Prologue
“Dito na raw sa Ramirez University Hospital du-duty ‘yung topnotcher sa batch natin, Dr. Martinez. Still, remember him?"
Tumaas ang isa kong kilay sa narinig. Bahagya kong nilingon ang mga kasama ko dito sa oncall room at nakita sina Doctor Bianca Martinez at Doctor Ashleigh Ledezma na nag-uusap.
Top notcher sa batch nila? Eh magkaka-batch kaming gum-graduate sa med school at sabay-sabay din na nag-take ng board exam.
Don't tell me-
"You mean Doctor Tan? As in Clyden John Tan?"
Napaubo ako sa narinig kasabay nang pagkapaso ng dila ko dahil sa mainit na sabaw. Kasalukuyan pa naman akong kumakain ng instant noodles at wala sa sariling sinubo ito ng hindi na iniihipan.
Mabilis akong tumayo at dahil sa labis na pagkataranta ay natapon ang noodles na di ko namalayan na nasagi ko pala. Napangiwi ako nang maramdaman ang mainit na sabaw sa hita ko.
"Doctor Napoli anong nangyari?" tanong nito na may bahid pa na pag-aalala ang boses. Mabilis na lumapit sa akin ang kaninang dalawang nag-uusap at agad kumuha ng tissue sabay abot sa akin. Napangiwi ako nang idampi ko ito sa ibabaw ng scrub na suot ko saka napabuntong-hininga na lang.
Bigla tuloy akong nagising dahil sa nangyari at narinig. Parang biglang nakalimutan ng katawan ko na 38 hours na akong walang tulog. Ibang klase.
"Okay lang ako. Pasensya na Doc," sabi ko na lang saka lumayo para kumuha ng mop at basahan. Nag-umpisa akong linisin ang kalat ko habang 'yung dalawa ay bumalik na sa bunkbed at nagpatuloy sa pag-uusap.
"I heard from my source na tapos na siya sa residency kaya bumalik na siya dito for fellowship," sabi pa ni Doctor Martinez.
Sana all tapos na sa residency. Mas ahead yata sila ng one year sa America at maaga natapos ang mokong na 'yon kahit na batchmate kami noon sa med school. Specialist na kaya siya? Anong department kaya?
Teka bakit nga ba ako interesado?
Mabilis akong napailing at tinuloy na lang ang pagpupunas ng table.
"Is it true na kaya siya sa ibang bansa nag-residency kasi na-broken hearted siya?" dinig kong tanong pa ni Dr. Ledezma.
"'Yan ang pagkakaalam ko. Ang sabi kasi before ay may girlfriend siya sa med school, nag-live in na nga sila kaso niloko siya nung girl kaya pagkalabas ng result ng board ay lumipad agad siya,” sagot naman ni Dr. Martinez.
Napatigil ako sa dapat sanang paglalagay ng mop sa mop bucket sa narinig.
Niloko ng girl? Pucha 'yung babae pa talaga ang naging masama ah! 'Yung lalaki kaya na 'yon ang may ka-s*x na iba kaya sila naghiwalay tapos ang lumalabas pa pala ay 'yung babae ang masama at siya ay biktima lamang? Damn rumors.
Nilingon ko ang dalawang kasamahan ko na doctor. Nakahiga sila sa bunkbed at patuloy pa rin sa pag-chi-chismisan. Napailing na lang ako at lumabas na lamang sa oncall room para pumunta sa locker room at magpalit ng scrub at mag-shower na rin. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng white coat ko at nag-browse sa social media habang nag-aabang sa tapat ng elevator. Ibinaba ko ang phone ko ng bumukas iyon at hahakbang na sana papasok ng makita ko ang nag-iisang tao na nasa loob.
Sandali akong natigilan nang magtama ang paningin naming dalawa. He's wearing a longsleeve white button-down polo and black slacks. Nakatupi ang sleeve niya hanggang siko at nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng slacks niya. Naka-tucked in ang polo niya sa slacks at may suot din siya na leather belt. Kitang-kita tuloy ang built ng katawan niya dahil doon na sa tingin ko ay mas lumaki pa at mas naging fit.
He's still handsome as ever. Tanned skin, pointed nose, rounded eyes, kissable pink lips and broad shoulders. May pagka-brown ang kulay ng magulo niyang buhok na akala niya hot tignan. Well, hot naman talaga siya noon pa. Guwapo at hot kaya nga nabaliw ako sa kanya, but that was before. Maraming taon na ang lumipas kaya sure akong nakamove-on na ako sa cheater asshole na ito!
He was leaning on the elevator wall at mukhang pinapasadahan din ako ng tingin. I saw the side of his lips rose. Bumaba ang tingin niya sandali bago ibalik ang tingin muli sa mga mata ko.
I don't know If he's mocking me or what? Siguro narinig niya na ang tsismis na sinaktan siya ng ex niya at na-broken hearted kaya nagpakalayo-layo. As always, siya na naman ang biktima at mabait. Lagi naman eh.
Bahagya akong luminga-linga at napagtanto na mag-isa lang ako na nag-aabang. Huminga ako ng malalim saka tahimik na pumasok sa loob ng elevator. Itinaas ko ulit ang phone ko at nag-browse sa social media. I heard him cleared his throat. In-exit ko ang isang social media account ko at in-open ang isa para doon mag-browse. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kasabay ng pag-pop up ng notification kung saan may tumatawag mula sa viber.
Dr. Lao calling…
"Hello?"
"Nasaan ka na?" bungad nito pagkasagot ko ng tawag. Sumulyap ako sa itaas ng elevator wall kung saan nakikita ang floor number.
"Third. Why?" sagot ko naman dito.
"Lunch? Sabay tayo magla-lunch 'di ba?" tanong pa nito. Napabuntong-hininga ako sa narinig. Wala akong plano na makisabay ng lunch sa kung sino dahil gusto ko sana mag-review. Nalalapit na ang exam namin but knowing Dr. Lao, she won’t take ‘no’ as an answer. Napaatras ako nang huminto ang elevator at bumukas kasunod ang pagpasok ng iilang doctor na sa tingin ko ay galing sa cafeteria. Muli pa akong umatras dahil may pumasok na naka-wheelchair. Bale apat na doktor kami na nasa elevator at isang pasyente na nasa wheelchair tulak ng sa tingin ko ay guardian nito.
Wala sa sarili akong napalingon sa lalaking katabi ko na ngayon nang maramdaman ang pagtama ng mga balat namin. Not really balat, yung sleeve ng white coat ko ay tumama sa sleeve ng polo niya.
"Doctor Tan! Akala ko bukas pa ang first day mo?" nagagalak na tanong ng doctor na bagong pasok sa elevator.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang lumingon ito sa akin. Bahagya akong dumistansya dito. Tumikhim ako at sinagot si Doctor Lao na natahimik sa kabilang linya.
"Pupunta muna ako sa locker room. Kita na lang tayo sa Tapsihan sa harapan,” sabi ko kay Honey at i-e-end na sana ang tawag ng magsalita ito mula sa kabilang linya.
"Wait lang, besh. Tama ba ang narinig ko? Dr. Tan as in 'yung ex mo? Bumalik na siya?! Oh my— “
Mabilis kong in-end ang tawag nang biglang lumakas ang boses niya. Huminga ako ng malalim at binalik ang phone sa bulsa ng coat ko at tumingin sa harapan.
"The hospital director wants to see me that's why I'm here," dinig kong sagot nito. Tumaas ang kilay ko dahil doon. Inilagay ko ang dalawang kamay sa bulsa ng coat ko at sumandal sa metal na dingding ng elevator.
Wow huh? So englishero na siya ngayon? Sabagay ilang taon din siya sa America.
"Mabuti naman at naisipan mo ng pagsilbihan ang bansa natin. Nanghinayang kami ng pumunta ka sa ibang bansa eh," sabi pa ng isang doctor sa kanya. Pasimple kong tinignan ang mga ito at nakilala na Professor sila from Neurosurgery and Orthopedics Surgery.
"Yeah." tipid na sagot niya na lihim kong ikina-ismid. Naubusan na siguro ng english.
Katahimikan ang sumunod na namayani hanggang sa magsalita ulit ang dalawang Professor.
"I heard na kaya ka umalis ay dahil sa ex-girlfriend mo? Naka-move on ka na ba sa kanya?" tanong muli nito na hindi ko maiwasan na sumulyap dito. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagtawa ko. Kailan pa naging interesado ang mga doctor sa lovelife ng kapwa nila doctor? At bakit napaka-big deal sa kanila ang lovelife ng lalaking ito?
"Did she really cheat on you?" tanong naman ng Professor sa Orthopedics.
Tuluyan na akong natawa sa narinig. Sarkastikong tawa na ikinalingon ng mga tao na nandito sa loob ng elevator na halatang nakikisagap ng chismis.
Oh, come on! Ang daming taon na ang lumipas. Bakit ngayon ko lang narinig ang chismis na dahilan ng pag-alis niya ay 'yung ex niya na niloko siya? Saan naman kaya nila napulot 'yan? Malaman ko lang talaga kung sino nagpakalat niyan ay sasabunutan ko.
"What's wrong, Doctor Napoli?" tanong ni Doctor from Neurosurgery. Kinagat ko ang ibabang labi ko saka marahan na umiling.
I heard him chuckled from my side kaya masama ang tingin na nilingon ko ito. I can see his playful smirked na nakakairita sa mata. I rolled my eyeballs at tumingin muli sa harapan.
Buti naman at hindi siya sumagot. Subukan niyang sagutin ng 'oo' 'yong walang kwentang tanong na 'yon ay babalatan ko talaga siya ng buhay gamit ang scalpel.
"You two are batch mates during med school, right Dr. Tan, Dr. Napoli? I heard you are placed second on the board while Doctor Tan is the top notched," sabi pa nong lalaking doctor na nakikichismis din. I recognized him as Dr. Lim of Orthopedics Department.
Hindi ko alam kung saan pa mapupunta ang usapan na ito kaya mabuti pang umalis na lang dito at maghagdan na lang. Hindi ko rin alam kung bakit napakatagal ata umakyat ng elevator ngayon.
"Yes, she is. We used to be study buddies when we were in med school," he said then looked at me. Nilabanan ko ang mga titig niya at mabilis din na nag-iwas saka tumingin sa harapan.
Ano bang problema ng lalaki na 'to?
"Really?" Hindi makapaniwala na sabi ng isang doctor. Pinagsingkit ko ang mata ko para mabasa ang name plate nito.
Dr. Adelaide Martinez of Neurosurgery? Siya 'yung mommy ni Dr. Bianca Martinez na batchmate ko sa med school, siya din yung nagchi-chismis kanina tungkol kay Dr. Tan. No wonder pareho silang nakikialam sa buhay ng may buhay. Same with Dr. Lim na uncle ni Dr. Martinez. These doctor family, seriously?
Bumukas ang pinto ng elevator matapos tumunog iyon, at dahil nasa unahan sila ay nauna silang lumabas. Tahimik kaming dalawa ng lalaking ‘to na lumabas ng elevator. Binagalan ko ang lakad ko habang 'yung lalaki na 'yon ay mukhang hinintay ng dalawa dahil sabay-sabay na silang naglalakad ngayon.
I bit the inside of my cheek ng i-try ko na mauna sa kanila pero masyadong maraming tao at nakaharang sina Dr. Martinez, Dr. Lim at si Dr. Tan sa harapan ko na patuloy pa rin sa pag-uusap.
Pucha kating-kati na ako at gusto ko ng mag-shower! Nagugutom na rin ako dahil hindi naman ako nakakain doon sa instant noodles. Wala ba silang balak na gumilid o di kaya ay bilisan na lang nila maglakad? Para kasi silang naglakakad sa ilalim ng buwan! So annoying!
"I tried to marry you off to my daughter before, but your dad refused. May girlfriend ka na raw kasi at nagsasama na kayong dalawa. Siguro kung natuloy ang kasal niyo ni Dr. Bianca Martinez ay baka may anak na kayo ngayon,” dinig kong sabi ni Professor Martinez.
Tumaas ang kilay ko sa narinig. So, there is a reason kung bakit kanina pa sila tanong ng tanong tungkol sa past relationship nitong lalaki na ito. Sabagay, ang pamilya ng nanay ni Dr. Tan ang may-ari ng hospital na ito, kaya hindi na nakakapagtaka at uso pa rin ang arranged marriage, just for the sake of power and money.
"But since you're single, is it possible that you will agree to the engagement if I ask your father?" tanong pa nito. Mahina akong natawa sa narinig. I saw from my peripheral vision na napalingon sa akin si Dr. Tan habang nakataas ang kilay. Inirapan ko ito at naglakad palagpas sa kanila nang makakita ng lusutan sa gilid niya. Mahigpit akong napahawak sa coat ko ng marinig ang sinabi nito.
"Why not?"
Dalawang salita. Dalawa lang 'yun pero sapat na 'yon para maramdaman ang pagsikip ng dibdib ko.
Pucha talaga. Bukod sa ako ang nagmukhang masama sa paghihiwalay namin ay may gana pa talaga siyang mag-ganyan na parang hindi siya apektado.
Pero hindi naman kasi talaga siya apektado! Niloko niya ako noong panahon na kailangan na kailangan ko siya. Sinaktan niya ako at winasak ang puso kong minahal siya ng higit pa sa pagmamahal niya, kaya ano nga ba ang pakialam niya sa akin? At ano din ba ang pakialam ko sa kanya? That cheater asshole! Magsama-sama sila!