“Ano na, Santi? Nasaan na ba si Attorney at bakit hanggang ngayon ay wala ka pa rin nalalaman sa mga naiwang ari-arian ng mga Chiu?” ang naiiritang tanong ni Mama ng puntahan pa ako sa mismong office ko sa Chiu Corporation.
Kahit din ako ay iritado na sa abogadong hanggang ngayon ay hindi nagpapakita sa akin.
Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ni Carmencita pero dapat sa akin pumanig ang abogadong yon at hindi sa bobang asawa ko.
“Ma, ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para makausap si Attorney, ang kaso lang ay marami siyang dahilan, Ma. Naroon iyong nasa business trip o kung anu-ano pang ginagawa niya sa ibang bansa.” Dahilan ko kay Mama na alam kong excited na rin kung gaano na ako kayaman.
“Ang bagal mo naman kasing kumilos. Sana noong nakaburol pa lamang ang mag-asawang Chiu ay inalam muna kung anong mga pinamana sa ilalim ng pangalan mo. Kung bakit kasi nagpakampante ka?”
“Isa pa yang kabit mo! Kung sana ay pinigilan niyo muna ang kakatihan niyo ni Desiree ay hindi mo sana problema si Carmencita! Kung bakit kasi hindi ka nakikinig sa mga payo ko at inuna mo si Desiree na wala namang ipagmamalaki kung hindi ang maganda niyang mukha na ilang beses ng sinira ni Carmencita. Bobo ka rin kasi! Kung hindi mo pinangalandakan ang relasyon mo sa ibang babae ay baka nakontrol mo ang asawa mo at hindi lumabas na ikaw ang mortal niyan kaaway. Nadamay pa tuloy kami dahil sa mga padalos-dalos mong hakbang!” patuloy na sermon ni Mama.
“Ma, alam mong mahal ko si Desiree. At siya ang bukod tanging babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay bago niyo pa ako kausapin at pakiusapan na pakasalan ang ampon na si Carmencita. At saka, bakit sa akin ang sisi? Hindi ba at may kasalanan din naman kayo kung bakit sa halip na maging mabait sa inyo si Carmencita ay mas lumayo ang loob niya? Kasi nga mga plastic din kayon ng mga kapatid ko. Halata ang mga kilos niyong peke kaya nahalata ni Carmencita. Pinahalata niyo kasi agad na mga mukha kayong pera, hindi ba?”
Isang malakas na sampal ang inabot ng kaliwa kong pisngi kay Mama.
“Huwag mo ngang ipasa sa akin ang kasalanang bata ka! Sadyang kuripot lang talaga ang bobang babae na yon kaya wala siyang maibigay na magandang regalo sa amin ng mga kapatid mo. Sanay siya na mag celebrate ng birthday na binabati lang siya at walang kahit cake man lang. Sanay siya sa mga cheap at mumurahing bagay katulad ng galing sa mga ukay-ukay kaya ganun talaga siya. Ganun ang nakalakihan niya kaya wala akong magagawa kung wala man siyang ka-class-class kahit tinuruan na siya ng pinakamagaling guro.” Katwiran pa ni Mama.
Hindi talaga marunong si Carmencita pagdating kung anong mga bagay na mamahalin o kung ano pa na matatawag siyang galing sa mayamang pamilya dahil kahit anong gawin niya ay lumilitaw pa rin ang pagiging squatter niya.
Sa squatter pinanganak, nagkaisip at lumaki si Carmencit na inampon lang ng mayamang pamilyang Chiu na walang kahit isang anak o kamag-anak na pwedeng manahin ang kanilang mga ari-arian.
Sinubukan ko rin naman na gustuhin lalo na ang mahalin si Carmencita lalo na ng magkaroon kami ng isang anak pero hindi ko pa rin talaga nagawa.
Sa tuwing nakikita ko siya ay nakikita ko pa rin ant isang babaeng mahirap at walang pinag-aralan sa kabila ng nakapag-aral na siya sa isang magandang paaralan.
Si Desiree pa rin ang mahal ko kaya kahit bawal ay ipinagpatuloy na namin ng babaeng mahal ko ang pagmamahalan namin.
Alam ni Carmencita na niloloko ko siya dahil kahit anong ingat namin ni Desiree ay nagkakatagpo ang landas namin ni Carmencita.
Hindi naman makapagsumbong si Carmencita sa mga magulang niya dahil hindi niya kayang bigyan ng problema ang mga taong umampon sa kanya.
Natural na magdudulot ng stress sa dalawang matandang namayapa kapag nalaman nilang nagkamali sila ng pagpili ng lalaki para sa ampon nila.
Kaya walang nagawa si Carmencita kung hindi ang makisama pa rin sa akin pagkatapos ng pagtataksil ko sa kanya.
Ang kaso lang ay kahit anong saway ko kay Desiree na huwag hamunin si Carmencita ay hindi pa rin nakinig sa akin.
Ang rason ko ay baka isumbong na talaga kami pero iba pala kapag napikon ang babaeng yon.
Pinaglaruan niya si Desiree sa pool kung saan nagka trauma na ito pagdating sa tubig.
Kung bakit kasi napagbalingan ng inis ni Desiree ay si Connor na anak namin ni Carmencita.
Tinulak ni Desiree ang bata sa pool dahilan ng muntikan na nitong pagkakalunod na dahilan din para abangan ni Carmencita ang pagbabalik niya sa lugar.
Hindi napansin ni Desiree na unti-unting nawawalan ng tao ang lugar at bukod tanging siya na lang ang naiwan at biglang sulpot ni Carmencita na ilang ulit siyang hinatak pailalim para lunurin habang tuwang-tuwa si Carmencita sa naging takot ni Desiree.
Marami pang ginawa si Desiree at hindi nadala dahil alam na kakampihan ko siya.
Naroon iyonh pinalabas niyang magnanakaw si Carmencita pero nakita na sa cctv camera na siya ang may gawa kaya ang nangyari ay natulog siya magdamag sa presinto dahil hindi niya ako makontak para tulungan siya.
Ilang beses ko siyang sinabihan na layuan si Carmencita pero ang tigas ng ulo ni Desiree.
Sinaktan siya ng todo at pinahiya na rin ng todo ng ilang ulit ng asawa ko.
Kumalat pa ang mga video nila ni Carmencita na binubugbog siya sa park. Sinunog pa ang kalahating mukha niya at pinasigaw na kabit siya.
Masasabi kong iba magalit si Carmencita bagay na kinatakot ko na rin.
Napansin ko na para bang hindi siya nakakaramdam ng sakit kahit pa ilang beses ko na siyang saktan.
Hindi siya lumalaban pero alam kong kapag lumaban siya ay baka kumaripas ako ng takbo.
Nakalimutan kong laking squatter ang asawa ko at ang mga ganung klase ng lugar kadalasan ang mga nakatira ay sanay sa basag ulo.
At hindi malayong ganun nasanay ang asawa ko kaya wala man siyang reaksyon sa tuwing nasasaktan sa mga kamay ko.
“Dapat sa babaeng yon ay tinuturuan ng matinding lesksyon sa buhay. Kung nakita mo lang kung paano niya kami hiniya ng mga kapatid mo sa harap ng mga dayukdok na katulong. Kung paano niya kami itinulak sa pool at magmukhang basang-sisiw. Kaya kailangan makaganti sa babaeng yan!” galit na galit na sigaw ni Mama.
Naabutan pala sila ni Carmencita sa bahay ng mga Chiu.
Hindi pala nila natanggap ang message ko na umalis na sila dahil dumating na si Carmencita kung saan naabutan niya sa bahay si Desiree na grabe na naman ang ginawa niyang pagpapahirap.
Kinaladkad niya mula sa itaas ng bahay hanggang sa ibaba habang mahigpit na sabunot sa buhok. Walang kahit na anong suot si Desiree dahil natulog kami kagabi ng wala siyang damit.
Hindi ko rin naman alam na darating ng araw na yon si Carmencita. Ang alam ko ay matatagalan pa sila ni Connor pero nagbalik agad ang boba at napagbuntunan na naman si Desiree na kinalbo niya pa habang may nakatutok na namang cellphone camera para i-video.
Awang-awa man ako kay Desiree ay hindi ko magawang sampahan ng kaso si Carmencita dahil siya ang legal kong asawa. At lumalabas pang tresspasser si Desiree maliban sa kabit ko siya.
“Ma, gumagawa na ako ng paraan para mabura si Carmencita sa buhay natin at masolo ang lahat ng kayamanan ng mga Chiu.”
Namilog ang mga mata ni Mama.
“Siguraduhin mo lang dahil kating-kati na ang mga paa ko na gumala sa buong mundo kasama ang mga inggitera at peke kong mga amiga na nais lang makaambon ng yaman na makukuha mo sa mga Chiu. Gusto ko na rin pumasok muli sa casino. Pakiramdam ko mamammatay na ako. Sawang-sawa na akong umattend ng sunday church at magpagnggap na maka-Diyos na para lang huwag makatanggap na panlalait na wala lang akong pang-casino kaya hindi na ako nagpupunta sa dati kong libangan.” Himutok ng Mama ko.
“Hayan na naman kayo, Ma. Hindi na ba kayo nadala? Kaya tayo nawalan ng kabuhayan at nabaon sa utang ay dahil sa pagka-casino niyo tapos ganyan na naman pala ang balak niyong gawin?” kontra ko sa balak ni Mama.
“Tonta! Huwag mo nga akong masabi-sabihan dahil anak lang kita. At saka, sino ba ang gumawa ng paraan para mapunta ka sa kung nasaan ka ngayon, ha? Ako ang gumawa ng paraan, Santi. Kaya tigilan mo ako sa mga sermon mo dahil baka hindi kita matantiya at ihampas ko yang pangalan mo na nagyayabang sa ibabaw ng lamesa mo? Kilala mo ako kung paano magalit kaya mag-ingat ang lumalabas sa bibig mo at baka maputol ko ng hindi oras ang dila mo.” Banta ni Mama.
Siya naman talaha ang dahilan kung bakit napili ako ng mga Chiu para kay Carmencita.
Pareho ng church ang mga biyenan ko at si Mama kaya madalas silang magkita-kita.
Siyempre, umarte si Mama ng hindi makabasag pinggan para mapalapit sa mag-asawang Chiu hanggang nakuha niya na nga ang loob ng mga ito.
Lagi akong binibida ni Mama sa dalawang matanda dahilan para nga ako ang ipakasal sa ampon nila na galing squatter.
Tuwang-tuwa ang mga matatanda sa akin dahil ang tataas daw ng mga grades ko pero hindi nila alam ay binabayaran lang ni Mama ang mga proffesor ko para bigyan ako ng mataas na marka.
Ganun ka desperada ang pamilya ko dahil nga ubos na lahat ng mga properties namin. Naipatalo na lahat ni Mama sa casino maging ang mga capital ng mga pinaghirapan na negosyo ng mga magulang ni Papa na pinamana sa kanya.
Dahil nga hindi rin ako sanay na mabuhay ng mahirap ay pikit mata akong sumunod sa utos ni Mama para lalo raw akong magustuhan ng mga matatanda.
Naroon na sadyain ko pa si Carmencita kung saan siya nag-aaral para ipakita ko na may pagtingin din ako sa kanya.
May binayaran pa ako para kunwari ay hoholdapin ang babaeng yon pero hindi natuloy dahil nga dumating ako at nakipag-away sa holdapper.
Dahil na kuwento ni Carmencita sa mga magulang niya ang nangyari ay itinakda na ang kasal namin dahil eighteen years old na rin siya noon habang ako ay nasa beinte años na rin.
Nakataggap pa ako ng malaking pera galing sa mag-asawang Chiu bilang regalo nila sa kasal namin ng ampon nila.
At ang alam kong regalo kay Carmencita ay iyong hacienda kung saan nga nagbakasyon ang mga Chiu bago sila binawian ng buhay dahil sa malagim na aksidente sa daan pauwi sa mansiyon nila.
“Kailangan mawala si Carmencita sa landas natin dahil masyado ang ugali niya. Palalampasin ko naman sana siya kung hindi niya lang kami madalas na hiyain ng mga kapatid mo. Hahayaan ko na lang sana siya dahil boba at tanga naman pero dahil nga pinahiya kami ng mga kapatid mo at sinabihan ng mga nakakahiyan salita ay dapat niyang pagbayaran ang lahat. Kung si Connor lang ay walang problema dahil anak mo naman yon. Pero mabuti na lang at iniwan na siya sa kung saan ni Carmencita dahil talagang ayokong nag-aalaga ng bata.” Daing pa ni Mama.
“Ma, nagawa ko na kaya huwag ka ng mag-alala pa,” sagot ko sabag ngisi pa.
Nagliwanag ang mukha ni Mama sa narinig.
“Anong ibig mong sabihin, Santi?” aniya sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang mga video clip na pinadala sa akin ng tatlong lalaki na inutusan kong dukutin, pahirapan ng husto bago patayin si Carmencita.
Wala namang magagawa ang mga cctv camera sa bahay dahil hindi nila makikita ang pagkakakilanlan ng tatlong kidnapper. Ang sasakyan na ginamit nila ay pinasunog ko sa kanila at huwag na huwag kakong mag-iiwan ng kahit anong bakas ng ebidensiya dahil ako mismo ang papatay sa kanila kapag may lumabas.
“Totoo ba ito?” untag ni Mama ng napapanood na ang video ng pagpapahirap kay Carmencita.
Tumango ako.
Tumawa si Mama ng parang sa tulad sa isang demonyo.
“Bagay lang talagang mangyari ang ganito sa babaeng yon dahil wala naman siyang kwenta. At wala na rin naman siyang gagawin pa sa mundo kaya dapat lang na mawala na siya,” wika pa ni Mama at saka na naman tumawa.
Binuksan ko ulit ang huling video na pinadala sa akin ng mga inutusan ko.
Video kung saan nakasilid na sa sako ang katawan ni Carmencita na tumutulo pa ang dugo at itinapon sa malalim na dagat.
Wala na akong makakahati pa sa kayamanan ng mga Chiu dahil baka kahit isang buto ni Carmencita ay hindi na palampasin ng mga gutom na pating sa ilalim ng malalim na dagat kung saan naroon ang nakakaawa niyang katawan.