Dahan-dahan akong nagmulat nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone na nakapatong sa dibdib ko. Agad na kinuha ko ito at pinindot ang answer key nang makita ang pangalan ni Honey sa screen.
My Honey calling…
“He—”
“Berlin, nasaan ka?!” bungad na wika ni Honey at dahil nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw ay wala sa sarili akong napaupo sa kama—or sa sofa kung saan ako kanina natutulog. Mabilis na luminga ako sa paligid at napakunot noo nang may mapansin ako.
Wait. Hindi ito ang unit ni Honey.
“Kanina pa tumatawag sa ‘yo si Honey,” dinig kong wika ng isang boses at nang lingunin ko iyon ay nakitang si Clyden iyon na kasalukuyan naglalakad palapit sa akin, dala-dala ang isang baso na may laman na juice. Saka ko lamang napagtanto na nasa unit nga pala niya ako para “tulungan” siya at hindi namalayan na nakatulog sa couch niya.
“Anong oras na?” tanong ko dito nang maupo ito sa tabi ko.
“10 P.M na Ariana Berlinda! Nasaan ka?!” dinig kong wika naman ni Honey, saka ko lamang naalala na kausap ko pa pala siya sa cellphone.
“May pinuntahan lang pero pauwi na ako,” sagot ko naman kay Honey. Nilingon ko si Clyden nang kalabitin ako nito para iabot ang juice na dala-dala niya. Tumango naman ako dito saka sumenyas na ilagay nito iyon sa center table.
“Bilisan mo! May pupuntahan pa tayo ‘di ba?” sabi pa ni Honey mula sa kabilang linya. Huminga ako ng malalim at akmang magsasalita nang unahan ako ni Clyden.
“You’re leaving?” tanong ni Clyden, muli akong napabuntong hininga nang marinig ang malakas na pagsinghap ni Honey over the phone.
“Is that Clyden’s voice? Akala ko nananaginip lang ako kanina nang marinig yan pero totoo pala! Oh my god Berlin! Magkasama kayo—”
Hindi ko na pinatapos pa si Honey sa anuman na sasabihin niya at agad na pinutol ang tawag. Mabilis na nag-type ako ng text message dito na pauwi na ako para hindi na ito tumawag bago itago ang cellphone sa bulsan ng shorts ko. Hinarap ko muli si Clyden pagkatapos at kinuha ang juice na binibigay niya kanina saka ininom iyon. Ngayon ko naramdaman ang pagkauhaw matapos ng mga nangyari kanina.
“You’re leaving already? I cooked us dinner to show you my gratitude,” sabi pa ni Clyden nang tignan niya muli ako.
I bit my lower lip to pretend myself from smiling dahil sa sinabi niya. Masyado akong marupok para sa mga lalaking marunong magluto at kahit na gusto ko iyong tikman ay alam kong naghihintay sa akin si Honey. Mabilis akong napailing at muling napabuntong hininga para iwaksi ang kung ano man na iniisip ko.
“Nag-aya kanina si Honey na mag-chill daw sa bagong bukas na bar malapit lang dito. Hindi ka ba nasabihan nila Rasdy?” wika ko naman dito.
“I told them I’m busy,” kibit-balikat na sagot naman ni Clyden.
“Oh, I see. Sige na uuwi na ako,” sagot ko naman dito saka tumayo. Tumango na lamang ito saka tipid na ngumiti.
“Thank you for today, Berlin,” masuyong wika pa nito saka ako hinatid patungo sa pinto.
***
“Nasa unit ka ni Clyden? Anong ginagawa mo doon? Bakit kayo magkasama?” sunod-sunod na tanong ni Honey nang makapasok ako sa unit niya. Kasalukuyan itong nakaupo sa sofa ngunit mabilis na tumayo nang marinig ang pagbukas ng pinto.
“Nagpatulong lang siya. Anong oras pala tayo aalis?” sagot ko dito at pilit na iniiba ang usapan. Hindi ko sure kung kaya ko ba ikwento kay Honey ang paghuhubad ko sa harapan ni Clyden at paghalik dito for the second time.
“Exacltly 11 P.M. Mag-ready ka na, tatawagan ko lang siina Theo para tanungin kung sasama pa sila,” sagot naman nito. Tumango ako kay Honey bilang tugon saka agad na nagtungo sa laundry area nang maalala ang mga iniwan ko na labahin. Nang mapansin na nakalagay na sa laundry basket ang bed sheet at pillowcase ay agad ko itong binuhat at pumasok sa kuwarto ko.
Mabilis akong kumilos at iniayos muna ang mga damit na nakakalat sa kama saka iyon nilagay sa walk-in closet. Nang matapos ay agad akong pumasok sa bathroom para mag-shower dahil naririnig ko na ang pagmamadali sa boses ni Honey.
I chose to wear my black bodycon dress on inch above the knee ang haba. Plunge ang neckline nito pero hindi naman revealing at spaghetti ang strap. Itinali ko ang mahaba kong buhok and wore a light makeup after kong mag-skin care. Isinuot ko rin ang black stiletto na bigay sa akin ni Honey at tinernuhan ng black na sling bag saka lumabas ng room ko.
“Ang ganda naman talaga ng friend ko,” nakangiting wika ni Honey nang makita ako. Honey chose to wear a black bralette and high waisted denim jeans with black cardigan. She’s also wearing a black stiletto at nakatali din ang buhok nito. Tipid na nginitian ko lamang ito saka nagtungo sa kusina para kumuha ng bottled water.
Bigla akong nakaramdam ng gutom ngunit dahil wala kaming food ay baka doon na lang sa pupuntahan namin ako kumain. I also mentally noted to myself na hindi iinom masyado dahil ayaw ko ng maramdaman ang nakakabaliw na hangover na naramdaman ko noong huli kaming uminom.
“May gagawin ka pa ba? Let’s go na?” dinig kong wika pa ni Honey. Tumango ako muli dito saka itinapon ang bottled water bago naglakad patungo sa housemate ko. Sabay kaming naglakad palabas ng pinto, siniguro muna ni Honey na naka-lock ng maigi ang unit niya bago kami maglakad patungo sa elevator.
Ilang minuto lamang ang itinagal namin sa sasakyan ni Honey ay agad na kaming nakarating sa bar na sinasabi niya. Walang masyadong tao nang makapasok kami sa loob, siguro dahil na rin sa mahal ang entrance fee bukod pa sa drinks na ise-serve nila.
Honey booked a VIP room na matatagpuan sa second-floor kaya agad kaming nagtungo doon. Ang sabi niya ay gusto lamang niya mag-inom at makipagkwentuhan kaya mas pinili niyang mag-stay sa VIP room kesa sa makigulo sa mga tao na nasa dance floor.
Nandoon na sina Theo, Rasdy at Clyden nang makapasok kami sa VIP room. Bahagya pa akong nagtaka kung ano ang ginagawa ni Clyden doon dahil ang sabi niya kanina ay busy siya but I just remain silent at naupo sa tabi nito dahil iyon na lang ang bakante habang si Honey ay naupo naman sa tabi ko. Nginitian ko si Rasdy at Theo nang batiin nila ako at kinuha ang beer-in-can na inaabot nila sa akin.
“Biglang naging available si Clyden kaya sinama namin siya,” wika ni Theo kasunod ang malakas na pagtawa.
“Yeah, I read your text earlier na kayong dalawa lang ni Rasdy ang makakapunta,” nakangiting sagot naman ni Honey kasunod ang makahulugan nitong paglingon sa akin. Inis na inirapan ko naman ito at wala sa sarili na napainom sa beer na hawak-hawak ko.
Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan habang ako ay mataman na nakikinig sa kanila, sumasagot kapag tinatanong at nag-se-share ng nararamdaman kung kinakailangan. They also ordered a rice meal dahil pare-pareho pala kaming hindi pa nag-di-dinner at kahit na hindi ko bet ang lasa ng tempura nila ay pinilit ko iyon na kainin dahil sa gutom na gutom na talaga ako.
Nang maubos namin—or should I say nila Honey ang three bucket of beers n ain-order nila ay nag-aya ang mga ito na lumabas nang VIP room at magtungo sa dance floor. We dance and dance to the rhythm at in-enjoy ang buhay dahil deserve naman namin ito. We did well sa med school kaya deserve namin na magsaya paminsa-minsan.
Tumigil ako sa pagsasayaw and excuse myself when I felt the need to pee. Hindi ko na nabilang kung nakailang beer na ako pero dahil nakakaramdam na ako ng hilo ay kailangan ko na itong ilabas. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa ladies’ room at inilabas ang kung anuman na pwede kong ilabas. I also washed my face after and pinunasan na lang iyon ng make-up remover at hindi na nag-abala pa na mag-retouch. Ang sabi ni Honey ay uuwi kami ng 2 A.M and 1:30 na kaya wala ng dahilan para mag-retouch pa ako.
