SIMULA
TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE
SIMULA
I’M A MESS. Because of my naivety, the perfect life my parents built for me has gone just a snap of a finger because of a scandal I am part of. And because of me being a Saavedra, my family won’t accept any dishonor in our family. I was forced to marry the man that I secretly liked for a long time. The man that my family treated as their own son, Ambrose Miles Montenegro Miller.
“Dianne, kailan ba uuwi ang asawa mo? Ang tagal na niyang hindi umuwi dito sa Pilipinas!” sabi ni Daddy.
Iyon ang lagi niyang tinatanong sa akin kapag napapadalaw ako sa bahay ng mga magulang ko. Lagi na lang tungkol kay Ambrose ang tinatanong nila sa akin… hindi tungkol sa akin. Simula nang nagawa ko a year ago ay nag-iba na ang tingin sa akin ng mga magulang ko—lalo na ang Dad ko na sobrang close sa akin. At hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin na parang nabawasan na ang pagmamahal ng mga magulang ko sa akin.
“He’s busy at work in Spain, Dad. May tinatapos pa po na project doon si Ambrose. Uuwi po iyon kapag natapos na ang trabaho niya doon,” pormal ko na sagot ni Dad sa kanyang tanong.
Tumango-tango siya at muli siyang napatingin sa kanyang hawak na newspaper. Wala na ulit sa akin ang atensyon niya.
“Ang batang ‘yun talaga… nagmana talaga sa mga magulang, masyadong workaholic. Pati nga si Lara ay hindi mapigilan ang anak eh. I miss my son! Pauwiin mo na ‘yung asawa mo, Dianne,” wika ni Daddy.
Pinilit ko na ngumiti at tumango.
“S-Sasabihin ko po kapag nagkausap ulit kami sa phone,” mahina kong sabi.
Naramdaman ko ang paghawak ni Mommy sa aking balikat kaya napatingin siya sa akin at nginitian ako.
“Pagpasensyahan mo na ‘tong Daddy mo, Anak. Alam mo naman, masyadong malapit ‘tong Daddy mo kay Ambrose dahil nag-iisang anak na lalaki,” sabi ni Mommy sa akin.
Ngumiti ako kay Mommy at tumango. Si Mommy at Daddy na rin kasi ang nagpalaki kay Ambrose noong bata pa ito. Nagkahiwalay kasi dati ang mga magulang ni Ambrose habang pinagbubuntis pa lang siya ni Tita Lara. At dahil walang katuwang si Tita Lara noon sa pagpapalaki sa anak, tinulungan siya ni Dad at Mom na malapit na kaibigan sa Mommy ni Ambrose.
The Saavedra’s and Miller’s are very close family friends because of my parents and Ambrose’s parents. Iyon din ang dahilan kung bakit ako nakasal kay Ambrose kahit na wala naman itong nararamdaman para sa akin.
We’ve been married for a year now, pero parang wala lang… hindi ko nararamdaman na nakasal ako sa kanya. We’re just casual with each other. Sa unang taon na kasal kami ni Ambrose ay parang dalawa o tatlong beses lang kami magkasama sa isang bahay, at magkahiwalay pa ang aming kwarto.
“Don’t assume that I will treat you as a wife, Dianne. We’re just married by law, not by love. I just saved your ass so don’t expect too much.”
Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung ano ang sinabi ni Ambrose sa akin sa unang gabi namin bilang mag-asawa. Nasaktan ako sa sinabi niya, pero naiintindihan ko naman kung bakit niya nasabi sa akin ‘yun dahil nadamay siya sa gulong ginawa ko.
Wala na akong nagawang tama. At dahil sa nagawa kong pagpapahiya sa pamilya ko, this is my karma… ang makulong sa marriage na walang pag-ibig.
“Dad misses you so much, Ambrose,” sabi ko sa kanya habang kausap ko siya sa phone.
Kahit na magkalayo kaming dalawa ni Ambrose, hindi naman pwede na wala kaming communication sa isa’t isa dahil bilang asawa niya, ako ang nagmamanage ng businesses namin dito sa Pilipinas habang wala siya at may mga expenses din kami na binabayaran sa bahay.
“Dianne,” malamig na banggit ni Ambrose sa aking pangalan.
He’s always like this… cold and heartless.
Huminga ako ng malalim at pinipigilan ko ang emosyon ko ngayon habang kausap ko siya.
“N-Nagtataka lang kasi si Dad kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin umuuwi. P-Promise, si Dad ang nagsabi nun… hindi ako,” kinakabahan ko na sabi. Baka kasi hindi na ulit ako kausapin ni Ambrose.
He’s always like this… kapag sinasabi ko kung ano ang nararamdaman ko sa kanya ay umiiwas siya sa akin.
“Just tell Dad that I have important things to do here, Dianne! You know your role as my wife, okay? Do your work there and don’t bother me here,” inis na sabi ni Ambrose sa kabilang linya.
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko mula sa aking mata kaya napahawak ako sa aking mukha at hindi ko mapigilan na makaramdam ng awa sa aking sarili.
Matagal ko nang gusto si Ambrose, pero nang maging asawa ko siya ay mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya kahit na ang lamig ng pakikitungo niya sa akin at wala naman siyang pinapakita na sweetness sa akin. Tama nga ang sinabi nila tungkol sa akin, boba nga ako sa lahat ng bagay—kaya nga ganito ang buhay ko ngayon eh.
Boba ka, Dianne Stephanie Saavedra Miller!
“P-Pero kailan ka uuwi, Ambrose? Ilang buwan ka na kasi nandyan sa Spain eh. Namiss na rin kita,” sabi ko at napakagat ako sa aking labi.
Nasabi ko na rin kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.
Miss na miss ko na ang asawa ko.
Matagal siyang hindi nakasagot sa kabilang linya… parang nag-iisip siya kung ano ang sasabihin niya.
“Uuwi ako diyan next month kaya ‘wag ka nang makulit,” malamig na sabi ni Ambrose at pinatay na niya ang tawag.
Nang sabihin niya iyon sa akin ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng labis na saya dahil sa wakas… uuwi na rin ang asawa ko. Makikita at makakasama ko na rin siya. Makakasama? Baka hindi na naman ‘yun uuwi rito sa bahay namin.
Pero gagawa ako ng paraan. I want our marriage to work. Magdadalawang taon na rin kaming kasal pero parang hindi naman kami mukhang mag-asawa.
I want this relationship to work kahit na napaka imposible dahil hindi lang ako sa simpleng lalaki nakasal. I married the devil billionaire in disguise. And I want to tame the devil in him. I know he has goodness in him. Bata pa lang ay kilala ko na si Ambrose. Mabait siya… pero simula nung pumunta siya sa Spain ay parang nagbago na ang kanyang ugali. Lumamig na ang pakikitungo niya sa akin at sa maraming tao except sa mga magulang niya at magulang ko.
Pero alam ko na babalik din ang kabutihan niya. I will tame the devil billionare that I married. Hihintayin ko ang pagbabalik niya.