Episode 21 CRISTA

1601 Words
“Kainis ang init!” reklamo ko ng makapasok na sa loob ng university na pinapasukan ko. Inilabas ko ang mamahaling pamaypay sa loob ng bag ko at saka ko rin kinuha ang mamahalin kong perfume at saka pinang spray sa harap ko. Sira kasi ang sasakyan ni Mama kaya hindi niya ako nahatid. Ang sasakyan ni Ayin ay wala raw gas kaya huwag ko raw gagamitin. Si Kuya Santi naman ay hindi ko matawagan kaya wala akong choice kung hindi ang sumakay sa mga sasakyang pampumbliko na sa sobra na ngang init dahil walang aircon ay sumasalubong pa sa mukha ko ang alikabok at maitim na usok ng mga sasakyan sa paligid. Nagdiretso ako sa comfort room para ayusin ang sarili ko dahil sobrang nanlalagkit ang pakiramdam ko. Naghilmos akong mabuti para mawala ang anumang alikabok sa mukha ko at saka ulit naglagay ng light make up para mawala ang maibalik ang pagka fresh ng itsura ko. Inayos ko rin ang mga hikaw ko kwintas at bracelet sa braso ko at baka hindi ko napansin na nawala dahil nag commute lang naman ako. Naglipana ang mga snatcher sa mga ganung lugar kaya mabuti naman at kumpleto ang mga gamit ko sa katawan. “As if naman na may magkaka-interes sa mga jewelries mo na mga tanso lang naman, Crista?” sabay tawa ng isang babae ba kapapasok lang sa girls comfort room kung nasaan ako. Si Corin kasama ang kanyang mga alipores. Matagal ng may nakatagong inis sa akin ang babaeng to. Hindi ko alam kung anong pinaglalaban niya pero malamang sa malamang ay naiinggit siya sa kung anong meron ako Wala akong balak na maging patola para sa araw na ito kaya inayos ko na ang mga gamit ko at saka binistahan ang sarili ko for the final look. Nasiyahan na ako kaya naman tumalikod na ako sa malaking salamin ng cr at saka parang walang ibang napapansin na naglakad na ako para lumabas ng banyo. Pero muntik akong nasubsob sa maruming sahig ng may tumisod sa paa ko. “Ay!” sigaw ko sa pagkagulat na mabuti na lang at agad akong nakabalanse dahilan para hindi ako matumba. “Ano ba yan? Ang tanga-tanga mo naman, Crista!” sambit ni Corin sabay tawa na naman ng dalawa niya pang kasamang babae. Doon na ako hindi nakapagpigil kaya hinarap ko na siya. “Ano bang problema mo?!” tanong ko sabay tulak sa kaliwa niyang balikat. Hindi man siya natinag sa ginawa kong pagtulak kaya mabilis din niya akong naitulak din sa balikat ko. “Problema? Wala naman akong problema pero kapag nakikita kasi kita at ang ganyan ang kilos mo ay sobra akong naiirita dahil naalala ko ang mga utang ng nanay mo sa Mommy ko!” aniya sa akin at nilapitan pa talaga ako para magpantay ang aming mga mukha. “Bayad ng Mama ko ang mga utang na sinasabi mo kaya bakit hindi ka makapag-move on?” sabi ko pa. Noong panahon na nalulong si Mama sa sugal ay talagang nabaon kami sa utang at sa sobrang kahihiyan. Maraming inutangan si Mama para nga may pangsugal lang. Ultimo mong mga amiga niya ay kanyang inutangan kabilang nga ang nanay nitong si Corin. Halos isumpa ko nga talaga si Mama noong panahon na na-bully na ako sa pagkakaroon niya ng maraming utang. Maging mga kaklase ko rin kasi ay nalaman ang naging problema namin. Nilayuan ako ng mga kaibigan ko dahil sabi ng mga yaya nila ay lumayo raw sa akin at baka mawala ang mga suot nilang mamahaling hikaw, singsing, kwintas at bracelet. Noong panahon kasi na kasalukuyan ng nababatikos si Mama sa kanyang mga utang ay may nawalang kwintas sa isa mg mayaman kong classmates at itinuro ako na siyang kumuha kahit wala naman silang ebidensiya. Mga haka-haka lang na kesyo ako lang daw ang pwedeng kumuha dahil sa estado raw ng aming pamumuhay Lahat ng mga classmates ko ay iniwasan na ako maging ang teacher namin. Pero hindi ako nagpatinag. Hindi ko na lang sila pinansin kasi hinanapan ko sila ng ebidensiya na patunayan na ako ang kumuha pero wala silang napatunayan. Pero ang totoo, kinuha ko talaga. Naiinis ako sa classmates ko na yon dahil lagi siyang agaw atensiyon. Kaya kinaibigan ko para maging malapit ako sa kanya. At ang totoo rin, hindi ko alam kung bakit ang kwintas ang niya ang hinanap niya gayong ang dami ko ng nakuha na suot niyang mga alahas gaya ng mga bracelet at mga singsing niya. Maging sa iba kong classmates ay nakukuha ko rin ang mga alahas nila ng hindi nila napapansin. Bata pa lang talaga ako ay sobra na akong obsessed sa mga magagand at mamahaling jewelries dahil nasanay akong nagsusuot ng mga ito dahil na rin kay Mama. Kaya ganun na rin ang pagnanais kong mapasa akin ang mga alahas ng mga Chiu. Lahat ng mga alahas na meron sila ay talaga namang nakakalula ang presyo. Kapag nga naroon kami sa bahay nila noong buhay pa ang matatandang Chiu ay ilang beses akong nagtatangka na makapasok sa kwarto nila para makita lang sana ang collection nila ng set of jewelries. Nagpakabait pa nga ako lalo sa harap ng mga Chiu dahil baka sakaling magustuhan din nila ako ampunin gaya ng ginawa nila kay Ate Carmencita. Lagi kong iniisip kung ano kaya ang pakiramdam na makagsuot ng mga mamahaling kwintas na punong-puno ng mga mamahaling diamonds, ruby, sapphire, emerald at maraming uri pa ng mga mamahaling bato. Mayroon pa nga roon isang set ngg kwintas, hikaw, singsing at bracelet na lahat ay kulay pula ang mga bato. Nakita kong isnuot iyon ni matandang babaeng Chiu ng mag-celebrate siya ng kanyang birthday. Pero nawala lang ang lahat ng mga alahas na yon sa sasakyan namin ng wala man nakakaalam kung sinong kumuha. Magkakasama kaming tatlo nina Ate Ayin at Mama kaya imposible talaga may nagtago sa amin. Ninakaw na nga namin ay nanakawin pa ba namin sa isa't-isa? Nagsisisi talaga ako na hindi na lang ako naiwan sa sasakyan ng gabing nakita namin ni ate ang multo ni ate Carmencita. Dapat talaga binantayan ko ang mga alahas na yon. “Bayad na nga pero kaya nakapagtataka kung paano kayo nakabayad?” taas kilay na tanong ni Corin. “Baka may inutangan na naman ang Mama niya o kaya naman ay nagnakaw na naman sila,” paratang ng isa sa mga babaeng kasama ni Corin kaya tumindig akong mabuti at tangka na sana siyang susugurin ng humarang sa daraanan ko si Corin. “Ay! Bakit pikon ka? Guilty lang?” pang-aasar pa sa akin ni Corin kay nasampal ko na siya sa sobrang galit ko. Pero sinugod nila akon tatlo. Hinawakan ng dalawang kasama niyang babae ang mga braso ko at sinandal ako sa pinto ng banyo. “Walang hiya lang ambisyosa ka! Wala kang karapatan na saktan ako dahil ang mga parents ko hindi ako sinasaktan!” galit na galit si Corin at pinagsasampal na ako ng ilang beses sa mukha ko. “Bitawan niyo akong mga duwag kayo! Matapang lang kayo dahil mas marami kayong mga inggitera kayo!” sigaw ko at pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak sa akin. Sinipa ko ng malakas si Corin sa kanyang sikmura kaya tumalsik siya ng bahagya. “Akala mo siguro ay porke may mga nakahawak sa akin ay hindi na ako makakaganti sayong walang hiya ka!” sigaw ko pa. Pero agad nakatayo si Corin at binalikan ako at tinadyakan din ako sa sikmura ko kaya namilipit ako sa sobrang sakit. Napaupo pa ako sa maraming sahig ng banyo pero hindi sila nasiyahan na tatlo at pinagsisipa pa ako. “Help!” sigaw ko na lang kahit nanghihina na ako sa ginagawang pananakit ng tatlong babae sa akin. “As if naman na may tutulong sayo!” asik sa akin ni Corin. Binuksan nila ang isang cubicle at hinila nila ang katawan ko sa loob. Nanghihina na ako sa sobrang sakit ng katawan ko kaya hindi ko na talaga magawang protektahan ang sarili ko. “Kawawa naman ang feeling rich. Dapat lang sayo yan dahil masyado kang mapagmataas kahit baon naman kayo sa mga utang. At for sure lang, may kinalaman kayo sa pagkamatay ni Miss Carmencita Chiu dahil walang ibang magkakaroon ng motibo ng dukutin siya kung hindi kayo ng buong pamilya mo. Sa pagkakakilala sa inyo lalo na sa Mama mong social climber ay hindi talaga malabong kayo ang mastermind sa pagkawala niya dahil ang kuya mo na asawa niya ang siyang magmamana ng mga naiwan niyang kayamanan.” Pahayag pa ni Corin. “Mga hindi na lang magnanakaw. Mga mamatay tao na rin. Nakakahiya dapat tanggalin na yan sa university dahil mapapasama ang image ng school sa mga tulad ng babaeng yan.” Sulsol pa ng isang kasama ni Corin. Buong akala ko ay iiwan na nila ako ngunit kinuha nila ang bidet at saka itinapat sa akin ng may lumabas ng tubig. “Isinusumpa ko kayong mga walanghiya kayo!” sigaw ko habang tinatakpan ko ang mukha ko na winiwisikan nila ng tubig. Tawa lang sila ng tawa sa ginagawa nila sa akin. Pero ganun ba talaga kami ka halata sa ginawa namin kay Ate Carmencita? Pero si Kuya Santi naman ang nagpapatay sa kanya at hindi kami. Kaya bakit nila kami idadamay? Siya lang may gawa ng pagpapalabas ng pagdukot, pagpapahirap at pagpatay kay Ate Carmencita. Kaya bakit pati kami kailangan pagbayaran ng ganito ang kasalanan niya? “Bye, social climber. Ay! Nabasa ang mga golds mo baka mangitim na yan.” Pang-iinsulto pa nila bago na ako tuluyang iniwan sa banyo.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD