“My gosh! Ang yaman mo na friend! Sikat na sikat ka na!”
Napangiti lang ako sabay ng mabining paghampas-hampas ng ulo sa maingay na tunog ng tugtog sa loob ng bar kung nasaan ako.
“Anong sabi ko sa inyo? Yayaman ako kahit hindi ako mag-aral!” pasigaw kong sagot dahil hindi nila ako maririnig kapag bumulong lang ako.
Ganito ang gusto kong buhay.
Ayoko ng mag-aral pa ng kung anu-anong sakit sa ulo na mga lesson.
Bakit kailangan kong mag-aral kung marami naman kaming pera?
Bakit kailangan ko pang magpakapagod pa at magsayang ng pera kakabayad sa mga university kung kaya rin naman naming bilhin ang lahat.
“Lahat ng drinks natin ngayon ay sagot ko kaya magwalwal tayong lahat!” sigaw ko sa lahat ng mga kaibigan ko habang nakabilog kami sa gitna ng dance floor.
Ganito kami kapag magkakasama. Nagwawala talaga kami at nagpapasaya kasabay ng napakaingay na tugtugan kasama ang iba pang mga kabataan na nagpapakasaya sa buhay.
“Ayin, nakita na ba ang hipag mo? Hindi ba kaya kayo na interview ay dahil dinukot pala siya sa mismon bahay niya?” usisa ng isa kong kaibigan na tulad ko ay laging bagsak ang grades kahit napakadali naman daw ng subject.
Kaya nga kami nagkasundo ay dahil mga pare-pareho kaming mahihina at mapupurol daw ang utak.
Ewan ko lang.
Kasi nga ang katwiran ko ay bakit ako magpapakapagod mag-aral kung kaya naman ng ibigay ni Kuya sa amin ang lahat.
Kahit itong buong bar na ito ay kayang-kaya niya ng bilhin para sa akin.
Sa dami ng pera niya ngayon dahil sa pagkamatay na ng lahat ng Chiu ay hindi niya naman kami pababayaan dahil pamilya niya kami
At isa pa, suportado namin siya.
Maging ang pambabae niya nga ay pinagtatakpan namin kahit alam naming lagi silang magkasama ni Desiree na walang kadala-dala kahit ilang ulit ng nagulpi ni Carmencita na iba talaga ang ugali kapag galit.
Well, galing siyang squatter kaya talagang hindi rin nakapagtataka kung may saltik talaga siya sa utak.
Ang galing niya ngang magpanggap sa totoo lang.
Ang bait niya at hindi makabasag pinggan kapag kaharap ang mga umampon sa kanya pero kaya niyang mag transform sa isang halimaw kapag nagkakatagpo sila ng kabit ng kanyang asawa.
Hindi nga ako makapaniwala sa viral video ni Desiree na basta na lang siyang ibinabalibag ni Carmencita sa park.
Grabe si Carmencita kung manakit kaya hindi ng mawala ang mga Chiu ay lumabas na nga ang kanyang tunay na ugali ng abutan niya kami sa mansyon ng mga magulang niya.
Ang lakas ng loob ng babaeng yon na hiyain at saktan kami sa harap ng mga hampas lupang mga katulong.
Akala mo kung sino na siya gayong napulot lang naman siya sa basura.
Kaya dapat lang talaga na pinapatay na siya ni kuya ng mas maaga dahil baka kami nina Mama, Kuya Santi at Crista mamatay sa kunsumisyon sa kanya.
Tama lang din na makaranas muna siya ng sobrang hirap bago namatay.
Ang mga katulad niyang wala namang kwenta ay dapat pinapatay na talaga.
Hindi na namin siya kailangan pa dahil wala naman talaga siyang maitutulong pa.
Boba siya at walang alam kung hindi ang alagaan lang ang pamangkin kong si Connor na iniwan niya pala sa probinsya.
Mas maganda talagang doon na lang ang batang yon dahil isa pa namin siyang alalahanin.
Wala na rin naman siyang silbi dahil bata pa lang siya. Bukod tanging si Kuya lang ang may karapatan sa mga ari-arian na naiwan ng dalawang matanda at ni Carmencita.
Ngunit ang isa pang gumugulo sa isipan namin ay kung sino ang kumuha ng mga mamahaling alahas sa loob ng aming sasakyan?
Paanong nawala ang mga kayamanan na yon na nagkakahalaga na rin yata ng bilyon?
Kung alam ko lang talaga na magkakaganoon ay nagbulsa na sana ako kahit isang piraso.
Alam ko kasi ay walang baba sa milyon ang kahit sa mga yon.
Kaya sino kaya ang kumuha?
Walang cctv camera sa lugar na yon kaya wala talaga kaming ideya kung anong nangyari at paanong nawala ang mga ninakaw namin.
Imposible nga bang multo?
Multo ni Carmencita?
Kahit ako nahihirapan akong paniwalaan sa isip ko na ang mukha talaga ng babaeng yon ang nakita namin ni Crista ng gabing yon.
Totoo namang patay na siya dahil may mga video clip pa kung paano siyang pinahirap patayin bago itapon sa ilalim ng dagat sa liblib na lugar na yon.
Ayoko man ngang matakot pero sa tuwing pipikit talaga ako ay nakikita k ang duguan niyang mukha at naririnnig akanyang nakakarinding
boses habang dumadaing sa sobrang sakit na nararamdaman niya.
“Ayos ka lang, Ayin? Bakit tinakpan mo mga tainga mo? Ano? Nabibingi ka na ba sa ingay? Hindi ka na ba sanay? Sabagay ang tagal mo na rin namang hindi naki hang-out sa amin dahil wala ka ng pera!”
Dahil inalis ko ang mga palad kong madiin na nakatakip sa dalawa kong tainga ay dinig na dinig ko ang sinabo ni Phoebe kasabay ng tawanan nilang lahat na nasa paligid ko. Malamyos na rin ang tugtog dahil sweet dance ang ganap sa dance floor.
“Kung bakit naman kasi napakasugarol ng Mama mo? Na bankrupt tuloy kayo!” tukso pa nila sa akin.
“Pasalamat kayo at may nauto ang kuya mo na isang bilyonarya na bigla na lang dinukot sa loob ng bahay. Nakapagtataka dahil nasaan ang mga security? Ano yon, inside job?”
Pikon na pikon na ako sa mga naririnig kong pang-iinsulto at personal ng paratang.
“Nakahingi ka na ba sa kuya mong bilyonaryong balo kaya ka bigla ka na lang nanlibri?
Bigla akong tumayo kasabay ng hablot ko sa isang bote ng alak at mabilis na hinampas sa bibig ni Phobe na siyang promotor sa pang-iinis akin.
“Ouch!!!” sigaw niya na narinig yata sa apat na sulok ng bar na ito.
“Ayin! Are you crazy? Bakit mo ginawa kay Phoebe ang ginawa mo?” galing na tanong din sa akin ng isa sa mga kaibigan ko.
Binasag ko ang bote at saka itinutok sa kanya.
“Bakit? Gusto mo rin na gawin ko sayo?” hamon ko at saka ko pa lalong inilapit sa mukha ang basag na boteng hawak ko.
Nagsilayo naman ng mga kasamahan ko sa akin maging ang mga tao sa malapit na lamesa.
“Subukan niyo pang magsalita ng hindi maganda laban sa akin at sa pamilya ko at hindi ako magdadalawang isip na isaksak ang bote na ito sa bibig niyong mga mahadera kayo!” banta ko na.
“Palibhasang mga inggetera kayo! Mga wala naman kasi kayong magawa kung hindi ang magpalibre ng magpalibre! Ang lalakas niyo ngang uminom ng mamahaling alak na wala naman kayong mga pambayad!” asik ko pa ngunit may mga humawak na sa dalawa kong braso.
“Dalhin niyo ang babaeng yan sa police station at ikulong!” sigaw ni Phoebe habang nakahawak sa bahagi ng ulo niya na pinukpok ko ng
bote.
“Tara na po, Ma'am,” yakag na sa akin ng dalawang bouncer na hawak ako sa magkabila kong braso.
“Let me go! Wala kayong karapatan na hawakan ako ng maruruming niyong mga kamay!” piglas ko sa mga bouncer.
“Tama lang na turuan ko ng leksyon ang mga babaeng yan dahil masyadong matatabil ang dila nila!” sigaw ko pa sa mga kasama kong babae.
“Kuh! Aminin mo na, Ayin! Usap-usapan ng kayo ng buong pamilya mo ang malamang na nagpadukot sa sarili mong hipag para masolo niyo ang kayaman niya!” bintang ni Phoebe.
“And ang galing mong umarte sa harap ng camera ng na interview kayo gayong lagi mo ngang sinasabi sa amin na you don't like your sister in law dahil ampon lang at galing squatter. At kung hindi lang sa malaking kayamanan ay hindi pakakasalan ng kuya mong hindi naman ganun kagwapo,” saad pa ng isa kanila
“Yeah! I remember ng sinabi mong kung pwede mo lang gawin ay lalagyan mo na ng lason ang inumin o pagkain ng sister in law mo para huwag niyo na siyang makasama dahil nga diring-diri ka at kayong buong pamilya sa kanya,” ani pa sa akin.
“Makapagsalita ka ng nakakadiri na mas lalong nakakadiri ang ugali ng buong pamilya mo. Ang may nagsabi pa nga na ninakaw niyo iyong mga alahas sa mansiyong ng hipag mo. Yuck! Nakakadiri! Magnanakaw! Kaya sayo na ang pera mong ipinagmamalaki! Kaya naming bayaran ang lahat ng mga ininom namin dahil hindi kami tatanggap ng anong bagay na galing sa nakaw!
Susugurin ko sana ng sabunot si Phoebe pero hawak nga ako ng mga bouncer at ayaw talaga akong pakawalan.
“Pasalamat ka at hindi ako makawala dito dahil kung hindi ay baka sinapok ko na ang bunganga mong walang hiya ka!” angil ko pa pero kinaladkad na ako palabas ng dalawang bouncer.
Pero hindi nila ako binitawan dahil sa police station daw ang tuloy namin.
“Tingnan natin ang tapang mong babae ka kapag napakulong na kita. Can’t you remember na my Daddy is a top lawyer? Kaya tawagin mo na ang lahat ng magagaling na abogado para maipagtanggol ka,” sabi ni Phoebe sa akin bago niya ako talimuran at sumakay sa mamahaling sports car niya.