Huminga ako ng malalim at sandali na pinagmasdan ang sarili ko sa salamin bago maisipan na lumabas. Hindi pa ako masyadong nakakaalis sa ladies’ room nang maramdaman ko ang paghila ng kung sino sa kamay ko kasunod ang pagdala sa akin sa madilim na parte ng lugar na iyon.
Akmang sisigaw ako para humingi ng tulong nang maramdaman ko ang pagtakip nito sa bibig ko. Nanlalaki ang mga mata na inaninag ko ang lapastangan na humila sa akin and I somehow felt relief nang makilala kung sino iyon.
Si Clyden.
“Did I scare you?” tanong nito nang mapansin na kumalma na ako. Marahan akong tumango dito habang nanatili na nakatitig sa kanya.
Nasa VIP room pa lamang kami ay ramdam ko na ang mga titig niya na para bang may gustong sabihin ngunit hindi niya magawa dahil na rin sa kasama namin ang mga kaibigan namin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipin niya pero kung ano man iyon ay nakakaramdam ako ng takot. Bakit? Hindi ko rin alam.
“I’m sorry. I just want to talk to you about something,” sabi pa sa akin ni Clyden. Muli akong tumango at hinintay ang susunod na sasabihin nito.
Naramdaman ko ang unti-unti na pagbitaw ni Clyden sa kamay ko na hawak niya kaya napatingin ako doon, agad na bumalik naman ang paningin ko dito nang muli itong magsalita.
“Can you do me another favor?” seryoso na wika ni Clyden.
“Anong klaseng favor?” balik-tanong ko naman dito kasunod ang pagbuntong hininga. Wala naman sigurong masama kung tulungan ko muli siya dahil willing naman siyang tulungan ako sa buong duration namin sa med school. Kaya ko naman ang mga pinapagawa niya except sa pakikipag-away dahil talo ako doon. Hindi ako marunong makipag-sabunutan.
“Can you be my girlfriend?” mabilis na wika naman ni Clyden habang mataman na nakatingin sa mga mata ko. Hindi ako umimik at hinintay ang susunod niya na sasabihin, nagbabaka sakali na may karugtong pa iyon katulad ng sinabi nito kanina.
Ngunit wala. Lumipas na ang ilang minuto ay hindi na siya muling nagsalita kaya bigla akong nakaramdam ng kakaiba mula sa dibdib ko.
“W…what?” mahina kong wika nang hindi pa rin siya nagsasalita.
“I know this is nonsense, but I really want to—”
“Berlin?! Are you there? Were going home!”
Kapwa kami napalingon sa gawi kung nasaan ang ladies’ room nang marinig ang malakas na boses ni Honey. Ngayon ko lang napagtanto na nasa madilim na bahagi kami ng hallway kung saan may mga pinto na sa tingin ko ay VIP room din.
Muli kong nilingon si Clyden at seryoso na tinignan ito. Hinahanap ko sa mga mata niya kung nagbibiro ba siya ngunit hindi, and I starting to hate it.
“Gusto mo akong maging girlfriend para tuluyan ka nang tigilan ng ex mo, tama ba?” wika ko dito, pilit na iniintindi ang sinabi niya kanina.
“No. I want you to be my girlfriend for real,” sagot naman nito. Muli akong napabuntong hininga saka napailing-iling.
“Wait. Lasing na yata ako,” sabi ko pa saka mahinang tumawa.
“I—”
“Berlin!”
Muling hindi natuloy ni Clyden ang sasabihin nang muli naming marinig ang pagtawag ni Honey.
“Are you confessing to me?” tanong ko pa dito saka muling natawa. Bahagya akong humakbang palayo dito saka hindi makapaniwala na tinignan ang lalaki na nasa harapan ko.
“You ask me for a favor and that’s to be your girlfriend, right? Not the pretend one but the real one?” tanong ko pa. Tuluyan na lumakas ang tawa ko nang marahan na tumango ito kasunod ang paghakbang palapit sa akin.
“I like you, Berlin,” mahinang wika pa n Clyden.
“Lasing na siguro talaga ako,” sabi ko pa saka muling humakbang palayo. Nang hindi ko makita ang paggalaw nito ay mabilis akong umalis sa lugar na iyon at pinuntahan si Honey na kakalabas lamang ng C.R. Nagtanong ito kung saan ako nanggaling ngunit ngumiti lamang ako dito at sinabi na umuwi na kami.
Hindi na kami nakapag-paalam pa kina Rasdy at agad na lumabas ng bar nang sabihin ko kay Honey na nahihilo na ako.