Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan kung paano pinaharurot ng matulin ni Santi ang sasakyan niya palabas ng basement kung saan siya naka park.
May mga malilit talaga akong batong hawak at isa-isang binabato sa kanya habang siya ay tahimik na naglalakad.
Talagang tinawag ko ang kanyang pangalan sa paraan kung paano ko talaga ito bigkasin. Kaya talagang narinig niya ako.
Napakalaking tao ay matatakutin naman pala. Duwag naman pala ang walang hiyang lalaking makapal ang mukha.
Ang titigas ng mga mukha na nakuha pa talagang magpa-interview pa para makakuha ng simpatya sa madla.
Ang gagaling maghugas kamay pero tingnan lang natin kung saan kayo dadalhin ng pagkukunwari niyong mga walang hiya kayo.
Sinadya ko rin talaga na dumaan sa likod nila habang kinakausap sila ng isang reporter sa isang sikat na tv station.
Dapat talagang matakot sila lalo pa at gumawa sila ng masama sa kapwa.
Habang naglalakad ako palabas ng basement ay tumunog ang cellphone kong gamit.
Si Samuel ang tumatawag.
Malamang na umabot na sa kanyang kaalaman ang tungkol sa nangyari sa akin.
Nais ko sanang sagutin ngunit mas pinili kong patayin ang cellphone ko para huwag niya na akong makontak pa.
Tumuloy ako sa mansiyon ng mga magulang ko ngunit ng simple akong sumilip sa loob dahil walang mga nagbabantay na gwardiya sa gate ay nakita kong nasa loob ang sasakyan ng nanay ni Santi.
Maya-maya pa ay nakita ko na sila ng mga anak niyang babae na may mga bitbit na papasok ng kanilang mga sasakyan.
Pinipigilan sila ng mga tapat na kasambahay na matagal ng naglilingkod sa mga umampon sa akin ngunit kanila lamang itong tinulak.
“Mga boba! Hindi naman namin nanakawin ang mga alahas na ito kaya bakit niyo kami pinipigilan? Mga muchacha lang kayo kaya wala kayong karapatan na pigilan kami sa mga nais naming gawin dahil pamilya kami ni Santi na asawa ni Carmencita na kasalukuyang nawawala pa dahil sa mga kidnappers na dumukot sa kanya!” asik ng nanay ni Santi.
“At saka, bakit ba kung makapigil kayo sa amin ay para bang may gagawin kaming masama sa mg alahas? Natural na itatago namin ang mga ito at hindi hahayaan na nasa inyong pangangalaga dahil mga hampaslupa lang kayo!” si Crista na siyang atat na atat na maangkin ang mga mamahaling alahas ng mga magulang ko.
“Ilang dekada na ho kaming naglilingkod sa mga Chiu. Kahit isang kusing ay walang nawala sa bahay na ito kahit madalas silang wala. Kaya bakit kailangan niyong kunin ang mga alahas ng amo namin gayong hindi pa naman kumpirmado na patay na si Ma'am Carmencita?” laban ng tumatayong mayordoma sa bahay ng mga magulang ko.
“Aba't sumasagot ka pa talagang muchacha ka?” sabay duro ng nanay ni Santi sa noo ng aming kasambahay. Paulit-ulit niyang tinulak ang tapat na kasambahay na para itong isang walang kwentang nilalang.
“Pinapangalagaan lang namin ang mga pag-aari ni Ate Carmencita. Hindi naman sa wala kaming mga tiwala sa inyo pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Patay na ang mga magulang ni Ate habang siya ay nawawala dahil dinukot ng kidnapper. Ngayon kung sakaling makabalik ng buhay si Ate ay ibabalik din naman namin lahat ng mga alahas na ito.” Katwiran ni Ayin.
“Malay namin kung mga kasabwat kayo ng mga kidnappers ni Ate Carmencita. Malamang na kaya niyong gawin na traydurin siya kasi nga mga mahihirap lang kayo at hindi nakakahawak ng malaking halaga ng pera.” Paratang ni Crista.
“Tama! Dapat pala ay magsawaga ng imbestigasyon sa inyong lahat na naririto dahil lahat kayo ay pwedeng maging suspek kung bakit nawawala si Carmencita.” Pagsang-ayon pa ng nanay ni Santi.
Ang gagaling pala talaga nilang umarte.
Pwedeng-pwede pala talaga silang mag-artista sa mga ginagawa nila.
“Magdahan-dahan ho kayo ng pananalita at hindi namin magagawa ang pinaparatang niyo. Sa pagitan natin ay kahit sino ay malalaman kung sino ang may pinakamotibo kapg nawala si Ma'am Carmencita.”
Gusto kong palakpakan ang mayordoma dahil sa galing niyang magsasagot sa mga taong gusto pang ituro sa kanila ang kasalanan.
Ngunit muntikan na akong tumakbo sa galit na naramdaman ko ng malakas na sampalin sa mukha ng nanay ni Santi ang mayordoma na mas may edad pa sa kanya.
Wala talagang mga galang at pati ang isang matanda ay nagawang saktan.
“Sa susunod na sumagot-sagot kang muli sa amin ay hindi lang yan ang aabutin mo! Kakaladkarin palabas ng mansiyon na ito lalo pa at mukhang wala ka na rin namang silbi!” banta pa ng nanay ng demonyong si Santi.
Wala ng nagawa pa ang mga kasambahay para pigilan pa ang pamilya ni Santi na kunin ang mahahalagang bagay na pag-aari ng mga magulang ko. Hindi biro ang halaga ng mga alahas. Milyon-milyo ang halaga ng mga yon at mas tumataas pa ang value sa paglipas ng mga taon.
Nagmamadali akong naglakad palayo sa harap ng gate dahil palabas na ang nanay at mga kapatid ni Santi.
Inabangan ko sila sa isang madilim na bahagi ng kalsada na kanilang tatahakin palayo.
Nang makita ko na ang kanilang sasakyan ay sinadya kong maglakad para tumawid sa kabilang kalsada ngunit huminto ako sa gitna at tumingin sa sasakyan nila.
Tinagalan ko talaga ang pagtigil sa gitna maging ang pagtitig sa kanila.
Gusto kong makita at makilala talaga nila ako.
Maya-maya nga ay lumikha ng malakas na tunog ang biglaang pagpreno ng kanilang sasakyan kaya nagmamadali na akong tumawid na para makapagtago.
Mula sa madilim na bahagi na kinukublihan ko ay nakita ko silang tatlo na nagmamadaling bumaba at nagpalinga-linga sa paligid.
“Ma, sure ako. Si ate Carmencita talaga ang nakita ko na nakatayo kanina rito at ang sama ng tingin sa atin,” takot na takot na sambit ni Crista na nakahawak ng mabuti sa braso ng kanyang nanay.
“Hindi pwedeng mangyari ang sinasabi mo dahil napanoon niyo rin naman ang mga video na galing sa mga inutusan ng kuya niyo na dukutin at patayin ang babaeng yon!” giit ng nanay ni Santi na patuloy na naghahanap sa paligid.
“Ma, nakita ko rin! At talagang si Carmencita talaga ang kaninang nakatayo rito,” ani naman ni Ayin.
“What if multo ni Ate Carmencita ang nagpakita sa atin dahil may kinalaman tayo sa pagkamatay niya?” tanong ni Crista.
“Boba! Hindi totoo ang multo! Mabuti pa magpunta tayo sa banda roon. Malamang na may nanakot lang sa atin. At kapag naghuli natin ay talagang makakatikim ang sinumang taong yon!” galit na galit na sambit ng nanay ni Santi at saka nga sila nagtungo sa bahagi ng lugar na maliwanag.
Pinalayo ko muna sila ng mas malayo bago ako lumabas sa pinagkukublihan ko at nagmadaling nagtungo sa naiwan nilang sasakyan.
“Mga bobo rin talaga na nagpapanggap na matatalino. Dahil sa isang multo ay nakalimutan na may mga mahahalaga silang gamit na basta na lang iniwan sa gitna ng dilim.”
Dahil nabuksan ko ang pinto ng sasakyan ay mabilis kong kinuha ang mga bag na nakita ko nilang bitbit kanina na pinaglagyan nila ng mga gamit ng mga magulang ko at muli akong pumasok sa madilim na bahagi ng lugar ng maramdamang may mga yabag ng papalapit sa kalsada.
“I think, we need to go na sa church and ask for forgiveness. Ma, mukha talaga ni ate Carmencita ang nakita ko. And she's back para maghiganti,” saad ni Crista na hindi na nag-iisip kong may tao ba sa paligid na nakakarinig sa pag-amin niya ng isang karumal-dumal na krimen.
“Shut up! Magsitigi kayo dahil hindi ako naniniwala sa multo. Ang mabuti pa ay magsitahimik kayo at umalis na tayo!” naiinis ng sambit ng kanilang nanay at saka na sila nagmamadaling sumakay sa kanilang sasakyan at saka umalis.
Hindi man lang nila napansin na wala na ang mga bagay na ninakaw nila sa loob ng sasakyan.
Isa-isa kong tiningnan ang tatlong bag na nakuha ko at kumpirmadong nasa loob nga ang mga mahahalagang bagay na halos pag-aari ng yumaong tumayo kong ina sa loob lang napakaiksing panahon.
“Ma, nabawi ko naman po itong mga alahas niyo. Huwag po kayon mag-alala at hindi po ako makakapayag na makuha nila ng mga gahamang yon ang mahalagang kayamanan na namana niyo pa sa inyong mga magulang,” bulong ko sa hangim habang hawak ang isang kwintas na napapalibutan ng mga kulay pula na diamonds.
Kumikinang ito kahit sa dilim na tila kulay ng sariwabg dugo.
Konting laro na may pananakot pa ang gagawin ko sa pamilya ni Santi.
Ewan ko na lang kung hindi sila sabay-sabay na mabaliw sa kakaisip kong buhay ba nga ako o isa ng multo na naghahanap ng katarungan para sa mga taong pumatay sa akin.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad bitbit ang mga kayamanan na bilyon din na rin na ang halaga kung pagsasamahin na.
Nakaparada lang din ang sasakyan ko sa hindi kalayuan kaya madali na rin akong nakaalis sa lugar bago pa makahalata ang mag-iina na nawawala na ang mga ninakaw nila at bumalik sa lugar.
Hindi rin naman magtatagak ang paglalaro namin ng tagu-taguan na may kasamang multuhan dahil gusto ko silang makitang nasa loob ng kulungan.
Ang mga taong gahaman at hindi nasisiyahan sa kung akong meron sila ay dapat lang na tinuturuan ng leksyon na kung saan madadala na sila at pagsisihan nila habang nabubulok sa bilanggguan.