Walang magawa ang pamilya ni Santi ng palayasin ko sa bahay ng mga umampon sa akin.
Tama naman ang mga kasambahay ba wala silang kahit na anong nakuha sa mga alahas ni Mama na hindi biro ang halaga ng kahit isang piraso lang.
Matapos kong matanggap ang tawag ni attoerney ay kumulo na naman ang dugo ko.
May hinala ako noong una ngunit hindi ko lang binigyan pansin. Pero ngayon ay may matibay ng ebidensya.
Magbabayad talaga sila.
Hindi ko palalampasin ang ginawa nilang lahat.
Umuwi muna ako ng bahay kung saan ako naninirahan kasama si Santi para kunin ang ibang mga mahahalagang papeles at pagsama-samahin lahat sa iisang lugar.
“Ano yon?” gulat kong tanong ng makarinig ng parang pagputok ng baril sa labas ng bahay.
Madali na akong bumaba sa ibaba ng bahay para makauwi na sa mansiyon ng mga magulang ko.
“Sino kayo at anong ginagawa niyo sa pamamahay ko?” tanong ko sa hindi kilalang mga tao na nasa loob ng bahay ko.
Nakaitim lahat sila at may taklob ang mga mukha na tanging mga mata at ilong lang ang nakalitaw.
“Ikaw na si Carmencita Chiu?” tanong sa akin ng isa bagamat sinasal na ako ng matinding kaba kung sino sila at kung anong pakay nila sa akin.
“Bakit? Anong kailangan niyo? Pera ba? Magkano ba at bibigyan ko na lang kayo para hindi na kayo magkasala pa.” An diretsahan kong tanong dahil nakakasiguro ako na iyon naman ang pakay nila kaya sila pumasok sa pamamahay ko at hinanap ako.
Marahil ang narinig kong putok kanina ay baka nanlaban ang dalawang guwardiya sa gate kaya sila nagpalitan ng putok ng baril.
Wala pa naman ang mga bodyguard ko dahil pinagbakasyon ko muna ng umuwi kami ni Connor ng probinsiya at hindi ko na abisuhan na nakauwi na akong muli.
May ideya na ako kung sinong posibleng may kagagawan ng panloloob ng mga taong ito sa pamamahay ko.
Malamang na may tao sa likod nila.
“Masyado ka namang matabil, Ma'am? Mukhang matalino ka naman pala. Kaya para hindi ka na masaktan pa ay sumama ka na lang ng kusa.” Suhestiyon ng isa sa mga lalaki na hindi ko makita ang mga mukha dahil nga nakatago.
“Sinong nag-utos sa inyo? Si Santi ba o isa pamilya niya?” ani ko pa.
Sino bang pwedeng mag-utos para gawin sa akin ang ganito kung hindi ang pamilyang yon lang naman?
Tumawa ng sabay-sabay ang tatlong lalaki na para bang may nakakatawa sa naging tanong ko sa kanila.
“Alam mo, ma'am, ang daldal mo,” sabi sa akin ng isa sa mga lalaki na malapit na sa kung nasaan ako nakatayo. Lumakad pa siya patungo sa akin kaya medyo umatras ako.
“Ang dami mong mga sinasabi. Masyado kang advance mag-isip kaya dapat patahimikin ka!” asik ng lalaking lumapit sa akin sabay sapak niya sa kaliwa kong mukha kaya natumba ako at tumama ang ulo ko sa isa sa mga baitang ng hagdan na nasa likod ko.
Agad kong nalasahan ang lasang kalawang na likido sa loob ng aking bibig kaya naman idinura h agad.
Nahihilo ako pero nakatayo pa rin ako bagay na ikinamangha ng mga kung sinong masamang taong nasa loob ng pamamahay ko.
“Aba! Matibay pala ang isang to!” bulalas ng lalaking sumapak sa akin kaya inulit niyang muli ang sampal ngunit dahil alam kong aatake siya kaya hindi na ako natumba.
“Mukhang sanay si Ma'am na masaktan kaya ganyan katibay ang mukha niya!” sabay tawa na naman ng tatlong lalaki.
Sanay talaga akong makipagbasa-ulo kaya kung sampal lang ay kayang-kaya ko.
“Tingnan natin kung kayaning mo pa ito!” naglabas ng baril ang lalaki at mabilis na ipinukpok sa ulo ko.
Nakadama ako ng sobrang sakit at pagkirot bago ako tuluyan na lumagapak sa sahig.
Pero hindi ako tuluyan nawalan ng malay dahil alam ko kung paanong hinila ang katawan ko palabas ng bahay.
Maya-maya ay binuhat ako at parang sinakay sa loob ng sasakyan dahil na rin sa narinig ko na pagbukas nito.
“Hindi kaya natuluyan yan sa lakas ng pagkakapalo mo?” tanong na narinig ko kasabay ng pag-andar ng makina.
“Nakita niyo naman kung gaano katigas? Ilang beses kong pinagsasampal pero nakatayo pa rin, di ba?” sagot ng isang lalaki.
Hilong-hilo ako pero hindi ko magawang magmulat ng mga mata. Ayoko rin dumaing dahil baka lalo akong samain sa oras na marinig na may malay pa rin ako.
“Oonga, samantalang iyong ibang babae ay isang sapak lang ay nawawalan ng malay pero ibang klase ang isang to. Mukhang may pagkabato-bato ang katawan. Baka naman isa itong boxer at sanay makatanggap ng sapak sa mukha?” ika pa ng isang boses lalaki.
“Kung ganun ay dapat pala tuluyan na natin agad baka mamaya ay bihasa pa ito sa martial arts ay maunahan pa tayo sa oras na nagising?” suhestiyon ng isa.
“Mga bugok! Babae lang yan takot na takot kayo! Kahit isa pang black belter yan walang panama sa lakas ng lalaki isipin pa na tatlo tayo! Mga gunggong!” asik ng isa na marahil ang tumatayong leader sa kanila.
“Ang utos sa atin ay itago na muna ang babaeng yan at pahirapan. Wala pang utos na patayin natin. Kaya naman mga manahimik kayo!”
Totoo ang hinala ko.
May nag-utos sa kanila para gawin sa akin ito.
Kailangan na makaisip ako ng paraan para makatakas o kaya naman ay pwede kong utuin ang mga lalaking ito para bumaligtad at kumampi sa akin.
Pero hilong-hilo na talaga ako dahil na rin siguro sa dugo na umaagos sugat ko sa ulo dulot ng pagpukpok s akin ng baril.
Sana lang ay ako lang ang gawan nila ng masama at huwag ng idamag pa ang anak ko.
Kahit alam kong protektado si Connor ni Samuel ay hindi pa rin ako mapapalagay hanggat narito ako sa kamay ng masasamang tao.
Hindi naman nagtagal ay tumigil na ang sasakyan.
Ibig sabihin ay malapit lang ang lugar at hindi malayo sa bahay ko.
“Itatali pa ba natin kahit wala namang malay?” tanong ng isa sa mga kasamahan.
“Aba'y natural! Gusto mo bang matakasan tayo ng babaeng yan? Huwag tayong pakampante dahil matalino yan at mukhang malakas.” Sagot ng isa.
Maya-maya nga ay naramdaman ko ang pagtali sa mga kamay at paa ko pero hindi naman ganun kahigpit.
Sa pag-uusap ng tatlong lalaki na ito ay mukhang hindi sila sanay sa ganitong gawain at halatang napag-utusan lang.
“Ang kinis ni Ma’am, ano? Ano kaya kong gamitin na muna natin? Total pahirapan naman daw hindi ba? Kasama sa pagpapahirap ang mang-rape.”
Nangilabot ako sa narinig.
Kaya ko talagang lumaban pero hindi ng sabay-sabay. Idagdag pa na nanghihina na ako dahil sa pagpalo sa ulo ko.
“Hoy! Mangilabot ka nga sa sinasabi mo! Isipin mo may mga anak tayong babae. Kapatid na babae at nanay natin ay babae kaya paano kang nag-iisip ng ganyan kahalay?” sermon ng isa kaya medyo nakahinga ako ng matiwasay.
“Joke lang naman! At saka, hindi ko ipagpapalit ang misis ko kahit pa pumila ang magaganda at maraming sexy sa harap ko.”
Hindi talaga masamang tao ang tatlong lalaking ito. Maliban na lang siguro sa lalaking nanakit sa akin kanina.
“Ikaw, natawag mo ba kay boss na hawak na natin itong amasonang babae na ito?”
Sino kaya ang boss nila?
Sana lang ay agad kong makilala.
“Magkano ba ang pangako na bayad atin? Sana malaki-laki para mabayaran ko lahat ng mga utang namin. Makauwi na rin ng Bicol at doon na kami magsimulang muli ng buong pamilya ko. Mahirap manirahan dito sa lungsod. Maraming mapanlamang ng kapwa. Nabaon ako sa utang na may malalaking tubo na pinatulan ko dahil kailanga na kailangan lang,” pahayag ng isa.
“Ako ba? Ilang taon na akong nakikipagsapalaran sa lungsod pero hanggang ngayon ay wala. Hindi tuloy ako makauwi-uwi ng Mindanao dahil sa akin lang umaasan ang pamilya ko. Kaya nga pumayag akong sumama sa inyo ay dahil sa malaking pera na mapaparte ko. Balak ko umuwi na rin at magtayo na lang ng negosyo para sama-sama kami ng asawa ko at mga anak namin.” Ang saloobin ng isa pa.
“Huwag nga kayong maingay at baka magkamalay na ang babaeng yan at marinig ang pagkagahaman niyo sa pera.” Saway ng isa pa nilang kasama na kaboses ng nanakit sa akin.
“Ikaw ba? Anong plano mo kapag nakuha na natin ang kabayaran sa babaeng ito?” tanong ng isa pa.
“Hindi ko pa alam. Basta gusto ko ng maraming pera.”
“Magkano ba ang ipinangko sa inyo at triple ang ibibigay ko.” Pagsingit ko na sa usapan ng tatlo na mga nagulat.
“Putangna! Sabi ko na ba at huwag kayong maingay at baka may malay na ang babaeng yan!” sigaw ng huling lalaking nagsalita.
“Nakakatiyak akong sinuman ang nagbigay ng utos sa inyo ay mas nakahihigit akong mayaman.” Pahayag ko pa.
“Mayabang pala itong si Ma'am, ano? Gagawing triple ang one hundred thousand natin,” natatawang saad ng isa.
“What?!” gulat ko dahil ganun lang pala kababa ang presyo ko.
“Nakakainsulto naman pala sa parte ko kung sino mann ang nag-offer sa inyo ng one hundred thousand pesos kapalit ng pagkidnap sa akin at pagpapahirap na rin,” saad ko.
“Nakikita niyo ba itong relo na suot ko?” tanong ko mga lalaki kaya napatingin sila sa braso ko na nakatali.
“Worth five hundred thousan yan. At itong hikaw ko ay worth one hundred fifty thousand kaya nakakainsulto na three hundred thousand lang pala ang katumbas ko gayong kung susumahin ang lahat ng mga suot ko ngayon ay baka nasa dalawang milyon lahat kahit simple lang lahat.” Pagyayabang ko para masilaw ang mga lalaking ito.
“Weh? Hindi nga?” usisa ng isa.
“Sa tingin niyo ba ay bakit ako pinadukot sa inyo? Kung nagsisinungaling lang ako ay bakit kaya ako pag-aaksayahan na ipadukot sa inyo at babayaran pa kayo ng one hundred thousand kung wala naman pala akong halaga?” patuloy ko pa.
Natahimik ang tatlo at saka sila bahagyang lumayo at nag-usap.
Ang taong nangangailangan ay masisilawa talaga agad sa kinang ng salapi.
“Ano ng desisyon natin? Tama naman si Ma'am, hindi ba? Kung wala siyang halaga ay bakit tayo babayaran para dukutin at pahirapan siya?” narinig ko ng nagtatalo-talo sila.
“Kailangan nating alamin kung ano muna ang totoo. Baka mamamaya ay inuuto lang tayo ng babaeng yan,” hinala ng niyo sa mga sinabi ko.
“Madali lang alamin kung sino ako dahil kilala niyo naman ang buong pangalan ko hindi ba? Carmencita Chiu, gamitin niyo lang ang cellphone niyo sabay google sa pangalan ko.” Suggestion ko pa.
“Kung asawa ko o ang pamilya niya ang nag-utos sa inyo ay kahit ipatubo niyo ako ng malaking halaga ay wala kayong mapapala dahil mas gugustuhin nilang mawala ako sa landas nila para masolo ang kayamanan ko.” Pahayag ko pa.
“Lumabas nga ang pangalan niya, oh. Aba! Bilyonarya pala yang babaeng yan pero three hundred lang ang kayang ibigay sa atin ng boss natin? Parang sobrang baba nga naman.”
Nangingiting aso na lang ako dahil hindi rin ako makapaniwalang ganun lang pala kababa ang presyo ko.
Hindi naman talaga katanggap-tanggap dahil kung tutuusin ay kasama ako sa listahan ng mga batang bilyonaryo ng bansa.
“Palayain niyo ako at mas malaking halaga ang ibibigay ko sa inyo. Gusto ko rin na magtrabaho kayo sa akin. Okay ba yon? Okay ba sa inyo ang alok ko?” panghihikayat ko pa sa tatlo.
“Ma'am, hindi naman sa pagmamalabis baka kaya niyong gawin na kalahating milyon ang sa akin. Gusto kong makahawak ng malaking halaga ng pera para makapagbagong buhay. At pangako, uuwi po talaga ako sa amin para makapagbagong buhay,” hiling ng isa sa akin. Siya iyong taga Mindanao.
“Isang milyon bawat isa at trabaho para sa inyo basta palayain niyo ako.” Ang siyang sagot ko.
Namilog ang mga mata ng dalawang lalaki na nag-uusap tungkol sa pag-uwi na nila sa kanilang mga probinsiya sa oras na makuha ang pera sa sinong nag-utos sa kanila.
Barya lang tatlong milyon kumpara sa buhay ko.
“Hindi mo ako mauutong babae ka!” asik ng pinaka leader sa mga kidnapper ko sabay malakas na pukpok na naman ng baril likod ng ulo ko. Nakaramdam na naman ako ng matinding hilo at sa pagkakataong iyon ay tuluyan akong nawalan na ng malay tao.