“Bakit anak? Ayaw mo na bang makipaglaro?” tanong ko kay Connor na bumalik na sa pwesto namin matapos magpaalam na makikipaglaro sa ibang batang naglalaro sa paligid.
Wala sina Mama at Papa sa bahay nila kaya napagpasiyahan kong mag picnic na lang kami ni Connor sa isang park sa malapit na puntahan din naman talaga ng mga tao.
Ang kaso lang ay ang madalas nagpupunta ay pamilya na may kaya din sa buhay dahil halos may mga kaya sa buhay ang mga nakatira sa exclusive subdivision kung saan din kami nakatira.
Ang pagkakaiba lang ng anak ko sa ibang mga bata ay ako na tunay niyang nanay ang kasama niya dahil halos ang mga kasama ng ibang mga batang naglalaro sa park ay mga personal na yaya at driver.
Kapag talaga ang mga magulang ay parehong mga adik sa trabaho ay ang mga yaya at kasambahay na lang ang nakakasama ng mga bata.
Kahit sampung yaya ay kaya kong swelduhan alagaan lang ng mabuti si Connor pero hindi ko gagawin at wala naman akong trabaho.
Binibigyan ako ng posisyon sa company ni Papa ngunit magalang kong tinanggihan at ipinaliwanag ang aking dahilan.
Unang-una ay hindi naman ako nakatapos talaga ng apat na taong kurso para masabi kong karapat-dapat ako sa posisyon.
Pangalawa ay hindi ko kaya na ipaubaya sa ibang tao ang pag-aalaga sa anak ko.
Ako na sarili kong kadugo ay pinagmalupitan ako ang ibang tao pa kaya?
Hindi sa wala akong tiwala, sadyang mas nais ko lang na ako ang personal na mag-aalaga sa anak ko.
“Dito na lang po ako, Mama. Mag-games na lang po ako,” sagot ng anak ko.
Siya mismo ang nagyakag sa akin dito sa park para nga raw pagpawisan siya sa kakalaro pero heto at malungkot na bumalik sa pwesto namin.
Kilala kong mabait ang anak ko kaya malamang na may nangyari.
Baka inaway siya ng nakalaro niya.
Tumingin ako sa pwesto na pinanggalingan niya kanina. Naroon pa rin ang mga batang kalaro niya na karamihan ay mga batang babae naman.
“Sandali lang, nak. Mag use muna ng comfort room si Mama,” paalam ko sa kanya at saka ko sinenyasan ang personal driver at bodyguard na rin namin na bantayan muna si Connor.
“Excuse me mga baby,” paglapit ko sa mga batang babae na masayang naglalaro ng sama-sama.
Tumingin naman sila sa akin.
“Mga anak, tanong ko lang kung may nang-away ba kay Connor kaya ayaw niya ng maglaro?”
Umiling lang ng sabay sabay ang mga batang tinanong ko.
“Ma'am, ang anak niyo po ba ay batang lalaki na kayumanggi ang kulay?” tanong ng isang babae na nakasuot ng uniform. Marahil ay isa sa mga yaya ng mga batang naririto.
Tumango ako.
“Kanina po kasi ay may tatlong magaganda at sexy na mga babae ang lumapit sa kanya. Tapos parang sinasabihan po ang bata ng kung anu-ano masasakit na salita. Nagtatawanan pa po ang tatlong babae. Akala ko nga po ay baka kamag-anak ng batang lalaki kaya lumapit at kinausap ang bata,’ kwento pa ng babae.
“Narinig mo ba ang sinasabi nila sa a anak ko?” usisa ko pero kumukulo na ang dugo ko sa galit.
“Opo, Ma'am. Sabi po ng isang babaeng kulot ang mahabang buhok ay kawawa raw po ang bata dahil hindi raw mahal ng Papa niya. Dapat daw ay umalis na ang bata kasama ng Mama niya sa bahay nila dahil nga hindi naman daw mahal ng Papa niya silang mag-nanay. Meron pang ampon lang ang bata tulad ng nanay niyang ampon kaya dapat daw ay sa squatter tumira. Basta marami pa silang sinabi. Huwag daw hintayin na palayasin sila ng Papa nila sa bahay kaya ngayon pa lang daw ay magsilayas na. Tapos nagtatawanan po talaga sila. Nakakairita ang pagtawa nila na paano nila naatim na kawawain ang isang bata na wala pang alam para ipagtanggol ang sarili.”
Sumulak lang dugo ko.
Sa pagkakasabi pa lang ng babae ay parang alam ko na kung sino ang gumawa nito sa anak ko.
Alam ko na kung sinong babaeng mahabang buhok ay kulot ang binanggit niya dahil isang babae lang ang kilala kong kulot din ang utak.
Talagang sinasagad niya ang galit ko.
Hindi niya ako kayang patumbahin kaya ang anak ko ang kanyang puntirya.
Kung sakit talaga ng katawan ang hanap niya ay ibibigay ko sa kanya.
“Nanggigil nga po ako sa tatlong babae na yon at pinagtatawanan pa nila ang bata na intensyon talaga nila mapaiyak. Pero umalis din po sila dahil nakayuko na po ang anak niyo at hindi umiyak. Medyo binatukan pa nga ang batag lalaki ng babaeng kulot ang buhok.”
Anong karapatan nilang ipahiya anga anak ko at saktan?
Hindi ko nga natapik man lang ang anak ko tapos babatukan lang ng isang kabit?
“Salamat sa concern, Miss. Saan po na banda nagpunta ang tatlong babae? Kasi mukhang kailangan nilang turuan ng leksyon na huwag na huwag magpapaiyak lalo na ang manakit ng bata na hindi naman nila kaanu-ano. Kahit lamok ay hindi ko hinahayaan na dumapo sa balat ng anak ko. Kaya dapat ang mga kamay ko ang dadapo sa mga mukha nila,” nanggigil na ako.
Gusto talaga ni Desiree ng maruming laban?
“Doon po, Ma'am. Parang nagbanda po sila sa mga food cart. Tama po. Dapat maturuan sila ng leksiyon. Kung may pag-iiwanan lang po ako sa alaga ko ay tutulungan ko kayo. Isang sampal lang lalo na sa babaeng kulot ang buhok. Paduguin niyo ang bibig niya at lagasan niyo ng ngipin ng magtanda.”
Humugot ako ng ilang lilibuhin sa bag ko.
“Ma'am, grabe naman ang dami nito!” bulalas ng babaeng nagbigay sa akin ng impormasyon.
Tumango lang ako sa kanya at saka ko na siya iniwan.
Kampante naman ako sa bantay ni Connor kaya hahanapin ko si Desiree sa kumpol ng mga tao sa buong park.
Pasimple lang akong naghahanap dahil ayokong makahalata siya o sinumang mga kasamahan niya.
At sa hindi naman kalayuan ay natagpuan ako ang babaeng pakay ko.
Nasa harap sila ng food cart na nagbabenta ng ihaw-ihaw.
Hindi ko akalain na matatagpuan ka siya sa pagkain na pangmasa na hindi bagay sa bulok niyang pag-uugali.
Normal lang akong naglakad patungo kay Desiree at sa mga kaibigan niya.
Pero namutla natigil ang pagtawa ni Desiree ng makita na ako sa harap niya.
Hindi ko sila binigyan ng pagkakataon na makatayo sa kung saan sila nakaupo dahil binaligtad ko ang lamesa sa harap nila.
“Ouch! Help us! Please! Tumawag kayo ng security dahil baliw ang babaeng yan! ” sigaw agad ng kabit ng asawa ko dahil alam niya na kung pwede ko pang gawin sa kanya. Dinakot ko sa ulo sa Desiree at saka malakas na hinampas ang buo niyang katawan sa katabing lamesa na gawa lang sa plastic kaya nahati sa dalawa ang kawawang gamit.
“Huwag kayong mangingialam. Away ito sa pagitan ng legal na asawa at ng isang malanding higad na kabit!” sigaw ko sa paligid para may gana silang manoos ng isang laban.
“Magandang laban! Itayo mo ang bandera ng mga legal na asawa, Ma'am!” sigaw ng isang babae sa paligid.
“Wala ka talagang dala, ano? Anong akala mo, hindi ko malalaman ang ginawa mong pagpapahiya sa anak ko?! Ang sabi ko naman sayo ay huwag ang anak ko! Huwag ang anak ko!!!” sabay dakot ko na naman sa buhok ni Desiree at sa kabilang lamesa ko naman hinampas ang katawan niya.
Sinubukan akong hawakan ng dalawang babaeng kasama ni Desiree pero anong laban nila sa akin na laking lansangan?
Kahit sabay-sabay silang sumugod ay hindi sila uubra sa lakas ko.
Sinuntok ko sa bibig ang isa sa mga babaeng kaibigan ni Desiree.
Ang isa naman ay sinikmuraan ko kaya namilipit sa sobrang sakit.
“Huwag niyo rin pamamarisan ang dalawang babaeng ito. Kaibigan sila ng isang dakilang kabit kaya malamang na mga kabit din sila.” Ang sabi ko pa at saka nilapitan si Desiree na hindi pa rin makatayo.
“Ano? Huwag mong sabihin na nasaktan ka na? Dahil hindi pa ako tapos,” saktong pagbangon ni Desiree sa pagkakahiga ay siyang pagsalubong ng kamao ko sa nguso niya.
“Aray!!!” ang malakas niyang sigaw.
Kaya ako naman ang tumawa habang nakahawak siya sa sabog niyang nguso.
“Tama lang yan, Ma'am! Ubusin mo ang ngipin ng salbaheng babaeng yan. Ang yabang-yabang magsalita at pagsabihan ang anak mo na napakabata pa tapos kabit naman pala! Dapat diyan sinusunog para hindi pamarisan!” sigaw ng babaeng nagbigay ng impormasyon kung anong nangyari sa anak ko.
“Grabe naman pala yan?! Pati batang paslit pinapatulan?!” tanong ng isang lalaking nanunuod.
“Oo! Silang tatlo kasama ng dalawan yan ay pinagtatawanan ang anak ni Ma'am kanina. Kaya tama lang na basagin ni Ma'am ang mukha ng mga yan. Kahit sinong nanay magiging dragon kapag anak ang inapi!”
Sigawan ang mga taong nanunuod kaya nilapitan kong muli si Desiree na umiiyak sa sakit na nararanasan.
Sinabunutan ko siyang muli at saka buong lakas na kinaladkad ang katawan niya sa bermuda grass patungo sa isang ihawan.
“Palagay niyo dapat ko bang sunugin ang mukha ng babaeng ito?” tanong ko sa mga manunuod.
“Dapat lang! Magandang mukha lang naman pinagmamalaki niyan!” ang natanggap kong sagot.
“No! Bitawan mo ako! Tulungan niyo ako!” sigaw ni Desiree pero walang nagtatangkang lumapit sa kanya.
“Walang gugustuhin tulungan ka dahil bukod sa malandi kang kabit ka ay masama ka pang tao!” sabay dakot ko sa mukha niya at inilapat sa mainit na ihawan.
“Aray!!!” sigaw niya sa sobrang hapdi ng nararamdaman.
“Isigaw mo munang kabit ka bago kita bitawan. Sigaw!” madiin kong bulong at utos sa kanya.
Pero dahil hindi siya sumunod ay mas diniinan ko pa ang paglapat ng mukha niya sa mainit na ihawan.
“Kabit ako! Kabit ako! Kabit ako!!!!!” ang sunod-sunod niyang sigaw.
At nasisiyahan kong marinig na mismo sa bibig niya nanggaling na isinisigaw niyang kabit siya.
Inalis ko na ang mukha niya at saka ko siya pinagmasdan.
Sabog ang dumudugong nguso at ilong. May bakas ng sunog ang kanang pisngi.
Tumawa ako ng tumawa habang pinagmamasdan kong ang pinagmamalaki niyang mukhang maganda ay kailangan niya ng iparetoke.
Hindi ako natatakot na idemanda niya ako dahil kaya ko siyang tapatan kahit saan man kami magtapat.
Mas marami akong pera kahit sa kanila pang dalawa ng asawa ko.
Mas mayaman ako kaya huwag na siyang mag-aksaya pa ng oras at pera dahil lalamunin ko lang sila ni Santi.
“Masakit ba, ha? Kung nasaktan ka sa ginawa kong pananakit sayo ay walang mas sasakit sa ginawa mong pagpapahiya sa anak ko!”
“Binalaan na kita na tantanan si Connor pero anong ginawa mo? Ang lakas talaga ng loob mong ipahiya ang anak ko? Kaya ngayon ay lasapin mo ang ganti ng isang nanay para sa kanyang anak na inapi ng isang kabit!” At saka ko malakas na sinira ang maliit na blusa niyang suot.
Isinunod ko agad na sirain ang maliit niyang palda na kita na ang kanyang kuyokot.
“Wala ka namang hiya kaya kahit hubaran kita sa maraming tao ay wala ka na ring dapat ikahiya!”
“Ang mga walanghiyang kabit na tulad mo ay walang karapatan sa karapatang pantao dahil isa kang salot! Salot!” galit na galit kong sigaw at saka sabay na hinaklas ang suot niyang bra at kapirasong panty kung panty nga na maituturing.
Wala na akong pakialam pa sa pwedeng mangyari sa akin.
Wala ang mga magulang ko at kapag nasa bakasyon sila ay ayaw nilang gumamit ng mga gadget kaya kampante akong may mag -upload man ng away namin ni Desiree sa social media ay hindi nila agad malalaman o makikita.
Gumagamit man sila ng cellhphone ay pangtawag lang at sa trabaho lang.
Ginalit nako ni Desire kaya dapat lang na ipahiya ko siya ng sobra.
Ang anak ko na naman ang siyang pinagbalingan niya. Ang anak ko na pinaka iingatan ko.
Hindi malaman ni Desiree kung paanong itatago ang maseselang bahagi ng katawan.
Ang lahat ng mga cellphone camera ay nakatutok sa kanyang hubad na katawan.
“Hayan ang gusto mo, hindi ba? Ang maging bida? Hayan at pinagbigyan kita. Ikaw at ikaw ang aping-aping bida!” sigaw ko sa kanya.
Nilapitan na siya ng dalawa niya pang kaibigan para takpan ang kanyang hubad na katawan.
Walang sino ang nag-abala na tulungan sila ngunit maya-maya ay may mga security guard na dumating at dinala na ang tatlong babaeng pinakain ko ng alikabok.