Peste! Mukhang nakahalata yata ang lalaking iyon na may tao rito sa loob ng kotse niya, ah. Ngunit hindi ako puwedeng magpakita sa kanya. Malalagot ako nito sa aking Ama. Oras na malaman ni Itay na pinasok ko ang loob ng sasakyan ng amo niya.
Pagkatapos ay muli akong bumaling sa manok na hawak-hawak ko. Tinaasan ko muna ito ng kilay bago ako magsalita na tila isang abnormal.
"Huwag na huwag kang puputak. Dahil oras na mahuli tayo at mag-ingay ka, sa malaking kawali ang bagsak mo...!" pagbabanta na bulong ko sa tandang na manok na aking hawak.
Hinakawan ko rin ito sa tuka niya upang hindi makapag-ingay. Pagkatapos ay muli akong bumaling sa lalaking papalapit dito sa kotse. Medyo nagpakayuko-yuko pa ako para hindi nito makita. Hanggang sa marinig kong bumukas ang pinto malapit sa driver seat.
Subalit nadinig ko ring nag-iingay ang cellhopone nito kaya alam kong napahinto ito sa balak na pagpasok dito sa loob ng kotse.
"Yeah! Huwag ninyong hayaang makawala. Ako na ang bahalang magparusa sa kanya!" marinig kong anas ng lalaki at tila galit ito.
Shit! Mukhang hindi basta-bastang tao ito. Naku! Lagot talaga ako oras na makita niya ako rito. Kaya naman muli akong tumingin sa lalaki. Nakita kong medyo lumayo ito sa kotse at tumalikod din habang ang isang kamay ay nakahawak sa beywang niya.
Kaya gagamitin ko ang pagkakataon na ito para makaalis dito sa loob. Sana lang ay huwag niya akong makita. Kaya naman maingat akong lumipat papunta sa driver seat. Mabuti na lang at naiwan nitong bukas ang pinto kaya hindi ko na kailangan pang buksan iyon.
"Kailangang bago mag-umaga ay makita rin ang isa pang hudas. Dahil hindi pa ako tapos sa kanya. Ang pinakaayaw ko pa naman ay pinagnanakawan ako!" muling bulalas ng lalaki. At malakas din ang boses nito.
Lintik! Kailangan ko na agad makaalis dito. Bago niya malaman na kinuha ko ang chocolate at kwentas niya. Kaya naman maliksi akong lumabas ng kotse at nang tuluyang makaalis sa loob ng sasakyan ay halos liparin ko ang daan para makalayo lamang dito.
At nang alam kong malayo na ako ay roon lamang bumagal ang paglalakad ko. Medyo hiningal din ako. At sana lang ay huwag akong makita ng lalaking iyon. Ngunit biglang natuwa ang aking puso nang maalala ko ang kwintas na kinuha ko.
Saka alam kong hindi nito malalaman dahil maraming alahas doon. Hindi naman siguro bilang iyon. Natatawa na lamang tuloy ako sa aking kalokohang ginawa.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa sabungan. Nagbayad muna ako sa entrance bago pumasok sa loob.
"Bombie! Ikaw ba iyan?!" maliksi akong lumingon sa lalaking tumawag sa akin.
"Ako nga ito, Lucasyo. Mukhang nagulat ka yata? Nagbago ba ang aking mukha?" tanong ko pa.
"Yung kulay mo nagbago parang lalo kang pumuti. Ngunit sa mga kilos mo walang pinagbago. Huhulaan kong manok ng Tatay mo ang iyong dala-dala mo, ano tama ba ako?" nakasinging tanong niya sa akin.
"Alam mo pala, eh. Nagtanong ka pa. Saka minsan lang naman akong pumunta rito. Kaya lulubos-lubusin ko na," anas ko kay Lucasyo.
"Magkano ang kaya mong ipusta mo, Bombie?" tanong niya sa akin.
"Hmm! Isang libo," mabilis na sagot ko rito.
Tumingin muna siya sa akin. Pansin kong parang nag-aalangan pa ito sa sinabi ko. "Totoo ba iyan? Walang halong daya?" tanong niya sa akin.
Bigla tuloy sumama ang aking tingin ko dito. "Ano'ng tingin mo sa akin mandaraya?!" singhal na tanong ko rito.
Hindi naman ito nagsalita, ngunit nakita kong napapailing ito sa akin. Mayamaya pa'y nagsimula na ngang maglalaban ang manok namin ni Lucasyo. Unang salpukan ay halos mapatong ako sa tuwa dahil mas lamang ang manok ng Tatay ko. Mukhang mananalo ito, ah.
Subalit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Sapagkat nakikita ko nang unti-unti nang natatalo ang manok ng Itay ko. Lintik baka ang labas nito ay maging tinula ang manok na tandang ni Itay. Malilintikan ako sa aking Ama.
Kaya naman hindi na ako nag-isip mabilis akong pumunta sa gitna na kung saan naglalaban ang dalawang manok. Agad kong kinuha ang manok ng Itay ko. Aba! Hindi ako papayag na mamatay ito.
"Bombie! Bakit kinuha mo agad ang manok mo? Nagsisimula pa lang ang magandang laban, ah," reklamo sa akin ni Lucasyo.
Nagbabantang tingin ang binigay ko rito. "Kapag namatay itong manok ni Itay. Ikaw ba ang haharap sa kanya para sanggahin ang itak niya?!" galit na tanong ko rito.
Nakita kong kakamot-kamot sa ulo si Lucasyo. "Ibigay mo na lang sa akin ang bayad mo sa pusta, Bombie," anas nito sabay lahad ng palad niya sa akin. Kaya naman dumukot ako ng pera sa aking bulsa. Sabay abot dito.
"Teka lang! Bakit 400 pesos lamang ito? Na saan ang 600 pesos?" gulat na tanong niya sa akin.
"Ha! Hindi naman namatay ang manok ko. Kaya tama lang ang 400 peso," sagot ko sabay talikod dito.
"Paano mamamatay ang manok mo, eh, agad mong kinuha. Kahit kailan ay madaya ka talaga Bombie. Hindi ka na nagbago!" pasigaw na sabi ni Lucasyo sa akin.
"Sadyang mautak lamang ako!" balik na sigaw ko sa lalaki. At pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na akong umalis para umuwi. Tiyak na sermon ang abutin ko sa aking Inay kapag nakita ako nito. Kaya naman nagmamadali na akong naglakad para umuwi.
Hindi naglaon ay nakarating na ako sa tapat ng bahay namin. Kaya naman marahan ang mga hakbang ko papunta sa likod bahay para dalhin ang manok sa kulungan. At nang mailagay ko na ang manok ay nagmamadali naman akong pumunta sa tapat ng bintana ng aking kwarto para roon dumaan.
Pagkatapos ay wala kahirap-hirap na sumampa ako sa bintana para tuluyang makapasok sa loob. Pagdating sa aking kwarto ay agad akong nagpalit ng damit. Ang mga nakulimbat ko namang kwintas at chocolate sa amo ng Itay ko ay agad kong itinago.
Ngunit bigla akong natakam sa chocolate kaya binuksan ko ito at sinimulan na kainin. Dapat pala dinagdagan ko nang kuha ng chocolate. Ang sarap pala nito.
"Siguro'y imported chocolates ang kinakain ko. Sayang talaga!" bulalas ko pa.
Hanggang sa tuluyan kong naubos ang chocolate. Kaya naman agad akong lumabas para uminom ng tubig sa kusina. Tuloy-tuloy akong naglakad na tila walang paki-alam sa paligid.
Pagdating sa kusina ay maliksi akong uminom ng tubig.
"Ahh! Ang sarap!" hulalas ko pa, sabay harap sa pinto ng kusina para sana lumabas. Subalit bigla akong napatda nang makita ko ang bulto ng Amo ng Tatay ko.
Peste! Akala ko'y umalis na ang lalaking ito rito sa bahay namin? Bakit kaya nandito pa ito?
"Give me back the necklace you stole from me, woman! Ganoon din ang chocolate na iyong kinuha!" seryong sabi niya sa akin. At wala man lang kakurap-kurap ang mga mata habang nakakatitig sa akin.
"Teka lang! W-wala akong kinukuha sa 'yo!"
Ngunit nakita kong nakatingin pa rin sa akin ang lalaki. At tila binabasa nito ang laman ang isipan ko. Medyo napalunok tuloy ako ng ilang beses. Peste! Paano nito nalaman na kinuha ko ang kwintas at chocolate? Hindi kaya may cctv camera sa loob ng kotse nito? Hindi malabong mangyari iyon lalo na at mayamang tao ito.
Ngunit ang tanging hiling ko'y wala sanang cctv camera. Jusko po! Malalagot ako nito sa aking ama at ina. Lalo na sa Inay ko. Baka isang linggon akong talakan noon.
"Don't fool me, woman! Alam kong ikaw ang kumuha ng kwintas at chocolate. If you don't want to get hurt, give it back!" galit na sabi niya sa akin.
"Kahit patayin mo ako ngayon! Wala akong ibabalik sa iyon dahil hindi ako ang kumuha noon. Kung ako sa iyo! Mr. Iwan. Magtanong ka sa langaw at baka sila ang kumuha noon!" asar na sabi ko sa lalaki.
Kahit ano'ng mangyari hinding-hindi ako aamin sa lalaking ito. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para umamin sa kasalanan ako talaga ang kumuha. Saka, wala na akong ibabalik na chocolate dito dahil kinain ko lahat.
Kaya ang ginawa ko ay humakbang na lang ako para tuluyang makaiwas sa lalaki. Subalit pagtapat ko sa harap nito ay mahigpit niyang hinawakan ang aking braso, dahilan para mapatigil ako. Asar na asar tuloy akong tumingin dito. Ngunit ito naman ay seryosong nakatingin din sa akin. Tila gusto akong balatan ng buhay sa klase ng pagtitig niya sa akin.
"Bibigyan kita ng tatlong araw na palugit para maibalik mo sa akin ang kwintas at chocolate. But if you can't get the necklace and chocolate back, hide it from me, woman!"
Peste! Mukhang pinagbabantaan ako nito, ah. Ngunit hindi ako magpapasindak dito. Wala rin akong pakialam kung mayamang tao ito. Grabe ang damot naman nito. Para chocolate lang pinagdadamot pa. Ang dami-dami naman noon. Sana lang ay magtae ito.
Kaya sa labis na inis ko'y. Maliksi kong hinala ang aking braso mula sa pagkakahawak niya sa akin. Pagkatos ay nanlilisik ang mga mata kong tumingin dito.
"Mr. Iwan. Wala akong pakialam sa pagbabanta mo. Kapag ako ang nagbanta sa 'yo matako ka na!" galit na sabi ko. Sabay alis sa harap nito. Para pumunta sa aking kwarto. Alam kong nakasunod ang tingin nito sa akin. Subalit wala akong pakialam doon.
Iyong kwintas ibabalik ko ng patago. Ngunit iyong chocolate ay hindi. Kasi nakain ko na iyon. Mapera naman ito kaya bahala na itong bumili ng chocolate niya.
Hanggang sa makarating ako sa loob ng aking kwarto. Pagkatapos ay agad akong nahiga sa kama para matulog. Maliksi kong pinikit ang aking mga mata.
Ngunit hindi pa malalim ang nakakatulog ko nang marinig kong bumukas ang pinto. Kaya naman maliksi kong naimulat ang aking mga mata.
Nagoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang lalaking Iwan. May dala-dala itong kahon at punong-puno ng maraming chocolate.
"Ano'ng ginawa mo rito sa aking kwarto?!" pasigaw na tanong ko sa lalaki.
"I'll feed you all this chocolate, woman!"
"Ha! Teka lang," tarantang sabi ko. At balak sanang tumayo ngunit maliksi naman akong hinawakan ng lalaki kaya ang labas ay hindi ako makabangon.
Hinawaka din niya ang aking bibig at pilit na ibinubuka. Pagkatapos ay agad na kumuha ng chocolate sa kahon na dala-dala nito. At nanlalaki ang mga mata ko nang makita kong mahaba ang ipapakain niya sa akin.
Kaya nagpupumiglas ako. Ngunit malakas ang lalaki. Pansin ko ring wala akong lakas upang labanan ito. Hanggang sa dahan-dahan na nga nitong ilapit sa aking bibig na nakabuka ang mahabang chocolate.
Lintik! Hindi ko kaya ang chocolate na ito kung ipapasak lahat niya sa aking bunganga! Hanggang sa tuluyan nga nitong inilagay sa aking bibig. At talagang sinalaksak pa nito sa lalamunan ko.
Peste! Dahil mamamatay ako dahil sa isang chocolate lamang!
"No!" sigaw ng aking isipan.