Nasa kalagitnaan pa lamang ang horror movie na pinapanood namin ni Clyden nang hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising lamang ako nang marinig ang walang tigil na pag-iingay ng cellphone ko at ang maingay na pagkalansing ng kung ano mula sa kusina. Dahan-dahan na minulat ko ang mga mata ko at luminga sa paligid, una kong nakita ang nakapatay na T.V kasunod ang cellphone ko. Agad na kinuha ko iyon at binasa ang nasa screen. My Honey is calling… Akmang pipindutin ko na sana ang answer key nang biglang tumigil sa pagtunog ang phone ko. Binitawan ko na lamang iyon at muling pumikit hanggang sa muli akong makatulog. Parang wala pang isang oras simula nang makatulog ako ay muli akong nagising dahil sa pag-iingay ng cellphone ko. Nakapikit na iniabot ko iyon sa bandang ulunan ko saka