“I like looking at the stars,” wika ko nang humiga ako paharap sa kalangitan. Huminga ako ng malalim at hindi mapigilan na mapangiti dahil sa liwanag na binibigay niyon sa madilim na kalangitan. “I’m a hopeful and wishful thinker kind of person who believes in shooting stars and other stuff like that,” wika ko pa saka tumawa ng mahina. Ramdam ko ang mga tingin sa akin ni Clyden pero nanatili ang mga tingin ko sa magandang kalangitan. “Why do you want to become a doctor?” dinig kong wika ni Clyden. “I honestly don’t know,” mahinang sagot ko saka huminga ng malalim. “Dati-rati kapag tinatanong ako ng ganyan ang laging kong sinasagot ay para makatulong at makasalba ng buhay pero as days passes by, I realized na dapat mas malalim ang reason ko para mas ma-inspire ako na magpatul