KABANATA 1

1513 Words
TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 1 DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. September 4, 2022 Manila, Philippines “YOU’RE a disgrace to this family, Dianne Stephanie Saavedra!” namumula ang mukha ngayon ni Dad habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Galit na galit siya sa akin ngayon, at hiyang-hiya rin ako sa aking nagawa. “Steven, kumalma ka… anak mo pa rin ‘yan,” umiiyak na sabi ni Mommy habang inaawat niya si Daddy ngayon. “Kumalma? Danica, sinira niya ang perpektong buhay na pinaghirapan nating ibigay sa kanya!” Umiiyak ako ngayon habang hawak ko ang aking pisngi na sinampal ng malakas ni Daddy kanina. Kaka-discharge ko lang din sa hospital at mamaya ay may pupunta na mga taga Coleman Security Agency upang ma-interview ako. Nasangkot ako sa gulo… pero hindi lang isang simpleng gulo—malaking gulo. Nagising na lang ako na hubo’t hubad at may mga droga na akong mga katabi. Pero alam ko hindi ako gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. I was tricked. I was raped! Masyado akong nagtiwala sa taong buwan ko pa lang nakilala, my boyfriend, Andrew Monasterio, na ngayon ay hindi ko na mahanap. At nagkalat na rin sa iba’t ibang social media accounts ang video naming dalawa na nag se-s*x. Parang sa isang iglap lang… nasira na ang buhay ko. Kung hindi siguro ako sumama kay Andrew sa gabi na iyon ay baka… baka hindi nangyari ‘to. “Kuya Steven, calm down! Walang kasalanan si Dianne sa nangyari sa kanya. She was abused!” sabi ni Tita Samantha at hinawakan niya aj sa aking balikat. Nandito rin ang mga kapatid ni Daddy sa bahay, no, the whole clan of Saavedra are here in our house because of what happened to me. “You’re going to New York, Dianne! Doon ka na muna sa bahay ng Tita Samantha mo. You’re staying there as long as hindi pa nareresulba ang ginawa mong katangahan!” galit na sabi ni Daddy at umalis na siya sa harapan ko. Agad naman siyang sinundan ni Mommy at ako naman ay napahagulgol sa pag-iyak. Naramdaman ko ang pagyakap ni Tita Samantha sa akin at hinagod-hagod niya rin ang aking likod. “I’m so sorry, Pamangkin. Magiging okay rin ang lahat.” Sinamahan ako ni Tita Samantha sa aking kwarto at iniwan niya muna ako upang makapag pahinga ako. Nang makalabas si Tita Sam sa aking kwarto ay doon na ako napahagulhol sa pag-iyak at mahigpit akong napayakap sa aking sarili. Paulit-ulit na nagfa-flashback sa akin ang mga pangyayari ng gabi na iyon kahit na wala na ako masyadong naalala dahil sa aking nainom. Alam ko na hindi lang iyon simpleng alak lang, may nilagay sila na ipinagbabawal na gamot dito upang manghina ako at hindi na makapanglaban pa. Sobrang dumi na ng tingin ko sa aking sarili. Sirang-sira na ako sa pamilya ko at sa ibang tao. Sinira ko ang sarili at ang aking pamilya. “Dianne…” Natigil ako sa aking pag-iyak nang marinig ko ang boses ni Mommy. Napatingin ako sa may pintuan ng aking kwarto at nakita ko siya. Lumapit sa akin si Mommy at nang makalapit siya sa akin ay napayakap ako sa kanya at muli akong napaiyak. Hinagod-hagod niya ang aking likod at muli akong napaiyak. “M-Mommy, I’m so sorry… sorry po sa lahat.” “Wala kang kasalanan, anak. I’m so sorry kung nangyari ‘to sayo. Aayusin natin ‘to, okay? Mahal na mahal kita, Dianne Stephanie,” malambing na sabi ni Mommy at hinalikan niya ang aking noo at niyakap ako ng mahigpit. PINADALA AKO ng mga magulang ko sa New York kung saan may bahay doon ang Tita Samantha ko. Sinamahan ako ni Mommy papuntang New York, pero hindi ako sinamahan ni Daddy. Nag-iba na rin ang pagtrato niya sa akin at ang lamig niya na rin kapag kakausapin ko siya. “Did Daddy hate me, Mom?” tanong ko sa kanya habang nandito ako sa magiging kwarto ko sa New York. Ngumiti si Mommy at hinawakan niya ang aking kamay. “He’s just hurt, anak. Babalik din ang daddy mo dahil mahal na mahal ka niya,” malambing na sabi ni Mommy. Muli akong napaiyak at napayuko. I just want to die. I hate my life. Umalis na si Mommy at bumalik na siya sa Pilipinas dahil kailangan siya ni Daddy doon. Naiwan ako rito sa New York sa pangangalaga ni Tita Samantha. Because of the nightmares that I always experienced every night, napag desisyunan na ipatignan ako sa psychologist. Because of what happened to me, I developed PTSD or Post-Traumatic Stress Disorder. And the doctor was right, until now I can’t get over what happened to me that night. Pabalik-balik siya sa aking utak at hindi ko siya maalis. That’s why ginawa ko ang lahat para lang maging okay ako… para mapatawad ako ni Daddy at ng buo kong pamilya. FIVE MONTHS LATER… “Welcome back to the Philippines, anak!” masayang sabi ni Mommy at niyakap niya ako ng mahigpit. Ako lang mag-isa ngayon na umuwi ng Pilipinas dahil may kailangan pang gawin si Tita Samantha sa New York kaya hindi siya makakasabay sa akin. “Welcome back, Ate Dianne,” nakangiting sabi ng aking kapatid na si Stella. Napatingin ako sa paligid pero hindi ko nakita si Daddy kaya napatingin ulit ako kay Mom. “W-Where’s dad, mom?” tanong ko sa kanya. Hilaw na ngumiti si Mom sa akin at hinaplos niya ang aking pisngi. “H-He’s in our home right now, anak. Hindi na siya nakasabay sa pagsundo sayo rito dahil may importante pang ginagawa ang Dad mo. Pero he’s excited to see you again!” sabi ni Mommy habang nakangiti, pero hindi ako ngumiti pabalik kasi alam ko ang totoo. Hindi pa rin ako napapatawad ni Dad sa nangyari sa nakaraan. Limang buwan na ang nakalipas simula ng mangyari ang nakapabago sa buhay ko. Pero muli akong bumangon… naging matatag ako nang dahil na rin sa tulong ng pamilya ko lalo na kay Tita Samantha na hindi ako pinabayaan at ni Mommy. And I waited for this moment to happen—ang makabalik ulit sa Pilipinas at makita ko ulit si Daddy. “Sigurado ako na matutuwa ang Daddy mo pag nakita ka niya, anak,” nakangiti na sabi ni Mommy habang nakakapit siya sa aking braso. Papasok na kami sa bahay ngayon at hindi mawala ang aking ngiti at sobrang excited na akong makita si Daddy. Pero nang makapasok kami sa bahay ay natigilan ako nang makita ko kung sino ang kasama ngayon ni Daddy at katabi niya. Si Ambrose! “Nandito na si Dianne!” sabi ni Mommy. Ngumiti naman si Daddy at lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. “Welcome back, my daughter! I missed you, anak,” sabi ni Daddy at hinalikan niya ako sa aking pisngi. Hindi ako makapag focus ngayon kay Daddy dahil nasa kay Ambrose pa rin ang tingin ko. Ilang taon ko na siyang hindi nakita. Huling kita ko sa kanya ay noong 16th birthday ko pa. Ngayon ay 24 na ako kaya sobrang tagal na talaga simula nang magkita kaming dalawa. “Ambrose, anak!” lumapit si Mommy kay Ambrose. Nagmano si Ambrose kay Mommy at niyakap niya ito. “H-Hello, Dad. I missed you rin po,” sabi ko kay Daddy at ngumiti ako sa kanya. Ngumiti si Dad sa akin at inakbayan niya ako at iniharap niya ako kay Ambrose ngayon. Nakatingin na rin sa akin si Ambrose at hindi ko maiwasan na kabahan dahil ibang iba na siya. Nakakatakot at nakakakaba ang tingin niya ngayon. Kamukhang kamukha niya na rin talaga ang Daddy niya na si Tito Adler. “K-Kuya Ambrose, ikaw pala ‘yan,” bati ko kay Ambrose. Five years ang gap naming dalawa kaya nagkukuya ako sa kanya. “Dianne, dahil nandito ka na… ito na rin ang tamang panahon para malaman mo ang totoo,” sabi ni Dad kaya muli akong napatingin sa kanya. Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Daddy at nakaramdam ako ng sobrang kaba. “A-Ano po?” “Steven, sasabihin na ba natin? Kararating lang ng anak natin,” sabi ni Mommy na nasa tabi pa rin ni Ambrose ngayon. “Bakit pa natin ipapatagal kung nandito na rin naman ang anak natin, Danica?” sabi ni Dad at nakita kong napatango rin si Ambrose bilang pagsang-ayon sa sinabi ng Dad ko. Ano bang nangyayari? Anong sasabihin ni Dad? “W-What is it, Mom, Dad? Sabihin niyo na.” Humarap sa akin si Daddy at seryoso na ang ekspresyon niya ngayon sa mukha. “Dianne, you’re going to marry Ambrose and your wedding will be in two weeks from now,” sabi ni Dad na ikinagulat ko nang sobra. “W-What?!” Napatingin ako kay Ambrose upang humingi sana ng tulong sa kanya, pero wala akong nakuha. Sobrang lamig niya. Hindi siya nagsasalita… at parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Daddy. Ikakasal ako kay Ambrose Miles Miller?! Sa… sa longtime crush ko? TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD