“Ma, Pa, ingat po kayo sa pag-uwi niyo. Miss na miss na po namin kayo ni Connor.”
Pauwi ang mga magulang ko galing sa isang buwan na bakasyon sa hacienda.
Mukhang pag-uwi nila ay marami na naman silang kwentong dala.
Kung isang linggo lang ay magiging topic namin sa kwentuhan ang mga naranasan nila sa hacienda.
Marami rin nga silang nakilala at naging bagong kaibigan.
Naranasan daw nila mamitas ng mga bunga dahil halos abot kamay lang daw ang mga prutas gaya ng mga mangga.
Nag boddle fight sila kasama ang lahat ng mga trabahador ng hacienda.
Naligo raw sila sa ilog na may mataas na waterfalls at sobrang linaw daw ng tubig.
Ang saya ng mga magulang ko.
Hindi ko matatawaran ang saya na naramdaman nila sa probinisya kaya nanghihinayang ako na hindi ko nakita kung paano gumuhit ang mga ngiti sa kanilang mga labi at maging ang masayang tunog ng kanilang mga tawa.
Panatag naman akong nasa mabuti silang kalagayan dahil doon nila pinadala ang kaibigan kong si Samuel.
Si Samuel na nagliligtas sa akin noon kamay malupit na kamay ni tito ni tita.
Nakasulubong ko siya sa daan habang tumatakbo ako at umiiyak dahil hinahabol ako ng tito ko para paluin gamit ang pingga ng taho.
Ito ang kahoy na linagsasabitan ng mga balde ng tindero ng taho.
Itinago ako ni Samuel para hindi ako makita ni tito na noon ay galit na galit dahil wala akong nautang sa tindahan ng utusan niya ako dahil sobrang haba ng listahan at hindi na siya makapagbayad.
Kapag ganub ang eksena ay ang bahay ni Samuel ang takbuhan ko. Nakatira siya sa ilalim ng tulay malapit lang din sa kung saan kami nakatira
Kaya noong inampo na ako ng mga magulang ko ay kinuwento ko ang tungkol kay Samuel at hiniling ko na sana mabigyan siya ng permanenteng trabaho at dahil nga trabahong probinsiya ang alam niya kaya dinala siya sa hacienda.
Ulila rin si Samuel sa magulang at laking probinsiya. Kaya siya nakaluwas sa lungsod ay sumama siya sa isang kaibigan para makipagsapalaran para kumita ngunit niloko siya at tinangay ang kanyang lahat na pinagpaguran.
Nakarating na ako ng hacienda dati ng ipakita nga ng mga magulang ko ang lugar at si Samuel nga ang pinagkatiwalaan nila sa pamamahala sa lugar dahil maraming alam sa paghahayupan at trabahong bukid si Samuel na hindi naman talaga sila binigo.
Napamahalaan ni Samuel ang hacienda sa tulong na rin ng mga trabahador doon.
Sa tuwing may inaani sa hacienda ay lumuluwas si Samuel para maghatid dito sa bahay.
Mapagkakatiwalaan din si Samuel sa kinikita ng hacienda dahil kahit hindi naman trabahong bukid ang alam ng mga magulang ko ay alam nila ang mga lumalabas at pumapasok ng pera.
At ayon nga kay Mama at Papa ay lagpas sa inaahan nilang kikitain ng hacienda ang ibinibigay ni Samuel sa kanila.
Sa susunod na bakasyon ay yayain ko silang magtungo kami roon para maranasan din namin ni Connor ang mga naranasan nina Mama at Papa.
Matagal ko na rin pangarap ang manirahan sa ganung klase ng lugar sa tulad kong lumaki sa ingay, masikip at mabahong lugar.
May ilog sa squatter ngunit mas matatawag na malaking estero kaysa ilog.
Punong-puno ng basura at kung anong mga dumi. Dumi ng tao, hayop.
Nakakasulasok na ang amoy ng mga usok na galing sa sasakyan at sa mga naglalakihang planta.
“Ma, bakit ang tagal naman nina Lolo at Lola? Akala ko po ba ay malapit na sila?” ang naiinip na tanong ni Connor na nakatingin sa labas ng bahay.
Narito na kami sa bahay ng mga magulang ko.
Sabik ko na rin na makita sila at makasama kaya nagmamadaling bumiyahe na kami ng anak ko para salubungin sila.
Napatingin ako sa malaking wall clock sa bahay ng mga magulang ko.
Dapat nga ay kanina pala sila nakarating dito sa bahay dahil ang huling tawag ni Mama ay nakalabas na sila ng probinsiya.
“Baka na traffic lang ang Lolo at Lola mo, Connor. Maya-maya ay nariyan na sila. Miss mo na sila, ano?” tanong ko sa anak ko na mahal na mahal ang Lolo at Lola.
“Sabi po ni Lola marami raw po sila pasalubobg, Ma. May mga fresh fruits pa po na sila ang nanguha ni Lolo,” kwento ni Connor.
“Ma, sana next time makapunta rin po tayo sa hacienda. Hindi po ba doon nakatira si tatay Samuel?”
Tumango ako.
“Oo, anak. Naroon si Tatay Samuel at siya ang lahat ng nag-aalaga sa mga hayop at halaman sa hacienda.”
Tatay Samuel ang tawag ni Connor kay Samuel dahil iyon ang gusto niyang itawag sa kanya ng anak ko.
“Hayaan mo at sa bakasyon mo ay yayakagin natin ulit sina Lolo at Lola para magbakasyon tayo sa hacienda. Patuturuan kitang sumakay ng kabayo at kalabaw kay Tatay Samuel mo. Hahayaan din kitang umakyat ng mga puno para makapitas ng hinog na prutas.” Ang sabi ko pa sa anak ko.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko.
“Heto na ang Lola mo,” sabi ko kay Connor a sinagot ko na ang tawag.
“Ma'am, kamag-anak po ba kayo ng may-ari ng cellphone na ito?”
Boses lalaki ang nagtanong gamit ang cellphone ni Mama.
“Sino ka? Bakit gamit mo ang cellphone ng Mama ko?”
Ngunit ang mga sinabi niya sa akin ay nagpadurog ng puso ko.
Nagpahinto ng paghinga ko at nagpaguho ng mundo ko.
“Anong pinagsasabi mo? Prank joke ba ito? Anong aksidente? Kausap ko lang ang mga magulang ko kanina kaya anong pinasasabi mo!” sigaw ko sa kausap ko.
“Ma'am, magmadali na po kayong magpunta sa ospital na sinabi ko bago pa mahuli ang lahat. Delikado ang lagay ng mga magulang niyo at baka hindi na nila kayanin pa.”
Nagtatakbo ako palabas ng bahay at agad nagpahatid sa ospital kung saan daw dinala sina Mama at Papa.
Nasangkot daw sa car accident sina Mama at Papa at ngayon ay nag-aagaw buhay.
Nanginginig na ako sa takot.
Hindi na ako makahinga sa sobrang takot na baka mamaya ay iwanan lang ako ng mga magulang ko ng ganun na lamang.
Nagtatakbo rin ako sa loob ng ospital at hinanap agad kung nasaan ang mga magulang ko.
“I'm sorry, Miss Chiu, ginawa namin ang lahat para maligtas ang mga magulang mo pero hindi na nila talaga kinaya. Naghahanda pa lang kami para sa kanilang agarang operasyon pero hindi na talaga umabot. May mga internal bleeding sila at idagdag pa na mahina na talaga ang katawan nila dahil sa kanilang edad. Condolene, Miss Chiu,”
Hinawakan ko sa kanyang kwelyo ang lalaking doktor na humawak sa mga magulang ko.
“Anong pinagsasabi mo, doc? Anong sinasabi mo? Sinasabi mo ba na wala na akong mga magulang? Sinasabi mo na wala na sina mama at papa, ha?” mga tanong ko sa doktor na malungkot na nakayuko.
“Hindi totoo yan, doc! Kanina lang kausap ko pa sila! Kanina lang masaya pa silang nagsabi na hintayin namin sila ng apo nila sa bahay. Kaya anonv sinasabi mo? Hindi totoo yan! Huwag mong sabihin na pata sina Mama at Papa! Huwag!” paghehesterikal ko na.
Napaluhod na rin ako habang umiiyak sa harap ng doktor.
“Please, doc, please! Buhayin mo ang mga magulang ko! Buhayin mo sina Mama at Papa!” pagmamakaawa ko pa.
Kahit hinang-hina ako ay naglakad ako para puntahan ang mga magulang ko.
Sa pinto pa lang kung saan bumungad sa akin ang dalawang bangkay na magkahiwalay ng kama na pareho ng nakatalukbong ng puting kumot ay nagwala na ako.
Nagsisigaw na ako ng hindi ito totoo.
Panaginip lang ang lahat!
Isang masamanga bangungot!
“Ma, Pa, gising. Gumising kayo parang awa niyo na. Gumising kayo, Ma, Pa,” tawag ko sa mga magulang ko
“Bakit ang dali naman? Bakit ang dali niyo akong iniwan? Hindi ba at aalagaan ko pa kayo hanggang sa hindi na talaga kayo makalakad? Ako pa ang mag-aasikaso sa sainyo kapag dumating ang panahon na iihi na kayo sa kama niyo? Hindi po ba, Ma, Pa?”
“Pero ano to? Bakit naman sabay pa kayo? Bakit iniwan niyo ako?” hagulgol ko habang nasa pagitan ng dalawang kama at niyakap ang dalawang bangkay.
“Mama! Mama!” ang tawag ko habang mahigpit na yakap ang katawan ng Mama ko na masayang-masaya pa kanina habang kausap ko.
“Pa! Papa! Ano ka ba naman? Sabi mo hindi ka mamamatay hanggat hindi pa binata si Connor? Bakit ngayon na wala pa na nga siyang sampung taon ay iniwan mo na kami? Papa!” at niyakap ko rin ng mahigpit ang katawan ng mabait kong naging ama.
Paano na ako ngayon, Ma, Pa?
Sino na lang ang magiging kakampi at sandalan ko na naman?
Wala na naman akong mga magulang.
Sa ikalawang pagkakataon sa buhay ko ay naging ulila ako.
Iyak ako ng iyak.
Halos panawan na ako ng malay sa sobrang sama ng loob sa nangyaring biglaang pagkawala ng mga magulang ko dahil sa isang iresponsableng tao.
Dahil naalis ang mga kumot na nakatakip sa kanila ay nakita ko kung paanong hirap ang dinanas nila bago sila mawala.
Naliligo sila ng sariling dugo.
Ang daming sugat sa buong katawan nila kaya lalong hindi ko matanggap na ang dalawang mabait na tao ay nauwi sa ganitong kalagim na kamatayan.
Ayon sa report ay nabangga raw ng rumaragasang pick up truck na nawalan ng preno ang sasakyan ng mga magulang ko.
Nakakulong na raw ang driver ng pick up truck.
Kaya lalo akong nagagalit.
Kung sino ang iresponsable na hindi muna chine-checkes ang sasakyan bago bumiyahe ay siya pang nabuhay samantalang ako ay nawalan ng dalawang mahalaga sa buhay ko.
Nakakagalit na kahit isa ay walang tinira sa akin ay inagaw na lang basta.
Hindi ko pa kayang harapin ang driver na nakapatay sa mga magulang ko dahil baka mapatay ko na rin siya.
Kulang ang buhay niya para maging kabayaran sa dalawang buhay na inutang niya sa akin.
Sa bahay ko binurol ang mga magulang ko.
Batid ko na mas nais nilang ilagi ang kanilang natitirang araw sa mundo sa bahay nila.
Dagsa ang mga tao unang gabi pa lang ng lamay.
Halo-halo.
May mayayaman at mga simpleng mamamayan.
Dumating agad ang mga mukha na parati ko ring nakikitang kasama ng mga magulang ko.
May mga babaeng seniors na bigla na lang akong niyakap ng mahigpit sa pakikiramay sa pangungulila ko.
Sa mga empleyado ang mga taong natulungan ni Mama at Papa ramdam ko ang tunay na diwa ng pakikiramay dahil siguro tulad ko na galing din sa wala.
Ang mga bisita na galing na mga alta ay pamilya ni Santi ang sumasalubong.
Mabuti na lang at marunong makisama ang mga kasambahay sa bahay. Dahil hindi ko kaya na salubungin ang lahat ay nagsasabi na silang sila na raw ang bahala at maupo lang ako sa tabi ng mga magulang kong nasa loob na ng kabaong nila.
“Ma, Pa, ang ganda at pogi niyo. Parang natutulog lang kayo sa ayos niyo. Talagang naghanap ako ng magaling na make up artist para sa ayusin ang make up niyo dahil alam ko na mas nais niyong haharap kayo sa mga bisita niyo na maayos ang damit, buhok at mukha niyo,” bulong ko sa mga magulang ko.
“Halos narito na po ang lahat ng mga kaibigan niyo. Dinalaw na po kayo. A dagsa po ang pagdating ng mga taong natulungan niyo noong nabubuhay pa kayo. Siguro hindi niyo na sila tanda ano? Pero sila, tandang-tanda kaya ngayon ay narito sila para makita kayo kahit sa huling pagkakataon.” Dagdag ko pang sabi sa mga magulang ko na habang buhay kong pasasalamatan.
Maging sa kabilang buhay ay aalalahanin ko kung paano sila ng naging mabuti sa buhay ko sa kabila ng hindi naman kami magkaanu-ano.
Sinabihan ko si Connor na siyang magbatay muna sa kanyang Lolo at Lola dahil gusto kong uminom ng maligamgam na tubig.
“Amiga, ang anak mo ng si Santi ang siyang hahawak ng kumpanya ng mga biyenan niya, ano?”
Nawala ang antok ko sa narinig na tanong ng isang babae.
“Wala namang ibang pagpipilian dahil wala naman talagang iba. Alangan naman si Carmencita na wala namang alam? Kailan lang natutong magsulat ng pangalan at magbasa ang babaeng yon,” ang mapang insultong sagot ng biyenan kong babae.
“Pero kailangan maging mabait ka pa rin sa manugang mo, amiga. Huwag mong kakalimutan na siya pa rin ang legal na anak kahit pa ampon lang siya ng mga yumao. Sumalangit nawa ang mga kaluluwa.”
“Mahina ang utak niyang manugang ko. At saka, lalaki ang anak ko at mag-asawa sila kaya kung anong maiiwan sa babaeng yon ay siya rin na pag-aari ng anak ko.”
Napabuga ako ng hangin sa akin ilong sa narinig.
“Kapag nagkataon ay bilyonarya ka na, amiga. Sa daming assets ng mga balae mo ay talagang buhay reyna ka na.”
At nagtawanan pa ang mga walang hiya.
Ang kakapal ng mga mukha na pag usapan ang mga pag-aari ng mga mga magulang ko habang iniinsulto ang pagkatao ko.
“Hindi ba at mga major stockholders ang mag-asawang Chiu sa halos lahat ng mga malalaking kumpanya dito sa metro manila maging sa ibat-ibang bansa na nagpapasok ng milyon dollars sa bansa. Ang alam ko ay may share din sila sa isang international airlines, mga sikat ba hotel and restaurants at marami pang iba.”
Hindi na ako nagtataka na alam nilang lahat dahil malamang na kinalkal nila ang lahat sa mga magulang ko.
“Hindi lang yan. May malaking hacienda sila kung saan nga sila galing at nagbakasyon. Malawak daw ang lupain yon at malaki din ang na invest nila. Doon ko balak na magbakasyon pagkatapos ng libing nila.”
Tumaas ng kusa ang isa kong kilay sa sobrang kakapalan ng mukha ng nanay ni Santi.
Nang-aangkin na sila ng hindi naman sa kanila porke alam nilang hindi ako nag-aral at walang alam.
“Pagkatapos ng libing ay ipapatawag ang anak ko at si Carmecita ng abogado para sa kayamanang mga naiwan. Excited ko ng malaman kong gaano kayaman ang mga Chiu na mapupunta na sa amin. Huwag kayong mag-alala at kahit saan ako magtungo ay kasama ko kayo. Mapabakasyon sa kung saan maging sa labas pa ng bansa dahil si Santi ang mag-aahon sa amin sa hirap.”
Kukuha lang talaga ako ng mainit na tubig ngunit nagtimpla na ako ng kape. Pinakapait ko para kabahan naman ng konti ang makakainom.
Ang kapal ng mga mukha na asamin ang magandang buhay ng wala naman silang mga karapatan.
“Siyanga pala, amiga. May viral video ngayon ng isang babaeng kabit. Napanood mo na ba? Parang kamukha kasi ni Desiree iyong girlfriend ni Santi?” mahinang tanong sa biyenan ko.
“Hindi siya yon. At huwag ka ngang nagbabanggit dito at baka may makarinig.” Saway ng nanay ng asawa ko.
“Mabuti naman kung hindi siya kasi sobra iyong ginawa ng legal wife. Binugbog ng todo, sinunog pa ang mukha ay hinubaran pa sa maraming tao.” Kwento pa ng amiga ng nanay ni Santi.
Doon na ako humarap para ibigay sa kanila ang mga kape na tinimpla ko.
“Ma, kape na muna kayo ng mga amiga mo at masyado yatang masarap ang kwentuhan niyo.”
Gulat silang lahat ng makita ko sa harap ng lamesa nila.
“Salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa.” Natatarantang kilos ng biyenan ko ba kumuha ng kape ngunit umakto akong nahilo at tinabig ang kape nya.
“Aray! Ang init! Ang init!” sigaw niya dahil tumapon ang mainit na kape sa dibdib niya.
Hindi malaman ng nanay ni Santi kung paanong tatalon sa init ng kape.
“Sorry, Ma. Nahilo po kasi ako,” sabi ko ngunit sa loob ko ay nagdiriwang ako.
“Buti nga sayo. Dapat lang sayo na ngayon pa lang ay mag practice ng masanay sa init dahil nakakatiyak akong mas mainit sa impyerno,” bulong ko sa isip ko.