Pagkatapos ng huling klase namin ay agad na nag-aya na umuwi si Honey. Masyado raw na napiga ang utak niya dahil sa discussion about basic human anatomy kaya gusto niyang matulog imbes na lumabas at magpunta sa kung saan. Pabor naman sa akin ang sinabi niya dahil medyo ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko kahit pa nakainom na ako ng gamot.
Maaga kaming dinismiss nang araw na iyon kaya around two P.M ay nasa basement parking na kami ng condominium ni Honey. Tahimik kaming dalawa na bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa elevator. She’s busy scrolling through her phone habang ako naman ay tinitignan ang mga sasakyan na nadadaanan namin.
Sabay kami na tumigil sa paglalakad nang makarating kami sa harapan ng elevator. Pinindot ni Honey ang button matapos itago ang cellphone sa bag nito habang tumayo naman ako sa gilid niya at pinanood ang pagpapalit ng mga numbers na makikita sa itaas ng pinto ng elevator.
“Ano gusto mong dinner?” dinig kong tanong ni Honey kaya nilingon ko ito.
Sandali akong nag-isip at sasagot na sana nang kapwa kami mapalingon pinanggalingan namin kanina dahil sa malakas na tawanan na naririnig namin.
Nanatili kami na nakatingin ni Honey sa madilim na bahagi ng parking lot hanggang sa makita namin ang tatlong kalalakahihan na naglalakad patungo sa amin. Nagkatinginan kami ni Honey at napabuntong hininga ako nang makita ang malawak niyang ngiti.
“Hey!” dinig kong bati ni Honey sa mga ito nang makalapit sila.
“Hey! May unit kayo dito?” wika naman ni Theo na lumingon sa akin matapos ngitian si Honey. Tipid na ngumiti na lamang din ako dito saka agad na nag-iwas ng tingin.
“Yep! 15th floor! Sa inyo?” buong kagalakan na wika naman ni Honey.
“14th floor kami ni Rasdy habang nasa 17th floor naman ang unit ni Clyden,” sagot naman ni Theo.
“You and Rasdy are living together?” tanong pa ni Honey.
“Oo. Hindi kasi kami kasing-yaman ni Clyden para kumuha ng sariling unit,” sagot muli ni Theo. Napatango-tango naman si Honey saka makahulugan na tinignan ako at dahil hindi ko maintindihan kung ano man ang gusto niyang sabihin ay nagkibit-balikat na lamang ako dito.
Nang tumunog ang elevator ay mabilis akong humarap doon at hinintay na bumukas iyon. Nauna akong pumasok at agad na pumwesto sa likuran, sumunod naman si Honey at pumwesto sa harapan ko. Sumunod na pumasok na rin ang tatlo at napabuntong hininga nang makita na si Clyden ang nasa gilid ko. Narinig kong nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan pero hindi ko iyon masundan dahil sa kakaibang presensya na nararamdaman ko mula sa katabi ko. Huminga na lamang ako ng malalim at pilit itong inignora, kinuha ang cellphone ko para libangin ang sarili ko kahit na sa totoo lang ay nagpapanic ako internally sa hindi ko malaman na kadahilanan.
Or maybe alam ko talaga ang dahilan at in denial lang ako?
Bakit ba kasi nagiging kaladkarin ako kapag nalalasing? Kung ano ano tuloy ang nagagawa kong kahihiyan!
Sinong nasa matinong pag-iisip na makikipag make out sa isang lalaki na ayaw magpakilala on the very first day na makita ito?!
Pero bakit ba hindi ko makalimutan ang halik na iyon? Ang malambot niyang labi at mapangahas na dila na naramdaman ko sa loob ng bibig ko noong gabing iyon. I also can feel his warm touch on my skin and how he responds on my kisses as if there’s no tomorrow.
“Berlin sasama ba tayo sa kanila?”
“Huh?” naguguluhan na sagot ko naman kay Honey nang lingunin ako nito.
“Theo invited us to join them sa dinner nila mamaya. Magluluto raw siya ng specilaty niyang kare-kare,” nakangiting sagot naman sa akin ni Honey.
“Ikaw bahala,” sabi ko naman dito. Lalong lumawak naman ang ngiti ni Honey sa sinabi ko at mabilis na hinarap sina Theo na nasa gilid nito.
“Advance thank you sa free dinner! Please text me your unit number, pupunta kami doon ni Berlin before seven P.M,” masayang sabi ni Honey. Kasunod niyon ay ang pagtigil at pagbukas ng elevator at nang tignan ko ang number buttons ay nakita na nasa 15th floor na kami.
Nauna na bumaba ng elevator si Honey at agad ko naman itong sinundan. Kumaway pa ito sa mga naiwan sa loob at hinintay na magsara ang elevator bago kami maglakad patungo sa unit niya.
“Okay ka lang?” tanong ni Honey nang makapasok kami sa loob ng condo niya. Agad na tumango naman ako dito at ngumiti.
“Gisingin mo na lang ako ah. Medyo masakit pa rin kasi ang ulo ko,” sabi ko sa kanya kasunod ang paghikab. Ngayon ko nararamdaman ang antok dahil sa hindi ko pagtulog ng maayos nang mga nagdaan na gabi. Nakakaintindi na tumango naman si Honey at sinabi pa na mag-shower muna ako bago matulog para hindi na ako magsa-shower mamaya. Tumango na lamang ako dito saka naglakad patungo sa kuwarto ko.
Pagkapasok sa kuwarto ay agad kong binaba ang bag ko sa study table at isa-isa na hinubad ang puti kong uniporme pagkuwa’y nilagay iyon sa laundry basket. I’m only on my underwear nang maglakad ako papasok sa bathroom at tumayo sa ilalim ng shower. Dinama ko ang malamig na tubig niyon habang nililinisan ang buhok at katawan ko.
Hindi na ako nag-abala pa na magpatuyo ng buhok dahil matapos kong isuot ang pair of red pajamas ko ay agad akong nahiga sa kama at pumikit. Narinig ko pa ang pagtunong ng cellphone ko na nakapatong sa isa sa mga unan ngunit hindi ko na iyon pinansin at nagpahila na lamang sa antok.
Today is such a long day dahil gaya ni Honey ay parang napiga rin ang utak ko sa inaral namin na basic anatomy kahit pa ang focus niyon ay tungkol sa cardiovascular system.
"Hurry up, Berlin! We're one hour late!"
Hindi ko napigilan ang mapahikab habang naglalakad kami ni Honey patungo sa fire exit kung nasaan ang hagdan na maghahatid sa amin sa 16th floor.
“Bakit kasi hindi mo binasa ‘yong text message ko about you setting up an alarm?” sabi pa ni Honey habang mabilis na naglalakad at nasa unahan. Muli akong napahikab nang itulak nito ang pinto ng fire exit at pumasok doon. Agad din naman akong sumunod ang pumanhik sa hagdan.
“Nakatulog ako agad,” sagot ko naman dito saka mahinang natawa. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya muli akong natawa.
Hindi namin namalayan ni Honey ang oras at nagising ng aroun nine P.M. Sabi niya ay kanina pa raw siya tinatawagan ni Theo kaya sobra siyang natataranta ngayon. Hindi na nga namin nagawang magpalit ng damit at pareho pang naka-pajama na lumabas ng unit niya with woke up like this look. Hindi na rin ako nagkaroon ng chance na maghilamos o magsuklay man lang.
Kapwa kami hinihingal ni Honey nang makarating kami sa tapat ng pinto ng unit nina Theo at Rasdy. Honey rang the doorbell at ilang sandali pa ay bumukas iyon at bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Theo. May suot itong specs and I can say na mas nakadagdag iyon ng appeal niya.
“Good morning, ladies! Mukhang napasarap ang tulog natin, ah?” nakangiting wika ni Theo. Tipid na ngumiti naman si Honey dito at hindi nagkomento saka agad na humakbang papasok nang gumilid si Theo para bigyan kami ng way. Tahimik na sumunod naman ako kay Honey hanggang sa makarating kami sa living room kung nasaan si Rasdy na nanonood ng kung ano mula sa malaki nilang T.V.
Rasdy invited us to sit beside him kaya agad kaming naupo ni Honey sa mahaba at malambot na couch. Naupo naman si Theo sa single sofa habang hindi inaalis ang tingin sa amin na tila natutuwa sa bagong gising naming itsura. Bigla tuloy akong no-conscious kaya pasimle na pinunasan ko ang gilid ng labi ko dahil baka may natuyong laway o ano.
“Where’s Clyden?” dinig kong tanong ni Honey. Napatingin ako dito at napakunot ang noo bago ako luminga-linga sa paligid. Nang mapagtanto na wala nga ang masungit na lalaki na iyon ay muli akong napatingin kay Theo at nakita ang nakakaloko nitong ngisi kaya inis na inirapan ko ito.
“Sa unit niya. Kakagising lang din kaya don’t worry at hindi lang kayo ang na-late sa usapan,” dinig kong sagot naman ni Rasdy.
“I should start preparing our dinner while waiting for Clyden. Can you help me, Honey?” sabi naman ni Theo kasunod ang pagtayo nito mula sa pagkakaupo sa single sofa. Naramdaman ko ang mabilis na pagtayo ni Honey kaya napalingon ako dito.
“Sure!” masayang wika ni Honey saka sinundan si Theo nang magsimula itong maglakad patungo sa kitchen. Napailing na lamang ako sa inasal ng magaling kong kaibigan at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng pajama pocket ko saka nag-scroll ng social media account ko.
Katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Rasdy, wala naman kasi akong sasabihin sa kanya at mukhang ganoon din siya sa akin. Isa pa ay hindi ako kasing approachable at kasing daldal ni Honey para magkaroon kami ng pag-uusapan nitong kasama ko. Isama pa na mukhang tutok na tutok ito sa pinapanood na kung anong T.V series mula sa T.V ni Theo.
Kakabalik lamang nina Theo at Honey sa living room para sabihin na puwede ng kumain nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. Sabay-sabay kami na napatingin doon at nakita ang pagpasok ni Clyden. Nakasuot lamang ito ng muscle tee at board shorts kaya kitang-kitang ang biceps nito. Magulo ang makapal at itim na itim nitong buhok na halatang kakabangon lamang at namumungay ang mga mata nito.
“Sakto ang dating mo! Tara na sa kitchen at ng makakain na tayo,” pag-aaya ni Theo.
“Maaga pa ang klase natin bukas,” sabi naman ni Rasdy saka nito pinatay ang T.V at tumayo mula sa sofa. Napatayo na rin ako saka lumapit kay Honey, agad naman niyang hinawakan ang isa kong kamay saka ako hinila patungo sa kitchen kung nasaan din ang dining table and chairs.
Magkatabi kaming naupo ni Honey nang makarating sa kitchen, agad na naupo sa harapan namin si Theo, Rasdy at Clyden. Tinignan ko ang mga putahe na nasa lamesa at hindi mapigilan na matakam dahil sa mabango nitong amoy. Hindi lamang kare-kare ang niluto ni Theo dahil may pork sinigang din at grilled chicken.
Mahahalata na gutom kaming lima dahil nang magsimula kaming kumain ay wala ng nagtangka pa na magsalita o magbukas man lang ng topic. Sarap na sarap ang mga kasama ko sa kare-kare na luto ni Theo at kahit na gusto ko iyong tikman ay ayoko naman na maospital at baka ikamatay ko pa.
“Try mo ‘yong kare-kare, Berlin! Sobrang sarap!” wika ni Honey mula sa gilid ko nang mapansin niya na rice, sabaw ng sinigang at grilled chicken lamang ang nasa pinggan ko. Tipid kong nginitian si Honey nang tignan ako ni Theo. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko nang makita na nagsandok si Honey ng meat mula sa bowl ng kare-kare at akmang ilalagay na niya iyon sa plato ko nang matigilan siya dahil sa pagsasalita ni Clyden.
"She's allergic to nuts."
“Oh my god, I’m sorry, I didn’t know!” wika naman ni Honey at mabilis na ibinalik ang serving spoon sa bowl nong kare-kare.
"Okay, lang—"
“How did you know kung si Honey na kaibigan ay hindi alam?” Theo interrupted me with his nonsense question for Clyden. I mean hindi naman top secret ang allergies ko at hindi lang nabanggit kay Honey dahil wala naman siyang peanut butter spread sa fridge niya. Minsan nakakainis din itong si Theo dahil sa pagiging overthinker niya tungkol sa amin ni Clyden.
I mean it’s just a kiss and we’re already in the 20th century! Normal na para sa nakararami na makipaghalikan sa kung sino sino.
Hindi namin narinig na sumagot si Clyden kay Theo pero nakita ko ang masamang tingin nito para sa kaibigan.
Nagpatuloy kami sa pagkain and Honey, being the sweetest honey that she is ay inilayo na sa akin ang kare-kare para safe daw ako. I appreciate her effort kahit na sa maliliit na bagay and no words are enough to say how grateful I am to her.
Nang matapos ang free dinner ni Theo ay agad na kaming bumalik ni Honey sa unit niya. We even volunteered to do the dishes pero pinagtulakan lang kami ni Theo at Rasdy at sinabi na matulog na dahil maaga pa ang klase namin bukas. Hindi na lamang kami nakipagtalo pa sa mga ito at umalis na lamang doon after saying thank you for the food.
Pagkapasok ko ng kuwarto ay muli akong nakatulog at hindi na narinig pa ang sinigaw ni Honey.
“Mag-set ka ng alarm, Ariana Berlinda!”