Episode 9

1562 Words
Umuwi nga kami ni Connor sa hacienda kung saan nanggaling ang mga magulang ko bago sila nasangkot sa malagim na aksidente sa daan. Tuwang-tuwa si Connor dahil ang daming niyang mga batang kalaro. Mas mabuti talaga na nalilibang siya ng ganito para makalimutan din ang nangyari sa lolo at lola niya. Simula ng mawala sina Mama at Papa ay naging maging malulungkutin na si Connor. Dati na siyang mapag-isa dahil wala namanh kalaro ngunit lalo na siyang nagsulok kahit hindi siya naglalaro. Panatag naman ako na hindi mapapahamak ang anak ko dahil nakabantay si Samuel sa kanya. Naglilibang din naman ako dahil talagang nakakalibang ang mga gawain sa bukid tulad ng pagpapagatas sa baka at pangunguha ng mga itlog sa manukan. “Attorney, may problema po ba?” tanong ko ng sagutin ko ang tawag ng aming family lawyer na siyang may hawak ng last will ng mga magulang ko. “Miss Chiu, pilit akong kinakausap ni Santi tungkol sa last will. Pinipilit niyang alamin kahit wala ka.” Inaasahan ko na talaga na gagawin ni Santi ang ganun. Ano pa bang aasahan ko sa kagaya niya? Atat na atat siyang malaman kung anong nilalaman ng last will para mabilang na kung gaano siya kayaman. “Mabuti pa ay huwag mo na lang sagutin ang anumang tawag niya, attorney. Iwasan mo na lang din na magkatagpo kayo.” Sagot ko. “Okay. Lalabas din naman ako ng bansa for some business kaya hindi na nila siguro ako magugulo. Maging ang nanay at tatay niya ginugulo ako.” Mga walang hiya talaga. Pinag uusapan na nila ang kayamanang naiwan ng mga magulang ko noong mga nakaburol pa pagkatapos ay pinapakialaman na naman nila ang mga bagay na wala naman silang kinalaman. Tumango ako. “Ingat, attorney.” “Mas mag-ingat ka Miss Chiu. Ingatan mo rin ang anak mo. Alam mo kung bakit pinayagan din kita na lumayo muna sa lungsod? Iyon ay dahil din sa kaligtasan niyong mag-ina. Maraming nakakaalam na anak ka ng mga bilyonaryo kaya dapat lang na mag-ingat ka. Kadalasan pa nga ay kung sinong malapit sayo ay hindi mo alam na kaya kang gawan ng hindi maganda. Abogado ako kaya alam ko ang mga ganyang problema sa loob ng pamilya. Sila-sila nagsisiraan at nagpapatayan sa ngalan ng pera.” “Salamat sa concern, attorney.” Tugon ko. Sa yaman ng mga magulang ko ay hindi talaga malayo na mangyaring ang iniisip ni attorney. Mas nakakatakot pa nga na kaya kaming gawan ng masama ng pamilya ni Santi sa ugali na kanilang pinapakita nila noon hanggang ngayon. Araw-araw naman akong tumatawag sa mga mapagkakatiwalaang kasambahay para kamustahin ang dalawang bahay na nais ko sa lungsod kaya kahit nasa malayo ako ay alam ko ang mga nangyayari. “Ma, maglalaro po ulit ako mamaya, ha,” paalam ni Connor kahit kakapasok pa lang niya ulit ng bahay para kumain ng tanghalian. May mga dala pa siyang kung anu-anong bunga ng halaman pasalubong niya raw sa akin. “Basta wala ng lalayo at baka abutan ka ng dilim sa labas,” ang sagot ko. Nagtatalon naman sa tuwa ang anak ko. “Manang-mana sayo ang anak mo, Carmen.” Si Samuel na kasunod ng pumasok sa bahay ni Connor. Matanda si Samuel sa akin ng limang taon kaya mas matured na siyang mag-isip kahit noon pa. “Hindi ako nagkamali na iuwi muna rito ang anak ko. Sa bahay ay hindi siya ganyan kasigla kaya natutuwa ako na kahit paano ay nakakalimutan niya ang mga nangyari kailan lang.” Sagot ko kay Samuel na may mga dala ring mga prutas at ibang pagkain na galing daw sa mga taong pinayagan na manirahan sa paligid ng hacienda ng mga magulang ko. “Malayong-malayo siya sa Connor na naabutan ko na naglalaro lang sa sulok ng bahay. Mas maganda talaga kapag may mga kalaro ang batang katulad niya na nasa ganyang edad. Kanina ay para bang hindi si Connor ang kasama ko. At okay din siyang makisama sa ibang mga bata. Ang akala ko ay dahil anak mayaman siya ay tinuruan mo siyang huwag makikain sa iba o kainin ang pagkain ng mga taong hindi niya ka level.” Bahagya akong natawa sa sinabi ni Samuel. “Saan nanggaling ang anak mayaman? Nanggaling sa akin si Connor at saan ba ako galing? Kahit pa sabihin na nagbago ang buhay ko ay ganun pa rin ako. Hindi pa rin magbabago ang nakaraan ko. Ako pa rin si Carmen na tumatakbo at nagtatago sa bahay mo kapag wala na naman akong awa na sasaktan ng mga kamag-anak ko. Ako pa rin si Carmen na kapag may nakitang pagkain sa bahay mo ay uubusin kong lahat at bahala ka na sa buhay mo kung kumain ka na o hindi pa,” kwento ko dahil ganun kami noon ni Samuel. Matalik kaming magkaibigan. Ganun ang naging turingan namin kaya nga gumawa ako ng paraan para matulungan siya ng mga umampon sa akin. “Oo, at ginagawan mo pa ako ng utang sa tindahan ng wala akong kaalam-alam. Nagugulat na lang ako na sinisingil na ako at mau utang daw ang nakababata kong kapatid na babae.” Natawa ulit ako. Ginawa ko talaga yon. Isang araw na kasi ako noong walang kain. Wala pa si Samuel sa bahay niya dahil parang sa malayong lugar siya nakipag trabaho. Kaya kinapalan ko ang mukha at nangutang ako sa tindahan kung saan alam ko rin naman na nangungutang siya. Nagpakilala akong nakababatang kapatid niya para pautangin ako. “Mas mabuti na iyong naisip ko kaysa naman magnakaw ako, hindi ba? At saka magkano lang naman yon? Wala pa yatang trenta pesos,” wika ko pa. Tinapay at sofdrinks ang inutang ko at ilang pirasong biskwit na inabot ko sa dalawang pinsan ko na manlilit. Mga nag-iiyakan kasi nagugutom na ng mga panahon na iyon. Sobrang sugarol kasi ng mga magulang. Inuuna ang umupo sa sugalan kaysa ang bigas at ulam. Kape o tubig na may asukal lang ang iniinom ng mga pinsan ko sa halip na gatas kaya sobrang nadurog ang puso ko na bandang huli ay sarili nilang nanay ang nag wakas sa mga buhay nila. Hanggang sa huling hininga ay walang kwenta ang mga naging magulang ng kawawa kong mga pinsan. “Kailan ba kayo luluwas ni Connor niyan?” maya-maya ay tanong ni Samuel. “Pinapaalis mo na ba kami?” biro ko. “Alam mong kung ako ang tatanungin ay mas gusto kung dito na lang kayo. Simple lang ang buhay dito ngunt nakita mo naman ang anak mo kung gaano siya kasaya.” Ang totoo ay nagsisimula na akong kabahan sa kung anong pwedeng mangyari sa amin ni Connor kapag bumalik na kami sa bahay namin. “Pwede ko bang iwan na muna si Connor sayo?” seryoso kong tanong kay Samuel. “Bakit naman hindi? Baka magalit pa nga ako sayo kapag kinuhan mo na siya.” Ang natanggap kong sagot. “Kanina lang ay natanggap ko ang tawag ni attorney. Pinipilit daw alamin ni Santi ang tungkol sa last will kasama na rin ang nanay at tatay niya. Pasalamat na lang talaga ako at hindi nasusuhulan si attorney at hindi natatakot sa anumang pagbabanta.” “Kaya napag-isipan kong ako na muna ang babalik sa bahay. Iiwan ko muna si Connor para na rin sa kaligtasan niya.” Hindi na ako nakasisiguro sa paligid namin ng anak ko kasama ni Santi at ng pamilya niya. Kaya ako na lang ang babalik at iiwan muna si Connor kay Samuel. “Kung nakakaamoy ko ng panganib ay bakit luluwas ka pa? Baka mamaya ay mapahamak ka pa?” Umiling ako. “Alam mo kung gaano kayaman ang mga umampon sa akin. Papayag ba ako na mapunta sa kanilang lahat? Na kwento ko naman sayo kung gaano kagahaman ang pamilyang yon, hindi ba ? Pati nga itong hacienda ay alam nila.” “Natatawa ako habang pinapakinggan kung paano sila mangarap na mapupunta sa kanila ang lahat ng mga pinundar nina Mama at Papa. Akala mo ba ay nakakasiguro sila sa mga sinasabi nila.” “Anuman ang mga binabalak mo, Carmen ay mag-iingat ka. Alam ko naman na kayang-kaya mo yan. Grabe nga ang ginawa mo sa babae ng asawa mo ng pinasa mo sa akin ang video. Parang nakita ko na naman ang Carmen na isang batang lansangan. Basta kapag kailangan mo ng tulong, tumawag ka lang. Pagdating kay Connor, alam mong hindi ko siya pababayaan.” Pahayag ni Samuel. Balak ko na rin talagang lumuwas. Pakiramdam ko ay handa na ulit akong makipagbardaglan sa kanila. Wala naman akong dapat alalahanin dahil nakakatiyak akong aalagaan ni Samuel ang anak ko. “Mahirap din pala kapag sobrang yaman, ano? Bukod sa hindi mo alam kung sino ang tunay na kaibigan ay lagi pang nasa hukay ang isa mong paa. Noon ay pagkain lang ang problema mo. Ngayon ay sarili mo ng buhay dahil sa kayamanan na alam nila na meron ka. Bilyonarya ka na kasi. Tagapagmana ng mga trust funds, company shares at marami pang iba. Sa halip na matutulog ka ng payapa dahil wala kang utang na iniisip ay hindi ka naman makatulog ng mahimbing dahil baka mamaya habang nagpapahinga ka ay tuluyan ka na ngang hindi magising. May tiwala namana ko sayo, Carmen. Kaso ay mag-iingat ka pa rin.” Ang paalala ni Samuel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD