KABANATA 3

1449 Words
TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 3 KASAL DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. ITO NA talaga… ikakasal na kami ngayon ni Ambrose. Ang bilis ng mga pangyayari. Parang noong isang linggo lang nang makauwi ako galing New York. Ngayon ay ikakasal na ako sa crush ko noong bata pa ako, ang itinuturing ko rin na Kuya… si Ambrose. “Pamangkin, ang ganda mo!” sabi ni Tita Sam sa akin ng puntahan niya ako. Nakasuot na ako ng wedding gown ngayon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako. Sa totoo lang ay wala talaga akong planp na magpakasal, pero wala na akong magagawa dahil pinilit na ako ng mga magulang ko. Naalala ko pa noon na crush na crush ko talaga si Kuya Ambrose. College pa siya noon at ako naman ay nasa high school. Magkaklase pa nga kami noon ni Artemis, Athena at ni Apollo eh. Hinding hindi ko pa nakakalimutan noon na umiiyak ako tapos binigyan niya ako ng chuckie na para sana kay Artemis. Throwback UMIIYAK ako ngayon habang nandito sa living room ng bahay namin. Napahiya kasi ako kanina sa play namin sa isang subject sa school dahil nakalimutan ko iyong line ko. Pinagtawanan ako ng aking mga classmates at nakita ko rin na tinawanan ako ng mga itinuturing ko na kaibigan at ngayon ay hindi na nila ako pinapansin. Habang umiiyak ako ngayon, nagulat na lang ako ng may nakita akong chuckie sa aking harapan. Natigil ako sa aking pag-iyak at nang unti-unti akong napatingin sa aking harapan ay nagulat na lang ako ng makita ko si Kuya Ambrose na may hawak na chuckie ngayon na inaabot sa akin. Napakurap kurap ako sa aking mga mata dahil sa gulat na makitang nasa aking harapan ngayon si Kuya Ambrose. Nakasuot pa siya ngayon ng kanyang uniform at nakasuot din siya ng i.d. Galing pa ba siyang campus nila? Bakit siya nandito sa bahay namin? “K-Kuya Ambrose…” mahina kong banggit sa kanyang pangalan at pinunasan ko ang aking luha. “Drink this chuckie so that you will not cry again. Para kay Artemis sana ‘yan, pero mukhang mas kailangan mo ‘yan ngayon,” malamig na sabi ni Kuya Ambrose habang inaabot niya sa akin ang hawak niyang chuckie. Hinay-hinay ko naman itong kinuha mula sa kanya at nagpapasalamat ako. “T-Thank you po, Kuya…” mahina kong sabi sa kanya. Tumango siya. “Whatever your problem right now, you will get through it. Drink that chuckie drink and be strong again,” sabi ni Kuya Ambrose at bahagya niyang ginulo ang aking buhok bago siya umalis sa aking harapan. Napatulala ako sa kanyang ginawa at hinay-hinay akong napahawak sa aking buhok. Naramdaman ko rin ang malakas na pagtibok ng aking puso ngayon. Sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso ngayon. Unang beses ko ‘tong maramdaman… at kay Kuya Ambrose pa. At dito ko napagtanto na crush ko na pala siya. May lihim akong pagtingin sa inaanak ng mga magulang ko—sa nakakatandang kapatid nila Artemis. Sa lalaking itinuturing lang akong nakababatang kapatid. End of throwback. Hindi ako makapaniwala na ngayon ay ikakasal na talaga ako kay Kuya Ambrose… o kay Ambrose na lang dahil nakakailang naman kapag tinawag ko pang Kuya ang magiging asawa ko. “Be ready, Dianne. Maglalakad na tayo sa aisle ngayon,” bulong sa akin ni Mommy. Ginaganap ngayon ang kasal namin ni Ambrose sa isang maliit na simbahan. Mga pamilya lang namin ang dumadalo ngayon. Nandito ang buong angkan ng mga Saavedra. Ganun din ang mga Miller at nandito rin ang mga Coleman. Nagsimula na ang tugtog para magsimula na kaming maglakad. Nakaramdam ako ng sobrang kaba ngayon. Nakatingin ang lahat sa akin ngayon habang naglalakad at at ng mapatingin ako sa harapan ay nakita ko rin doon si Ambrose na seryoso ang tingin sa akin. Nag o-overthink ako ngayon sa kanilang tingin sa akin ngayon. Iniisip kaya nila ang nangyari sa akin? Sinu-sino kaya sa mga nandito ang nakapanood na sa video ko na kumalat? Kung anu-ano na lang ang tumatakbo sa akin ngayon. “Dianne… calm down,” narinig ko na sabi ni Daddy. Napatingin ako sa kanya. Nanlalamig na pala ang mga kamay ko at nanginginig na rin. Tumigil na muna ako sa paglalakad at huminga ako ng malalim. Nang kumalma na ako ay muli kaming naglalakad kasama ang mga magulang ko dito sa aisle hanggang sa makarating kami kung nasaan ngayon si Ambrose na naghihintay sa akin. Lumapit siya kina Mom at Dad at nagmano siya sa aking mga magulang bago siya lumapit sa akin. Nagkasalubong ang aming mga tingin at sa hindi inaasan… bigla na lang lumakas ang pagtibok ng aking puso ngayon. Parang bumalik ‘yung nararamdaman ko noong binigyan ako ng Chuckie ni Ambrose noong high school pa lang ako at siya naman ay college student pa. Parang bumalik na lang bigla ang nararamdaman ko para sa kanya. Inabot niya ang kanyang kamay sa akin at muli na namang nag throwback sa akin ng inabot niya sa akin noon ang Chuckie drink. Napalunok ako sa aking laway at inabot ko ang kanyang kamay at sabay na kaming pumunta sa may altar upang humarap na sa pare. Nagsimula na ang kasal at sa buong seremonya ay parang lumulutang lang ang aking utak ngayon. Ikakasal na talaga ako kay Ambrose… totoo na talaga itong nangyayari ngayon. Ewan ko ba pero may nararamdaman ako ngayon na saya sa pagpapakasal ko kay Ambrose. Dahil siguro sa nararamdaman ko para sa kanya? Hindi pa rin kasi talaga nawawala ang nararamdaman ko para kay Ambrose. Parang natago lang siya noon ng umalis siya at ng makilala ko ang dati kong boyfriend. Umalis kasi si Ambrose ng natapos siya sa kolehiyo. Bago lang siya bumalik dito sa Pilipinas. Sa totoo nga ay bago lang kami nagkitang dalawa eh. Tapos bigla na lang kaming kinasal?! Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit umoo na lang bigla si Ambrose sa kasalan na ito. Alam ko naman na wala siyang gusto sa akin. Alam ko rin na nirerespeto niya ng sobra ang mga magulang ko dahil sila Mom at Dad din ang nagpalaki noon kay Ambrose. Pero may sarili siyang buhay… naniniwala rin ako na may girlfriend siya o naging girlfriend. Bakit siya pumayag na ikasal sa akin? “Do you, Dianne Stephanie Saavedra, take this man to be your lawfully wedded husband, to live together in matrimony, to love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?” tanong ng Father sa akin. Napatingin ako kay Ambrose at nakita ko na nakatingin siya sa aking mga mata ngayon habang seryoso ang ekspresyon sa mukha. Napalunok ako sa aking laway at napa kurap kurap ako sa aking mga mata. Rinig na rinig ko na ngayon ang sobrang lakas ng t***k ng aking puso. “Dianne?” Bahagya akong napatalon sa gulat ng tawagin ako ng father. Muli akong napatingin kay Ambrose at nakita ko siyang tinaasan ako ng kilay. “Sumagot ka,” mahina niyang sabi. Napalunok ako sa aking laway at sumagot ako. “I-I do, Father…” mahina kong sabi. Nang sabihin ko iyon ay napapikit ako sa aking mga mata. Totoo na talaga… hindi ‘to panaginip. “Those whom God has joined together, let no man put asunder. In so much as Ambrose and Dianne have consented together in holy wedlock and have witnessed the same before God and this company, having given and pledged their faith, each to the other, and having declared the same by the giving and receiving of rings, I pronounce that you are husband and wife. I ask you now to seal the promises you have made with each other this day with a kiss!” Nagpalakpakan na ang lahat ng mag pronouncement na ang father sa kasal namin ni Ambrose. Humakbang palapit sa akin si Ambrose at inalis niya ang veil na nakatakip sa aking mukha at hinawakan niya ang aking baba at unti-unti niyang inilapit ang aking mukha. Dahil sa kaba ay napapikit ako sa aking mga mata. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi ni Ambrose sa aking labi at sobrang bilis lang nito at lumayo na siya sa akin kaya napamulat ulit ako sa aking mga mata. Nakaharap na siya sa mga bisita at bahagya siyang yumuko. Huminga ako ng malalim at pinilit ko ang sarili ko na ngumiti sa mga bisita namin at bahagyang kumaway. Tapos na talaga ang kasal namin… na wala man lang ka spark sa isa’t isa. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD