“Malayo pa ba tayo?” Mula sa pagkakatingin sa labas ng bintana ay nilingon ko si Clyden matapos makita na kasalukuyan na kaming nasa expressway at medyo nakalabas na ng city. Puro puno at taniman ang naaaninag ko mula sa madilim na paligid. I looked at my phone to see the time and past 10 P.M na pala. Isang oras na rin ang nakalipas simula ng umalis kami sa unit ni Honey. “About two to three hours drive pa. Why? Are you sleepy?” sagot naman ni Clyden na bahagya pang lumingon sa akin. “No, I’m fine. I’m just curious,” sabi ko pa dito saka ngumiti. “Why aren’t you asking me?” tanong pa ni Clyden. “Gusto kong masurprise,” sagot ko naman dito. I heard Clyden chuckled kaya mahina rin akong natawa. Huminga ako ng malalim at tumingin muli sa bintana nang hindi na mul