Nagkaharap kami ni Desiree at ng mga kasama niya sa police station na pinaunlakan ko naman ng imbitahan ako ng pulis na naabutan pa ako na nasa park.
“Ikulong niyo ang babaeng yan! Siya ang gumawa nito sa amin lalo na kay Desiree!” duro ng kaibigan ng kabit ng asawa ko sa police na kinakausap kami
Ako naman ay tamang nakaupo lang at relax na relax at pinakikinggan ang kanilang kanya-kanyang kwento kung paano ko sila sinaktan.
Napapatingin pa sa amin ang ibang tao sa paligid dahil mukhang ayaw maniwala sa paratang sa akin na kaya kong bugbugin ang tatlong babae na inirereklamo ako sa kasalukuyan.
“Sir, dapat lang na ganyan ang inabot nila dahil sa ginawa nila sa anak ni Ma'am. Pinahiya nila ang bata at binatukan pa. Kaya ang kapal ng mga mukha ng mga babaeng yan para magreklamo na sila naman ang nauna. Walang nanay na papayag apihin ang anak kaya tama lang ang ginaw ni Ma’am,” pati ang yaya na nagmasalakit sa anak ko ay sumama para maging testigo.
“Shut up! Nabayaran ka siguro ng babaeng amazona na yan, kaya ganyan mo siyang ipagtaggol!” gigil na paratang ng isa pang babae.
Nahihirapan ng magsalita si Desiree kaya hindi maipagtanggol ang sarili. Basag talaga ang nguso niya at ewan ko na lang din kung hindi nalagas ang mga ngipin niya
“Huwag mo nga akong mashatap-shatap babaeng kulang sa aruga! May hawak kaming ebidensya sa ginawa niyo sa anak ni Ma'am kaya humanda kayo!”
Sa narinig ay nagkatinginan ang tatlo at tila na natakot ng marinig ang salitang ebidensiya.
Napangisi ako dahil alam nilang talong-talo sila may ebidensiya man o wala.
“Mga miss, totoo ba na may bata kayong pinahiya ay binatukan? Child abuse ang tawag sa gawaing yon at kung malakas ang ebidensiya laban sa inyo ay kailangan niyo itong pagbayaran,” saad ng police sa tatlong babae na mga nalunok na yata ang dila.
“Sir, matagal pa ba mga katangungang ito? Nasa kotse ang anak ko at naghihintay sa akin. Na-trauma pa ang anak ko dahil sa ginawa ng tatlong babaeng yan kaya ako ang dapat na magsampa ng kaso laban sa kanila. Kahit ubusin ko ang bilyon kong pera sa bangko ay gagawin ko masiguro lang na mabubulok ang tatlong yan sa bilangguan. Maraming saksi ang magpapatunay sa ginawa nila sa anak ko.” Ang maanghang kong pahayag.
Kung tunay na nababayaran ang batas ay handa akong maglabas ng kahit magkano para matapos lang ang diskusyunang ito para makapagpahinga na kami ng anak ko.
Saktong pagtayo ko sa bangko kung saan ako matagal na nakaupo ay ang pagdating ng asawa ko na nakatingin na sa nakakaawang sinapit ng kanyang kabit.
“Bakit natitigilan ka yata? Lapitan mo na ang kabit mo. Kawawa naman at tingnan mo, basag ang nguso at may sunog pa ang mukha. Bali-bali rin ang tadyang niyan kaya damayan mo na,” pambubuyo ko pa sa asawa ko na hindi makapagsalita.
Siyempre dahil maraming tao.
Hindi niya ako pwedeng awayin sa harap ng lahat lalo na ang saktan ako.
“Umuwi na tayo,” ang madiin niyang utos at saka ako mahigpit na hinawakan sa aking braso.
“Kung balak mo akong saktan at pagbuhatan ng kamay ay mag-isip ka ng mabuti. Kantiin mo lang ako at ang anak ko ay sisiguraduhin ko na mabubulok sa kulungan ang kabit mo,” banta ko kay Santi na gigil na gigil ng saktan ako.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka ko siya nilampasan.
Pagdating sa bahay ay panay lang ang pagdadabog ng malakas ng asawa ko at halos magbasag siya ng mga gamit pero natakot sa pagbabanta ko na mabubulok sa kulungan ang kabit niya.
Hindi ko naman talaga sila bibiruin.
Kilala niya naman ako at nakita niya ang mukha ng kabit niya at mga kasama nitong babae na napakadali ko lang na natumba.
“May araw ka rin sa aking babae ka!” banta sa akin ni Santi kinabukasan nga ng makita akong prenteng nagluluto sa kusina na parang walang nangyari.
“Kumain ka muna ng almusal. Huwag kang mag-alala at wala namang lason ang lahat ng mga niluto ko.” Alok ko pa dahil wala siyang balak na maupo sa dining table at saluhan kami sa pagkain nh almusal.
“Ang galing mo rin, ano? Paano ka nakakagawa at relax na relax gayong may tao kang muntik pinatay? Ganyan ka ba talaga? Unti-unti na bang nagpapakilala ang ugaling squatter mo kahit maingat mong tinatago? Hindi mo na ba talaga maikubli kaya kusa ng lumalabas?” mga paratang ni Santi ngunit nanatili akong nakangiti.
“Ikaw naman, parang pinitik ko lang ang kabit mo ay makaparatang ka ng muntik ko na siyang pinatay. Kung gusto ko talaga siyang patayin ay sana kinuha ko ang kutsiyo sa isa sa mga food cart at sinaksak siya sa kanyang lalamunan dahil naiirita na ako sa tili niya. Ang kaya sakit sa tainga.” Ang sabi ko sa asawa ko.
“Nakita mo iyong kanang bahagi ng mukha niya? Sunog ano? Bagay sa kanya ang stripe na design. Dapat siguro ay ginawa ko rin sa kabilang pisngi niya para naging pantay.” Pang-aasar ko pa kay Santi.
“Matapang ka lang na babae ka dahil maraming pera ang mga umampon sayo. Pero kung wala ka lang kayamanan ay ako mismo ang magpapakulong sayo kahit asawa pa kita.”
“Hindi rin.” Ngisi ko pa at pagsalungat sa sinabi niya.
“Mas worst nga ako noong wala pa akong pera eh. Kailangan kong maging matapang para mabuhay. Ang bait ko na nga ngayon kung tutuuisin lang. Sobrang bait ko dahil gusto kong maging perpekto sa paningin ng mga umampon sa akin, sa anak kong mahal at sa paningin ng asawa ko.”
“Ang kaso lang ay may limitasyon ang bait-baitan ko. At nasagad kahapon ng kabit mo. Pasalamat siya at nakatayo at nakalakad pa siya pero kung nagkataon na hindi ko napigilan ang sarili ko ay baka nga napatay ko nga siya.” Kaswal ko lang na wika na parang nagkwento lang sa isang kaibigan ng tungkol sa tsismis.
“Gusto mo bang magkwento pa ako ng mga nagawa ko? May sinaksak ako sa kamay dahil hinupuan ako. May tinusok ko ang mata dahil binosohan ako. At marami pang iba. Pero lahat ng mga ginawa ko ay hindi ako ang nauna. May mga tao kasing mapang-abuso sa kabaitan ng iba. Akala nila dahil pinagbibigyan sila ay okay lang. Pero ang totoo ay namumuro na.” Sabay tingin ko sa mga mata ng asawa ko.
“Anong klase kang tao? Baliw ka ba? Mamamatay tao ka ba?” mga tanong pa ng asawa ko.
Bahaw akong natawa.
“Kung baliw at mamamatay tao ako ay malamang na nasa loob ako ng kulungan ngayon dahil wala naman akong impluwensiya noon.” Ang tugon ko.
“Wala kang kwenta!” bulyaw sa akin ng asawa ko at saka niya hinawi lahat ng mga pagkain sa lamesa.
Hindi niya ako magagawang saktan kaya mga bagay na lang ang pinagbubuntunan niya ng galit.
Kagabi lang ay nagkalat na social media ang mga video ng iba't-ibang anggulo ng away namin ni Desiree pero mabilis na naagapan ng mga binayaran kong i.t experts para burahin lalo na ang mga kita ng buo ang mukha ko. Utos ko sa kanila na itira ang mga video na bukod tanging si Desiree lang ang nakikita.
Pinasa pa nga sa akin ng isang i.t expert ang isang video kung saan si Desiree lang talaga ang makikita.
Pinahanap ko rin ang uploader na kumuha para gantimpalaan sa satisfying na pagkuha niya ng kung paano ko kinawawa ang isang kabit.
At dahil nga mabait ako, pinasa ko rin sa asawa ko ang video para makita niya kung paanong ang kabit niya ay inapi ng legal niyang asawa.
Pinakalat ko sa iba't-ibang platform ang video ni Desiree para mas masaksihan ng iba pang mga tao ang nangyari sa kanya.
Siyang-siya ako sa mga nababasang comment.
“Ganyan ang mga ginagawa sa kabit!”
“Kulang pa nga yang ginawa ng legal wife! Kung ako yan ay itatali ko pa at ipapakaladkad sa kabayo habang may karatulang na nagsasabing kabit ako huwag tularan.”
“Kung ako yan hindi lang mukha ang iihawin ko! Kasama ang p*ki niya para matanggal ang kati!”
Tawa ako ng tawa ng biglang tumunog ang cellpone ko.
Si Santi.
“Ano? Napanood mo ba? Ang satisfying ng action moves ano? Hindi scripted yan. At walang cut,” natatawa kong sambit sa kabilang linya.
“Baliw kang babae ka! Sinong inutusan mo para mag upload ng video sa social media? Ipatanggal mo ito!” gigil ng gigil na utos ni Sani kaya lalo akong nagtatawa.
“Bakit ko naman ipatatanggal? Ang ganda kaya ng pagkakakuha ng video dahil tanging si Desiree lang ang nakikita. Grabe pala ang pag-cheer sa akin ng mga tao sa paligid ano? Ganyan talaga ang buhay. Ang legal na asawa ang kakampihan ng madla habang ang higad na kabit ay salot sa paningin nila.” Pang-iinsulto ko pa kay Desiree.
“Taggalin mo ang video, Carmencita!”
Isang malakas na tawa ang sinagot ko kay Santi.
Bakit ko tatanggalin?
Namnamin ni Desiree ang pagpapahiya ko sa kanya nationwide at baka umabot pa nga worldwide.
Ginawa niyang kawawa at katawa-tawa si Connor kaya nararapat lang na hiyain ko ang nang-api sa anak ko.
Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ng mga comments sa video ni Desiree ng tumunog ang doorbell.
Tumawag sa telephone number ang guard na nagbabantay ng gate at pinaalam na si Madam Cheng at ang mga anak niyang babae ang dumating.
Maya-maya ay nakaharap ko na nga ang biyenan kong babae at ang dalawa kong hipag.
“Napaka simple lang talaga ng ayos ng bahay niyo, Carmen. Hindi ka man lang mag hire ng magaling na interior designer para magkabuhay itong loob ng bahay niyo.” Ang komento ng nanay ni Santi.
“Ma, mas gusto ko po ang ganito ang ayos ng bahay ko. Ayoko ng masyadong magamit,” ang siyang sagot ko.
Alam na alam mong mga plastic ang mga bisita ko dahil sa pag-ikot ng mga mata nila sa paligid.
At sa halip na itanong kung nasaan si Connor at kamustahin ay anu-anong pinapakialaman nila.
“Ano ho bang atin, Ma? May kailangan po ba kayo?” tanong ko na.
Nagkatinginan silang tatlo.
“Carmen, tungkol ito kay Santi sa asawa mo. Tumawag kasi siya sa akin kanina at balisang-balisa. Ayaw mo raw kasing sumunod sa utos niya kaya hindi siya mapakali at makapagtrabaho ng maayos kakausip.” Pahayag ng biyenan ko.
At humingi pa pala ng resbak ang magaling kong asawa.
Anong akala niya? Matatakot ako sa nanay at mga kapatid niya?
“Iyon po ba? Konting hindi pagkakaunawaan lang po iyon sa pagitan naming mag-asawa. Nakakahiya na nagsumbong pa pala siya sa inyo na matanda na kami pareho,” nilangkapan ko ng inis ang aking boses.
“Ate kung konting hindi pagkakaunawaan ay bakit nagkakaganun si Kuya? Hindi kaya may nagawa kang malaking kasalanan? “ si Ayin.
Natawa ako na labas sa ilong.
“At ako pa ang nakagawa ng malaking kasalanan? Anong kasalanan namang kasalanan? Bakit kaya hindi si Santi ang pinuntahan niyo at dinamaya? At saka, hindi ba at may sarili na kaming pag-iisip na mag-asawa? Kung hindi kinakaya ni Santi ang konting problemang mag-asawa ay paano niya babalikatin ang malaking responsibilidad sa kumpanya?” tanong ko sa tatlong babaeng nasa harap ko.
Hindi ako naniniwala na hindi nila alam ang tungkol kay Desiree dahil nga matagal na ang relasyon ng dalawa.
Wala namang naging sagot ang tatlong babae sa naging tanong ko.
Takot lang nilang mawala si Santi sa kinalalagyan nito.
“Ano pa lang ginagawa mo, te? Baka nakakaabala pa kami,” si Crista.
“Wala naman akong ginagawa. Actually nanonood lang ako ng mga randoms video sa social media. At ang pinanonoo ko nga ay itong viral video ng legal na asawa sa kabit ng kanyang asawa.” Sagot ko at saka pa pinakita sa tatlo ang video.
“Napanood niyo na ba ito? Ang satisfying! Grabe ang ginawa ng legal na asawa sa kabit ng asawa niya. Bugbog at sunog ang mukha bg kabit at saka pa hinubaran sa harap ng maraming tao!” masigla kong kwento habang ang tatlo ay natitigilan.
“Tuwang-tuwa ako sa mga nababasa kong comments. Panoorin niyo at baka kilala niyo ang kabit na babae,” pang eengganyo ko pa sa mga plastic kong inlaws na nagpaalam na rin agad na aalis at may dumaan lang daw sila.
Nangingiti na natatawa na lang ako sa kanila.