Episode 4

2061 Words
“Carmen, anak, sana habang narito pa kami ng Papa mo ay dagdagan na ninyo ni Santi ang anak niyo. Kita mo kami kahit isa walang naging anak kaya ngayon na matanda na kami ay nagsisisi kami kung bakit hindi kami nag-anak,” sabi ni Mama. Halos araw-araw naman talaga ay dumadalaw kami ni Connor sa mga Lolo at Lola niya. Kung ako lang ang masusunod ay mas gusto kong sa dito na lang sa kanila tumira ngunit maging sila ay mas nais na nakabukod kami ng bahay na pamilya. “Sinisikap naman po talaga namin, Ma. Ang kaso lang po ay hindi pa rin kami makatiyempong mag-asawa.” Ang sagot ko pero ang totoo ay hindi talaga ako magbubuntis dahil hindi naman kami nagsisiping mag-asawa. Magkahiwalay din ang aming silid. Ayaw ni Santi na may kasama kaya hinayaan ko na lang. Hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya. Ang mahalaga ay si Connor. Ang anak ko lang ang mahalaga sa akin. “Sana nga ay madagdagan niyo pa kahit isang kapatid si Connor dahil malungkot ang apo ko. Kailangan siguro ni Santi ng pahinga kaya lang ay hindi siya mapagbigyan ng Papa mo dahil sa dami ng trabaho.” Sinalinan ko ng mainit na tsaa ang tasa ng babaeng umampon sa akin para maging nanay ko. Wala ang asawa niya na siya tumatayong Papa ko dahil mayroon daw itong pupuntahan na may sakit ng kaibigan. “Ma, hoping po talaga. Pero kung wala na ay tatanggapin ko nalang din po. Baka kapalaran ko lang na tanging si Connor lang ang anak ko. At saka, bata pa rin naman kami ni Santi, Ma. Malay natin isang araw kung kailan wala sa plano ay magbuntis ako.” Tumango si Mama. Matanda na talaga ang mga umampon sa akin. Pareho na silang nasa eighty na mag-asawa. Kulubot na ang kanilang balat. Puti na ang lahat ng mga buhok at mahina na talaga silang kumilos kaya ang nais ko talaga ay makasama sila sa iisang bahay. Gusto ko silang alagaan sa abot ng makakaya ko. “Tama, bata pa kayo kaya huwag niyong sayangin ang pagkakataon. Huwag ng masyadong subsob sa trabaho si Santi dahil kanino pa ba mapupunta ang lahat ng mga pinaghirapan namin ng Papa niyo kung hindi sa inyo din naman. Nakakatiyak kami bilang magulang niyo na kahit mawala kami sa mundong ito ay hindi kayo maghihirap. Nakakatiyak akong hindi ka maglulustay ng kahit singkong duling, Carmen.” Natawa pa ang Mama sa kanyang huling pangungusap. “Tama, Ma. Kuripot ako kaya wala kayong dapat na ipag-alala,” ang sabi ko pa. Alam na alam nila na kuripot ako. Hindi ako maglalabas ng pera kung hindi lang kailangan na bayaran. “Kaya nga hinding-hindi kami mag-aalala ng Papa mo kahit sa kabilang buhay. Kung bakit naman na sobrahan ka ng pagkakuripot, Carmen. Alam mo bang tila nagsusumbong sa akin ang byenan mong babae tungkol sa regalo mo noong kaarawan niya? Hindi ka man lang daw bumili ng kahit na ano.” Expected ko na talagang magsasabi siya kay Mama para magpaawa para bigyan siya. At hindi na ako magtataka kung binigyan talaga ng poster mother ko ang biyenan kong hindi marunong makuntento. “Sa dami niyang mamahalin na mga gamit ay hindi ko na po alam kung dapat ibigay sa kanya, Ma. Kaya nga pinagawa ko na lang siya ng birthday letter kay Connor.” Ang katwiran ko. “Nagpadala na lang ako ng isang designer shoes para sa kanya bilang regalo ko. Limited edition pa nga ang sapatos kaya malamang na tuwang-tuwa si Conchita.” Matutuwa talaga ang biyenan ko kung isang limited edition ang natanggap niya. Baka nga pinagyabang niya na sa kanyang mga amiga at buong pagmamalaking galing sa kanyang mga bilyonaryong balae. “Tiyak na tuwang-tuwa po ang biyenan ko sa regalo niyo, Ma. Napaka generous niyo po talaga. Kaya nga nagpapasalamat po ako sa araw-araw na naisipan niyo po ni Papa na ampunin ako sa kabila ng hindi niyo po ako kaanu-ano,” sabay hawak ko sa kulubot ng kamay ni Mama. “Hindi mo na dapat pagtakhan pa dahil