“You don’t have any stocks. How are you going to survive for the next two weeks? Bumili ka nga puro junk foods naman,” wika ni Clyden habang naghahanap ng mga ingredients na puwede niyang ihalo sa dala niyang chicken meat. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinapanood itong nagbubukas ng mga pinto ng kitchen cabinet at fridge pagkuwa’y marahas itong bumuntong hininga dala ng frustration na mahina kong ikinatawa. May pagka-health conscious si Clyden and never itong naging fan ng convenience store food and even fast foods. Hindi rin ito kumakain ng mga instant kagaya na nga lang ng instant noodles, perks of being a rich kid at marunong magluto. Ayaw din niya ng mga processed foods pero dahil bacon and tocino ang favorite breakfast namin ni Honey ay wala siyang choice kung hindi makis