TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE
KABANATA 5
STALKER
DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW.
UMALIS NGA talaga si Ambrose kagaya ng sinabi niya kahapon sa akin ng makapunta kami sa bagong bahay namin. Nang magising ako ay hindi ko na siya makita sa loob ng bahay at nakita ko na lang ang text message niya sa akin na papunta na siya sa Spain. Nalungkot ako ng mabasa ko ang kanyang text message sa akin dahil hindi ko man lang siya nakasama ng matagal. Para naman sana ay mas makapag-usap kaming dalawa… para makamusta ko siya sa naging buhay niya noong nasa Spain siya.
“Wow! Ang laki nga talaga ng bahay niyo, Dianne!” manghang sabi ni Artemis nang mapadalaw siya ngayon sa bahay namin ni Ambrose.
“Oo nga! Infairness, magaling pumili ng bahay sila Mama Danica at Papa Steven,” wika naman ni Athena.
Si Artemis at si Athena ay parehong kapatid ni Ambrose. Kaya ngayon ay sister-in-law ko na silang dalawa. Close ko silang dalawa dahil kasing edad ko lang si Artemis at si Athena.
Nginitian ko silang dalawa at tumango ako. “Ang ganda nga ng bahay eh… malaki, pero malungkot,” sabi ko sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa bago muling napatingin sa akin.
“Kumusta ka, Dianne? Ang pangit naman kasing ka-bonding ni Kuya Ambrose! Katatapos lang ng kasal niyo kahapon, umalis na siya ngayon! Bakit hindi ka sumama sa kanya, Dianne? May bahay naman kami doon sa Madrid eh. Pwede kang manirahan doon sa mansion habang busy si Kuya Ambrose sa work niya,” sabi ni Athena sa akin. Tumango naman si Artemis bilang pagsang-ayon niya sa kanyang kapatid.
“Athena’s right, Dianne. Dapat sinama ka ni Kuya Ambrose papunta sa Spain dahil honeymoon week niyo pa ngayon, Dianne,” wika naman ni Artemis.
Huminga ako ng malalim at malungkot akong ngumiti sa kanilang dalawa.
“A-Alam niyo naman kung bakit ako pinakasalan ng Kuya niyo diba?” mahina kong sabi sa kanila at bahagya akong napayuko.
Lumapit sa akin si Athena at si Artemis at niyakap nila ako.
“We still love you, Dianne. Hindi nagbago ang pagtingin namin sayo,” malambing na sabi ni Artemis at sinigunda naman ni Athena. “Yes! Tama si Artemis, D. We love you! Naniniwala kaming magiing close rin kayo ni Kuya Ambrose at mag wo-work ang relationship niyong dalawa,” wika ni Athena.
Huminga ako ng malalim at tumango ako at bahagyang ngumiti.
Sana nga… sana nga mag work ang relationship naming dalawa ni Ambrose dahil kasal na kaming dalawa.
Inikot nila Athena at Artemis ang buong bahay dahil curious talaga sila sa ibinigay na house and lot ng mga magulang ko sa amin ni Ambrose. Labis na namangha si Artemis sa design ng bahay namin ni Ambrose. Sa pagkakaalam ko ay ang Coleman Construction ang gumawa ng bahay na ito kaya rin siguro maganda ang pagkakagawa.
Pagkatapos mag ikot ng dalawa ay niyaya ko muna siyang mag meryenda kaya nandito kami ngayon sa dining area ng bahay at pinagbake ko rin ng cupcakes.
Habang kumakain kami ngayon dito ay nag chichikahan din kaming tatlo. Kung anu-ano an lang ang napag-uusapan namin, pero ramdam ko na pinipigilan nilang pag-usapan ang nangyari sa akin sa nakaraan at na appreciate ko iyon. Ngayon ay nagtatanong ako sa kanila tungkol sa kanilang Kuya Ambrose dahil sila lang naman ang bukod tanging nakakakilala talaga kay Ambrose dahil kapatid nila ito.
“Si Kuya Ambrose? Hmm, well, he’s masungit! Lagi kaming nag-aaway ni Kuya Ambrose, pero love ko naman siya at love niya rin ako,” nakangusong sabi ni Athena at ngumiti rin siya kalaunan.
Sunod namang nagsalita si Artemis. Ang alam ko ay si Artemis ang pinaka-close ni Ambrose sa kanilang magkakapatid eh.
“Mabait si Kuya Ambrose, Dianne. Sobrang mapagmahal sa kanyang mga kapatid, at lalo na sa magulang. Ang disadvantage lang talaga kay Kuya Ambrose ay ang pagiging workaholic niya,” sabi naman ni Artemis.
Tumango-tango si Athena bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Artemis.
“Super! Times two talaga ang pagiging workaholic niya kaysa mga magulang namin, Dianne. Trabaho lang talaga ang kalaban mo sa atensyon kay Kuya Ambrose.”
“Sana nga hindi na gumawa ng gulo ‘yung Jenelou—”
“Artemis!” pinatigil ni Athena si Artemis sa pagsasalita kaya napakunot ang noo ko at naguluhan.
“Bakit? Sino si Jenelou?” naguguluhan kong tanong sa kanila.
Nakita ko na parang namutla si Athena at pinanlakihan niya ng mga mata ang kanyang kapatid na si Artemis. At si Artemis naman ay napakamot sa kanyang batok at mapaklang tumawa sa akin.
“Uhm…. Dianne, si J-Jenelou… she’s our Kuya’s ex-girlfriend, Jenelou Kim,” sagot ni Artemis sa aking tanong.
Bahagyang kumunot ang aking noo at napatango ako. Sabi ko na nga ba, imposible na walang naging girlfriend si Ambrose. Sa poging niyang ‘yun? Wala siyang boyfriend? Imposible.
“Bakit ex? Matagal na ba silang hiwalay?” tanong ko sa kanila.
“Duh? Syempre kinasal na kayo ni Kuya Ambrose! Pero matagal na talaga sila naghiwalay, lagi lang talagang nakabuntot ang babaeng yun sa Kuya Ambrose namin,” nakasimangot na sabi ni Athena.
“Kaya dapat nandoon ka sa Spain kasama si Kuya eh. Kilalang-kilala pa naman namin ang babaeng ‘yun… sorry sa word pero malandi at social climber talaga siya!” sabi naman ni Artemis.
Na-curious tuloy ako kung sino iyong Jenelou Kim na tinutukoy nila.
“May picture ba kayo niyan? Na-curious tuloy ako sa mukha,” sabi ko sa kanila.
Agad na lumapit sa akin ang magkapatid at inilabas ni Athena ang kanyang phone at agad na hinanap ang social media accounts ng babaeng kinukwento nila sa akin.
“Here! This is Jenelou Kim,” sabi ni Athena at pinakita niya ang social media ni Jenelou kung saan may mga pictures niya.
Habang tinitignan ko ang pictures ng ex-girlfriend ni Ambrose ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng konting inggit dahil napakaganda niya… at ang sexy niya rin. Sigurado ako na maganda ang buhay niya, hindi kagaya ng sa akin na sirang-sira na.
“She’s beautiful…” mahina kong sabi at umiwas na ako ng tingin sa cellphone ni Athena na may mukha ni Jenelou.
“Mas maganda ka pa rin talaga, Dianne!” sabi ni Athena at sumang-ayon din kaagad si Artemis. “Yes! ‘Wag kang mainggit sa babaeng ‘yun, Dianne. Mas maganda ka pa rin doon at hindi ka malandi kagaya niya!” sabi naman ni Artemis.
Malungkot akong napangiti ng sabihin niyang hindi ako malandi.
Mas masahol pa ata ako sa malandi…
Hindi na lang ako nagsalita at nginitian ko silang dalawa.
Makalipas ang ilang oras na pagkukwentuhan dito sa bahay ay nagpaalam na rin ang dalawa sa akin. Aalis na rin kasi si Athena at pupunta siyang Italy para mag ensayo para sa darating niyang runway show.
Nang tuluyan ng makaalis sila Athena at Artemis ay muli akong bumalik sa aking kwarto upang makapag pahinga na. Pero bago ako tuluyan na matulog ay kinuha ko muna ang aking phone at hindi ko alam pero bigla na lang pumasok sa isipan ko na hanapin ang pangalan ni Ambrose sa internet.
Search: Ambrose Miles Miller
Agad na bumungad sa akin ang mga pormal na litrato ni Ambrose para sa kompanya nila. May mga pictures din siya na tumatanggap ng mga awards at lahat ng mga pictures niya ay seryoso lang ang kanyang tingin.
“Hindi ba siya marunong ngumiti?”
Nakita ko ang kanyang IG account kaya pinindot ko ito. Hindi ko maiwasan namamangha sa feed niya dahil ang aesthetic masyado. Walang masyadong mukha si Ambrose sa mga post niya, pero may family picture siya na pinost niya at post ito para sa christmas.
Binasa ko ang caption ni Ambrose sa family picture nila at hindi ko maiwasan na mapangiti dahil ang cute lang.
@AmbroseMilesMiller: Merry Christmas from the Miller Family!
Nakita kong may post siyang nakahubad kaya hindi ko mapigilan na pindutin ito at tingnang maigi.
Akala ko pa naman ay lowkey lang siya rito sa IG niya, pero hindi pala. Hubadero rin pala ang lalaking ‘to.
Habang tinitignan kong maigi ang litrato ni Ambrose ay hindi ko napansin na na-double tap ko na pala ang picture niya at… at… aksidente kong na-like ang kanyang post na nakahubad at kita ang abs.
“OH MY GOD!” napatili ako sa gulat at natapon ko ang aking phone.
Active pa kaya siya sa kanyang IG account?
Shit!
Nakakahiya!
Baka akalain niyang stalker niya ako?! Ahhh! OMG!
Tumunog ang aking phone kaya muli ko itong kinuha at binuksan ko ang aking phone at tinignan kung ano ang nag-notify sa akin.
Napasigaw ulit ako at napatakip ako sa aking bibig ng makita kong finollow na ako ni Ambrose sa aking IG account. At hindi lang ito… nag private message siya sa akin kaya kahit na labis na ang hiya na aking nararamdaman ngayon ay binuksan ko ito at binasa.
Ambrose Miles Miller:
Stop stalking me and sleep now.
Bahagya akong napapikit sa aking mga mata at pinatay ko ang aking phone at hina akong napahiga sa aking kama. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at napatili ako doon.
Nakakahiya!
He’s now thinking that I am his stalker and I hate it!
TO BE CONTINUED...