bc

Ang Hubad na Katotohanan

book_age18+
235
FOLLOW
2.5K
READ
revenge
dark
arranged marriage
heir/heiress
cheating
like
intro-logo
Blurb

Anong gagawin mo kung ang mismong asawa mo ang siyang kaagaw mo sa kayamanan mo na naiwan sayo ng mga magulang mo?

Asawa mo na handa kang saktan para lang ang balak niya ay maisakatuparan.

Lalaban ka ba o ipapaubaya na lang sa kanya?

chap-preview
Free preview
Episode 1
“Akalain mo nga naman, ano? Ang legal wife at ang kabit ay nasa iisang lugar?” Narinig kong tanong ng isang babae at saka sinundan ng konting tawa. Narito ako ngayon sa isa sa mga cubicle ng comfort room kung saang restaurant ko napagdesisyunan na kumain kami ng hapunan ng anak ko. “As if naman na mananalo sa akin ang babaeng iyon? Look at her, napaka plain ng itsura. Wala yata kahit lipstick man lang. Kaya hindi talaga nakapagtataka na hindi talaga ako maiwan Crisanto kahit may anak na sila ni Carmencita,” sagot din ng isang boses babae na kilalang kilala ko. At bakit hindi ko naman talaga siya makikilala? Siya lang naman ang dakilang ibang babae ng asawa kong si Crisanto. Yes. Ako si Carmencita ang babaeng pinagtatawanan nila ang itsura. Ang babaeng legal wife ni Crisanto. Ilang taon na ba kaming mag-asawa ng asawa ko? Halos pitong taon na at may anim taong gulang na anak na lalaki na kami ngayon. Pero tama ang babae ng asawa ko. Sa kabila ng kasal kami at may anak na ay siya pa rin ang mahal at pinipili ni Crisanto. Mag-asawa lang kami ni Crisanto sa papel ngunit sa hindi sa tunay na salita. Kahit kailan ay wala siyang naging amor sa akin o kahit man lang sa anak namin. Sa loob ng ilang taon ay ako lang ang magulang ng anak ko kahit magkakasama naman kami sa iisang bubong ng tatay niya. Sa harap ng ibang tao ay larawan kami ng isang buo at masayang pamilya ngunit sa likod ng lahat ng iyon ay hindi talaga. Labing-walong taon lang ako at dalawampung taong gulang naman si Crisanto ng ikasal kami. Kasal na pilit. Kasal na pareho naming hindi gusto. Kasal na ang nagdesisyon ay ang pamilya namin. Pero hindi katulad ng ibang kwento na mayaman ang lalaki at mahirap ang babae kaya pinilit na ipakasal Dahil sa kwento namin ay ako ang mas may pera kaysa sa asawa ko. Alam kong dahil sa pera sa malaking kayamanan na meron ang mga magulang ko kaya pumayag si Crisanto na pakasalan ako. Negosyante rin ang kanyang pamilya ngunit hindi katulad ni Papa na maging sa ibang bansa ay may mga negosyo na nagpapasok ng malaking halaga sa bank account niya. Mahal ko ang mga magulang ko kaya ang kahit anong utos nila ay sinusunod ko kahit pa ang ipakasal ako sa lalaking hindi ko gusto lalo pa at may iba talaga siyang babaeng gusto. Sinubukan ko naman na hulihin ang loob ng asawa ko ngunit lagi akong bigo. Lagi niya akong sinasabihan na kahit anong gawin ko ay hindi niya ako magagawang mahalin kaya huwag na akon umasa pa. Na pumayag lang siyang magpakasal kami dahil nga rin sa kagustuhan ng pamilya namin lalo na ng pamilya niya. Mababait naman kung pakitunguhan ako ng mga in-laws ko pero hindi ko maalis sa isipan ko na kaya lang nila ako pinpakitaan ng maganda ay dahil sa nakukuha nila at sa mga makukuha pa nila. Parehong ng seniors ang mga magulang ko at mahihina na. At ako? Hindi nila ako tunay na anak. Inampon lang nila ako noong namasukan ako bilang katulong sa bahay nila sa edad kong labing-apat na taon. Ulila na rin ako kaya nga saan-saan ako napadpad para makipagsapalaran at mabuhay hanggang sa makarating nga ako sa mga magulang na umampon sa akin. Naawa ang may mga edad ko ng amo at natuwa dahil sa pagiging maalaga ko sa kanila kaya tinanong nila ako kung nais ko ba raw na magpa-ampon sa kanila at maging legal na anak nila? Sino ako para tumanggi? Mas naging madali pa ang pag-angkin nila sa akin bilang kanilang tunay na anak ng malaman nilang kahit anong records sa PSA ay wala ako. Wala akong masabi sa mga umampon sa akin dahil talagang minahal nila ako ng parang tunay na anak. Lahat ng pwede nilang ibigay ay kanilang ibibigay sa akin. Pinag-aral nila ako sa isang mamahaling paaralan para madali kong matutunan ang mga dapag kong matutunan sa edad ko. At talagang naging masigasig ako. Wala akong inaksayang oras at nag-aral akong mabuti. Ang tagal kong pinangarap na magkaroon ng pamilya at makapag-aral kaya hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon. Ngunit dahil matatanda na nga ang mga umampon sa akin at talagang wala silang anak kahit isa ay natakot daw sila sa pwede kong kahitnatnan sa oras na mawala sila. Ayaw daw nila na magbalik ako sa langsangan kapag namatay na sila lalo pa at hilaw pa ang kaalaman ko sa dapat kong matutunan sa buhay. Ang naisip nilang solusyon ay ang ipakasal ako sa lalaking may alam sa larangan ng negosyo. At iyon nga ay si Crisanto na noon ay kasalukuyan pa lang na nag-aaral sa kolehiyo. Ang mga magulang ko ang gumasto sa lahat noong ikinasal kami sa simbahan ni Crisanto na ang halos mga bisita ay angkan nila. Isang sumbong ko lang sa mga magulan ko na may kabit ang asawa ko ay sigurado akong mawawala ang lahat sa pamilya ng asawa ko. Lalong-lalo na sa asawa ko na siyang tumatayo ng CEO ng isa kumpanya ni Papa. Pero bakit nanatili akong tahimik? Iyon ay dahil ayoko ng biguin ang mga umampon sa akin sa mga nalalabi nilang oras sa mundo. Ayoko na silang sumama ang loob o kaya ay magalit pa sa pamilyang ang habol lang naman talaga sa amin ay pera. Kaya hindi ako kumikibo. Kaya hinahayaan ko lang kung anong gusto nila. Tumayo ako at saka ko inayos ang sarili ko. Bigla kong binuksan ang pinto ng cubicle kaya naman ang dalawang babae na kanina lang ay iniinsulto ako ay mga nanlaki ang mga mata ay namutla ng mula sa malaking salamin sa harap nila ay makikita nila akong nakatingin sa kanila. Ngumiti ako gaya ng kung paano ko rin sila harapin. Nagpunta ako sa gitna ng bahagi nina Desiree at ng kanyang kaibigang babae. Banayad akong naghugas ng kamay sa gripo. Mula sa salamin ay muli ko silang tiningnan. Si Desiree na matangkad, mahaba ang buhok, maputi, makinis at balingkinitan ang katawan. Childhood sweetheart sila ng asawa ko. High school pa lang ay sila ng dalawa kaya paano ko nga naman sila mapaghihiwalay kong malalim na ang kanilang pinagsamahan. “Ang ganda ng bag mo, ano? Sigurado ako mahal yan?” pagpuna ko sa maliit na bag na dala-dala ni Desiree na mukhang nalunok na ang sariling dila dahil sa gulat na naririto ako narinig ko kung paano nila ako pag-usapan. Kinuha ni Desiree ang kulay pink niyang bag at saka hinawakan kaya bahagya akong natawa. Tumikhim siya. “Talagang mahal ang bag ko dahil ang lahat ng mga gamit ko ay original,” buong-buo ang boses niyang nagmamalaki. Mas natawa ako sa pagkakataong iyon. “Original? Marunong ka pa lang kumilatis ng kung ano ang original?” pasimple kong pang-iinsulto. “So, anong ibig mong sabihin? Kabit ako at ikaw ang legal na asawa? Patawa ka, Carmencita. Kahit isampal mo sa mukha ko ang marriage sa certificate niyo ni Santi ay ako at ako pa rin ang babaeng mahal niya kahit na anong gawin mo.” Ganting sambit ni Desiree. Santi ang nickname ng asawang kong si Crisanto ngunit alam kong love ang tawag nila sa isat-isa. Talagang literal na mas matapang pa ang kabit kaysa sa tunay na asawa. Malakas ang loob at hindi talaga natatakot itong si Desiree sa akin dahil alam niyang siya pa rin ang kakampihan ng kanyang asawa. Dati ay hindi ko rin siya pinapatulan at hinahayaan lang sa nais niyang gawin ngunit hindi ng sinubukan niyang kantiin ang nag-iisa kong anak. Nasa swimming lesson ang anak ko at bago pa lang na estudyante. Ngunit ang hindi ko alam ay naroon din pala si Desiree na hindi ko namalayan na nakalapit sa anak ko na noon ay tatlong taong gulang pa lamang. Sinadya niyang banggain ang anak ko na noon ay nasa gilid lang ng pool at nanonood pa lang sa ibang mga bata na marunong ng lumangoy. Muntik nalunod ang anak ko mabuti na lamang at nailigtas ng mga bata rin na naroon sa pool. Pina-check ko ang lahat ng mga cctv footage kung anong tunayb na ngyari at kitang-kita nga kung paanong nalaglag ang anak ko. Nagkunwari siyang tumatakbo sa lugar kung saan malapit ang anak kong si Connor at hindi sinasadyang nasagi niya ang anak ko kaya nalaglag sa pool. Ngunit ang matindi ay nagkunwari siyang walang nasagi kaya madali siyang umalis na parang walang nangyari. Gustong-gusto ko siyang patayin ng mga oras na yon dahil takot na takot ang anak ko sa nangyari sa kanya. Sinabi ko ito kay Santi ngunit ang sagot lang ng asawa ko ay huwag kong sisihin ang ibang tao sa kapabayaan ko bilang nanay ng anak ko. Kasalanan ko raw kung bakit muntik nalunod si Connor at hindi kasalanan ng babae niya. Kaya ang ginawa ako ay inabangan ko si Desiree na bumalik ulit sa swimming pool. Kinausap ko na at binayaran ng ang may ari ng lugar kung saan madalas na nagrerelax si Desiree. Ang utos ko ay walang ibang tao na papasukin maliban sa amin ni Desiree kaya nagawa ko ang nais kong paghihiganti sa anak ko. Dahil kami nga lang ng babae ng asawa ko ay lumapit ako sa kanya habang abala siya sa paglalangoy ay mula sa ilalim ng tubig ay hinila ko ang mg paa niya. Sanay akong sumisid sa malalim na tubig kaya hindi niya ako mapaglalalangan lalo pa at mas malakas talaga ako sa kabila ng mas malaki siyang babae sa akin. Hindi ko siya tinigilan paglaruan na lunurin. Wala naman akong intensyon na patayin siya dahil hindi naman ako mamamatay tao. Ang gusto ko lang ay matakot siya gaya ng kung paano natakot ang anak ko ng itulak niya. “Wala ka na bang ibang ibabato sa akin kung hindi ang ganyang mga salita?” tanong ko at saka ako bahagyang lumalapit sa kanya habang si Desiree ay umaatras. “Hey! Huwag kang lalapit sa aking bruha ka!” asik niya sa akin. “Bakit parang takot na takot ka samantalang wala naman akong ginagawa sayo?” pang-aasar ko kay Desiree na kulang na lang ay magtatakbo palabas ng banyo. Pero hindi niya magawa dahil nakaharang ako. “Bes, help me!” aniya sa kasamang babae na nasa likod ko. “What? Anong gagawin ko?” tarantang sagot ng kaibigan niya. Ngunit nagtangkang tumakbo si Desiree pero nadapa sa maruming sahig ng sinasadya ko talaga siyang patirin. “My Gosh!” sigaw niya pa ng muntik na masubsob ang mukha. Hindi pa ako nasiyahan dahil tinapakan ko lang naman ang mamahalin at iniingatan niyang bag. Lalo naman siyang nagtitili at pilit na inaalis sa pagkakatapak ko sa bag niya. “Ops! Bag mo pala yan? Akala ko kasi gaya mong basura,” pang-iinsulto ko pa. “You gonna pay for this! Isusumbong kita kay Santi para bugbugin ka na naman!” Natawa na lang ako sa paghehestirikal ng babae ng asawa ko. Yumuko pa ako para magtagpo ang mga mata namin dahil nga nakaupo siya sa maruming sahig. “Takot ako,” pang-iinis ko pa. “Kung dati ay pumayag akong masaktan niya ngayon ay hinding-hindi na. At natitiyak kong mas natatakot si Santi sa kung anong pwede kong gawin sa kung anong pwede niyang gawin sa akin,” madiin kong pananalita kay Desiree sabay hablot ng gold necklace sa leeg niya. “No! That's mine!” sigaw niya pero binuksan ko ang isang bakanteng cubicle at sa nakikita niya ay hinulog ko ang kwintas at saka pinlush ang toilet bowl. “Baliw kang babae ka! Baliw!” sigaw niya sa akin pero wala siyang magagwa. “Pasalamat ka at hindi ko pwersahan na hinubad ang mga damit mo dahil nakakatiyak ako na sa pera ng pamilya ko galing ang pinambili mo diyan!” asik ko sa kanya na sakto ng may mga ibang babae na ang pumasok sa comfort room. Nagmamadaling tumayo si Desiree kahit nagkakandadulas sa taas ng kanyang suot na sapatos. “Kabit ang babaeng yan. Kaya dapat na huwag tularan. Dapat libakin at pandirihan.” Kaswal ko pang mga salita bago ako lumabas ng banyo at iniwang talunan ang kabit ng asawa ko.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook