"Ikaw ba, Berlin?" tanong nito sa akin.
"BSBA kaso 2nd year lang. Buti nga nakapasok pa rin ako. Ilang taon ka na?" sabi ko pa dito.
"24. Ikaw?"
Lumawak ang ngiti ko sa narinig. Lakas ko talaga kay Lord at dinidinig Niya lahat ng prayers ko.
"24 din! Buti naman at may ka-age ako. Ayokong mag-mukhang ate na makibagay sa mga fresh grad.”
"Ano ka ba? Karamihan sa mga ka-batch natin ay graduate ng pre-med kaya asahan mo na mga ka-age lang natin sila. Like duh?! Walang nakakapasok ng med school ng 16 years old. I mean meron kaso hindi madalas. Mga sobrang talino ang may kakayanan gumawa non,” natatawa pang sabi nito saka pinindot ang 'up' button ng elevator. Patuloy lang siya sa pagkukwento ng buhay niya hanggang sa makasakay kaming dalawa at makababa sa floor ng unit niya which is 15th floor.
Ang daldal pala ng babae na 'to. Pero okay na rin at least di ako mabo-bored kapag kasama ko siya. Ngayon ko lang din nalaman na may tao pala na mahinhin at madaldal at the same time.
Huminto siya sa may tapat ng pinto kaya huminto rin ako. Nakita kong hawak na niya ang susi at kasalukuyan na pinapasok sa keyhole habang nagsasalita pa rin.
"Dalawa 'yung bedroom ng unit ko kaya naghahanap ako ng roommate. Boring din kasi mag-isa. First time kong maging independent," sabi niya pa saka tumawa. Napatango ako at pinanuod siyang pihitin ang knob saka itinulak ang pinto.
Unang bumungad sa akin ay maliit na hallway. May parang isang step din kung saan nakahilera ang iilang sapatos at heels at may maliit din na shoe rack sa gilid. Nauna siyang pumasok at hinubad ang strap ng sandals niya. Sumunod naman ako at tinanggal ang suot kong sneakers, leaving my black footsack. Inilagay ko ang sneakers ko sa ibabaw ng shoe rack. Isinuot ni Honey ang house slipper kaya sinuot ko rin ang bunny na house slipper sa gilid.
Hindi ko maiwasan na mamangha nang bumungad sa akin ang malawak na condominium unit. Glass ang wall nito sa buong living room at kitang-kita ang mga nagtataasang building. Malapad ang L shape na black na couch nito na nakasandal sa wall na nakaharap sa flat screen TV at may coffee table sa gitna. May space between sa living room saka sa spiral staircase papunta sa second floor.
"Sa itaas 'yung room ko so dito ka sa baba. May walk-in closet pareho ang room at may bathroom din. May common bathroom din doon sa may kitchen," sabi nito habang umaakyat sa kuwarto nito.
Ibinaba ko ang bag ko sa couch at nang tumingin ako sa left side ay nandoon ang kitchen at four-seater dining table. May pintuan din sa gilid and I think na iyon ang common bathroom.
"Hindi ba mahal dito?" Tanong ko nang bumaba siya. Nakasuot na lang siya ng simpleng white shirt na may panda na design at dolphin shorts.
"Magkano ba budget mo?" Balik-tanong niya. Naglakad siya patungo sa kitchen at sinundan ko naman siya. Huminto siya sa harapan ng fridge at kumuha ng bottled water. Nagawa niya pa akong alukin kaso ay tumanggi ako.
"I'm not sure—”
"20?" She cut me off.
"20,000?" Paniniguro ko. s**t mukhang mahal nga. Kung 50k ang allowance ko, halos kalahati agad mawawala sa akin sa bahay pa lang.
"No. 20 dollars," she said then chuckled.
"What the f**k?! Seryoso ka sa 20 dollars?!" hindi makapaniwala kong tanong. Magkano ba ang palitan ng dolyar ngayon? Kung 50 pesos ang isang dolyar ay 1,000 lang ang bayad ko sa upa ng magandang condo na ito.
"Oo nga. Kailangan ko lang talaga ng kasama, Berlin," sabi niya at napakamot pa sa sentido niya. Huminga ako ng malalim at sumandal sa dining table.
"5,000 per month tapos hati tayo sa bills and groceries. Deal?" Sabi ko pa. Nakakahiya naman kasi. Kakakilala lang namin kung pagkatiwalaan naman niya ako ganoon-ganoon na lang.
"Okay deal. So kailan ka lilipat?" Malapad ang ngiti na sabi niya.
"Maglilipat na ako next week and mga a week before school starts pa ako mag-start na matulog dito. Magre-render pa kasi ako doon sa trabaho ko para makuha ko last pay ko," paliwanag ko. Nakakaintindi naman siyang tumango. Pinilit niya akong mag-dinner at hindi pinauwi hangga't hindi nauubos 'yung niluto niya. In fairness masarap 'yung spicy adobo na niluto niya para sa akin. Inalok din niya akong ihatid hanggang Cubao at hindi na ako nag-inarte pa dahil gabi na rin at rush hour na.
The following week ay muli kaming nagkita ni Honey para tulungan ako sa paglilipat ng mga gamit ko sa condo niya. Nakilala niya rin si Allen na tumutulong din at nagkasundo sila agad dahil pareho silang madaldal. Sa condo kami natulog ni Allen para masiguro na maayos na ang mga gamit ko at maaga rin umalis kinabukasan dahil pareho kaming may trabaho.
Last day ko sa work ay nagpakain lang ako ng pizza. Nag-aaya silang mag-inom pero tumanggi na ako at sinabing magbabagong-buhay na. Nagawa pa nila akong tapunan ng tubig pagkalabas namin sa building bilang pamamaalam daw kaya umuwi akong basa. Pasalamat sila mahal ko sila.
Mabilis lumipas ang isang buwan at bukas na nga ang first day namin as medicine student. Nasa kanya-kanya na kaming kuwarto ni Honey at tahimik na rin. Hindi ko lang sure kung tulog na ba siya. Sinulyapan ko ang digital clock sa bedside table at nakitang 12 A.M na. Huminga ako ng malalim at nagtalukbong ng kumot. Kailangan ko na matulog dahil 7 A.M ang pasok namin. Pinilit kong huwag mag-isip at ipinikit ng mariin ang mga mata ko hanggang sa tuluyan akong makatulog.
***
"Excited ka na, Berlin?"
Huminga ako ng malalim. Tinignan ko si Honey na nakangiti habang nagda-drive na sandali akong sinulyapan. Muli akong bumuntong-hininga at pinasadahan ng tingin ang suot niya.
We both wearing our all-white uniform. Blouse ito na may malaking button at white pants. Nakalugay ang buhok ni Honey habang naka-bun ang akin na may kakaunting loose strand.
"Medyo kabado, besh,” sagot ko na ikinatawa niya.
Lalo akong kinabahan nang huminto ang sasakyan niya, hudyat na nakapasok na kami sa car park. Muli akong huminga ng malalim at kinuha sa backseat ang backpack ko. Binuksan ko ang pinto sa gilid ko nang makita na bumaba na si Honey. Ngiting-ngiti ito na nakatingin sa akin, aliw na aliw sa mukha kong parang natatae na ewan.
"H'wag kang kabahan gaga! Maghahanap na tayo ng fafabols, later para may inspiration tayo!” masayang sabi nito while assuring me.
"Okay fine," sabi ko saka huminga muli ng malalim. Honey clung her arm on my arm at hinatak palabas ng car park. Mabilis siyang naglakad kaya halos matalisod ako makasunod lang sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng main building at humalo sa mga estudyante na katulad namin ng suot.
Walang masyadong ginawa sa first day. Mostly pagpapakilala lang and kung ano ang gagawin namin sa buong semester. Mabilis din kaming pinalabas ng huling professor dahil ang sabi nito ay may welcome party daw mamayang gabi para sa freshmen. Medyo na-stress ako nang marinig 'yon dahil for sure may inuman doon, habang tuwang-tuwa naman itong si Honey at hindi na magkandaugaga na naghahanap ng susuutin mamaya.
Pagkauwi namin galing sa school at hindi pa nakakabihis ay hinila na agad niya ako dito sa kuwarto niya at nagtungo sa walk-in closet.
"Should you wear a dress or bralette?" Bulong nito na narinig ko naman. Hawak niya ang black na tube dress na may dalawang mahabang hiwa sa laylayan habang sa isa niyang kamay ay ang white bralette na may maong ripped jeans.
"Yung bralete na lang," suggest ko. Ayokong suutin yung tube dress dahil mukhang revealing. Parang hindi rin ako puwedeng mag-cycling shorts doon dahil halata.
"Good choice. I'm sure ma-e-emphasize boobs mo dito. Sana all pinagpala." Napailing ako sa sinabi niya sabay kuha sa damit na iniabot niya sa akin.
"Idlip muna tayo para fresh tayo later. Gosh i'm so excited! Mukhang madidiligan ako mamaya." Malakas na natawa ako sa sinabi niya. Typical Honey. Sa mahigit isang linggo na kasama ko 'to sa iisang bahay ay napagtanto ko na wild siya. Mahinhin na madaldal na wild. Ibang klase. Looks can be deceiving talaga. Mukha siyang anghel na di makabasag pinggan eh.
Seven P.M nang magising ako. Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa kusina para initin 'yung pasta na niluto ni Honey kagabi. Ang sabi niya ay huwag daw kaming kumain para maliit ang tiyan namin. Kaso gutom na gutom na ako dahil hindi rin kami nag-lunch kanina kaya bahala ng malaki ang tiyan basta hindi gutom.
"Berlin, get ready!" Sigaw ni Honey mula sa kuwarto niya. Minadali ko ang pagkain ng carbonara saka tinapon sa sink ang tupperware. Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at dumiretso sa bathroom. Nag-shower ako at nagkuskos ng maayos at sinigurong wala akong kahit na anong libag. Maigi ko rin na shinampoo ang mahaba kong buhok hanggang sa ma-satisfied ako. I did my skin care routine inside the bathroom at nang matapos ay tinuyo ko ang katawan ko gamit ang towel saka nag-suot ng panty then I wore the high waisted ripped jeans at yung thin strap bralette. Tama nga si Honey, parang mas lumaki lalo yung boobs ko dahil apaw na apaw ito at kita pa cleavage ko. Napailing na lang ako at nagsuot ng sweatshirt na croptop.
Lumabas ako ng kuwarto matapos isukbit ang sling bag ko kung nasaan ang wallet, phone at alcohol. Saktong pababa rin si Honey at napakunot-noo ito nang makita ang suot ko.
"b***h tanggalin mo 'yang sweatshirt mo!" I rolled my eyes at tinanggal yung sweatshirt na suot ko. Lumawak ang ngiti ni Honey saka inagaw ang sweatshirt sa akin at hinagis sa may sofa.
"Oh my god! Sana all talaga pinagpala!" Maarte niya sabay tawa ng malakas. Napailing na lang ako at pinasadahan siya ng tingin. She wore the black tube dress na may slit both legs kaya kitang-kita ang makinis nitong hita. Hapit na hapit sa katawan niya ang dress at may shape din naman siya kahit na slim siya. Parang model pa nga eh.
Palabas na sana kami ng pinto ng condo nang mabilis ako tumalikod at tumakbo papunta sa kwarto ko. Mabilis akong pumasok sa walk-in closet at naghanap ng blazer dahil hindi ko talaga kaya na naka-brallete lang. Tumaas agad ang kilay ni Honey ng makita ako pero matamis ko lang siya na nginitian. Napabuntong-hininga na lang ito saka hinila ako palabas.
Mabilis kaming nakarating sa club kung saan gaganapin ang welcome party. May group chat na agad ang freshmen at chinat doon ang venue with google map kaya hindi na kami nahirapan na hanapin. Inarkila pa raw ang buong club ng kung sinuman ang organizer kaya kami-kami lang ang nandito. Hindi ko tuloy sure kung tama ba ang choice of school ko. Parang halos mayaman lahat eh.
May sumalubong sa amin pagkapasok pa lang namin ng club. Agad na nakipag-beso-beso si Honey dito na para bang matagal na silang magkakilala pero ang totoo ay kanina lang niya ito na-meet.
"This is Berlin, my friend. Besh this is Ashleigh and Bianca,” pagpapakilala niya sa dalawang magandang babae na nasa harapan namin.
"You can call me, Ash, Berlin,” nakangiting sabi ng babaeng nakasuot ng high waisted black shorts at galaxy sleeveless crop top. Bilugan ang mga mata nito at matangos din ang ilong at makapal ang labi. She has a long black wavy hair na may ribbon na white. Ginantihan ko ang ngiti nito at nakipag-beso rin.
"And I'm Bianca!" sigaw naman ng babaeng nakasuot ng bodycon na beige. Magkakasing-tangkad lang kami. Naka-bun naman ang buhok ni Bianca na may ribbon rin na white sa ulo.
Iniabot sa amin ni Bianca ang ribbon at pinilit na ilagay sa ulo namin bilang palantandaan na freshmen kami. Nagpaalam na rin sa amin ang dalawa pagkatapos kaya naghanap kami ni Honey ng upuan. I suggested na sa second-floor kami umupo na sinuportahan naman nito.
May naglapag agad ng bote ng whiskey and tequila sa mesa namin nang maupo kami. Tipid na nginitian ko ang waiter na kasalukuyang naglalagay ng iced bucket at shot glass. Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang tinakpan ang cleavage ko nang makita na doon siya nakatingin.
"Thank you!" Sabi dito ni Honey. Agad naman na umalis ang waiter. Tumatawang binuksan ni Honey ang Jack Daniels saka sinalinan ang shot glasses namin.
"Bottoms up, Berlin!"
Napangiwi ako nang matikman ang alak lalo na ng humagod ito sa lalamunan ko. Agad kong binaba ang shotglass at sinubo ang lemon kahit hindi naman tequila ang ininom namin.
Shet 'yoko talaga ng hard drinks. San mig at red horse lang okay na sa akin.
"Oh my! Nandyan na 'yung crush ko!" biglang tili ni Honey kaya wala sa sarili akong napaigtad.
"Huh? May crush ka na agad?" gulat na tanong ko dito.
"Duh?! Nagpakilala sila kanina sa harapan. Hindi mo kasi tinignan kasi sabi mo hindi ka interesado magka-love life,” sandaling bumaling ito sa akin saka tumingin muli sa ‘crush’ daw nito.
Natawa ako sa sinabi niya. Seryoso ako nang sinabi ko sa kanya 'yon dahil kalabit siya ng kalabit kanina para ituro ang mga guwapo na nakikita niyo. Hindi naman kasi talaga ako interesado. I'm here to chase my dream and to study hard.
"Look, Berlin! Sa katapat na table natin sila uupo!" tuwang-tuwa na sabi pa nito.
Wala akong choice kundi ang tignan ang tinuturo niya dahil paulit-ulit niya akong inuuga. Sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ang tatlong lalaki na naupo sa couch sa tapat namin. All of them has a white ribbon sa sleeves nila tanda na freshmen sila. The one on the left was wearing a shirt and ripped jeans and varsity jacket. The one in the middle was wearing a mustard plaid shorts and black polo shirt habang 'yong sa right side ay button-down black polo at aqua blue plaid shorts. I looked down at the shoes on the guy at the right side at 'di maiwasan na mapaismid.
Okay. Balenciaga. Rich kid din.
"Mukhang sila lang no? What if maki-join tayo sa table nila? Let's go, beshy!" hindi magkandatuto na sabi ni Honey at hindi na ako hinintay pa na sumagit at agad na hinila patayo.
"What?! Wait Honey—”
Hindi na ako nakapag-protesta pa ng hilahin niya ako matapos niyang hawakan 'yong dalawang alak gamit ang isa niyang kamay. Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha ang Tequila at nagpatangay sa kanya.
"Hi!" nakangiti na bati nito.
Sabay-sabay na napatingin sa amin 'yong tatlo nang makalapit kami at sumigaw si Honey. I bit my lower lip at nag-iwas ng tingin nang mapatingin sa akin 'yong guy sa right side. Tinanggal ko ang kamay ni Honey sa braso ko saka hinawakan ng dalawang kamay 'yong alak.
"Mind if we sit here. Dalawa lang kasi kami ng friend ko doon and medyo malungkot,” maarteng sabi pa ng malandi kong kaibigan. Madiin kong kinagat ang ibabang labi ko dahil ako ang nahihiya para sa kanya.
"Sure. Take your seat, ladies." Hindi ko nakita kung sino 'yong nagsalita. Napatingin lang ako sa mga ito nang hawakan ulit ni Honey ang braso ko at hatakin paupo sa tabi niya. Nakaupo na kami sa harapan nong tatlong lalaki. Ibinaba ko ang alak sa mesa saka tinignan ng masama si Honey na nakakaloko lang na sumulyap sa akin bago matamis na humarap doon sa tatlo.
"My name is Honey, and this is my friend Berlin. We're block mates, actually,” sabi pa ni Honey at maarteng tumawa. Mygod kung 'di ko lang siya kaibigan.
"Yeah, we saw the both of you kanina. By the way my name is Rasdy." Napatingin ako doon sa guy sa left side nang magpakilala siya sabay lahad ng kamay. Agad naman iyon tinanggap ng malandi kong kaibigan.
"I'm Theo but you can call me love, Honey,” sabi naman nong nasa gitna sabay kindat kay Honey. Iniabot din ng malandi kong kaibigan ang kamay nito at maarte pang tumawa.
I crossed my legs and leaned on the couch. Napakurap ako dahil mas nakakahilo ang ilaw dito sa side na ito. Muli akong tumingin doon sa tatlo at agad nag-iwas ng tingin nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin.
WTF?!
"Smile b***h. Madidiligan ka na tonight," I rolled my eyes nang marinig ang bulong ni Honey. Mygod!
Huminga ako ng malalim saka hinanda ang ngiti ko. Isa-isa kong tinignan ang tatlo na nasa harapan ko saka naglahad ng kamay.
"Berlin," pagpapakilala ko kahit pinakilala na ako ni Honey kanina. Sandaling nakipag-kamay sa akin si Rasdy at Theo saka matamis na ngumiti. Napatingin ako sa lalaking nasa right side at nakitang parang wala itong pakialam sa paligid at tahimik lang na umiinom ng beer. Agad kong ibinaba ang kamay ko at kinuha 'yong Jack Daniels at tinungga iyon. Narinig ko pa ang pag-cheer ni Honey sa gilid ko.
"Woah! Kaibigan ko 'yan!" Sigaw nito. I gave her a small smile nang ibaba ko ang alak. Hindi ko maiwasan na mapangiwi nang gumuhit iyon sa lalamunan ko.
Potek pangit ng lasa. Bakit ko nga ba tinungga? Dahil ba na-stress ako ng very light kasi di nakipag-kamay sa akin 'yong isang lalaki? And so, what? Pake ko sa kanya? I shook my head immediately ng ma-realize na walang kwenta ang mga iniisip ko.
Muli akong napatingin doon sa isang guy. Nakasandal na siya ngayon sa couch at nakatigin sa malayo habang hawak ang beer niya. I can say na guwapo siya. Hindi ko masyadong makita 'yong features ng mukha niya kasi madilim at medyo malabo ang mga mata ko pero kitang-kita ko na matangos ang ilong niya at bilugan ang mata. Nakita ko rin na matangkad siya kanina at head turner. Mukhang walking heartbreak si kuya kasi ang sungit ng aura.