Chapter 3

2598 Words
Napaayos ako ng upo at mabilis nag-iwas ng tingin nang mag-angat siya ng tingin. Napansin siguro na may nakatitig sa kanya. Kinuha ko na lang tuloy ulit 'yong Jack Daniels at tinungga iyon. Narinig kong natigil sa pag-uusap 'yong tatlo at napatingin sa akin.   "Hoy Berlin maaga pa klase natin bukas!" Suway ni Honey at agad kinuha 'yong alak sa kamay ko. Ngumiti lang ako dito at napasandal sa couch. Potek bakit bigla akong nakaramdam ng pagkahilo?   "Okay ka lang ba?"   Naramdaman kong lumapit si Honey sa akin para bumulong. Tumango ako at dumilat saka ngumiti muli sa kanya.   "Let's dance, Honey!" Sigaw ko saka tumayo. Bahagya pa akong nahilo kaya napahawak ako sa balikat ni Honey. Narinig ko pang napa-ooh 'yong dalawa, akala siguro matutumba ako. Nilingon ko ang mga ito at nginitian saka binalingan si Honey na nakatingin sa akin. Hinatak ko ang braso niya kaya napatayo siya.   Hinawakan ako ni Honey sa braso at muli siyang naupo kaya nahatak din ako paupo sa couch. Mas lalo tuloy akong nahilo sa ginawa niya kaya napasandal na lang ako sa balikat niya.   "Lasing na agad?"   "Oo eh. Hindi kasi 'to masyadong umiinom. Good girl kasi."   "Uuwi na kayo niyan?"   "We'll stay here a bit. Kailangan niya muna mahimasmasan." I heard Honey let out a heavy sighed at mahina na kinurot ang braso ko. Mahina akong napadaing at lumayo dito.   I blinked twice and looked around. Nakatingin sa akin 'yong tatlo na para bang aliw na aliw sa nangyayari sa akin. Sumandal ulit ako sa couch at pumikit.   Hindi naman ako lasing. Nahihilo lang.     I heard Honey started talking to the guys, again. Hindi ko masundan mga pinag-uusapan nila dahil palakas ng palakas na 'yong music. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakapikit at nakasandal sa couch hanggang sa maramdaman ko na parang masusuka ako. Mabilis akong umayos ng upo at pilit na tumayo.   "Saan ka pupunta?!"   Hindi ko pinansin ang pagsigaw ni Honey at nag-umpisang maglakad. Napatuptop ako sa bibig ko para pigilan ang pagbulwak ng nakakadiring bagay sa bibig ko. Luminga-linga ako hanggang sa makita ko ang sign ng restroom. Tumakbo ako doon kahit medyo umiikot ang paligid at agad pumasok sa isang cubicl, agad na sumubsob sa toilet bowl.   "f**k!" I groaned matapos isuka ang pasta na kinain ko kanina kasama 'yong lasa ng ininom kong alak. Naluluha na ako at muling napasubsob nang bumaliktad na naman ang sikmura ko.   Finlush ko ang toilet bowl nang masiguro na wala na akong ilalabas. Paulit-ulit akong huminga ng malalim saka tumayo at lumabas sa cubicle.   "Tanginamo Jack Daniels!" Sigaw ko, walang pakialam kung pinagtitinginan ng mga tao dito sa loob. Naghilamos ako at tinuyo ng tissue ang mukha ko. Nag-powder na lang ako at lipstick saka blush on as a retouch for my makeup. Iniayos ko rin ang pagkaka-bun ng buhok ko saka ngumiti sa harap ng salamin.   Parang magic na biglang nawala ang hilo ko matapos kong maisuka ang lahat. I giggled at that thought saka naglakad palabas ng restroom. I suddenly stopped walking when my vision blocked by a mineral water. Tinignan ko ang may hawak niyon at napakunot-noo nang makita si kuya na masungit na ayaw makipagkilala.   "Stay hydrated," simpleng sabi nito saka kinuha ang kamay ko at inilagay doon ang bottled water. Natigilan ako dahil sa biglaan na pag-contact ng skin ko sa skin niya at natauhan lang nang makita na naglalakad na siya paalis. Napabuntong-hininga na lang ako at ininom 'yung tubig.   "Nasaan sila?" Kibit-balikat ang sinagot nito sa tanong ko. Nakabalik na ako sa couch namin nila Honey at ang magaling kong kaibigan ay wala na dito pati sina Rasdy at Theo, leaving me with Mr. Sungit since I don't know his name. Naupo na lang ako sa couch at inilapag sa mesa ang bottled water na wala ng laman. Kinuha ko ang sling bag ko saka nilabas ang phone ko para tawagan si Honey. Agad din binaba 'yon nang makita ang pouch niya sa gilid na may umiilaw pa sa loob. I let a heavy sighed at sumandal sa couch.   I'm pretty sure lumalandi na 'yon si Honey kay Rasdy. 'Yon daw ang crush niya eh.   Luminga-linga ako sa paligid para hanapin si Honey kaso hindi ko siya makita dahil madilim at walang tao. Itinabi ko na lang ang sling bag ko saka kumuha ng beer sa may bucket. Nakita kong napatingin si Mr. Sungit sa akin kaya nginitian ko ito saka umayos ng upo sa couch. Pinunasan ko muna ng tissue ang beer saka tinungga iyon. Napangiti pa ako ng humagod ang malamig na beer sa throat ko. So, refreshing.   Hindi ko alam kung anong trip ko at ginawa kong tubig 'yong beer hanggang sa maubos 'yon at kumuha ulit ng panibago. Ramdam kong nakatitig lang si Mr. Sungit but I just shrugged it off dahil ine-enjoy ko lang naman ang buhay ko.   Pagkakuha ko ng pangatlong beer at matapos tunggain iyon ay naisipan kong tumayo at maglakad patungo sa railings dala-dala 'yong beer. Sumandal ako doon at muling tumungga saka pinanuod ang mga nagsasayawan sa dance floor. Nakita ko rin si Honey sa gitna kasaway si Rasdy at talagang enjoy na enjoy pa ang gaga habang naghahaplusan sila.   Muli akong tumungga sa beer at napabuntong-hininga nang makitang ubos na 'yon. Medyo nahihilo na rin ako. Naglakad ako pabalik sa table namin at inilapag ang empty bottle sa mesa. Napatingin ako sa kabilang couch at nakitang wala ng tao doon. Na-curious ako bigla kaya luminga-linga ako at hinanap ito. Napataas ako ng kilay nang makita na may kausap ito na babae sa kabilang side ng railings. I don't know what's gotten into me basta ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad palapit doon. At nang tumayo ako sa harapan nila ay sabay silang napatingin sa akin. I smirked at the girl wearing a maong jumper at lumapit kay Mr. Sungit. Ipinulupot ko ang isang braso sa balikat nito saka tumingkayad para maabot ang labi niya.   I felt his body stiffened when my lips touch his. Inilapat ko ang isa kong palad sa pisngi niya and angled my head for a better access. I started sucking his lower lip until I felt his lips started moving. He encircled his hands on my waist at mas inilapit pa ang mga katawan namin. He licked my lower lip and started sucking it as well and the next thing I know, his tongue is now invading my mouth, tasting every corner of it.   Hingal na hingal ako ng humiwalay ako sa kanya. Ramdam ko ang tingin ng mga nasa paligid. I glanced at the girl na kausap niya kanina and she just smirked at me bago kumaway. Tinignan ko si Mr. Sungit at seryoso lang ito na nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay. Naramdaman ko ang marahan na paghaplos niya sa likod ko at doon ko lang napagtanto na magkayakap pa rin kami. Mabilis akong lumayo dito saka tumalikod pabalik sa table namin.   What have you done, Ariana Berlinda?! Sigaw ng isang bahagi ng utak ko.   Kinuha ko ang bag namin ni Honey at bumaba sa dance floor. Nakipagtulakan pa ako para lang makarating kay Honey at agad na hinawakan ang kamay nito kaya napahiwalay ito kay Rasdy na kasalukuyan na niyang kahalikan.   "We need to go!" sigaw ko dahil masama na ang tingin niya sa akin. Inis na bumuntong hininga ito saka kinawayan si Rasdy. Tumango lang ako dito saka hinila si Honey palabas ng bar.   "Hey, slow down. Bakit ba atat na atat kang umuwi?" nagtatakang tanong nito dahil tumatakbo na siya makasunod lang sa akin.   "May klase pa tayo bukas!” malakas na sabi ko dito. Hindi na muling nagtanong si Honey hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya.     ***     Sobrang sakit ng ulo ko at hinang-hina ako ng pumasok kami sa school, kinabukasan. Ngayon ko lang naexperience ang ganitong klaseng hangover kaya sinusumpa ko ang mga hard drinks na nainom ko kagabi! Napainom na rin ako ni Honey ng hangover medicine pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin tumatalab. Feeling ko tuloy maling gamot ang pinainom niya sa akin.   “Jack Daniels pa!” pang-aasar sa akin ni Honey habang nagda-drive ito. Hindi ko siya pinansin kasi masakit talaga ang ulo ko and I’m too tired to talk.   Second day ko pa lang sa med school ganito na agad nangyayari sa akin. Paano kaya ako sa mga susunod na araw?   “I really hate parties,” inis na sabi ko. Malakas na tumawa si Honey.   “Hindi kasi dapat gawin na tubig ang alak, Berlin,” natatawang sabi pa nito. Hindi na lang ako nakipagtalo pa. Nanatili akong nakapikit hanggang sa maramdaman ko na tumigil ang sasakyan ni Honey at patayin niya ang car engine. Agad akong napadilat at nakita na nakatingin sa akin si Honey. Napakunot-noo ako ng makita ang seryoso niyang mga mata.     “Sure, ka ba na kaya mo?” tanong nito. Marahan akong tumango saka inabot ang bag ko na nasa backseat. I heard her sighed saka kinuha rin ang bag niya.   “Let’s go?” nakangiti kong aya dito. Tumango naman ito at tipid na ngumiti.   Magkasunod kami na bumaba ng sasakyan at naglakad papasok ng CUCM. Nakahawak ako sa braso ni Honey habang naglalakad kami dahil nahihilo pa rin ako. Tahimik kaming dalawa na naglalakad hanggang sa makarating sa room ng first subject namin at maupo sa upuan. Agad na pinatong ko ang bag ko sa armchair at sinubsob ang mukha doon while waiting. Narinig kong may kinakausap na si Honey.    Nanatili akong nakapikit at nakasubsob sa armchair. Naririnig ko ang mga nanyayari sa labas at mukhang parami na ng parami ang mga pumapasok. Huminga ako ng malalim, mabuti at hindi na ganoon kasakit ang ulo ko.   “Anong nangyari kay Berlin?” dinig kong tanong ng pamilyar na boses.   “Hangover,” tipid na sagot naman ni Honey. Narinig ko ang tunog ng paggalaw ng mga upuan sa harap namin ni Honey.   “Did she take meds?” dinig kong tanong muli ng kung sino kay Honey. Dumilat ako at dahan-dahan na nag-angat ng ulo. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makasalubong ang seryosong tingin ng lalaking kahalikan ko lang kagabi.   Bakit ang ganda ng itim na itim niyang mga mata?   “Pinainom ko na siya kanina. Okay ka na ba, besh?” sabi Honey sabay baling sa akin. Mabilis na tumango ako dito at umayos ng upo. Ibinaba ko ang bag ko saka kinuha ang libro ko at nagkunwaring nagbabasa. Ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Mr. Sungit sa akin dahil hindi ko pa rin alam ang pangalan niya hanggang ngayon.   Bakit ba siya nakatingin sa akin? Hindi niya ba alam na nakakailang ang ginagawa niya?!   “Huwag mong titigan ang kaibigan ko, Clyden,” natatawang sabi ni Honey. Bigla akong nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harapan ko at muling nakasalubong ang itim na itim nitong mga mata.   So, his name is Clyden.   “She kissed me last night,” wika nito kasunod ang pagsinghap ng mga nakarinig. Halos masamid ako sa sarili kong laway sa sinabi niya at agad na napatingin kay Honey.   “What?!” gulat na gulat na sambit naman ni Honey. Tinignan ko sina Theo at Rasdy at nakitang nakangisi ng nakakaloko ang mga ito.   “I was drunk!” depensa ko naman nang tignan ako ni Honey na para bang may ginawa ako na matinding kasalanan.   May sasabihin pa sana si Honey ngunit hindi na niya naituloy dahil natanaw na namin ang Professor namin na paparating. Umayos naman ng upo iyong tatlo at tumingin sa harapan. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang dibdib kong walang tigil sa pagkabog. Mabuti na lang at hindi na muli nila binrought up ang sinabi ng Clyden na iyon sa tuwing may free time kami.   Mabilis na lumipas ang oras at lunch time na. Kasalukuyan kami na naglalakad ni Honey sa school grounds at nag-iisip ng kakainin. Mahaba ang vacant namin dahil wala ang isang professor at nagbigay lang ng handouts na kailangan basahin kaya nag-aya si Honey na maglakad-lakad muna. Gusto niya rin kasi na ma-familiarize ang University.   “May naisip ka na ba na gustong kainin?” tanong ni Honey.   “Ayaw mo ba ng mga foods sa cafeteria?” balik-tanong ko.   “Ayaw. Gusto ko sana pasta and pizza. Okay lang ba sa ‘yo?” tanong muli ni Honey. Nakangiti naman ako na tumango dito. Agad na hinawakan ni Honey ang kamay ko at hinila ako sa pizza parlor na nasa gilid na pala namin.   Halos mapuno ang lugar dahil sa dami ng tao nang makarating kami. Nilibot ko ang paningin ko para maghanap ng upuan at napabuntong hininga dahil puro okupado na lahat.   “Sa iba na lang tayo, Honey. Puno na yata dito—”   “It’s okay. May nakareserved na para sa atin,” agap nito sa anuman na sasabihin ko. Nilingon ko siya ng nakakunot ang noo at malapad lang ito na ngumiti saka muli akong hinila. Nagpatangay na lang ako dito hanggang sa huminto kami sa harapan ng isang table.   Marahas ako na napabuntong hininga nang makilala kung sino ang nasa table na nakareserved daw para sa amin. Tinignan ko ng masama si Honey at mas lalong lumapad ang ngiti nito saka naupo sa tabi ni Rasdy at Theo.   “Upo ka na besh. Nagugutom ka na di ba? In-order-an na rin nila tayo,” nakangiti pa na sabi nito. Muli akong huminga ng malamin. Kung hindi ko lang tinuturing na kaibigan itong babae na ito ay baka kanina ko pa siya sinabunutan.   Tahimik akong naupo sa tabi ni Clyden. Nakita ko pa ang malapad na ngiti nong tatlo sa harapan namin na para bang nag-eenjoy sila sa nakikita nila. Inirapan ko si Honey at tinignan na lang ang mga pagkain na nasa table.   “Let’s eat?” dinig kong wika ni Rasdy sabay lagay ng slice ng pizza sa plato nito. Ganoon din ang ginawa nila Theo kaya naglagay na rin ako ng dalawang slice ng pepperoni pizza sa plato ko. Hindi naman ako mahiyain lalo na sa pagdating sa pagkain tapos ay libre pa. Isa pa ay pizza lover ako.   Tahimik akong kumain at in-enjoy ang pizza habang nag-uusap ng kung ano-ano sina Honey, Theo at Rasdy. Hindi ko naririnig na nagsasalita itong nasa tabi ko pero ramdam ko ang pagsulyap-sulyap nito sa akin.   “Ikaw Berlin?” baling sa akin ni Theo kaya nag-angat ako ng tingin dito. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan kaya sumulyap pa ako kay Honey.   “Sasali ka sa group study, ‘di ba?” sabi naman ni Honey. Agad ako na tumango dahil alam kong makakatulong ang group study sa pag-aaral ko.   “Great! Matutuwa si Clyden at sumali ka,” sabi naman ni Rasdy saka malapad na ngumiti. Wala sa sariling napalingon ako sa lalaki na nasa tabi ko at nahuli na nakatingin ito sa akin. I can see the smirked from his red lips and it’s so annoying. Agad akong nag-iwas ng tingin at uminom ng soft drink.   Bakit nga ba ako naiinis sa kanya gayong ako naman ang may kasalanan? Isa pa, bakit ba ako naiilang kapag nasa paligid siya gayong halik lang naman ang namagitan sa amin? Iyong iba nga nag-one night stand pa but they still cool and casual with each other.   Siguro I need to think like a mature person dahil hindi ako makaka-survive dito sa bagong buhay na pinasok ko kung magpapadala ako sa emosyon na nararamdaman ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD