Episode 11

1632 Words
“Sumusobra ka ng babae ka! Noon ay pinalampas kita pero ngayon ay hindi na!” Sabay malakas na sampal ni Santi sa akin. Muntik na naman akong mabuwal sa pagsampal niya pero matatag pa rin akong nakatayo at paglingon kong muli sa kanya ay idinura ko sa mukha niyang nakakairita ang dugo sa bibig ko gawa ng pagsampal niya. Itinaas niyang muli ang kamay niya para sampalin akong muli pero- “Subukan mong ulitin at ngayon din ay patatalsikin kita sa pwesto mong hayop ka.” Banta ko sa kanya kaya naiwan sa ere ang kamay niya na ikinangisi ko. “Takot ka, ano?” sabay tawa ko ng malakas. Tawa ako ng tawa habang si Santi ay nagpipigil ng galit. Ang bilis niyang makauwi saan man siyang lupalop naroon ng mapanood ang video ng kabit niyang kinaladkad ko ay kinalbo ko pa. Pero kahit mabilis pa siyang nakauwi ay hindi niya na inabutan si Desiree sa labas ng bahay. “Ano? Magagalit ka pa ba? Galit ka dahil sa ginawa ko sa kabit mo na tama lang naman ang reaksyon ko. Sumobra nga lang.” “Sayang nga at hindi kayo nagpang-abot sa labas ng gate. Hindi tuloy ako nakasaksi ng mala kdrama na eksena. Tipong inapi ang bidang babae, darating ang bidang lalaki sakay ng magarang sasakyan. Ililigtas niya ang babaeng at saka magsasabi ng, huwag kang mag-alala narito na ako at wala ng makakapanakit sayo,” para kong tangang sambit na tila nangangarap pa sa kawalan. “Pero, eme!” bulalas ko sa pa jejemnon na pausong salita. “Eme lang yon dahil ang totoo, kinawawa ng legal na asawa ang isang malanding kabit na sobrang kapal ng mukha na pumasok sa kapitaga-pitagan kong bahay at saka gumawa ng mga kababuyan. Mantakin mong dungisan ang magandang imahe ng pamamahay ko? At saka, pasalamat pa siya na hindi ko siya itinulak sa hagdan at hindi ko siya pinugutan ng ulo at ginupitan ko lang ng buhok. Pero ewan ko lang next time? Baka mga daliri niya naman ang gupitin ko? Pwede ring mga ngipin niya ang bunutin ko?” pananakot ko pang sabi. Pinalagatok ko pa ang mga daliri ko at inikot-ikot ko ang leeg ko sa harap ng lalaking ubod din ng kapal ng mukha. “Ewan ko ba at kapag nakikita ko talaga ang babae mo ay nabubuhayan ako ng dugo at hindi ko mapigilan na saktan ng husto. Kita mo naman, basag na naman ang mukha at bali na naman ang mga buto. Pero siyempre, alam kong ipapagamot mo. Gagastusan mo ng malaki para lang mabalik ang nakikita mong ganda na lagi kong sinisira.” Madiin kong pananalita. Tiim-bagang si Santi pero walang magawa. “Tatawagan ko si attorney at papupuntahin ngayon din para basahin ang last will,” kapag daka ay giit ni Santi. “Wala si attorney nasa labas ng bansa,” sagot ko. “What?!” inis niyang tanong. “Tawagan o puntahan mo sa kanila kung gusti mo pa,” sulsol ko pa. “Talagang pupuntahan ko para paharapin na sa ating dalawa. Hindi ko na matiis ang ugali mo. May sakit ka yata sa utak bagay na hindi ko na pagtatakhan pa. Sa squatter ka nanggaling kaya kahit magpabango ka pa ng mamahaling pabango ay aalingasaw pa rin ang amoy ng ugaling squatter sa pagkatao mo.” Tugon ni Santi habang titig na titig sa mga mata ko. “Maka-squatter naman to,” ani ko at nagkunwaring mahinhin na babae tulad ng pinakita ko sa lahat. Prim and proper na hindi makabasag pinggan. “Hindi ba at taga squatter ka naman talaga? Galing sa kung sinong hindi kilalang pamilya kaya nga pati mga magulang mo ay hindi mo kilala gaya ng hindi mo alam ang pagsulat ng pangalan mo at kung paano magbasa ng abakada.” Pang-iisulto ni Santi sabay tumawa. Tawa siya ng tawa kaya sinabayan ko. Tumawa rin ako ng tumawa na para ng na luka-luka. “Nakakatawa ka talaga, ano? Ako? Sinasabihan mong taga squatter gayong mas squammy pa ang ugali mo kasama ng buong pamilya mo,” diretso kong sabi kay Santi. “Huwag mong madamay-damay ang pamilya kong hayop kang babae ka dahil baka pilipitin ko na talaga ang dila mo.” “Takot ako,” sabay yakap ko pa kunwari sa sarili ko. “Bakit ka nasasaktan na totoo naman ang sinasabi ko? Squammy naman talaga kayo? Mga mukhanng pera, bait-baitan, mga pasosyal kahit baon naman sa mga utang. Mga plastic pa. Okay kapag kaharap pero kapag nakatalikod ako ay kung ano ng mga sinasabi sa akin. Ganyan-ganyang ang mga maritess na squammy sa lugar namin. Pasalamat at mapuputi kayo pero kung nagkataon na nognog din mga balat niyo ay kay papangit niyo naman talaga.” Alam kong pikon na pikon na si Santi sa mga pinagsasabi ko pero wala lang magawa. “At pwede ba, ha? Huwag mo akong mainsulto na hindi ako marunong magsula ng pangalan at magbasa dahil noon iyon. Baka nga talunin pa kita sa spelling bee? Baka akala mo hindi ko alam kung anong kabobohan na ginagawa mo bilang CEO?” pang iinsulto ko rin. “Anong kabobohang pinagsasabi mong babae ka?” “Kunwari ka pa? Marami kang kapalkan na ginagawa. Muntik umurong ang isang investor dahil sa kabobohan na ginawa mo.” Akusa ko pa. “Hindi ako bobo! Sadyang mahina lang ang utak ng investor na yon na hindi niya naintindihan ang paliwanag ko!” pagtatanggol pa rin ni Santi sa sarili niya. “Eh, di bobo ka pa rin. Kasi hindi mo naipaliwanag sa maabot at maiintindihan niya.” Pang-aasar ko pa. “Kaya huwag mong maipagmamalaki na may pinag-aralan ka dahil anong malay ko? Baka binayaran niiyo lang ang mga teacher para ipasa ka kahit bobo ka naman.” Patuloy ko lang di na pang-iinis. Kumukumpas-kumpas na sa hangin si Santi sa sobrang napipikon na. Pikang-pika na at nais ng manakit. “Hahanapin ko si attorney ang I’ll make sure na mababasa na ang lasr will kaysa mag-aksaya ako ng oras makipagkwentuhan sa nonsense kausap na gaya mo.” Tumawa na naman ako. “Atlis hindi ako nagpapanggap na matalino,” habol ko pang bubuwesit. Nagmamadaling pinasibad ni Santi ang sasakyan para hanapin si attorney na nasa singapore para sa business trip. Umalis din naman ako sa bahay at nagtungo sa bahay ng mga magulang ko. “Ang tanga mo talaga! Hindi mo ba alam na napakamahal nitong damit ko para mantiyahan mo lang! Tanga! Tanga! Tanga!” Malayo pa lang ay naririnig ko na at nakikita ang pagmamalupit ng nanay ni Santi sa isa sa mga matagal ng kasambahay ng mga magulang ko. “Sorry na, Ma'am. Nasanay lang po kasi ako kina Mister and Mrs Chiu sa way ng paglalaba ko. “Pwes! Patay na mga matatandang yon! Inuuod na mga katawan nila sa ilalim ng lupa kay ako na ang amo mo! Naiintindihan mo ba? Tanga?” “At sinong nagsabing ikaw na ang amo sa bahay na ito?” kaswa ko lang na tanong at saka naupo lang sa malawak na balkonahe. Kinuha ko ang isang slice cake at fresh orange juice na nakatapat sa biyenan ko. “Carmencita, narito ka na pala?” ang biglang tanong ng nanay ni Santi sa malambing na tinig. Kakairita. “Kailan ka pa nakauwi? Umuwi ka ba sa bahay niyo ni Santi?” aniya pa. “Bakit natanong niyo? Nag-aalala ba kayo na baka naabutan ko ang babae ni Santi sa bahay?” Biglang namutla ang mukha ng nanay ni Santi sa narinig. Naumid din ang dila at hindi na makagalaw. “Huwag kayong mag-aalala. Kinaladkad ko lang palabas ng bahag at saka ko kinalbo. Kawawa nga, sayang hindi niyo natulungan,” sabi ko pa. “Ma, look! Nakita kong lahat and bagay ko ba?” si Crista. Ang pasosyal na kapatid ni Santi. “Hindi mo bagay dahil sayo yan.” Ako ang sumagot kaya tulad ng nanay niya ay natulala na lang si Crista pagkakita sa akin. “At saka, dagdag ko pa. Hindi bagay sayo ang magsuot ng alahas dahil unang-una wala ka namang pambili. Asa ka lang din. Kaya tanggalin mong lahat sa katawan mo at ibalik mong lahat. Lahat-lahat. Huwag kang feeling sosyalera dahil baon kayo sa utang. Mahiya ka sa mga pinagkakautangan niyo. Post ka pa naman ng post sa social media. Tatapatin kita, mukha kang echoserang palaka na naninilaw. Beh, bawasan ang feelingera, ha?” utos ko sa bunsong kapatid ni Santi. “Carmencita, iha. Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Nagkasakit ka ba? Gusto mo bang ipatingin kita sa psychiatrist? Nakikilala mo ba kami?” Nakangiti akong tumingin sa nanay ni Santi. “Oo naman. Nakilala kita. Kayo.” Tugon at lingon ko pa kay Crista. “Ikaw si Crista, ang bunsong kapatid ng bobong ni Santi na super feelingera na mukhang palaka. May isa pa iyong mukhang tuko.” Paglalarawan ko kay Crista at Ayin. “At ikaw ang nanay ni Santi na ubod ng kapal ng mukha.” Nanlaki ang mga mata ng nanay ni Santi sa narinig. “Bukod sa makapal ang mukha mo ay ubod at nuknukan ka ng plastic.” Dagdag ko pa. “Ate, anong pinagsasabi mo? Bakit sinasabihan mo kami ng mga ganyang pananalita? Are you out of your mind?” gulat na gulat na tanong ni Crista. “Bakit? Totoo naman na mga plastic at makakapal mukha niyo, hindi ba? Anong ginagawa niyo rito na wala ako? Hindi bat kakapalan at tawag? Pagnanakaw pa kung tutuusin dahil sa mga alahas na hawak mo,” akusa ko pa. Natatarantang tumakbo si Crista sa loob ng bahay para ibalik ang mga alahas ni Mama. Samantalang ang nanau ni Santi ay hindi na yata makahinga sa pagpapahiya na ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD