Episode 8

901 Words
Isang linggo rin ang naging burol ng mga magulang ko bago ko sila hinatid sa kanilang huling hantungan. Gusto ko sana silang ipa-cremate pero naalala ko ang gusto ni Papa ay itabi siya sa puntod ng kanyang mga magulang niya kaya iyon ang ginawa ko. “Carmencita, anong sinabi mo kay attorney? Bakit hindi niya na muna raw babasahin ang tungkol sa last will nina Mama at Papa?” ang tanong ni Santi ng makita akong nag-iimpake ng mga damit namin ni Connor. “Saka na lang. Hindi ko pa kayang tanggapin ang sinapit ng mga magulang ko. Sa ngayon ay gusto ko munang magpahinga. Uuwi muna kami ng hacienda ni Connor,” ang malumanay kong sagot sa asawa ko na masyadong napaghahalataan kung bakit naiinis ngayon. “Anong pinagsasabi mo? Patay na sina Mama at Papa. Kahit magbakasyon ka pa ng paulit-ulit ay hindi na sila mabubuhay pa at hind na magbabago kung anong nakatakda,” giit ng asawa ko. “Kung ganun ay bakit parang inip na inip kang malaman ang tungkol sa last will kung alam mong hindi na rin mababago? Palibhasa ay hindi mo mga magulang ang nawala kaya gangyan ka magsalita.” Madiin kong sumbat . Hindi na siya kumibo at pinagmamasdan na lang akong mag-impake. “Kailan naman ang uwi niyo ni Connor? Sabihin mo at ako ang susundo sa inyo,” sabi ni Santi na nag-iba ang tono ng pananalita. “Tatawagan na lang kita.” Sagot ko at saka ko na hinila ang maleta ng mga damit namin ni Connor. Napagdesisyunan ko talaga na magpunta muna ng hacienda kung saan ang huling mga araw na nilagi nina Mama at Papko Masyadong masakit para sa akin ang sinapit ng mga magulang ko kahit pa sabihin na aksidente pa ang nangyari. Nakakulong lang ang driver samantalang sina Mama at Papa ag nalibing na. Kapag nanatili ako sa pag iisa at napapaligiran pa ng mga plastic at mga mukhang pera ay baka bumalik na naman sa dati ang ugali ko. “Ma, sana magtagal ang mag-inang yan sa kung saan sila pupunta para malaya tayong gawin ang gusto natin. Makakapasok tayo sa mansyon ng mga parents niya hindi ba? Balita ako ang dami raw jewelries ng Mama niya at lahat ay milyon ang mga halaga,” si Crista na pati mga alahas ng mama ko ay pinag iinteresan. “Oo, at sobrang yaman talaga ng mag-asawa na yon. Hindi namang bagay na magsuot si Carmencita ng mga ganung mamahalin dahil kahit anong bihis at pabango niya ay umaalingasaw pa rin ang pusalian na pinanggalingan niya.” Si Ayin. “Don't worry kahit naman nasa paligid siya ay madali lang natin yang paikutin sa mga kamay natin. Kahit matigil pa ng ilang buwan ang tungkol sa last will ay ang hindi na mababago pa bilyonaryo na tayo dahil mag-asawa sila.” Paliwanag ng biyenan kong babae. Kahit kailan ay hindi sila maingat sa pagsasalita laban sa akin. Lagi ko silang naririnig at nahuhuli na pinagsasalitaan ako ng masama. “Ma, I can't wait na makabili ng mga precious jewelries na pangarap ko!” tili ni Crista. “Huwag kang maingay at baka may makarinig sayo.” Saway ng nanay sa anak. “Ma, ano bang drama ng babaeng iyon at may pabakasyo bakasyon pa siya? Hindi naman niya mga magulang ang mga matatandang yon kung maka arte siya,” sabi ng bastos na si Ayin. “Hayaan niyo at talangang ganyan ang mga walang pinag-aralan. Gusto wala silang ginagawa sa buhay.” At ako pa talaga ang sasabihan nila ng ganun? “Tiyak matutuwa si Ate Desiree at makakatapak na naman siya bahay na ito. Mabuti na lang at agad naayos ang mukha niya ay naalis na socmed ang viral video niya. Ibang klase rin na man yan si Carmencita kaya mag iingat tayo sa kanya. Iba ang atake niya. Mabait siya pero wild.” Pahayag ni Ayin. Tinawag ko na si Connor na naglalaro sa kung saan. “Aalis na ba kayo carmencita? Pasensiya ka na at hindi ka namin masasamahan at alam mong may mga negosyo ako.” Tumango lang ako sa plastic kong byenan. Kung alam ko lang ay gustong-gusto nila akong lumayas sa bahay para magawa nilang pakialaman ang mga gamit ko. Mag utos sila ng mag utos sa mga maids sa kabilang bahay na akala mo ba ay sila ang nagpapasahod. Noong nakaburol ang mga gulan ko ay grabe sila mag utos sa mga maids. Ultimong pagkuha ng tubig ay inuutos nila. Pati mga marurumi nilang mga damit ay pinalaba nila sa maids samantalang may mga maids naman sila sa bahay nila. “Magbabakasyon na muna po kami, Ma. Okay lang po na hindi niyo kami masamahan. Naiintindihan ko po,” sabi ko pa. “Mag-iingat kayo, ate. Enjoy sa bakasyon niyo ni Connor. Sana agad kayong makabalik.” Ngumiti na lang ako sa kanila at nakipag beso-beso. Ewan ko kung nasaan si Santi. Malamang na tinawagan na ang kabit niya para magpunta na dito sa bahay at libre na silang makapag sama habang wala ako. May naghihintay na rin naman sa amin ni Connor sa labas ng gate ng bahay para ihatid kami sa hacienda. “Ready na ba kayo? Alis na ba tayo?” Si Samuel. Lumuwas siya ng may mangyari sa mga magulang ko at hindi niya rin kami iniwan ni Connor. Sabay niya kaming uuwi patungo sa hacienda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD