Episode 12

1575 Words
“Ano bang ginagawa niyo rito?” tanong ko sa nanay ni Santi at sa dalawa niyang kapatid na babae. Ang kakapal talaga ng mga mukha na magpunta sa bahay ng mga umampon sa akin ng wala akong alam. “Carmencita, naalala ko kasi na baka magtagal ka pa sa probinsya kung saan kayo nagtungo ni Connor kaya naisip ko na dito na muna kami ng mga hipag mo para bantayan na rin ang bahay ng mga namapayapa mong mga magulang. Mahirap na at baka pagnakawan ka ng mga katulong na iniwan mo lalo at napakaraming mahahalagang gamit at hindi basta ang halaga.” Sagot ng nanay ni Santi. Umarko ang kilay ko sa narinig. May tiwala ako sa mga kasambahay kaysa sa kanilang mag-iina. “Kaya naman nagdesisyon kayong magtungo rito para magbantay o salakay?” paratang ko. “Aba! Bakit ganyan ka magsalita lalo na sa Mama namin? Baka nakakalimutan mo na nanay siya ng asawa mo? Galing ka lang sa kung saan ay nawala na yata ang good manners mo,” pagsita sa akin ni Ayin. “Good manners? Talagang sinasabihan mo ako ng ganyan? Good manners bang matatawag ang nagpunta kayo rito ng wala akong alam? Pagkatapos ay maabutan ko na pinagsasalitaan ng hindi maganda ang mga kasambahay na matagal ng naninilbihan sa bahay na ito. At pati ang mga alahas ng mga umampon sa akin ay pinakialaman niyo? Huwag kayong magbintang ng bantay salakay dahil mas mapagkakatiwalaan ko ang mga kasambahay sa bahay na ito kaysa sa inyong mag-iina.” Kaswal ko lang na pagkakasabi sa tatlo. Lalong umarte na hindi makahinga ang nanay ni Santi. Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang sakit sa puso o kahit hika. Kaya umaarte lang siya. “Grabe! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo sa amin?” si Crista. “Oo naman.” Tugon ko. “Naririnig ko ang mga sinasabi ko gaya ng kung paan ko kayo naririnig na insultuhin ako kapag nakatalikod sainyo? Akala niyo ba ay ganun ako katanga para hindi malaman kung paano niyo ako alipustahin?” ani ko sa tatlo na hindi malaman kung anong reaksyon nila. “Hindi ko talaga nga malaman kung saan niyo pinagkukuha ang kakapalan ng mukha para harapin pa ako at manghingi kayo ng mga kung ano samantalang ang mga plastic at mga ipokrita kayo.” Napasinghap ang tatlo sa narinig na naman sa akin. “Pabili kayo ng pabili na parang may patago kayong salapi? Kung hindi niyo kayang bumili ay huwag niyong obligahin ang iba para lang bilhan kayo,” wika ko pa. “Walang totoo sa inyo. Lahat kayo mga ipokrita kaya huwag na kayong magkunwari at bait-baitan sa harap ko dahil alam ko naman ang mga baho niyo. Pera at yaman na palagay niyong meron ako ang siyang habol niyo, hindi ba?” paratang ko pa. “Sobra ka na talagang babae ka!” asik ni Ayin saka ako tangkang sasampalin pero nasangga ako ang kamay sabay tulak ko sa kanya. “Huwag na huwag mo akong sasaktan sa loob ng pamamahay ko at baka ipakulong kita,” banta ko kay Ayin na nakahandusay sa sahig. “Ang yabang mo samantalang ampon ka lang naman!” ang nanay ni Santi. Napangisi ako na nakuha ko na siyang sagarin. “Anong pinagmamalaki mo na mayaman ka na? Lahat ng meron ka ay kahati ang asawa mo ba ana ko kaya huwag kang masyadong mayabang dahil wala kang alam sa pagpapatakbo ng mga negosyo ng mga umampon sayo. Ang anak kong si Santi ang mamamalakad sa lahat dahil hindi ka naman nakatapos ng pag-aaral. Baka nga hindi ka pa marunong magbasa ng maayos,” pang-iinsulto pa ng nanay ni Santi sa akin. Lumitaw na talaga ang ugali. “Tama! Huwag kang mayabang dahil mayaman din si Kuya. At itong bahay na sabi mon sayo ay kanyan rin. Kaya may karapatan din kami rito dahil kapatid namin siya at anak siya ni Mama!” sabad ni Crista. “Ang kakapal talaga ng apog niyong mang-angkin ano? Total masyadong mainit ang bunganga mo kaya tara! Para mahimasmasan ka naman,” sabay hablot ko sa mahabang buhok ni Crista “Ouch! Anong gagawin mo sa akin!” sigaw ni Crista at pilit tinatangga ang kamay kong makasabunot ng mahigpit sa buhok niya. “Carmencita, anong ginagawa mo sa anak ko?!” taranta ng nanay ni Santi na hindi malaman ang gagawin habang si Ayin ay nagmamadaling tumayo para saklolohan na ang kapatid. “Wala naman akong gagawin. Masyado lang nakakairita itong anak mong feeling sosyal na hindi naman bagay. Iritang-irita na ako sa itsura at pananalita niyang ubod ng arte kaya tuturuan ko lang ng leksyon,” sagot ko sa tanong ng nanay ni Santi at saka ko kinaladkad si Crista habang sabunot ko ang buhok. Nakatingin lang sa amin ang mga kasambahay pero walang nagtatangka na lumapit para tulungan ang mag-iina. “Tama yan, Ma'am. Sinabunutan din ako niyan ng magkamali ako sa pagtimpla ng gatas niya,” sumbong ng isang kasambamahay na may edad na. “Wala talagang modo ang batang to kaya dapat lang na pinaparusahan.” Ang sagot ko. May mga edad na halos ang mga kasambahay sa bahay ng mga magulang ko kaya nakakagalit na hindi sila ginagalang ng mga baliw na to. “Hayan! Maligo kang gaga ka!” sabay tulak ko kay Crista sa swimming pool na nasa likod bahay. “Ay! Hindi marunong lumangoy si Crista!” tili ng nanay ni Santi kaya naman itinulak ko rin siya. Tangka rin akong itutulak ni Ayin pero sorry siya at mas malakas ako sa kanya. “Para silang mga basang sisiw habang inililigtas ang mga sarili. “Baka isipin niyo masama na ako dahil sa ginawa ko sa inyo? Kulang pa yan sa mga pang-iisulto na ginawa niyo sa akin habang nagtatawanan kayo ng mga kausap niyo. Baka akala niyo hindi ko alam ang mga pinagagawa niyo? Kaya tama lang yan sa inyo.” Sabay tawa ko ng malakas. “Hayop kang babae ka! Makita mo hindi ko mapapalampas ang pagpapahiya mo na ito sa amin ng mga anak ko! Titiyakin kong igaganti kami ni Santi!” Lalo akong narawa sa narinig na banta. “Go! Walang pumipigil!” sagot ko habang pinagmamasdan ang pamilya ni santi na mga basang sisiw. Ganito ang ginawa nila sa akin ng magkaroon ng okasyon sa bahay nila na imbitado lahat ng mga kaibigan nila.. Inutusan din nila akong magserved ng mga pagkain at inumin sa mga bisita at hindi nila ako ipinakilala kung sino ako. Sumunod lang naman ako dahil inisip kong baka kulang lang ng tagapagsilbi at wala ng makuha. Ngunit napadaan ako sa maids quarter at narinig kong naroon ang mga kasambahay nila. Nagtatago ng sadya at pinagtatawanan ako dahil para raw akong basang sisiw dahil nga nahihilo ako dami kong ginagawa ay nalaglag ako sa pool ba nasa gitna pa naman ng party. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit dahil nga tao akong nakikisama pero inaabuso na pala ang pakikisama ko. Noon kasi ay hindi ko pa alam na pinaplastic lang ako nina santi. Inakala ko na mabait sila dahil nga kilala sila ng mga umampon sa akin pero nagkamali pala ako ng hinala. Nagpalit ako ng damit at nagpatuloy sa trabaho sa party pero nang abala na talaga ang lahat sa kasiyahan ay pinatay ko ang main switch ng kuryente kaya nagkagulo dahil madilim ang buong paligid. Nagsindi ako ng papel at tinapon sa isa sa mga kama sa maid's quarter dahil napilitan silang lumabas dahil mainit. Mabilis akong kumilos pabalik ng pool area at hinila ko ang table cloth kung saan nakahapag ang lahat ng mga pagkain dahilan para matapon ang lahat. Nagkamali sila ng taong kakawawain dahil hindi nila ako kilala. “Pagbabayaran mong lahat ng mahal ang pagpapahiya mo sa amin, Carmencita!” sigaw pa ng nanay ni Santi na nakaahon na sa tubig. “Pagbabayaran? Eh, bayad niyo yan sa mga pagpapahiya niyo sa akin? Pasalamat nga kayo at ganyan lang ang ginagawa ko sa inyo. Nakita niyo naman kung paano ko balian ng mga buto si Desiree? Paano ko sunugin ang mukha niya at paano ko siya hubaran sa harap ng madla? Gusto niyo bang gawin ko sa inyo?” Natahimik ang tatlong babae at nagmamadaling naglakad patungo sa gate ng bahay. Tinawag ko ang mga kasambahay at tinanong kung nakapaglabas pa ng mamahaling gamit ang tatlong yon at wala naman daw. Alam ng mga kasambahay ang kumpletong bilang ng mga alahas ni Mama dahil mas matagal na sila sa akin sa bahay na ito. “Hindi na nila naitago ang tunay nilang mga ugali, Ma'am. Wala pa man ang last will ay naniniwala na silang pwede na nilang pakialaman ang lahat dahil asawa mo Ma'am Carmencita,” sabi sa akin. “Kaya maaga akong umuwi para nga sorpresahin ang lahat,” ika ko pa. “Ma'am, makikipaghiwalay ka na ba kay Santi niyan?” Tumango ako. “Wala na pong dahilan para manatili ako sa relasyon namin. Sadya lang kasi na nag-eenjoy ako na paglaruan ang kabit niya at mga kapatid niiyang ubod ng kaaarte.” Ang sagot ko pa. “Ma'am, si attorney Topacio ang tumatawag sa phone ko.” Tumango ako at inabot ang cellphone ko ngunit sa sinabi sa akin ni attorney ay abot langit na naman ang naramdaman kong galit. Makakapatay na talaga ako ng wala oras. Sinasabi ko na ba! Tama talaga ang hinala ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD