“Narito na pala ang amiga natin na bilyonarya!” bulalas ng isa sa mga plastic kong amiga na ngiting-ngiti na nagmukha ng kamukha ng isang asong kalye.
Ay hindi pala!
Isa siyang balyenang nakangisi. Sa sobrang laki ng katawan niya ay mahahalintulad na siya sa isang malaking balyena.
Plastic dahil alam ko naman na kung anu-anong paninira ang sinasabi niya kapag hindi niya na ako kaharap.
Tulad ng masyado raw akong feelingera na umaasa na mababahaginan ako ng kayamanan ng mga Chiu gayong biyenan lang daw ako ng isang ampon na hindi nakakatiyak kong pamamanahan nga ng mag-asawang Chiu.
Mayabang daw ako na baon naman ako sa utang at wala ng kahit anong maipagmamalaki.
Kaya lang daw ako nagpapanggap na nagcha-church kaya hindi makapunta kapag nagyayaya sila ay dahil wala akong pera na mailalapag para makasali sa madyong.
“Paupuin na natin at marami-raming puhunan yan,” ani naman ng siyang may-ari ng bahay na pinuntahan ko.
Tinawagan nila ako at maglaro raw kami ng madyong dahil namimiss na raw nila ako.
Matagal-tagal na rin kasi ng huli akong makapaglaro.
Simula kasi ng mawalan na talaga ako ng isasanla at ibebentang properties at mabaon na sa mga utang ay hindi na ako nakapaglaro.
Halos nabenta ko ang lahat ngunit mabuti na lang at hindi ko nahanap ang titulo ng lupa na kinatitirikan ng bahay namin kung hindi ay baka matagal na kaming natulog ng pamilya ko sa lansangan.
Ewan ko ba at noong una namann ay napaka swerte ko sa sugal. Nanalo talaga ako pero ng inalat ako ay nagsunod-sunod na talaga.
Sa kagustuhan kong makabawi ay lalo pa akong nabaon ng nabaon.
Nagkasakit na nga ako at nawalan ng gana ng mabuhay.
Pagkatapos ay dinalaw ako sa bahay ng isa kong kakilala at kapitbahay lang namin dito sa village. Nangangamusta sa akin dahil hindi niya na raw ako nakikitang pinapasyal ang mga mamahalin kong alagang aso tuwing umaga. Madalas kasi akong maglakad-lakad kasama ng mga alaga kong aso kaya naging close kami ng babaeng yon.
Sinabi ko sa kanya na masama ang pakiramdam ko at hindi ko akalain na dadalawin niya ako mismo sa bahay ko.
Marami siyang dalang mga pagkain at prutas ng araw na yon na nagustuhan ko talaga dahil kapus na kapus kami at halos itlog at noodles na lang ang inuulam.
Niyaya niya ako sa church kung saan raw siya every sunday na sumasamba.
Ayoko nga sanang sumama pero naisip ko kasi siyang utangan kaya kahit labag sa kalooban ko ay napilitan na akong sumama.
At talagang hindi naman talaga ako nagsisisi na sumama.
Halos may kaya ang pamilya sa church kung saan nga kanilan sa kanilang miyembro ay ang mag-asawang Chiu kaya duda akong mayaman na mayaman na ang pastor ng sambahan na yon sa naibigay lang ng mag-asawang Chiu.
Na engganyo na talaga akong maga-attend ng mga aktibidad ng church na yon kahit magmukha akong tanga.
Nadidikit ako sa mga alam kong may kaya sa buhay lalo na ang mag-asawang Chiu.
Grabe ang pagpapanggap kong mabait, mabuting tao para lang magustuhan ako ng mga Chiu na nagbunga naman talaga.
Lagi na kaming magkakasama lalo pa at sa bahay nila lagi ginaganap ang bible study na bongga lagi ang pa merienda nila.
Hanggang sa sobra na talaga silang nalapit sa akin at pati mga anak ko ay kilala na rin nila.
Ampon na nila si Carmencita ng mga panahon na yon at tahimik lang lagi ang babaeng yon. Madalang siyang makihalubilo sa mga bisita dahil siguro nahihiya na hindi mapagkakaila na ampon lang siya ng mga Chiu.
Naiinis talaga kay Carmencita dahil parang may iba sa pagkatao niya na hindi ako naniniwalang mabait siyang bata.
Alam kong may motibo siya at hindi niya maikakaila yon dahil may motibo rin ako kaya nga kahit na banas na banas na ako sa araw-araw na bible study ay matiyaga pa rin ako sumasama.
Napakahirap kaya na magpanggap na mabait. Tipong dapat lagi kang nakangiti kahit sa sino. Kailangan na bumeso sa kung sino.
Hindi naman kasi lahat ng miyembro ng church ay may mga sinasabi sa buhay. May mga hampas lupa rin na galing sa kung saan at nakikipag amen, halleluah rin sa church.
Dahil mga hampaslupa naroon iyong wala sigurong pambili ng mamahaling detergent at fabric conditioner dahil ang babaho ng mga suot nilang damit na galing lang din sa ukay o kaya naman ay ibinigay kasama ng mga relief goods.
Kaya hindi talaga ako tumatabi sa mga alam kong hampaslupa. Bukod sa ang babaho talaga nila ay hindi ko maatim na makipagkwentuhan na ang topic ay kahirapan.
Sa paglipas nga ng mga araw na lagi ko na rin nakakasama si Carmencita ay wala talaga akong makita na pwede kong maging pintas laban sa babaeng ampon lalo pa at nalaman kong naging katulong pala siya ng mga Chiu bago inampon ng mag-asawa.
Inaabangan ko na magkamali siya o kaya ay magsalita siya ng masama pero masyadong maingat ang babaeng yon.
Balak ko talaga sana siyang sirain sa mag-asawang Chiu pagkatapos ay isa sa mga anak ko ang ibibida para siyang ampunin nila.
Pero hindi ko nagawa talagang sirain si Carmencita dahil para sa iba ay mabait siyang bata at tao tulad ng mga nag-ampon sa kanya.
Pero hindi pa rin ako sumuko. Hindi ko pa rin nilayuan ang mga Chiu hanggang nalaman ko nga na naghahanap na sila ng tamang lalaki para kay Carmencita at laking pasasalamat ko na business management ang kinuha ni Santi na tamang-tama dahil ang nais ng mag-asawang bilyonaryo ay may alam sa negosyo ang mahahanap nilang manugang para raw hindi sila mag-aalala sa iiwanan nilang mga negosyo.
Ayaw ni Santi noong una lalo pa at kilala ng anak ko si Carmencita na malayong-malayo naman talaga sa girlfriend niyang su Desiree.
Pero dahil sa pananakot at sa mga sinasabi kong makukuha niya sa oras na mapangasawa ang ampon na yon ay pumayag na rin ang anak ko.
Nang ikasal sila ay ako na yata ang pinakamasayang nanay sa buong mundo dahil nakapangasawa ng bilyonarya ang anak ko.
Ang lahat ng mga kaibigan kong tinalikuran ako ng malamang bankrupt na kami ay mga nagtaas kilay na pinagkibit balikat ko na lang.
Hindi matanggap na mas mayaman na ako sa kanila sa kabila ng nabaon ako sa mga utang.
At ngayon nga na patay na ang mag-asawang Chiu at patay na rin si Carmencita ay wala ng ibang magnamana sa lahat ng mga ari-arian kung hindi si Santi at si Connor na bata pa lang naman kaya walang magiging problema.
“Ang tagal ka na naming niyaya na maglaro tayo ay bakit ngayon ka lang pumayag?” usisa ng amiga ko na may-ari ng bahay.
“Dahil stress ako mga amiga. Stress ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita sa napakabait kong manugang na si Carmencita. Kaya para mawala siya saglit sa isip ko ay kailangan kong maglibang,” pagdadahilan ko.
“Ay! Hanggang ngayon pala ay wala pa kayong balita kung saan dinala ng mga kidnapper si Carmencita? Ano kaya ang motibo nila na hindi sila humihingi ng ranson money?” tanong ng may-ari ng bahay.
“Kaya nga, ano? Dapat sa mga ganyan manghihingi na agad ng pera pero bakit wala pang nanghihingi sa iyo?” ang kaibigan kong balyenang plastic.
Pinalungkot ko ang mukha ko para lalo akong makakuha ng simpaty na nalulungkot talaga ako sa nangyari kay Carmencita.
“Hindi na nga kami makatulog at makakain sa araw-araw dahil nga kakaisip kung nasaan na si Carmencita. Awang-awa na ako kay Santi dahil namamayat na sa kakaisip kung nasaan na ang asawa.” Dagdag ko pa.
“Ha? Bakit parang kahapon lang nakita ko si Santi na kasama na naman ang kabit niya. Ang saya nga nila na kumakain doon sa favorite fine dine restaurant na lagi naming pinupuntahan ng buong mag-anak ko?” anang balyena na nais na namang sirain ang maganda kong mood.
“Imposible, amiga. Baka namamalikmata or nagkakamali ka lang. Hindi magagawa ni Santi na magsaya kahit hindi niya naman tunay na mahal si Carmencita.” Giit ko.
“Amiga, amiga, amiga, huwag mo akong gawing bulag o sinungaling dahil nakakatiyak ako na si Santi na anak mo ang nakita kong masaya pang nakikipagsubuan sa kanyang kabit. Kilala ko ang anak mo at kilala ko ang kabit niya na matagal niya ng girlfriend.” Napipikon na talaga ako sa balyenang kaharap ko.
Masyadoong matabil ang dila.
“Huwag mo ng pagtakpan ang anak mong si Santi, amiga. Wala kang dapat itago sa sitwasyon ng anak mo at ng nawawala niyang asawa. Malamang nga na hindi ka naman talaga kayo nalulungkot sa pagkawala ng nakakaawa mong manugang dahil malamang na tuwang-tuwa ka pa na hindi na siya babalik pa dahil dinukot. Malamang na patay na si Carmencita na siyang nais niyong mangyari para mapunta na ang lahat ng mga kayamanan nv Chiu sa pamilya niyo.” Dire-diretsong pahayag ng babaeng nabuhay yata para imbyernahin ako.
“Daig mo pa ang mga marites na tsismosa sa kanto sa mga lumalabas sa bibig mong balyena ka! Ano bang gusto mong palabasin? Na masaya kami na nawawala si Carmencita?!” asik ko sa balyenang ayaw din magpatalo.
“At ano pa ba? Conchita, kilala ka naming lahat. Kilala namin na masyado kang ambisyosa. Nagawa mo pa ngang magpanggap na maka-Diyos para mapalapit sa mga Chiu,hindi ba? Huwag mo kaming isali sa mga madali mong utuin ng banal-banalan ek-ek mo dahil hindi uubra!” asik ng balyena sa akin kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at itinaob ko ang lamesa sa kanya.
“Aray!” malakas niyang sigaw dahil hindi siya agad makakailag dahil nga sa bigat ng katawan niya ay hindi siya makakatakbo agad.
“Ang kapag ng mukha mong paratangan ang pamilya kong balyena ka! Inggit ka lang dahil magkaedad lang tayo pero napanatili ko ang katawan ko sa tamang laki at timbang samantalang ikaw ay halos mapagkamalan ng elepante sa laki!” sigaw ko pa sa balyena na hindi makatayo sa ginawa ko sa kanya.
“At bakit ako maiinggit sayo, Conchita? Ikaw ang inggitera sa ating lahat dito. Alam ng lahat kung gaano kalala ang sakit mong may pagkainggitera kaya huwag mo akong baligtarin! At saka, talaga bang nagluluksa kayo ng mga anak mo sa pagkawala ni Carmencita? Gayong may nakapagsabi sa amin dito na nagmamadali niyong limasin ang mga alahas ng mga Chiu sa bahay nila kahit wala naman kayong karapatan na kunin ang mga ito. And kaya ka nga namin pinapunta ngayon ay iniisip na naming suot muna ang mga mamahaling alahas na ninakaw niyo ng mga anak mo!”
Nabigla ako sa narinig.
Paanong nalaman ng mga plastic na ito ang tungkol sa pagkuha namin nina Crista at Ayin ng alahas sa mansiyon.
“Manahimik kang tsismosa ka! Huwag kang gumawa ng kwento para lang siraan akong balyena ka! Palibasa mga inggit na iggit na kayong lahat sa akin dahil hindi hamak na mas mayaman na ako sa inyong lahat!” ang gigil na gigil ko ng pahayag.
“Hoy! Conchita! Magdahan-dahan ka ng pananalita mo at walang naiinggit sayo!” asik na rin ng may-ari ng bahay sa akin.
“Kung kami ang tatanungin ay malamang na may kinalaman kayo sa pagkawala ng manugang mong madalas mong sabihan ng boba at tanga na lagi ka namang naiisahan kaya ikaw ang boba. At hindi kami naiinggit sayong ilusyanada ka. Kaya lumayas ka sa pamamahay ko dahil baka kung anong kamalasan ang dala mo ay mahawa pa kami!” sabay tulak pa sa akin ni Armanda palayo sa kanilang lahat.
“Hindi mo ako kailangan na ipagtabuyan dahil kusa akong lalayas dahil hindi ko matatagalan na makipag plastikan pa sa mga kagaya niyong ipokrita!” laban ko pa.
Ngunit sa halip na magalit sila akin ay sabay-sabay silang nagsitawa.
“Conchita, kawawa ka naman talaga, ano? Lahat kasi ng lumalabas sa marumi mong bibig ay patungkol sa ugali mo. Panalangin namin ay sana ay magkaroon na ng katarungan ang pagkawala ni Carmencita. Buhay man siya o patay na ay nararapat lang na pagbayaran ng kung sino ang gumawa ng hindi maganda sa kanya.” Giit pa rin ng balyena.
“Huwag kang mangbintang ng wala kang sapat na ebidensiyang balyena ka! Baka nga mapatay na kita sa mga sinasabi mong baboy ka!” galit na galit kong pagbabanta.
Bakit parang may alam sila sa tunay na nangyari kay Carmencita?