Friday afternoon. Tahimik kaming dalawa ni Honey na naglalakad patungo sa parking lot nang bigla siyang tumigil at tumitig sa kalangitan. Awtomatikong napatigil din ako sa paglalakad at tumingala din sa kulay asul na langit.
The weather today is really nice. Mataas ang sikat ng araw pero malamig ang simoy ng hangin. Makulimlim din sa ilang bahagi ng school kaya may iilang estudyante na nakaupo sa damuhan at masayang nagkukwentuhan, hindi alintana na baka madumihan ang kulay puti nilang uniporme.
“We f*****g survived the f*****g first week of f*****g med school, Berlin,” mahinang wika ni Honey na umabot sa pandinig ko.
Huminga ako ang malalim at malapad na napangiti. We really did survive our first week in med school dahil confident kami kanina habang nagsasagot ng exam na sure win ayon na rin kay Theo. Lahat ng pinag-aralan namin sa study group ay lumabas kanina kaya hindi ko maiwasan na mapangiti habang nagsasagot.
I really am grateful dahil nakahanap ako ng group of friends na tinutulungan ako sa pag-aaral. Alam kong hindi magiging madali ang mga susunod pa na araw dito sa bagong buhay na pinili ko pero they assure me na magtutulungan kami dahil kagaya ko, pangarap din nilang maging isang doctor.
Tama lang talaga ang naging desisyon ko na sundin ang sinasabi ng puso at isipan ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa parking lot hanggang sa makarating kami sa harapan ng sasakyan ni Honey. Agad na sumakay ako sa passenger’s seat habang umikot naman mula sa hood patungo sa driver’s seat.
“Deserve natin na mag-chill tonight since nag-aaral naman tayo ng mabuti ‘di ba?” bungad na wika ni Honey nang makasakay ito sa sasakyan niya. Iniabot niya sa akin ang bag niya at agad ko naman iyong inilagay sa backseat katabi ng bag at iilang libro ko.
“And what do you mean by that?” tanong ko sa kanya nang muli ko siyang harapin, kasalukuyan na niyang sinusuot ang seatbelt niya kaya sinuot ko na rin nag seatbelt ko.
“May bagong bukas na bar malapit sa condo. Gusto ko sana i-try yung mga cocktail drinks nila,” nakangiting sagot naman niya at humarap pa sa akin.
“Wala ba tayong group study ngayon?” tanong ko muli sa kanya.
Sa pagkakaalaala ko ay after class ang study group namin ngunit dahil hindi namin nakita sina Theo nang lumabas kami ng lecture hall ay nauna na kaming umuwi. Gumawa naman ng group chat si Honey para doon kaming lima mag-usap-usap at isa pa, sa unit kami nina Rasdy mag-aaral ngayon.
“Meron ba?” balik tanong naman sa akin ni Honey.
“Hindi ko sure! Wala naman nabanggit sina Rasdy kanina,” sagot ko naman dito. Bigla tuloy akong naguluhan at agad na kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suot kong uniform para tignan ang group chat namin.
“Wait, I’ll call him,” sabi naman ni Honey sabay kuha sa phone niya na nakalagay sa dashboard. Tumango naman ako dito at pinanood ang ginawa niyang pagtawag kay Rasdy.
“Hey Ras! Kamusta?” dinig kong wika ni Honey matapos ang ilang sandali.
“Itatanong ko lang sana kung may group study tayo tonight? Balak kasi namin na magpunta ni Berlin sa bagong bukas na bar malapit sa condo. Nakita mo na ba ‘yon?” sabi pa ni Honey na ikinailing ko na lamang.
“Great! See you there! Dalhin mo sina Theo and Clyden para masaya,” nakangiti na wika pa ni Honey kasunod ang pagbaba nito ng phone. Malapad ang ngiti na hinarap ako nito at kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang resulta ng pinag-usapan nila ni Rasdy.
“Wala raw tayong group study every Friday night so puwede tayo mag-bar!” masayang sabi pa nito.
“Sasama sila sa atin?” tanong ko naman sa kanya na mabilis niyang ikinatango.
“Susunod daw sila! Eleven P.M ang open nong bar so makakabawi pa tayo ng tulog!” sabi pa nito. Mabilis naman ako na tumango dito bilang pagsang-ayon at mahinang natawa. Basta talaga bar sobrang saya ni Honey na para bang doon nakadepende ang kasiyahan nito.
Nang makarating kami sa condo ay agad kaming dumiretso sa kanya-kanyang kuwarto gaya ng nakasanayan. At dahil Friday ngayon ay napagpasyahan kong maglaba ng mga damit at uniform dahil wala na akong masuot. Pagkahubad ko ng uniform ko ay agad akong nagbihis ng oversized shirt at dolphin shorts, itinali ko rin ang mahaba kong buhok into a messy bun saka binuhat ang laundry basket ko palabas ng kuwarto.
May laundry area ang condo ni Honey at mayroon din siyang automatic washing machine kaya hindi ako mahihirapan sa paglalaba. Iniuna kong isalang ang mga uniform ko at socks matapos ihiwalay iyon saka sinet-up ang washing machine. At dahil forty five minutes pa ang hihintayin bago iyon matapos ay naisipan ko na lamang na maglinis dahil hindi pa naman ako inaantok.
Sinuot ko ang wireless earphone ko at pinlay ang spotify playlist ko bago magsimulang maglinis. Hindi naman sobrang dumi ng condo ni Honey kaya nag-vacuum lang ako ng sahig at nagpunas-punas. Naglinis na rin ako ng kuwarto at nagpalit ng bedsheet and pillowcase saka inilagay iyon sa laundry area para isusunod ko na isalang.
Kasalukuyan na nilalagay ko sa hanger ang mga uniform ko nang marinig ko mula sa wireless earphone ang tunog ng call ringtone ko. Isinabit ko muna ang hawak ko sa rack saka nagtungo sa kitchen para tignan ang phone ko. Napakunot-noo ako nang makita ang unregistered number at nagdalawang isip kung sasagutin ba iyon o hindi. Sa huli ay sinagot ko na lamang dahil baka isa iyon sa mga kapatid ko at gusto akong kamusta.
“Berlin?”
Nakaramdam ako ng lungkot nang mapagtanto na hindi pala isa sa mga kapatid ko ang tumawag. Mukhang kinalimutan na talaga nila ako dahil kahit ang mga magulang ko ay hindi na rin nagpaparamdam sa akin. Pero kung sabagay, tumatawag lamang sila kapag wala na silang pera noon o kaya may utang na kailangan bayaran.
Huminga ako ng malalim at napasandal sa kitchen counter. Mahigpit na hinawakan ko ang cellphone ko at hinintay ang susunod niya na sasabihin.
“Are you busy?” dinig kong tanong pa ni Clyden mula sa kabilang linya.
“What do you want?” imbes ay tanong ko pa dito.
“I really need your help,” mabilis na wika naman nito. Napabuntong hininga ako sa narinig at hindi agad nagsalita. Sandali akong nag-isip habang nakatingin sa kawalan.
Clyden sound so desperate at sino ba naman ako para hindi siya tulungan? I mean, isa siya sa dahilan bakit may nasagot ako sa exam namin kanina dahil isa siya sa nag-se-share ng knowledge tuwing study group. Mas magaling din siya mag-explain compare sa iilan naming prof kaya mas naiintindihan ko ang mga pinag-aaralan namin. Isa pa, napakabait nilang magka-kaibigan dahil inaya nila kami ni Honey na sumali sa study group nila kahit na hindi pa nila kami masyadong kilala kaya sino ba ako para hindi siya tulungan?
Kahit nakakainis at kahit labag sa loob ko ay ayokong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sinuman. Let’s just say na kabayaran ko na ito sa mga pagtulong nila sa amin para masurvive namin ni Honey ang first week namin sa med school.
“Where are you?” wika ko dito matapos ang mahabang sandali. Muli akong huminga ng malalim at hinintay siya na sumagot.
“Nandito sa harapan ng unit niyo ni Honey,” wika nito. Agad naman akong naglakad patungo sa pinto, sandali na sinilip ang peephole para siguraduhin kung nasa labas nga siya ng pinto bago iyon buksan.
“Anong gagawin ko?” bungad na tanong ko dito nang buksan ko ang pinto. Nakita kong ibinaba niya ang cellphone niya kaya agad ko rin na ibinaba ang sa akin.
Isa lang naman ang tulong na hinihingi ni Clyden and that is to pretend to be his girlfriend so his ex will stop bothering him. Kung tutuusin ay madali lamang iyon kumpara sa ginagawa nitong pakikipagpuyatan sa amin maturuan lamang kami.
Sabi ni Theo ay likas na matalino raw si Clyden, hindi na nito kailangan pa na mag-study group. Ngunit dahil mabait daw ito ay willing itong i-share ang knowledge nito para sabay-sabay kami na pumasa sa med school at sa board exam. Sweet sanang pakinggan kung hindi lamang dahil sa kahihiyan na ako rin naman ang may kagagawan.
“Alexa will be here in an hour. Puwede ka bang mag-stay muna sa unit ko hanggang sa dumating siya? She just needed to know na may girlfriend na ako para tuluyan niya na akong tigilan,” paliwanag naman nito. Nakakaintindi naman akong tumango dito at nakaisip na kung ano ang gagawin.
“Okay,” sabi ko pa.
“Thank you,” nakangiti naman na wika nito. Hindi ko sigurado kung nakita ko na ba siya na ngumiti noon but I must admit na ngiti niya ang pinaka magandang ngiti na nakita ko simula ng mapunta ako sa lugar na ito at mag-aral sa med school. I mean gwapo rin naman sina Rasdy at Theo pero kakaiba ang ngiti ni Clyden.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit pilit pa rin siyang hinahabol ng ex niya.
“Isasalang ko lang ‘yong labahin ko sa washing machine para titiklupin ko na lang mamaya,” sabi ko pa sa kanya nang maalala ang ginagawa ko kanina.
“Sige hihintayin kita,” sagot naman nito habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa mga labi niya. Huminga ako ng malalim bago humakbang paatras.
“Pumasok ka muna. Bibilisan ko na lang,” sabi ko pa dito at mas niluwagan ang bukas ng pinto. Agad naman siyang pumasok sa unit ni Honey at siya na ang nagsara ng pinto habang ako naman ay naglakad patungo sa kusina kung nasaan ang laundry area.
“Where’s Honey?” dinig kong tanong nito. Nakita kong naupo ito sa dining chair habang pinapanood ang ginagawa kong pagsasampay ng mga uniform ko. Tuyo naman na ito dahil na-dryer na ito sa mahiwagang washing machine ni Honey, sinasampay ko lang para madali ko na lang paplantashin sa Sunday.
“Nasa room niya,” sagot ko dito at hindi na nag-abala pa na lingunin ito.
Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa matapos ako. Inilabas ko rin ang iba ko pang damit sa washing machine nang tumunog ang timer niyon saka isinalang ang bed sheet at pillowcase. Dala-dala ang laundry basket at mga naka-hanger ko na uniform ay nagtungo ako sa kuwarto ko at itinambak ang mga iyon sa ibabaw ng kama. Mamaya ko na lang aayusin iyon kapag nagawa ko na ang pinapagawa ni Clyden.
“Let’s go?” aya ko dito nang muli akong magtungo sa kusina at makita na nakaupo pa rin siya doon. Agad naman itong tumayo at nagpatiuna sa paglalakad, tahimik na sumunod naman ako dito hanggang sa makalabas kami sa unit ni Honey at pumanhik sa 17th floor kung nasaan ang unit niya gamit ang emergency stairs.
Naupo ako sa couch nang makarating kami sa unit niya. Ito ang unang beses na nakapasok ako dito at kumpara sa shared condo nina Theo at Rasdy ay mas kakaunti ang gamit nitong si Clyden. T.V, L-shape sofa at center table lamang ang gamit na nandito sa living room. Dalawa ang pinto na nasa left side na sa tingin ko ay kuwarto at mula sa kinauupuan ko ay tanawa na tanaw ko ang kitchen at dining area niya. Glass ang wall ng living room kaya kitang-kita ko ang halos buong city habang nakaupo ako sa couch dahil na rin sa nakaharap ito doon.
“She’s in the elevator,” dinig kong wika ni Clyden kaya mabilis na napalingon ako dito. Agad kong naalala ang tungkol sa ex nito kaya sandali akong nag-isip ng gagawin.
Mataman na pinagmasdan ko si Clyden na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone nito. Ilang sandali pa ay huminga ito ng malalim saka itinapon sa couch ang cellphone bago maupo. Bigla itong napalingon sa akin nang mapansin na nakatingin ako sa kanya kaya mabilis ko siyang nginitian.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa couch at nagtungo sa harapan ni Clyden. Mahina na tinulak ko ito sa balikat na naging dahilan ng pagsandal nito sa couch.
“What are you doing?” naguguluhan na wika nito.
“Para makatotohanan,” nakangiti na sagot ko naman dito. Mabilis na hinubad ko ang shirt at shorts ko saka naupo sa kandungan ni Clyden. Tila hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya sandali siyang natigilan na lalo kong ikinangiti.
“Berlin…I—"
Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay mabilis na sinakop ko ang mga labi ni Clyden, awtomatiko na pumulupot naman ang mga braso nito at mas pinalaliman pa ang halik. Sunod ay narinig ko ang mga yabag patungo sa kinauupuan namin, pasimple akong tumingin doon at nakita ang nanlalaki na mga mata ni Alexa habang nakatingin sa amin.
Ipinikit ko ang mga mata ko at tinugon ang mapusok na halik ni Clyden. Naramdaman ko ang dahan-dahan na paglakbay ng mainit nitong palad mula sa likod ko pababa sa pang-upo ko pero hindi ko na iyon pinansin dahil ang gusto ko lamang ay malaman ang susunod na gagawin ng ex ni Clyden.
Mabilis na napahiwalay ang mga labi ko sa labi ni Clyden nang maramdaman ang malakas na paghila ng buhok ko. Napatayo ako mula sa kandungan ni Clyden at bumagsak sa sahig dahil sa malakas na pagkakahila nito sa buhok ko. Mariin na kinagat ko ang ibabang labi ko saka hinawakan ang kamay nito nang mahigpit, binaon ko pa ang mga kuko ko sa balat niya kaya malakas itong napasigaw kasunod ang pagbitaw nito sa buhok ko.
“f**k you b***h!” sigaw pa ni Alexa na ngayon ay umiiyak na habang nakaupo sa sahig. Hindi ako umimik dito at masama na tinignan si Clyden na nakaupo lamang sa couch at tila gulat na gulat sa nangyari. Mabilis naman ito na napatayo at nilapitan ako nang mapansin ang matatalim kong titig saka tinulungan ako sa pagtayo.
“Okay ka lang?” nag-aalala na tanong nito sabay abot sa akin ng shirt at short na hinubad ko kanina. Mabilis ko naman iyon na sinuot at muling tinignan si Clyden ng masama.
“Wala sa usapan ang masabunutan ako,” mahinang wika ko dito.
“I’m sorry,” hinging paumanhin nito sabay haplos sa buhok ko. Ramdam ko pa ang kirot niyon kaya hinarap ko si Alexa na wala pa ring tigil sa pag-iyak habang nakatingin sa amin.
“Iyang babaeng ‘yan ang pinalit mo sa akin, Clyden? Bakit? Dahil malaki ang boobs niya?!” sigaw nito. I heard from my side how Clyden tried his best to control his laughter kaya inis na siniko ko ito at muling tinignan ng masama.
“Wala akong naihanda na script kaya bahala ka nang magpaliwanag sa kanya,” bulong ko kay Clyden matapos ang ilang sandaling pag-iisip ng isasagot sa ex nito. Tumango naman si Clyden at hinarap si Alexa na ngayon ay nakatayo na habang nakatingin sa akin ng masama.
Maganda sana siya at mukhang bata pa, I think nasa early twenties. Maganda rin ang balat niya at mukhang mayaman dahil na rin sa diamond earrings at necklace na suot nito, isama pa ang chanel dress na suot na suot nito. Kung tutuusin ay marami pa itong mahahanap na mas better kay Clyden ngunit bakit siya naghahabol sa isang lalaki?
“Go home, Alexa. I have a new girlfriend now and I want you to respect that. Isang taon na rin simula ng maghiwalay tayo kaya sana ay huwag mo na akong gambalain pa,” dinig kong seryoso na wika ni Clyden. Lalong lumakas ang iyak ni Alexa ngunit agad itong tumalikod at naglakad patungo sa pinto.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan ito na mawala sa paningin ko pagkuwa’y naupo muli sa couch.
“Change your passcode para hindi na siya makapasok dito sa unit mo. You can also block her from entering this building kung ayaw mo na talaga siyang guluhin ka,” sabi ko kay Clyden sabay haplos sa ulo ko nang maramdaman ang muling pagkirot niyon. Sobrang lakas talaga ng pagkasabunot nong babaeng iyon kanina, feeling ko naalog ang utak ko.
“Yes boss,” sagot naman ni Clyden habang nakangiti kaya inis na inirapan ko ito.