Chapter 5

2361 Words
Wednesday morning. Maaga na umalis si Honey dahil makikipagkita raw ito sa mommy niya kaya mag-isa lamang ako na papasok sa school ng araw na iyon. She left a post-it notes sa fridge and even texted me para sigurado raw na mababasa ko. Pinagluto rin niya ako ng bacon and eggs with toasted loaf na talaga nga namang nakakataba ng puso. I sent her a heart emoji to appreciate her effort and kindness at agad naman siyang nag-reply na ang tagal daw dumating ng mommy niya sa coffee shop kung saan kanina pa naghihintay si Honey. Nag-reply ako sa kanya ng laughing emoji bago ko kinain ang niluto niya. Pagkatapos kong hugasan ang mga nakatamnbak sa kitchen sink ay agad akong pumasok sa kuwarto ko para ihanda ang uniform ko at maligo. Thirty minutes akong nagbabad sa ilalim ng shower bago lumabas. I wore my pair of underwear, ginawa ang aking morning skin care routine at tinuyo ang mahaba kong buhok. Nag-apply din ako ng sunscreen sa mukha at lip tint. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nang masiguro ko na maayos ang itsura ko ay sinuot ko na ang puting-puti ko na uniform. Sandali kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko at napangiti na lamang. It still felt surreal, parang dati ay naiinggit pa ako sa mga nakakasabay ko sa jeep na naka-uniform ng katulad sa suot ko pero ito ako ngayon ay isa ng ganap na estudyante. Alam kong mahaba-haba pa ang daan na tatahakin ko at sana ay hindi ko maisip na sumuko kahit pa gaano kahirap ang maranasan ko. Siniguro ko na naka-lock ang pinto ng unit ni Honey bago ako maglakad patungo sa elevator. I pressed the button when I get there at naghintay sa pagbaba niyon. Huminga ako ng malalim at napaayos ng tayo nang marinig ang pagtunog nito. Tumitig ako sa bakal na pinto at tinignan ang repleksyon ko habang dahan-dahan itong bumubukas. I unconsciously smiled when I saw Theo, Rasdy, and Clyden inside the elevator. “Good morning, Berlin! Mag-isa ka lang?” masayang bati ni Theo. “Good morning din,” ganting bati ko dito saka naglakad papasok ng elevator. “May pinuntahan lang si Honey pero makakahabol naman siya sa first class,” sagot ko pa sa tanong nito. Nang sumara ang elevator ay nakakabingi na katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Kinuha ko na lamang ang phone ko at nag-scroll sa social media account ko, ngayon ko na-a-appreciate ‘yong presenya ni Honey dahil sa mga ganitong pagkakataon ay magaling talaga siya mag-brought up ng topic. “Paano ka pala papasok sa school? Medyo malayo ‘yon dito,” tanong ni Rasdy na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala. Agad naman akong nag-angat ng tingin dito mula sa phone ko at sandaling tinignan ang itaas ng elevator buttons para tignan kung nasaang floor na kami. 5th floor. Itinago ko ang cellphone ko sa bag sinagot si Rasdy. “May sasakyan si Honey pero ngayon balak kong mag-tricycle.” “Hindi ba masyadong mahal kapag tricycle? Malayo pati ang lalakarin mo kasi sa harapan ng school ka lang ibababa ni manong driver,” sabi naman ni Theo na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Pasimple kong tinignan ang kaibigan nila na nasa likuran at nakitang nakasuot ito ng wireless earphone at mukhang may sariling mundo. Bukod sa napaka sungit niya at sobrang tahimik din niya. “Okay lang. Exercise na rin,” sagot ko sa kanila, saktong huminto ang elevator kaya humakbang ako patungo sa may pinto at hinintay ang pagbukas niyon. “Ayaw mo sumabay sa amin?” dinig kong sabi ni Rasdy kaya muli ko itong hinarap. “Okay lang ba?” balik tanong ko dito dahil hindi ko alam kung ano ang tamang isagot sa tanong niya. “Oo naman, okay na okay lang kay Clyden,” nakangiti na sabi ni Theo saka nilingon ang kaibigan niya na nakakunot ang noo na tumingin naman dito. Tinanggal ni Clyden ang wireless earphone na nasa tainga nito at nagtatanong ang mga mata na tinignan ang mga kaibigan nang makita na lahat kami ay nakatingin sa kanya. “Sasabay sa atin si Berlin sa pagpasok. Okay lang naman ‘di ba? Hindi niya kasama si Honey ngayon,” paliwanag naman ni Rasdy dito. Sandali akong tinignan ni Clyden bago ito tumango at mag-iwas ng tingin. Malaki ang ngiti na hinarap naman ako ni Theo at nag-thumbs up pa. “We’re going to use Clyden’s car since pareho kaming coding ni Rasdy,” sabi pa ni Theo na ikinatango ko na lamang kahit na sa loob-loob ko ay parang gusto kong tanggihan ang offer nila. Bahala na. Ang mahalaga ay free ride at hindi ako maglalakad ng malayo. Pagkahinto ng elevator sa basement parking ay nagmadali na lumabas sina Theo at Rasdy at parang mga bata na naghabulan pa patungo sa isang sasakyan na sa tingin ko kay Clyden base na rin sa sinabi nila kanina. Tahimik na sinundan ko ang mga ito habang naririnig ang mga yabag ni Clyden mula sa likuran ko. I started to regret my life decisions nang makita ang mabilis na pagpasok ni Rasdy at Theo sa backseat. Ngiting-ngiti ang mga ito na habang nakatingin sa akin na para bang nang-aasar. I just sighed at napatingin sa sedan na audi ni Clyden. Kulay silver ito at tinted ang mga glass ng car window. An expensive car, indeed. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto ng passenger’s seat saka umupo. Ilang sandali pa ay pumasok na rin ng sasakyan si Clyden at ramdam ko ang maliit na espasyo sa pagitan namin nang tumama ang braso niya sa braso ko. Tila napapaso na agad akong umiwas at tumingin na lamang sa labas ng bintana para hindi niya mahalata na na-te-tense ako kahit wala naman dapat na ika-tense. “Seatbelt,” dinig kong wika ni Clyden. Muli akong huminga ng malalim at kahit nagtataka ako kung bakit hindi pa kami umaalis ay hindi ako nagbalak na magtanong dahil pakiramdam ko walang boses na lalabas mula sa akin. Mahigpit na napahawak ako sa strap ng bag na nasa kandungan ko at muling huminga ng malalim. Tila napako ako sa kainuupuan ko nang maramdaman ang mainit na hininga nito mula sa gilid ng leeg ko. Naramdaman ko ang katawan niya mula sa likuran ko at dahil hindi ako makagalaw ay napapikit na lamang ako. Hindi ko nakita ang sumunod niyang ginawa pero naramdaman ko literal na pagkapako ko sa upuan at nang makita iyon ay saka ko napagtanto kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya kanina. “Always wear your seatbelt,” sabi pa nito at nang lingunin ko siya ay nakita ko na kasalukuyan niyang sinusuot ang seatbelt niya. Nakita ko ang paglingon niya nang mapansin na nakatingin ako sa kanya ngunit agad din itong nag-iwas at binuhay na lamang ang makina ng sasakyan. Nag-iwas na lamang din ako ng tingin at tumingin sa harapan, huminga ako ng malalim dahil ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. What the f**k just happened? ***** Thirty minutes before the class started nang makarating kami sa lecture hall dahil na rin sa walang kamatayan na traffic na na-encounter namin. Agad na nilapitan ko si Honey nang makita ito at naupo sa upuan na nireserve na niya para sa aming apat. “Grabe ang tagal niyo, ah! Nauna pa ako sa inyo!” reklamo nito nang makita kami. Naupo sa left side niya si Theo at Rasdy habang sa tabi ko naman pumwesto si Clyden kahit pa ang upuan na nireserve sa kanya ay iyong sa tabi ni Rasdy. “Traffic nga kasi,” sagot ko kay Honey, humarap pa ako dito para hindi masyadong mapansin ang presensya ni Clyden. Hindi ko alam kung anong meron sa masungit na lalaki na ito para lagi akong mataranta at mainis sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa. Siguro kasi ang intimidating ng aura niya? O dahil siya ang first kiss ko in my 24 years of existence dito sa mundo. “Anyway, tuloy ba ang study group natin later?” wika ni Honey kaya napatingin ako kina Theo dahil sila ang nag-set ng date kung kailan iyon magsisimula. “Akala ko next week pa ‘yon?” sabi naman ni Rasdy na takhang tinignan din si Theo. “Ay next week pa ba? Akala ko mamaya na,” sagot naman ni Honey saka mahinang tumawa. Hindi na kami nakapag komento pa sa sinabi ni Honey dahil dumating na ang professor at agad itong nagsimula ng lecture. Tahimik kaming nakinig dito at talagang isinapuso ko ang lahat ng tinuturo nito at nagte-take down notes para siguradong hindi ko makalimutan ang lahat ng important topics na sinasabi nito. Lunch time nang maisipan namin ni Honey na i-try ang Tapsihan ni Aling Nena na nasa tapat lamang ng school. Noong first day of school pa namin gustong tikman iyon pero dahil maraming tao ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon, ngayon pa lang dahil na rin sa kaibigan daw nila Rasdy ang isa sa staff doon at pinag-reserve na kami ng table. Tila hindi nauubusan ng stocks ang tapsihan na ito nang makapasok kami sa loob dahil sa dami ng tao. Agad kaming naupo sa table na ni-reserve para sa amin at laking pasalamat ko nang makita na malapit iyon sa aircon. Magkatabi kami ni Honey habang nasa harapan namin si Rasdy at Clyden at si Theo naman ay umupo sa parang kabisera ng lamesa. “Anong gusto niyong kainin? Masarap ‘yong breaded porkchop nila dito saka corned beef,” sabi ni Theo matapos naming makaupo. Napatingin naman ako sa malaking tarpaulin kung nasaan ang mga menu at nag-isip. Hindi pa ako nagugutom dahil past eleven P.M pa lang pero dahil naaamoy ko ‘yong mabangong garlic ng sa tingin ko ay para sa fried rice ay hindi ko maiwasan na matakam. “Try natin ‘yong breaded porkchop?” dinig kong tanong ni Honey mula sa gilid ko. Agad na tumango naman ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon. “Breaded porkchop with rice and egg sa amin ni Berlin. Anong sa inyo?” wika ni Honey matapos magdecide kung ano ang kakainin. “I’ll get the same,” sabi naman ni Clyden. Tinignan ko ito at nakitang nakatingin rin ito sa akin, nag-iwas na lang din ako agad ng tingin dahil baka isipin niya na interesado ako sa kanya. “Tocilog sa akin. Anong sayo, Rasdy?” sabi naman ni Theo. “Tapsilog,” nakangiting sagot naman ni Rasdy. Tumango-tango naman si Theo habang nagta-type sa cellphone niya pagkuwa’y tumayo ito at nagtungo sa counter para sabihin ang mga order namin. Saka ko lang napagtano na pay as you order pala at self-service ang kainan na ito. "Clyden Tan?" Napalingon kaming apat sa babaeng nakatayo sa gilid ni Clyden nang malakas nitong banggitin ang pangalan ng kaibigan nila Theo. Nakita kong agad na nag-iwas ng tingin si Clyden na para bang hindi siya interesado dito at ibinalik ang tingin sa cellphone nito. Muli akong tumingin sa babae na nakatayo pa rin doon at tila hindi ininda ang pangbabalewala sa kanya ni Clyden. Mabilis na pinasadahan ko ito ng tingin at nakitang nakasuot ito ng nursing uniform at sa Celestine University din nag-aaral. “And you are?” dinig kong wika ni Rasdy kaya mabilis ko itong nilingon. Naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Honey kaya tinignan ko rin ito at nakita ang nakakaloko niyang ngiti. “My name’s Alexa. Can I join you, guys? Hindi pa kasi ako nag-la-lunch,” sabi pa ng babae at hindi na kami hinintay na sumagot dahil agad na itong naupo sa upuan na para kay Theo. “I’ve been looking for you since the school started. Buti na lang at naisipan kong pumunta dito,” sabi pa nong babae habang nakatingin kay Clyden na hindi pa rin siya pinapansin. "How are you? You didn’t call me after I left your condo,” dugtong pa ng babae. Huminga ako ng malalim at itinutok na lamang ang atensyon sa phone ko dahil ayoko ng marinig ang mga sinasabi nito dahil honestly ay nagmumukha lamang siyang tanga. Halata naman na hindi interesado sa kanya si Clyden pero tanong pa rin siya ng tanong dito at sobrang ingay pa. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Theo, nagpalinga-linga ito para hanapin ang upuan na iniwan niya at napabuntong hininga nang makita ang babae na kinakausap pa rin si Clyden kahit na hindi naman siya nito pinapansin. “Alexa, why are you here?” tanong ni Theo dito and unlike Rasdy, mukhang magkakilala sila dahil napangiti ang babae nang lumingon kay Theo. "I'm here to eat with you—" "Alexa, let's go!" Hindi natuloy nong babae ang sasabihin niya dahil sa malakas na pagtawag ng kung sino sa pangalan nito. Agad naman lumingon si Alexa doon at nakita ang isang babae at lalaki na kapwa niya nakasuot ng nursing uniform. Alexa bid her goodbye to Clyden and Theo saka ito nagmamadali na lumapit doon sa tumawag sa kanya. “Sino ‘yon?” tanong ni Rasdy nang tuluyan na mawala sa paningin namin ang babae kanina. “One of Clyden’s hook up in college,” sagot naman ni Theo pagkaupo nito sa upuan na inalisan ni Alexa. Mataman na tinignan ko si Clyden habang iniisip ang sinabi ni Theo. Hook up, huh? Hindi ko ine-expect na ganoon pala siya. Pero rich kid kasi siya kaya hindi na iyon bago. Idagdag pa na gwapo siya at maganda ang katawan kaya hindi na nakakapagtaka at maraming babae ang humahabol dito at nagkakandarapa makuha lamang ang atensyon nito. Hindi ako nag-iwas ng tingin nang makita ko ang dahan-dahan na pag-angat ng tingin ni Clyden sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay at sandaling nakipagtitigan hanggang sa ito ang unang nag-iwas. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa inakto nito at para hindi ako matawa ay mariin na kinagat ko ang ibabang labi ko. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang in-order namin at tama nga sina Theo, sobrang sarap ng breaded porkchop ni Aling Nena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD