"Anong iniisip mo?"
Mula sa pagkakayuko ko sa libro ay nag-angat ako ng tingin kay Honey nang marinig ang sinabi niya. We’re currently at the lab waiting for our professor. Nakaupo kami sa mahabang upuan at magkatabi.
“Huh?” tanong ko dito dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
“Aren’t your curious kung sino ‘yong babae kanina na lumapit kay Clyden?” tanong pa ni Honey saka ngumiti ng malapad. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko siya na-gets.
“Ah so you’re not even interested,” sabi pa nito saka mahinang tumawa.
“What are you talking about?” naguguluhan na tanong ko, umayos pa ako ng upo para tignan siya ng maayos.
“Nothing. Sige na magbasa ka lang d’yan,” nakangiti na sabi pa nito saka ibinalik ang tingin sa hawak-hawak nitong phone. Napailing na lamang ako at ibinalik ang tingin sa libro, nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa dumating ang prof namin.
Last class na namin ang sa lab kaya nang matapos kami ay agad akong nag-aya na umuwi. Mukhang napagod din si Honey sa ginawa namin maghapon kaya hindi na ito nag-aya pa sa kung saan-saan na lugar na maisipan nito.
Pagkarating namin sa condo ay agad kaming dumiretso ni Honey sa kanya-kanya naming kwarto para magpahinga. She reminded me na mag-alarm ng 8 P.M para sabay kaming mag-dinner dahil magluluto raw siya. Ngumiti at tumango naman ako dito bilang tugon bago tuluyan na pumasok sa kuwarto ko. Agad akong nag-shower pagkahubad ko ng uniform at tinuyo ang buhok ko, I also set the alarm at itinabi ang cellphone sa ulunan ko para siguradong magigising ako.
Exactly 8 P.M nang tumunog ang alarm ko. Nakapikit pa ang mga mata na kinapa ko ang cellphone ko para patayin iyon saka agad na naupo sa kama. I yawned and stretched my shoulders saka dumilat. Sandali pa akong tumulala sa kawalan bago maisipan na bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto.
Pagkalabas ko ng kuwarto ay agad na bumungad sa akin ang malakas na tawanan na nanggagaling sa living room. Agad na nagtungo ako doon at mabilis din na napatigil nang makita kung sino ang mga nakaupo sa sofa at nanonood ng American T.V series na Brooklyn Nine Nine.
“Gising ka na pala. I was about to wake you up buti at nag-alarm ka na,” dinig kong wika ni Honey na hindi ko namalayan na nasa gilid ko. May hawak ito ng bowl of popcorn at nakasuot ng pair of pajamas na katulad ng suot ko. Mukhang kanina pa siya gising o baka hindi siya natulog.
“What’s happening?” tanong ko dito bago muling tumingin sa couch kung saan nakaupo ang mga bisita namin na ngayon ay nakatingin na sa amin at mukhang narinig ang sinabi ni Honey.
The people sitting on the couch are none other than, Clyden, Rasdy, and Theo.
“Group study? It was supposed to be next week, ‘di ba? Kaso kasi sa Friday na ang first exam natin kaya we decided na mag-start na tonight,” paliwanag pa sa akin ni Honey bago ito maglakad patungo sa living room para ilapag ang bowl of popcorn sa center table.
“Okay,” wika ko na lamang saka mabilis na tumalikod at bumalik sa kuwarto ko. Dumiretso ako papasok ng bathroom saka mabilis na naghilamos, itinali ko rin ang mahaba kong buhok saka pinunasan ang aking mukha. Agad din naman akong lumabas ng kuwarto ng katukin ako ni Honey.
“Kumain ka muna bago tayo mag-start. Ilabas mo na rin pala ‘yong mga books mo, doon tayo sa sala mag-aaral,” sabi pa nito habang sinasabayan ako sa paglalakad patungo sa kusina. Naupo ako sa dining chair at nakita ang pork adobo na niluto ni Honey pati ang mainit na kanin na nasa pinggan na sinandok pa niya para sa akin.
“Nauna na akong kumain pero hihintayin kita na matapos para may kasama ka dito,” sabi ni Honey at akmang uupo na sa harapan ko nang pigilan ko siya.
“No, I’m okay. Hindi mo na ako kailangan na samahan,” natatawang sabi ko dito. Sanay naman na kasi akong mag-isa na kumain at mabuhay. Ngayon lang ako nagkaroon ng kasama and I’m so grateful because of that.
“Are you sure?” tanong pa ni Honey na mabilis kong ikinatango saka ngumiti dito.
“Okay. Just call me if you need anything,” sabi pa nito bago umalis ng kusina at magtungo sa living room.
Nang mawala sa paningin ko si Honey ay wala sa sarili akong napabuntong hininga. Muli akong napatingin sa harapan ko, agad na naglagay ako ng pork adobo sa pinggan ko at tahimik na kumain. Masarap talaga magluto si Honey and I really admire her talent dahil hindi naman ako marunong magluto.
Nang matapos ako sa pagkain ay agad akong tumayo at niligpit ang pinagkainan ko at nilagay iyon sa kitchen sink. Nagtungo muna ako sa fridge para kumuha ng bottled water saka bumalik sa tapat ng sink para maghugas. Kasalukuyan na akong naghuhugas ng mga plato at ilang pinaggamitan ni Honey sa pagluluto nang maramdaman kong may pumasok sa kitchen. Bahagya akong lumingon para tignan iyon at tindig pa lang ay kilala ko na agad ang taong nasa harapan ng fridge at kasalukuyan na naghahanap ng kung ano doon.
It's Clyden.
Mabilis ako na nag-iwas ng tingin at itinuon ang atensyon sa paghuhugas kahit pa ang isipan ko ay tungkol sa nangyari kanina sa tapsihan ni Aling Nena.
I pretended not to understand Honey nang tanungin niya ako kanina kung ano ang iniisip ko dahil ayaw kong ipaalam sa kanya na medyo curious ako. I mean hindi ko rin alam kung bakit interesado ako sa buhay ng Clyden na ito but there’s really something inside of me na nagsasabi na dapat ko na malaman iyon, and I hate it so damn much.
"Can you pass me the spoon?"
Wala sa sarili akong napaigtad nang marinig ang boses niya kasunod ang pagdantay ng braso niya sa braso ko. Hindi ko namalayan na nasa left side ko na pala siya. Nasa right side ko nakapwesto ang dish rack at dahil hindi ganoon kalawak ang kusina ni Honey ay hindi talaga maaabot ni Clyden ang spoon mula sa pwesto niya.
Huminga ako ng malalim at sandali na hinugasan ang kamay ko bago kinuha ang spoon at iniabot sa kanya. Nilingon ko ito at nakita na may hawak siyang gallon of ice cream na kasalukuyan ng nakabukas.
“You want some?” sabi pa nito. Mabilis naman akong umiling saka tipid ito na nginitian.
“I’m good, thank you,” sabi ko pa bago ibalik ang tingin ko sa hinuhugasan. Saktong patapos na ako sa pagbabanlaw kaya isa-isa ko nang inilagay sa dishwasher.
Sandali pa ako na nanatili sa kitchen dahil nilinis ko pa ang lababo at pinunasan iyon, sa buong duration din na ginagawa ko iyon ay nandoon lamang si Clyden at hindi umaalis. I tried to ignore him pero dahil sobrang lakas ng presensya niya ay hindi ako nakatiis at mabilis na hinarap ito. Sumandal ako sa sink at nakataas ang kilay na tinignan siya. Nakita ko ang biglang pagtaas ng sulok ng labi niya kaya lalo akong nakaramdam ng inis.
“What do you want?” iritable na wika ko dito. Nakita kong ibinaba niya sa kitchen counter ang gallon of ice cream na hawak niya, mukhang hindi naman niya iyon kinain at ginawa lang na excuse para magpunta siya dito.
"Shouldn't you take responsibility for kissing me last Monday night?" wika naman ni Clyden.
“What?!” hindi makapaniwala na wika ko. Mabuti na lamang at nakontrol ko ang pagtaas ng boses ko kung hindi ay baka narinig na kami nila Honey.
“Look, I’m really sorry for kissing you that night. I was drunk and I really don’t know why I did that,” sabi ko pa dito, pilit na nagpapaliwanag kahit na hindi naman dapat dahil alam naman niyang lasing ako ng gabing iyon.
“Alam ko pero kailangan mo pa rin akong panagutan,” sabi pa nito kasunod ang paghakbang palapit sa akin. Mabilis naman akong napaatras kahit pa wala na akong aatrasan dahil nakasandal na ako sa kitchen counter.
“What the hell are you talking about?” kunot-noo na wika ko pa dito.
Hindi agad ito umimik at mataman akong pinagmasdan, pilit na nilabanan ko naman ang mga titig niya kahit pa ramdam ko ang unting-unting panlalamig ng mga kamay ko.
“Pretend to be my girlfriend because Alexa keeps bothering me,” wika nito matapos ang ilang sandali. Bigla ay nawala ang panlalamig ng mga kamay ko at mula sa pagkakakunot ng noo ay naghahamon ko siya na tinignan.
“And why would I do that?” seryoso na tanong ko pa kay Clyden.
“Because you kissed me,” simpleng sagot naman nito.
“You’re unbelievable,” wika ko pa kasunod ang pag-iling. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muli na lamang na humarap sa sink dahil napagtanto kong wala siyang kwentang kausap.
Pretend to be his girlfriend because his ex-fling or former hookup or whatever the hell they called it keeps bothering him?
This guy is really something para isipin na papayag ako sa sinasabi niya.
“Hindi ka pa tapos, Berlin?”
Sabay kami na napalingon ni Clyden kay Honey nang bigla itong pumasok sa kusina. Naglakad ako palapit dito saka tumango.
“Tapos na,” tipid na sagot ko kay Honey at hindi na siyang hinintay pa na magsalita dahil agad na akong naglakad palayo doon.
Nagtungo ako sa kuwarto ko para kuhanin ang mga libro ko, huminga muna ako ng malalim bago muling lumabas at nagtungo sa living room kung nasaan sina Theo at Rasdy na kasalukuyan ng nagbabasa. Naupo ako sa tabi ni Rasdy dahil hindi ko alam kung saan nakaupo si Honey at binuklat na rin ang libro ko. Sumandal ako sa couch at itinaas ang libro para hindi ko makita si Clyden na kararating lamang kasama si Honey.
Pinilit ko na mag-concentrate sa discussion ni Rasdy habang sina-summarize nito ang mga napag-aralan namin starting from Monday. Mataman ako na nakikinig at sumasali sa pag-se-share ng ideas at hindi pinansin ang tagus-tagusan na titig ni Clyden.
Hindi ko maintindihan kung ano ang trip ng lalaking ito sa buhay pero bahala siya. Hindi ako magpapadala sa mga titig niya kahit pa sobra itong nakakailang! May goal ako na kailangan ma-achieve at wala akong panahon para sa kalokohan niya.
Around four A.M nang magdesisyon sila Theo na umuwi at ituloy na lamang mamaya after class ang group study. Sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi niya at hinatid sila sa may pinto. Nang tuluyan na makaalis ang tatlo ay agad kaming nagtungo ni Honey sa kanya-kanyang kuwarto para humabol ng tulog dahil eight A.M ang first class namin mamaya.
Thursday morning. Pagkatunog ng alarm ay agad akong bumangon at dumiretso sa bathroom para maligo. I did my morning skin care routine saka tinuyo ang buhok ko ng blower. Nag-apply din ako ng lotion sa buo kong katawan bago isuot ang kulay puti ko na uniform saka I.D. Kinuha ko ang backpack ko at binitbit ang mga libro saka lumabas ng kuwarto. Nagtungo ako sa kitchen para magtimpla ng kape at tuluyan akong magising. Wala pa si Honey nang makarating ako doon at sa tingin ko ay hindi pa rin ito tapos sa pag-aayos.
Honey owns an espresso machine na siyang nagpapadali sa buhay naming dalawa. Tinignan ko muna kung nakasaksak ba iyon at kung may laman na coffee beans bago ako kumuha ng dalawang mug. Pinindot ko ang double shot saka hinintay na malagyan iyon ng kape bago lagyan ng hot water.
Ilang minuto pa ang lumipas, naubos ko na ang kape ko at malamig na ang kape na para kay Honey pero hindi pa rin ito bumababa mula sa kuwarto niya. Tinignan ko ang suot kong wristwatch at napabuntong hininga nang makita na seven thirty na.
“Honey! Are you awake?!” sigaw ko mula sa paanan ng hagdan.
“Yeah! Five minutes!” sigaw naman nito pabalik.
“We’re running late!” sigaw ko pa muli. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at agad na bumungad doon si Honey, nakasuot na rin ito ng uniform at dala-dala ang backpack at dalawang libro niya.
“Sorry! Nakaidlip kasi ako habang nasa shower kanina,” paliwanag naman nito nang tuluyan itong makababa ng hagdan.
“What?” hindi makapaniwala ko namang wika habang kinukuha ang bag at libro na iniwan ko sa couch.
“Let’s go? Baka ma-traffic pa tayo,” sabi naman nito. Tumango na lamang ako dito at naunang maglakad patungo sa pinto nang maalala ang kape niya. Agad na nilingon ko ito at nakita na kakalabas lamang nito mula sa kusina at kasalukuyan na pinupunasan ang bibig. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng unit niya.
Exactly five minutes before eight A.M nang makarating kami sa lecture hall. Mabuti na lamang at nag-save ng upuan sina Theo para sa amin ni Honey dahil kung hindi ay baka sa bandang dulo kami nakaupo at sobrang layo na niyon para makita ang projector screen at white board.
“Thank you,” wika ko nang makaupo ako sa pagitan ni Theo at Clyden habang si Honey naman ay nasa pagitan ni Theo at Rasdy. Bale napapagitnaan si Theo dahil baka raw may ibang umupo kapag hindi ganoon ang ginawa nilang sitting arrangement.
“No problem,” nakangiting wika naman ni Theo na kumindat pa sa akin saka mahinang natawa nang mapatingin sa likuran ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at umayos ng upo saka nilabas ang iba ko pang libro at notes ko.