mabuti kang tao, Carmen. Biruin mong kahit bata ka pa at babae pa man din ay nagawa mo kaming ipagtanggol ng Papa mo sa magnanakaw. Kahit nakatakip pa ang kanyang mukha ay alam nating i sa siyang lalaki base sa hubog ng kanyang katawan. Nakataya ang buhay mo ng mga oras na iyon ngunit ang tapang mong bata ka. Paano na lang kung wala ka ng mga oras na iyon? Baka patay na kami ni Lucio.” Nilooban kasi ang malaking bahay na ito noong ilang buwan pa lang akong namamasukan bilang utusan din ng mga kasambahay. Disperas ng pasko ng araw na iyon kaya ang ibang mga kasambahay ay umuwi sa kanilang pamilya pagsapit ng ala-sais ng gabi. Ako ang bukod tanging naiwan sa bahay dahil wala naman akong uuwiang pamilya. Mabuti na lang talaga at malakas ang katawan ko at alisto ako dahil baka nga ay napatay kaming lahat ng looban ang bahay na ito. Ngunit hindi nahuli ang akyat-bahay ay dahil nakatakas at nakatakbo ito ng mabilis ng marinig si Papa na may kausap na sa telepono. “Ma, kahit sino naman po ang kasama ko noon ay ipagtatanggol ko po talaga. Alam niyo naman po kung saan ako galing kaya sanay akong makipagbasagan din ng mukha para mabuhay. Kaya hindi po talaga ako makakapayag na masaktan kayo ng gabing yon dahil matatanda na kayo ni Papa at mahina na para saktan pa ng magnanakaw na yon. Pasalamat po siya at nakatakbo pa siya sa ginawa kong paghampas ng malakas sa kanya gamit ang vacuum na siyang nahawakan ko ng mga oras na yon.” Naabutan ko sa sala ang magnanakaw na kaharap na nga ang Mama at Papa ko na kapwa tinutukan na ng patalim ng magnanakaw. Galing pa lang ako sa kusina noong oras na yon para tingnan kung maayos na nakasara ang mga tangke ng gasul. “Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwal kung paano ka nakipagbuno sa magnanakaw. Sobra akong kinabahan ng masagutan ka sa palad mo pero para bang hindi ka nasagutan at hindi mo ininda ang sugat kahit tumutulo na ang dugo sa sahig.” “Ma, sa mga ganung oras ng panganib ay paano kong iindahin ang sakit? Mas uunahin ko po ang kaligtasan natin kaysa ang magsabi po ng aray,” ang pahayag ko. “Kaya nga ng mga oras na nasa ospital tayo at ginagamot ang mga natamo mong sugat ay hindi ko talaga naiwasan ang umiyak ng umiyak dahil kahit masaktan ka at mamatay ka ay wala namang kwenta dahil ulila ka, ang siyang sagot mo sa akin ng tinanong kita kung bakit mo nagawang itaya ang buhay mo para sa amin ng Papa mo.” “Ang sabi mo pa nga ay maraming mawawalang ng trabaho kapag kami ang namatay. Maraming magugutom na mga bata at baka hindi makapag-aral. Sa mga sagot mo pa lang ay alam namin ng Papa mo na bagamat ulila ka, galing sa mahirap na pamilya at hindi nakapag-aral ay isa kang mabuting bata. Isang mabuting tao.” Pahayag ni Mama. “Totoo naman po kasi, Ma. Kung namatay ako noon ay wala namang iiyak. Wala akong pamilya, walang nanay, walang tatay at wala ako kahit isang kapatid. Hindi katulad niyo po ni Papa na maraming natutulungan. Kaya handa po akong mamamatay ng mga oras na iyon.” Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na ako naging utusan. Matapos kong magpagaling sa ospital at bumalik na sa mansiyon ay anak na ako nina Mama at Papa. Naparehistro na nila ako bilang anak nila at sila ang legal ko ng mga magulang pagbalik ko ng malaking bahay. “Sana lang ay mahuli na kung sinong magnanakaw ang nanloob sa atin noon, Carmen. Madalas kapag gabi ay hindi mawala sa isip ko na baka balikan tayo lalo ka na ng magnanakaw na yon. Natatakot akong baka saktan ka niya lalo na si Connor.” Pag-aalala ni Mama. “Ma, huwag po kayong nag-iisip ng mga ganyan. Makakasama po yan sa kalusugan niyo. Hindi po kami masasaktan ng anak ko dahil hindi po ako makapayag. Natitiyak ko po na hindi kami babalikan ng magnanakaw na yon dahil takot niya lang sa akin.” Determinado kong sambit. Kung sila nga na hindi ko kaanu-ano ay naipagtanggol ko. Bakit hindi ang anak ko? Kaya mag-ingat ang sinumang tao na may balak na kantiins si Connor. Hindi ako magdadalawang-isip na gumawa ng hindi maganda kapag anak ko ang usapan. Si Desiree? Pasalamat siya dahil hindi ko siya tinuluyang lunurin dahil mas natutuwa akong panoorin kung paano siya matakot sa akin. Pero hindi ko rin masasabing takot siya dahil hanggang ngayon ay nanatili siyang kabit ng asawa ko. Walang problema. Basta iwasan niya ang lugar kung saan kami magsasalubong dahil hindi ako magsasawang ipahiya siya ng paulit-ulit sa harap ng maraming tao. “Alam ko namang matapang ka, Carmen. Pero kamusta naman ba kayo ng asawa mo? Baka kaya hindi kayo makabuo ay dahil wala ng panahon si Santi sa inyong mag-ina? Baka puro na siya trabaho kaya wala na kayong bonding?” usisa pa ni Mama. “Ma, okay na okay po kami ni Santi. Lagi nga po silang naglalaro nitong si Connor pag-uwi niya galing sa trabaho.” Pagsisinungaling ko. Wala akong matandaan na pinansin ni Santi si Connor. Madalas siyang salubungin ng bata sa pinto ng bahay para ipakita ang mga nakuha nitong stars sa school ngunit lagi lang niyang nilalampasan ang bata. Nasasaktan man ako para sa anak ko ay hindi ko ba lang pinapahalata. Dapat lagi akong matapang. Dapat lagi akong matatag. “Mabuti naman kung ganun. Nag-aalala rin ako na baka dahil sa dami ng trabaho ay wala ng panahon sa inyo si Santi. Nakikita naman ng Papa mo ang pagsusumikap na Santi na matutunan ang lahat tungkol sa pagpapatakbo ng mga negosyo na ipagkakatiwala na namin sa pamamalakad niya.” “Salamat po, Ma,” pasasalamat ko. “Pero kahit hindi niyo po kami pamanahan ay malaking bagay na po na naging magulang ko po kayo. Kung sa tingin niyo po ay kulang ang kaalaman ni Santi para sa kumpanya ay malaya po kayong mamili kung kanino niyo dapat na ipagkatiwala. Kahit po ibenta niyo na lang sa ibang tao ay wala naman pong problema.” Suhestiyon ko. “Anak, ano bang sinasabi mo? Wala ka bang tiwala sa asawa mo?” Ngumiti ako at saka umiling. “Hindi naman po, Ma. Natatakot lang po ako na baka mamaya ay magkamali si Santi at biglang nawala ang lahat ng mga pinaghirapan niyo. Ayoko po na multuhin niyo kami kapag nasa kabilang buhay na kayo,” pagbibiro ko pa. “Sa ngayon ay talagang alanganin pa ang Papa mo sa kakayahan ng asawa mo pero dahil bata pa kasi si Santi ngunit pasasaan ba at mahahasa rin ang galing niya.” Sana nga Ma. Sana nga ay makayanan ni Santi ang balikatin ang bigat ng mga trabaho at mapanatili sa puwesto ang kumpanya. Sa luho ng kabit niya, mga magulang at mga kapatid ay hindi ako nakakatiyak na hindi malulugi ang kumpanya. “Siya nga pala, anak. Uuwi kami ng Papa mo sa hacienda. Marami raw aanihin kaya dadalaw muna kami para masaksihan ang masaganang ani. Baka gustio niyong sumama ni Connor?” Ang hacienda ng mga magulang ko ay matatagpuan sa malayong probinsiya. Nakarating na ako roon ng bagong kasal pa lang kaming mag-asawa dahil ang hacienda ay regalo ng mga magulang ko sa aming kasal. “Hindi po pwedeng mag-absent sa school si Connor, Ma. Kaya sa susunod na lang po siguro kami makakasama,” ang sagot ko. Pero sa totoo lang, kung papipiliin ako ngayon kung saan ko ba nais manatili o manirahan ay pipiliin ko ang hacienda. Payapa ang lugar na yon at para bang nasa isa kang paraiso sa lawa ng lugar. Sa mga luntiang paligid. Sa mga nagtataasang mga iba’t-ibang klase ng mga punong kahoy. Tahimik at malayong-malayo sa ingay at pulusyon. Maraming mga bungang kahoy at sariwa ang hangin pati na ang mga pagkain. Ngunit alam ko naman na magsasayang lang ako ng laway dahil hindi gugustuhin ni Santi na manirahan sa ganung klase ng lugar. Malayo sa pamilya niya. Sa buhay na kinasanayan niya. At malayong-malayos sa kabit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD