Episode 14

1267 Words
“Itutok niyo ang cellphone habang pinupukpok ko ang mga daliri ng babaeng to!” sigaw ng pinaka leader ng mga tatlong lalaking dumukot sa akin at saka nga tinutok sa akin ang cellphone camera ng isang lalaki na kumukuha. “Masyado kang matapang na babae ka kaya dapat lang sayo na mas pahirapan pa!” asik ng pinakaleader at saka niy itinaas ang baseball bat na hawak patungo sa mga daliri ko na nakapatong sa lamesa. Namilipit ako sa sobrang sakit. “Kunan mo ng video, ha! Itutok mo ng mabuti lalo na sa mukha niya kung paano siya mamilipit sa sakit. Malay mo at masiyahan si bossint dagdagan ang bayad sa atin!” ani pa ng isang lalaki na nakasabunot sa buhok ko. “Mga walanghiya kayo! Sinong bossing ang tinutukoy niyong mga hayop kayo! Siguraduhin niyo lang na mapapatay niyo ako dahil nakakatiyak akong babalikan ko kayong lahat lalo na ang tinutukoy niyong bossing!” galit na galit kong sigaw at saka nagpupumiglas sa pagkakahawak sa akin. Tumawa ng tumawa ang tatlong lalaki pagkatapos na marinig ang pagbabanta ko. “Sige! Tumawa lang kayo ng tumawa mga hayop kayo. Kapag nakatakas ako sa inyo ay siguraduhin niyo na makakapagtago kayo ng mabuti dahil hindi ako marunong magpatawad!” dagdag ko pang banta. “Aba! At talagang matapang ka pa rin, ano?!” sabay malakas na sampal ang inabot ko sa lalaking nakasabunot sa mga buhok ko. Hindi pa nasiyahan at dinugdugab ako sa likod dahilan para bumalagta ako sa maruming sahig. “Kumuha nga kayo ng sako para isilid na nating ang babaeng yan. Naiingayan na ako masyado sa bunganga niya kaya tama na siguro ang mga nagawa nating pagpapahirap diyan. Nakunan na rin naman natin lahat, hindi ba? Tiyak na masisiyahan si bossing,” wika pa ng leader habang ako ay gumagapang sa sahig at tumingib pa sa lalaking may hawak ng cellphone at patuloy na kinukuhanan ng video ang pagpapahirap nilang tatlo sa akin. “Tama! Ilagay na natin sa sako at paluin ng paluin ng baseball bat. Siguraduhin natin na bali lahat ng mga buto para hindi na mabuhay pa!” sang-ayon ng lalaking may hawak ng cellphone na nakatutok sa akin. Maya-maya nga ay may itinaklob na sa ulo ko hanggang sa buong katawan ko. “Mga hayop kayo! Pakawalan niyo ako!” sigaw ko na naman at pilit na naman nagpupimiglas. Maya-maya nga ay pinaghahampas na nila ang sako at wala rin akong tigil sa pagdaing sa sakit. “Ganyan nga! Dapat magmakaawa ka para lalong masiyahan si bossing sa makiki at maririnig sayo!” utos sa akin ng isa sa mga lalaki “Hinding-hindi ako magmamakaawa para lang masiyahan ang boss niyong nag-utos na gawin sa akin ang kahayupang ito. Paki sabi sa kanya na kahit mamamatay ako rito ay babangon ako sa hukay para balikan siya.” Matapang kong sagot. “Paki sabi rin na kung paanong paghihirap ang dinanas ang naranasan ko ay ipaparanas ko rin sa kanya!” buong lakas kong sigaw hanggang sa pinaghahampas na naman ang sako. Sunod-sunod na pagpalo sa sako ang ginawa kaya naman hindi na ako nakapagsalita pa. “Patay na siguro to. Ang dami ng dugong tumagas sa sako, oh. Kalat na ang dugo,” komento ng isa. “Huwag mong aalisin ang camera para makita lahat ni boss ang ginawa natin,” utos pa ng pinaka leader. “Ano na ang gagawin natin sa katawan niyan? Sementado ang lugar na ito kaya saan tayo maghuhukay?” narinig kong tanong ng isa. “Doon tayo malapit sa dagat. Lagyan natin ng maraming bato ang loob ng sako para hindi na lumutan. Pagkain din ng isda ang katawan ng babaeng ito.” Ang sagot naman ng isa pa. “Tulungan mo akong hilahin ang katawan nito. At ikaw na taga video, ayusin mo ang pagkuha habang hinihila namin ang katawan ng babae. Tiyak na lalong kakalat ang dugo niya,” utos na naman ng pinaka leader at saka sila nagtawanan na naman. Hinila nila ang sako hanggang sa maisampa na sa likod ng sasakyan na ginamit nila ng dukutin ako sa bahay. Umandar na nga ang sasakyan patungo sa dagat kung saan nila itapon ang sako. Halos kalahating oras din ang nakalipas ng tumigil ang sasakyan sa isang daan malapit sa dagat. Inilabas nilang muli ang sako sa sasakyan at saka sila mabilis na naghanap ng malalaking bato par gawing pabigat sa sako. “Sayang ang babaeng ito, ano? Matapang sana kaso ay sadyang ganyan ang buhay. May swerte at malas. Swerte ka dahil mukhang hindi ka nakaranas ng hirap sa buhay pero malas ka dahil namatay kang agad,” wika pa ng pinaka leader ng mga kidnapper. “Ayusina ang pagtutok ng camera, ha. Itatapon na namin sa dagat kaya pag buhat pa lang namin ay tutukan muna ng camera. Kapag nalaglag na ay tutukan mo pa rin at tagalan mo para alam na ni boss na lumubog na ang sako at hindi na makakaahon pa.” Ang bilin pa sa tagakuha ng video. Binuhat ng dalawang lalaki ang sako. “Isa, dalawa, tatlo,” bilang pa nila bago sabay na inihagis ang sako patungo sa dagat. “Tingnan ko lahat ng mga video para makapunta na tayo kay boss. Kobrahin na natin ang mga kanya-kanyang bayad para makapagbagong buhay na tayo,” pagyaya ng pinaka leader ng mga dumukot sa akin. Nakatingin ako sa dagat kung saan itinapon at lumubog sa pinakailalim nito ang sako na kanina lang ay itinapon na lumikha ng malakas ng tunog. Kalmado at walang alon. Tahimik na nagsasabi kung gaano ito kalalim. Malalim na nagbabadya ng panganib. “Maghintay lang kayo sa muli kong pag-ahon sa ilalim ng dagat na ito,” bulong ko sa aking isipan. Tumunog ang cellphone ko at hinanap ng kanan kong kamay. Nang makapa ko na ito ay tamad na tamad kong inalam kung ano ng oras. Ganap ng ala-sais ng umaga kaya napilitan na akong bumangon. Gaya ng nakagawian ko ay nanunuod talaga ako ng balita tuwing paggising ko. Tamang-tama na isang flash report ang balita. Hindi na ako nagtataka ng makita ang mukha at pangalan ko sa tv monitor. “Sapilitan na pinasok ang bahay ng isang bilyonarya na si Carmencita Chiu at nahagip ng mga cctc camera sa paligid ang pagdukot kay Chiu ng tatlong lalaki na hindi matukoy ang pagkakakilanlan dahil sa mga bonet na suot. Hinihinalang kidnap for ransom ang dahilan ng pagdukot lalo pa at si Chiu ay ang nag-iisang anak ng kailan lang ay naiulat na nasawi sa car accident, ang mag-asawang business tycoon na nag-iwan ng malaking pamana sa kanilang nag-iisang anak. Sa ngayon ay wala pang pahayag ang asawa ni Chiu ukol sa nangyaring pagdukot sa kanyang asawa.” Ang flash report tungkol sa akin. Malamang na dahil sa narinig na pagputok ng baril sa loob ng bakuran ko dahilan para maalarma ang buong paligid lalo pa at mga sugatan ang mga security guard ng bahay ko. “Attorney, nasaan ka?” tanong kay attorney ng tawagan ko. “Nasa Paris,” ang sagot ni Attorney “Nakapanood ka ba ng balita?” untag kong muli. “Ang totoo ay kibahahaban ngayon na kausap na kita ay natatawa na langa ako.” Nasa malayo pa rin pa lang lugar si Attorney. “Panay ang tawag at chat sa akin ni Santi pero seen lang talaga ako,” kwento ni Attorney kaya lalo akong natawa. Hindi talaga mapakali ang asawa ko at mukhang hindi nakakatulog dahil sa last will. Paano kong makita niya ako ngayon? Humihinga. Nagsasalita. Buhay na buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD