TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE
KABANATA 2
DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW.
September 4, 2022 / 8 P.M
Saavedra’s Residence
“IKAKASAL KA na kay Ambrose, anak,” muling sabi ni Dad at inakbayan niya si Ambrose.
Napa kurap-kurap muli ako sa aking mga mata at umiling-iling ako.
“N-No…” mahina kong sabi.
Kumunot ang noo ni Dad at nakita ko na parang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.
“Anong no?!”
“Steven, naguguluhan pa ang anak natin,” wika ni Mommy at nilapitan niya ako.
“Anong naguguluhan sa sinabi ko, Danica? Gaganda muli ang buhay ni Dianne kapag nagpakasal siya kay Ambrose! Kapag kinasal siya sa isang Miller, magiging makapangyarihan siya at hindi na siya kukutyain ng ibang tao nang dahil sa nangyari sa kanya sa nakaraan,” wika ni Daddy na mas lalo kong ikinagulat.
Akala ko ay tapos na ang issue na nangyari five months ago… bakit parang ang fresh pa rin nito para kay Daddy?
“Dad, let Dianne absorb the news first. Kauuwi niya lang sa Pilipinas,” sabi ni Ambrose na nagsalita na rin sa wakas. Akala ko ay hindi na ito marunong magsalita. Pero mas mabuti pang hindi siya magsalita dahil mas naiinis ako lalo.
Hindi siya tutol sa kasal na sinasabi ni Daddy. Papayag lang ba siya na gamitin siya na makasal sa akin? Ano naman ang makukuha niya sa akin? Wasak na wasak na ako.
“I can’t believe you do this to me, Dad,” nasasaktan kong sabi at mabilis akong umalis sa kanilang harapan at patakbo akong pumunta sa aking kwarto.
“Dianne Stephanie!” narinig ko na pagtawag ni Daddy sa aking pangalan pero hindi na ako lumingon pa.
Nang makapasok ako sa aking kwarto ay doon na bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Habang umiiyak ako ngayon ay napatingin ako sa paligid ng aking kwarto ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng lungkot. Akala ko ba ay tanggap na ako ni Dad at hindi na niya ako sinisisi sa gulong nasangkot ko five months ago?
I was the victim there!
Tapos ngayon ay kauuwi ko lang sa Pilipinas ay ipapakasal na niya ako?
At kay Kuya Ambrose pa?
Yes, crush ko si Kuya Ambrose, pero hindi ko na siya kilala. Bata pa lang ako nang huli kaming magkita ni Kuya Ambrose at hindi pa talaga kami close dalawa. Alam ko na hindi lang ito tungkol sa issue ko… matagal na talagang gusto ni Daddy na magkaisa ang pamilya namin sa pamilya nila Kuya Ambrose… ang mga Miller.
Pero hindi naman ito magandang dahilan para ipakasal na lang ako bigla ni Daddy kahit hindi pa naman ako handang magpakasal. Ang dami ko pang pangarap para sa buhay ko. Ang dami ko pang dapat puntahan. Hindi pa ako handang magpakasal.
“Anak? Pwede ba akong pumasok sa kwarto mo?”
Nakahiga ako ngayon dito sa aking kama habang nakatulala na nakatingin sa kisame ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto at ang boses ng aking ina. Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang aking mga luha bago ako magsalita upang papasukin ang aking Mommy.
“You can come, Mom.”
Nang sabihin ko iyon ay bumukas ang pinto at nakita ko si Mommy. Ngumiti siya sa akin at pumasok siya sa loob ng aking kwarto at lumapit siya sa akin. Nang makalapit sa akin si Mommy at umupo siya sa gilid ng aking kama habang nakaharap sa akin ay naupo rin ako habang nakaharap sa kanya.
Hinawakan ni Mommy ang magkabila kong kamay at nakita kong bigla na lang siyang naiyak habang nakatingin sa akin.
“Dianne, I’m so sorry kung nangyari ‘to sayo. Sobrang sakit na makita kang nahihirapan sa buhay ko. Kung pwede lang sana na ilipat sa akin lahat ng sakit na pinapasan mo ngayon… gagawin ko ito, anak…” umiiyak na sabi ni Mommy habang nakatingin siya sa akin.
Naiyak na rin ako ulit sa mga sinasabi ni Mommy dahil pati ako ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang sira na talaga ng buhay ko at naguguluhan ako kung paano ko ito ayusin.
“M-Mommy, hindi ko na po alam ang gagawin ko…” nahihirapan kong sabi.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at seryoso niya akong tinitigan sa aking mga mata at nagsalita siya.
“That’s why trust me and your father this time, Dianne. Alam ko na mahirap… alam ko na nagulat ka sa sinabi namin ngayon na ipapakasal ka namin sa Kuya Ambrose mo, pero iyon lang ang natatanging paraan para malinis ang pangalan mo,” seryoso na sabi ni Mommy habang nakatingin sa akin.
Kumunot ang noo ko at napailing-iling ako dahil naguguluhan ako sa sinabi ni Mom.
“P-Paanong ito lang ang paraan para maging malinis ang pangalan ko, Mommy? I’m not ready to be a wife! Ayoko pa pong makasal.”
Tumango-tango siya at huminga ng malalim.
“We know, anak. Pero sa panahon ngayon… wala nang ibang tatanggap sayo kundi si Ambrose lang. Kapag nakasal siya sa ibang babae, wala nang tatanggap sayo.”
Nang sabihin iyon ni Mommy ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katawan. Atomatikong naglandasan ang mga luha sa aking mga mata ng sabihin niya iyon. Tagos sa puso. Ang sakit… sobrang sakit ng kanyang sinabi.
Inalis ko ang kamay ni Mommy na nakahawak sa aking mukha at masama ko siyang tinignan.
“I-I thought you were different from the others, Mommy? Bakit parang… bakit parang ang dumi dumi ng tingin niyo sa sarili niyong anak?” hinanakit ko na sabi sa kanya.
Nanlalaki ang kanyang mga mata at parang na-realize niya ang kanyang nasabi. Umiling-iling siya at sinubukan niyang hawakan ulit ako pero umiwas ako sa kanya.
“Don’t touch me! Akala ko iba ka kay Daddy, Mommy… pero katulad ka rin niya!”
Humihikbi na ngayon si Mommy at umiling-iling siya.
“D-Dianne, no… mahal na mahal kita. Iniisip lang namin ang future mo—ang buhay mo! Ayaw namin na mag-isa ka lang. Iniisip namin ang kapakanan mo!”
“N-No! Ang iniisip niyo lang ay ang reputasyon ng pamilyang ‘to! The f*cking Saavedra’s reputation! I never wanted to be born in this family! Sana hindi na lang kayo ang naging mga magulang ko—”
Sinampal ako ni Mommy sa aking pisngi ng malakas kaya natigil ako sa aking pagsasalita at napaiyak na lang ako.
Tinignan ako ng masama ni Mommy habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya sa kanyang mga mata.
“Hindi mo alam kung ano ang hirap at sakripisyo ang ginawa namin ng Daddy mo para sayo, Dianne Stephanie. Kung nasasaktan at nahihirapan ka, kami rin! Sa ayaw sa gusto mo, magpapakasal ka kay Ambrose Miles Miller… at wala ka nang magagawa pa ron,” malamig at madiin na sabi ni Mommy at lumabas na siya sa aking kwarto.
Muli akong napaiyak nang malakas at napahiga ako sa aking kama at tinakpan ko ang aking mukha ng unan at doon umiyak ng umiyak.
Sirang-sira na talaga ang buhay ko.
Wala na akong karapatan para magdesisyon para sa sarili ko… dahil kontrolado na ito ng aking mga magulang at kapag kinasal ako kay Ambrose… magiging kontrolado na rin ako sa kanya.
TO BE CONTINUED...