama sa lalaking ito. Naman! Parang hindi ko kayang magtigil ng matagal dito. Pakiramdam ko'y mababaliw ako. Hanggang sa makita kong isa-isa na nga tiningnan ang mga ebidensya. "Penal Code, Article 365, Criminal Imprudence or Negligence. Criminal Law. Ikaw Mr. Congressman Barry ay hinahatulan ng...!" "Hindi! Wala akong kasalanan!" sigaw ni Barry. Hindi na nga nito pinatapos ang sinasabi ng Judge. Nagwala na agad ito. "Let's go," biglang sabi sa akin ni Mr. Anderson. Nakita ko ring iiling-ilang ang lalaki. Taranta tuloy akong tumayo at sumunod sa lalaki. Baka iwan ako rito o 'di kaya ay ipakulong nito. Shit! Dahil biglang pumasok sa utak ko ang ninakaw ko rito. Jusko po! Baka ipakulong din ako? Huwag naman sana. Isasa-uli ko na lang ang kwintas na kinuha ko. "Sa ilalim ng--- Penal Code: Article 310. Puwede kitang kasuhan dahil sa pagnanakaw mo sa mga gamit ko, Ms. Bombie!" Bigla akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi nito. Muntik pa nga akong mabangga sa likod nito nang bigla rin itong huminto. Ngunit hindi naman lumingon sa akin. "I-Ipapakulong mo ako?" kabadong tanong. "Yes, why not. Madali lang sa akin ang gawin iyon lalo at mayroon akong ebidensya. Ngayon pa lang mag-isip ka na. At isauli muna sa akin ang mga ninakaw mo. Alam mo bang magbabayad ka rin sa akin ng kaukulang danyos!" mariing sabi ng lalaki. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang nito at umalis sa harap ko. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Parang na putol ang dila ko. Gumalaw lang ako sa aking kinatatayuan nang makita kong malayo na ang hambog na abogado. "Peste! Baka iwan ako nito!" bulalas ko. Pagkatapos ay halos liparin ko makarating lang kotse ng lalaki. Agad akong sumakay sa loob. Kahit kabado ay pinagsawalang bahala ko na lang. Tiningnan ko muna ang notebook para alamin kung saan kami pupunta. Nakita kong maghihintay muna kami ng ilang minuto dahil sa babaeng nagngangalang Ms. Vanes. Siguro'y kasintahan ito ni Mr. Anderson? Hanggang sa muling lumabas ng kotse ang lalaking hambog. Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong may sasalubungin itong babae. Sobrang ganda nito, hindi ko iyon maitatangi. "I missed you, babe. Akala ko'y tatanggihan mo na naman ang aking alok sa 'yo," narinig kong sabi ng babae. Hindi na lang ako tumingin sa kanila. Nagdesisyon na lang ako na patakbuhin ang kotse. "Ahhh! Ahhh!" narinig kong haling-hing ng babaeng nasa likod ko. Napatingin tuloy ako sa itaas ng mirror. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang ayos nila. "Ang virgin eyes ko!" sigaw ko. Sabay preno ng kotse. Narinig ko pa ngang may naglagabog. Ngunit wala akong pakialam kung sino ang nahulog. "Damn it!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD