TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE
KABANATA 4
NEW HOUSE
DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW.
KASAL NA kami ni Ambrose at ngayon ay nandito kami sa isang hotel kung saan gaganapin ang honeymoon naming dalawa. Isa lang ang kwarto at kama kaya ibig sabihin ay magsasalo kami sa isang kama, dito siya matutulog sa aking tabi.
Nagbibihis ngayon si Ambrose sa aking harapan habang ako naman ay nakaupo rito sa gilid ng kama habang iniiwas ang tingin dahil nakikita ko ang hubad niyang katawan.
“You can have this room. I’ll go outside,” malamig na sabi ni Ambrose sa akin kaya muli akong napatingin sa kanya.
Nakabihis na siya ngayon habang ako naman ay nakasuot pa sa aking wedding gown.
“B-Bakit hindi ka matutulog dito sa tabi ko?” kinakabahan ko na tanong sa kanya. Naiilang pa rin ako na tawagin siya sa kanyang pangalan na walang Kuya dahil hindi ko na siya kuya… asawa ko na siya. Hindi dapat ako mag kuya sa asawa ko.
Tinignan ako gamit ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Ambrose bago siya magsalita at sagutin ang tanong ko sa kanya.
“Do you really think I will sleep with you in that bed? No way, Dianne. I want you to know that we’re just married on paper, not by love. At hindi natin gagawin ang mga ginagawa ng mga normal na mag-asawa. I hope you understand that and remember it everytime we’re together. Tinulungan lang kita na makawala sa kahihiyan,” malamig at madiin na sabi ni Ambrose bago siya lumabas sa hotel room namin at iwan akong mag-isa rito.
Nang makalabas si Ambrose ay naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong napaiyak. Niyakap ko ang aking sarili at mahina akong napahikbi at hindi ko mapigilan na nakaramdam ako ng awa sa aking sarili.
Siguro kaya ayaw akong tabihan ni Ambrose ay dahil nandidiri siya sa akin. Sino ba naman ang normal na lalaki na tatanggap sa kagaya kong madumi at nahawakan na ng kung sino-sino? Kaya naintindihan ko rin si Ambrose kaya ayaw niya akong tabihan.
Huminga ako ng malalim at napagpasyahan ko na lang na magbihis upang makapag pahinga na ako. Ano naman kung kasal na ako? Wala namang nagbago… ganun pa rin—miserable pa rin ang buhay ko.
NATAPOS ANG honeymoon namin ni Ambrose ng hindi kami nag sasama sa isang hotel room. Hindi ko alam kung saan siya natutulog, pero nagsasabay naman kami sa aming pagkain sa breakfast, lunch, at dinner. Pero pagkatapos nun ay hindi na kami ulit nagkikita. Bigla na lang siyang nawawala at ang ginagawa ko na lang ay nililibang ang sarili ko sa beach at kumukuha ng mga litrato sa paligid.
Ngayon ay pauwi na kami… at papunta na kami sa bago naming bahay. Ang bahay na tutuluyan namin ni Ambrose ay bigay nila Mom at Dad at dito na kami titira simula ngayon dahil mag-asawa na kaming dalawa. Gusto sana ni Mama na doon na kami sa bahay manirahan pero ayaw ni Ambrose. Gusto niya na magkaroon kami ng sarili naming tirahan kaya ang ginawa nila Mommy ay binigyan na lang kami ng sarili naming bahay.
Nakasakay kami sa kotse ngayon ni Ambrose at siya ang nagdadrive. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kanya dahil ngayon lang ulit kami nagkita makalipas ang ilang taon na malayo kami sa isa’t isa. Malaki ang pinagbago ni Ambrose… nakikita ko ito sa kanya ngayon. At parang ang layo na niya sa akin, ang hirap niyang abutin kahit na nasa tabi ko lang siya.
Tahimik lang ako rito sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa labas hanggang sa nakapasok kami sa isang subdivision at ang hula ko ay nandito ang bagong bahay namin ni Ambrose. Hindi ako nagsasalita, hinintay ko lang kung saan titigil ang sasakyan hanggang sa tumigil ito sa isang malaking two storey house. Pinatay na ni Ambrose ang kanyang kotse at tumingin siya sa akin.
“This is our new house, Dianne. Bumaba ka na diyan,” seryoso na sabi ni Ambrose.
Sinunod ko naman ang kanyang sinabi at inalis ko na ang seatbelt ko at lumabas na ako. Binuksan ko ang gate upang makapasok ang sasakyan ni Ambrose sa loob ng garahe. Nang makapasok ako sa gate ay hindi ko mapigilan na mamangha dahil malaki ang bakuran, pwede kong pagtamnan ng mga bulaklak. Siguro ay ang pagtatanim na lang ang gagawin ko na hobby habang nandito ako sa bahay.
Nang mapasok na ni Ambrose ang sasakyan sa may garahe ay lumabas na rin siya. Siya ang may dala ng susi ng bahay kaya siya lang ang makakabukas nito. Binuksan na niya ang bahay at siya ang unang pumasok at sumunod naman ako sa kanya. Pagpasok ko sa loob ay hindi ko mapigilan na mamangha dahil ang laki ng bahay.
Kami lang ba talaga ni Ambrose ang titira rito?
“There are three rooms on the first floor ang isa doon ay maid’s bedroom, and three rooms on the second floor. I will have a room on the second floor. You choose where you want to stay, whether on the first or second floor,” seryoso na sabi ni Ambrose bago siya humarap sa akin.
Ayaw niya talaga na magkatabi kaming dalawa sa isang kwarto.
Napa kurap kurap ako sa aking mga mata bago ko sabihin kung saan ang gusto ko na kwarto.
“S-Sa akin na lang ‘yung isang room sa second floor,” mahina kong sabi.
Napatango si Ambrose at sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya. Umakyat kami sa hagdan papunta sa second floor. Pumunta kami sa magiging kwarto ko at nakita ko na malapit lang ito sa kwarto ni Ambrose kaya mabuti na lang din. Gusto ko pa rin na malapit ako sa kanya.
“This is your room. You can design your room whatever you want. Just ask for help to Artemis, ang team niya ang bahala sa design sa room mo,” wika ni Ambrose at tumango naman ako.
“T-Tayo lang ba dito sa bahay?” tanong ko sa kanya.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo bago siya humarap sa akin.
“What do you mean?”
Napalunok ako sa aking laway bago magtanong ulit sa kanya.
“Wala bang ibang tao na titira dito kundi tayo lang?” tanong ko sa kanya.
“There will be maids, drivers, and other workers will be staying here. Tomorrow, aalis ako.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ambrose.
“A-Aalis? Saan?”
“Pupunta ako sa Spain. I will be staying there for a month, or maybe two months? I don’t know.”
Bigla akong nataranta sa sinabi ni Ambrose. Iiwan niya ako rito? Paano na lang kung may pumunta sa akin? Paano kung mahanap ako ni Andrew? Nang mga kasamahan nila? Sa mga taong gustong maghiganti sa akin?
“A-Ambrose, ‘wag mo akong iwan dito…” nauutal kong sabi at hinawakan ko ang kanyang braso.
Napakunot ang noo ni Ambrose sa aking ginawa at inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa aking kamay at bahagya siyang umatras palayo sa akin.
“Umuwi lang ako dito sa Pilipinas para pakasalan ka. My work is there in Spain, Dianne. You stay here and be a wife to me. May mga ibibigay akong trabaho sayo at dapat mo itong gampanan habang wala ako. Don’t worry, there will be securities here for your safety, kung yan man ang iniisip mo,” malamig na sabi ni Ambrose bago siya lumabas sa aking kwarto at siya na ang nagsirado sa pinto.
Hina akong napaupo sa gilid ng kama at bahagya akong natulala.
Bago nga lang kami nagkita ni Ambrose ay aalis na ulit siya?
Ganyan na ba talaga ang pandidiri niya sa akin? Atat na atat siyang makalayo sa akin?
Napipilitan lang talaga siyang makasal sa akin dahil tinuturing niyang mga magulang ang parents ko… iyon lang ‘yun at wala nang iba.
TO BE CONTINUED...