Chapter 1

3021 Words
1145. Napoli, Ariana Berlinda Aragon 98.05% Paulit-ulit kong kinurap ang mga mata ko. Hindi pa ako nakuntento ay inilapit ko pa ang mukha ko sa papel para mas mabasa ang buong pangalan ko. "Heart nakapasa ka!" Muli akong kumurap-kurap kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata ko. "Heart, oh my gosh! I'm so proud of you!" Napalayo ako doon sa papel na kanina ko pa tinitignan ng hawakan ni Allen ang magkabilang balikat ko. Inuuga-uga niya pa ako habang malaki ang ngiti sa mga labi niya na nakatingin sa akin. "Heart nakapasa ka nga! Magiging doktor ka na! May kaibigan na akong doktor!" Malakas akong natawa sa sinabi niya kasabay ng pag-sink in sa akin ng lahat. "H'wag kang OA, heart! Sa med school pa lang ako nakapasa. Matagal-tagal pa bago ako maging doktor talaga," natatawang sabi ko saka tinanggal ang salamin para kusutin ang mga mata kong may namumuo ng luha. "Doon din papunta 'yon!" Nakangiting sabi nito na niyakap pa ako ng mahigpit. Tuluyan ng tumulo ang luha na kaninan ko pa na pinipigilan. Agad din siyang lumayo sa akin at tinignan ako sa mga mata. "At hindi lang 'yan! Nakapasa ka rin sa scholarship. Di ba ganoon 'yon? Kapag 90% average ng exam ay matik ng kasali sa mga scholar ng Ramirez Medical?" sabi niya pa na ikinatango ko. Muling lumandas ang luha sa mga mata ko kaya natawa na lang ako. Natawa na rin si Allen at muli akong niyakap. Malaki ang ngiti namin ni Allen habang nakasakay sa kotse niya. Ihahatid niya ako sa bahay namin sa Aldwyne kung nasaan ang parents ko. Excited na akong sabihin sa kanila ang good news, at bilang supportive bestfriend ay nag-alok pa talaga siyang ihatid ako dahil wala naman daw siyang ginagawa. Mabilis ang pagpapatakbo niya habang nasa expressway kami since maluwag naman at walang masyadong sasakyan. Nagawa pa namin na mag-drive thru sa Mcdo at nagkukwentuhan pa habang kumakain. Inaantok na ako at gusto ko ng matulog pero alam kong sa oras na pumikit ako ay sasabunutan niya ako kaya daldal na lang ako ng daldal. Alam ko din kasing inaantok na siya. Gabi nang umalis kami sa QC at madaling araw na. Naging normal ang pagda-drive niya nang makapasok kami ng Tarlac. Hindi na kami muling nag-stop over pa para mabilis na makarating hanggang sa makapasok kami ng Bueno at lumiko pa-Aldwyne. Exactly five A.M nang makarating kami sa Gonzales, ang pangalan ng lugar kung nasaan ang bahay namin. I-pi-n-ark ni Allen ang sedan niya sa harapan ng bahay ni Lola Rita. Ngumiti ako ng batiin ako ng kaibigan ni Lola nang makababa kami sa sasakyan. Hinila ko si Allen at naglakad kami papasok, hanggang sa bumungad ang two storey na bahay na bato na kulay puti at yellow green. "Papa!" Nahinto si Papa sa pagwawalis nang marinig ako saka mabilis na lumingon sa akin. Napangiti siya ng makita ako na lalo kong ikinangiti. Isang taon din akong hindi nakauwi dito dahil naghahanda ako sa NMAT o National Medical Admission Test. "Papa nakapasa ako sa Med School!" malakas na sabi ko habang may malapad na ngiti. Kumunot ang noo ko nang biglang mawala ang ngiti sa labi nito. At dahil malakas ang pagkakasabi ko ay nakita kong lumabas si Lola, Mama at ang ate kong panganay mula sa bahay. Huminto ako sa tapat ni Papa at nagtatakang tinignan sila. "Bakit?" takang tanong ko. "Tinuloy mo pala 'yung exam doon?" tanong ni Ate na ikinatango ko. "Ano kasi anak—” Hindi na natuloy ni Papa ang sasabihin dahil nagsalita si Ate. "Bothered si Papa. Wala ng magpapadala sa amin kapag nag-aaral ka na kasi 'di ba kailangan mong mag-resign para makapag-focus ka sa med school. Hindi mo naman kasi kailangan maging doctor. I'm sure na mahihirapan ka rin d'yan at hihinto kagaya ko kaya bakit mo pa tinuloy?" mahabang lintanya nito. Huminga ako ng malalim saka pumasok sa maliit na bakuran. Nilingon ko si Allen para ayain siyang pumasok pero tumango lang ito. I guess hindi na kami magtatagal dito dahil hindi naman kami welcome. Hindi nga nag-abala na papasukin kahit 'yong bisita ko na lang eh. "Hindi ako kagaya mo," tinignan ko siya ng masama. Mahina siyang natawa dahil doon. "Bakit tingin mo ba magiging doctor ka na dahil nakapasa ka sa med school?" Pang-aasar niya pa. As if naman affected ako sa mga ganyan-ganyan niya. Natuto na ako, oy! Hindi na ako basta-basta nagpapadala sa mga sabi-sabi na 'yan. Napailing ako at natawa na lamang, para itago ang sama ng loob na kasalukuyan ko ng nararamdaman, joke lang na hindi ako affected. Magaling lang talaga ako magtago ng nararamdaman. Ngunit kailan nga ba naging proud sa akin ang pamilyang ito? Kahit siguro maging presidente ako ng Pilipinas ay wala akong ibang maririnig sa kanila kundi ganito. Hindi uso sa kanila ang pag-abot ng mga pangarap dahil gastos lang at mamamatay din naman daw. Mas mahalaga sa kanila ang pera para may pangtustos sa pang-araw-araw. Tingin ng mga magulang ko sa mga anak nila ay investment na dapat bubuhay sa kanila kapag nawalan na sila ng trabaho. Hindi pala investment ang dapat na itawag dahil wala naman silang in-invest. Pinag-aral nila kami mula kinder hanggang highschool, binibigyan ng baon na bente pesos. 'Yun na yon. Sariling sikap kami kung paano makakabili ng libro at mga projects. Buti na lang matatalino kami dahil nagtututor kami at nagpapabayad para sa paggawa ng project at assignment may pera lang. Gan'yan sila ka-f****d up na mukhang aware naman sila kasi lantaran kung sabihin nila 'yan. Hanggang sa maka-graduate kami ng highschool ay sariling sikap. At dahil alam ko naman na wala silang balak na pag-aralin ako ng college ay nag-apply na lang ako ng trabaho. Kaya nang malaman ng tatay ko na nakapasa ako sa call center at malaki ang sahod ay nagsimula na siyang tamarin sa pagpasok bilang messenger ng isang kompanya hanggang sa tuluyan na mag-resign. Nakakatawa pa dahil sa halos 30 years na paninilbihan niya sa kompanya na 'yon ay 13k lang ang backpay niya. Ibang klase. And ever since that day, ako na ang nag-provide sa amin. Bills, groceries pati itong bahay na tinutuluyan nila ay ako ang nagpagawa. Katas ng anim na taon ko sa call center. Buti na lang din at nakapag-ipon ako kahit papaano. Kaya nang malaman ko na may pa-scholarship ang Ramirez Medical para sa mga gustong maging doktor na walang pampaaral ay talagang nag-register ako. Nag-aral ako ng mabuti at laging tambay sa library ng UP Manila dahil doon ako mag-aaral kung sakaling papalarin. Nagawa kong pagsabayin ang pag-rereview at pagta-trabaho pero ngayon na nakapasa ako ay magreresign na ako. Nagpaalam naman ako sa Team Leader ko at pumayag naman ito ng bukal sa kalooban nito kahit na ako ang top agent niya. At least daw kung papalarin ay magkakaroon siya ng kakilalang doktor na dati niyang naging ahente. Masaya sana kung 'yung pagiging supportive ng mga kaibigan at katrabaho ko ay katulad ng pagiging supportive ng pamilya ko. Kaso hindi, at wala na akong magagawa pa dahil doon. "Pucha akala ko pa naman matutuwa kayo kapag nalaman niyong nakapasok ako sa med school at matutupad ko na ang pangarap ko. Iniisip niyo pa rin pala 'yung sarili niyo kasi wala ng magpo-provide sa inyo," naghihinanakit sa sabi ko. Naramdaman ko na naman ang biglang pamumuo ng luha sa mga mata ko kaya bahagya akong napatingala. "Yabang ah?! Nakapasa ka pa lang, hindi ka pa doktor," sabi pa nong panganay ko na kapatid. Inirapan ko na lang ito saka nagsimulang maglakad. "Whatever. Kukunin ko lang mga gamit ko tapos ay aalis na ako," sabi ko na lang. Mabilis akong pumanhik sa second floor at pumasok sa kuwarto ko. Naabutan ko pa na natutulog doon ang bunso kong kapatid. Huminga ako ng malalim saka naglakad patungo sa malaking cabinet. Tumingkayad ako para kunin ang maleta ko sa ibabaw ng cabinet saka binuksan ito. Binuksan ko rin ang cabinet at kinuha ang mga damit ko na naka-hanger saka itinapon sa maleta. Kinuha ko rin ang lahat ng under garments ko. Hindi na ako nag-abala pa na ayusin ang mga damit at pilit na pinagkasya saka isinara ang maleta. "Kailangan mo ba talagang ituloy 'yan, anak? Paano kami?" Dinig kong sabi ni Papa. Nilingon ko ito at nakitang nakatayo ito sa may pintuan. Inis na bumuntong-hininga ako saka itinayo ang maleta ko at hinawakan ang handle niyon. Naglakad ako palapit dito. "Sorry Papa. Gusto ko talaga maging doctor at buo na ang desisyon ko. Huwag kayong mag-alala, hindi ako hihingi kahit piso sa inyo kasi may scholarship na in-offer sa akin ang isang malaking kompanya. Sasagutin nila pag-aaral ko at allowance," sabi ko at nilagpasan ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Napaka-selfish naman pakinggan 'yung mga sinasabi nila. Hindi naman ako lalayo o makikipagtanan. Mag-aaral naman ako. "Na-stress ako sa pamilya mo, heart." Marahas akong bumuntong-hininga at nanatili ang tingin sa labas ng bintana. Kasalukuyan na kaming bumabyahe ni Allen pabalik ng Manila. Talagang umalis kami doon na hindi man lang inalok ng breakfast o kahit kape man lang. Nakarinig pa ako ng masakit na salita sa Lola ko na wala daw akong utang na loob. Pucha, anong klaseng utang na loob ba sinasabi nila? 'Yung pagbibigay ba ng buhay sa akin? Kung ako lang ang masusunod ay ayokong ipanganak sa mundong ito kung ganitong buhay lang din naman ang mararanasan ko. "Hayaan mo sila. For once sarili ko muna iisipin ko. Sila rin naman ang magbe-benefit kapag naging doktor ako," sabi ko matapos ang ilang sandali. "Epal nong Ate mo. Akala mo rin may ambag talaga," inis na sabi ni Allen. Natawa na lang ako sa sinabi niya at hindi na umimik pa. Pumikit ako at sumandal sa front seat at hindi namalayan na nakatulog kung hindi lang hinila ni Allen ang buhok ko. "Hoy babaita, wala kang karapatan na matulog!" Mahina akong natawa sa sinabi nito at umayos ng upo. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita na nasa expressway na kami. Mukhang matagal 'yung tulog ko kasi kanina nasa Pangasinan pa lang kami eh. "Saan ka pala titira?" Tanong nito kaya paupo akong humarap dito. Sandali siyang sumulyap sa akin bago ibalik ang tingin sa daan. "Baka maghahanap ako ng dorm sa loob ng Celestine University. Ang kasama lang kasi sa scholarship ay 'yung tuition fee at other expenses saka allowance na 50,000 pesos,” paliwanag ko dito. "Wow ang laki ha!" manghang wika naman nito. "Sana nga magkasya. Ayon kasi sa nabasa ko marami raw libro at photocopies sa med school. Marami rin readings." Medyo tamad pa naman ako magbasa, pero kailangan ko na yatang sanayin ang sarili ko. Ginusto ko 'to kaya dapat lang na panindigan ko. For sure matutuwa ang bruhilda kong ate kung sakali na bumagsak ako or what na sana hindi naman. Jusko ang dami kong sinakripisyo. Knock on the wood. Inihatid ako ni Allen hanggang sa may bukana ng barangay namin sa Metro. May sarili kaming bahay dito at kami lang ng isa ko pang ate ang nakatira. Pero masyado itong malayo sa Celestine University kaya kailangan kong maghanap ng dorm doon, para di na rin hassle sa part ko. Naisip ko kasi na gamitin na lang na oras sa pag-aaral ang oras na ilalaan ko sa biyahe kung mag-uuwian ako. I sounded like a true college student. Though two years lang ako sa college at med school na agad dahil na rin sa bagong curriculum. Feeling ko naman ay mag-eenjoy pa rin ako kahit more on aral sa med school. Sana lang h'wag puro bata ang makasama ko doon. Sana may ka-age ako doon. Eighteen ako ng mag-start na magtrabaho. 20 years old nang maisipan ko mag-aral ng Business course pero huminto din pagkatapos ko ng 2nd year, last sem dahil nga wala na akong pang-tuition. Nagkasakit ang nanay ko non kaya nagamit ang pang-tuition ko dapat. Tinamad na rin ako hanggang sa ma-discover ko ito. Ngayon alam ko sa sarili ko na hindi na ako tatamarin, bagkus ay magsisipag pa. Now I'm 24, sana talaga may maligaw na ka-age ko at sana mga tatlo sila o apat para masaya. Next month na ang start ng klase namin sa Med School at na-stress ako dahil wala pa rin akong mahanap na Dormitory or kahit kwarto lang na matutulugan! Ang mamahal ng mga nakikita ko sa Ermita kung nasaan ang Celestine University. Naiiyak na ako. May nakita ako medyo mura kaso kailangan ng three months deposit eh magkano na lang ang pera ko. Napabuntong-hininga ako nang makaupo ako sa table na nasa labas ng Jollibee. Sumandal ako sa sandalan ng upuan saka tumingin sa malayo. Potek ayoko talaga mag-uwian from Emita to Metro and vice versa! Siksikan sa LRT tapos sobrang traffic pa. Ang layo pa ng lalakarin. Huhu. What to do? "May nahanap ka na ba na roommate sa condo mo, Honey?" "Wala pa nga eh. Wala din nagme-message sa akin sa social media. Nakailang post na ako sa mga public groups." Parang biglang lumiwanag ang paligid ko sa narinig. Napaayos ako ng upo at nilingon kung saan ako narinig ang magandang balita. Nakita ko doon ang isang slim na babae na maputi at medyo kulot ang buhok. Maganda siya. Chinita ang mga mata niya, maliit ang ilong pati na rin ang mga labi. Ang hinhin pa magsalita. Nakapalumbaba siya na nakatingin sa kawalan habang pinaglalaruan ang coke float nito. 'Yung kaharap naman niya na babae ay medyo chubby na singkit din at maputi. Magkahawig sila so sa tingin ko magka mag-anak sila. Pareho silang naka-dress na floral at flat sandals, white yung sa tinawag na 'Honey' habang blue naman 'yung suot ng kaharap niya. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. Hindi ko gawain ang mag-eavesdrop at makipag-usap sa strangers pero desperada na ako! Kailangan ko ng bahay para sa pag-aaral ko. Lord please sana hindi masungit. "Hi!" Bigla akong kinabahan nang sabay silang lumingon sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang tumaas ang isang kilay nong kaharap ni 'Honey' saka mabilis akong pinasadahan ng tingin. I'm only wearing maong shorts and medyo over-size na v-neck black shirt na naka-tucked in saka black sneakers. Matangkad ako sa height na 5 feet 4 inches. May malaking balakang at pinagpalang hinaharap dahil na rin medyo obsessed ako sa workout. I used to be chubby at naisipan na mag-healthy living dahil sa asthma. "Narinig ko kasi na naghahanap ka ng roommate. I know medyo rude na nag-eavesdrop ako kaso kasi need ko ng matutuluyan. I just got accepted in Med School and I'm from Metro. Medyo malayo kung mag-commute ako every day," Tumaas lalo ang kilay nung naka-blue na dress na babae sa sinabi ko. I bit the inside of my cheek at tumingin kay 'Honey'. Nakita kong nakasandal na siya at nakahalukipkip na nakatingin sa akin. "Paano kami makakasiguro na hindi ka scam? Or whatever criminal?" "Grabe naman sa criminal!" Depensa ko sabay hubad sa backpack ko at inilagay sa harapan ko. Kinuha ko doon ang black ko na wallet saka inilabas ang UMID ko. 'Yun ang legit na ibigay na valid ID dahil alam kong hindi 'yon nakokopya sa Recto. "I'm Ariana Berlinda Napoli, Berlin for short. Puwede ko rin ipakita sayo 'yung ID ko from Celestine University or Certificate of Registration kung gusto mo." Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang ID ko saka ibinalik sa akin. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglahad ng kamay sa harapan ko. "I'm Honey Grace Balbuena. Honey na lang." Nakangiti niyang pagpapakilala. Nakangiti ko rin itong tinanggap. Sana all malambot ang kamay. 'Yong sa akin kasi hindi ko sure kung magaspang o ano. Mukha din siyang rich kid kasi Rolex ang wristwatch na suot niya habang Chanel naman ang shoulder bag na nakapatong sa ibabaw ng table. "Huwag na. Bigay mo na lang number mo," sabi pa nito. Tumango ako at inilabas ang Xiaomi phone ko. Napatango ako ng ilabas niya mula sa Chanel na bag niya ang Iphone XS nito. Sabi ko nga rich kid siya. Akmang iaabot ko na sa kanya ang phone ko nang muli siyang magsalita. "Or busy ka ba today? Papakita ko na sa iyo 'yung condo ko. Mukha ka naman hindi kriminal." Natawa ako sa sinabi niya saka tumango. Nakangiti siyang inakay ako na maglakad. Malapit na kami sa parking ng mall ng magpaalam ang kasama niya na aalis na. Hindi niya pinakilala kung sino 'yon kaya hindi na lang din ako naki-usyoso. Huminto kami sa harapan ng BMW at hindi ko na maitago ang pagkamangha lalo na ng pindutin niya ang remote key. Natawa niya sa reaksyon ko. Sinenyasan niya akong pumasok habang niya ay umikot sa driver's seat. Saktong tapos ko ng ikabit ang seatbelt ko nang pumasok siya sa sasakyan at mabilia na ikabit din ang seatbelt niya. "Hindi mo naman siguro ako ki-kidnap-in 'di ba? Ibebenta sa mayayamang matatanda?" Biro ko na malakas na ikinatawa niya. "Hindi mo sure," napalunok ako sa sinabi niya at muli siyang natawa sa reaksyon ko. Parang malapit lang mula sa pinanggalingan namin dahil matapos ang ilang sandali ay nakaparada na agad siya sa basement parking ng condo niya. Nang sinenyasan niya akong bumaba ay mabilis kong binuksan ang pinto sa gilid ko at hinintay siya. "Freshman din ako sa CUCM," pagkukwento nito habang naglalakad kami patungo sa elevator. CUCM is short for Celestine University College of Medicine. "Hindi ko nga akalain na makakapasok ako. Graduate ako ng Fine Arts sa St. Bernadette U, tapos nong nalaman ng magulang ko na nakapasok ako dito sa CUCM ay tuwang-tuwa sila. Hindi kasi nila akalain na matalino pala ang suwail nilang anak," Sabi pa nito saka natawa. Sana all supportive ang parents. Kinuwento niya pa kung gaano siya ka-suwail. Party goer daw siya at tambay ng mga club at bars. Rebelde sa mga magulang dahil ayaw daw niya ng Fine Arts at gusto talagang mag-doktor kaso walang tiwala sa kanya ang mga ito kaya hindi siya sinuportahan, kaya pinag-igihan niya at nag-aral siya at ayun na nga. Magiging kaklase ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD