Chapter 9

2131 Words
I woke up at the sound of my annoying alarm clock. Dahan-dahan akong nagmulat pagkuwa’y bumangon. I stretched my shoulders saka bahagyang humikab. Kinusot ko ang mga mata ko para tuluyan na magising, bumilang ng sampu bago magpasya na bumaba ng kama at magtungo sa banyo. It’s Monday morning. New lessons, new topics, and a new week. Honey and I spent our weekend laying around sa unit niya para na rin ihanda ang aming mga sarili sa panibagong linggo. We just watched movies, eat whatever we like and crave and sleep nonstop. Sinulit namin ang free time na iyon dahil this week na magsisimula ang walang pahinga namin pag-aaral, walang pahinga means kahit weekend ay may study group kami dahil mas better daw if we learn nonstop kaysa sa mag-slack off kami. I stayed in the shower for almost an hour hanggang sa masiguro ko na malinis na ang buhok at buong katawan ko. I’m only on my undies when I left the bathroom at naupo sa harapan ng vanity table para tuyuin ang basa kong buhok. Nang matuyo ang buhok ko ay agad kong sinuot ang uniform ko at nag-apply ng sunscreen at pink lipstick. Sandali ko pa na pinagmasdan ang kabuuan ko sa salamin bago ko kuhain ang bag ko at lumabas ng kuwarto. “Good morning, Honey!” nakangiting bati ko nang makita ito sa kusina na kasalukuyan na nakatayo sa tapat ng espresso machine. Katulad ko ay nakasuot na rin ito ng uniform dahil maaga kaming papasok sa school ngayon. “Good morning, Berlin! Coffee?” wika naman nito na ikinatango ko. “Yes please, thank you,” sabi ko pa dito. Ibinaba ko ang bag ko sa dining table saka nagtungo sa fridge para maghanap ng puwede naming kainin. “Sa tapsihan tayo ni Aling Nena mag-breakfast. May ibibigay kasi si Rasdy na handouts sa atin para sa group study mamaya,” wika ni Honey nang mapalingon sa akin at makita ang ginagawa ko. Agad na sinara ko naman ang pinto ng fridge at lumapit dito. “Bakit? Hindi ba natin sila makikita mamayang lunch?” tanong ko pa kay Honey. It’s very unusual na magkikita kami ng ganito kaaga dahil lagi naman kaming sabay-sabay na mag-lunch. “Hindi ko sure pero iyon ‘yong message niya sa group chat eh. Hindi ka na naman siguro nag-back read,” sabi naman ni Honey sabay abot sa akin ng mug na may laman na coffee. Hindi ako umimik sa sinabi niya at kinuha lamang ang mug dahil guilty ako. Hindi kasi talaga ako nagbabasa ng mga text or chat messages lalo na kapag sobrang haba. Pagkatapos namin mag-coffee ay agad kaming umalis. Tahimik kaming dalawa na naglakad patungo sa elevator at huminto sa harapan niyon. Nakita kong pinindot ni Honey ang down button at ilang sandali lamang ay narinig namin ang pagtunog ng elevator kasunod ang dahan-dahan na pagbukas niyon. Sandali akong natigilan at hindi agad nakakilos nang makita sa harapan ko si Clyden. Kasalukuyan itong nakayuko at nakatingin sa phone nito ngunit dahan-dahan na nag-angat ng tingin nang mapansin ang pagtitig ko sa kanya. Mataman na sinalubong niya ang mga mata ko at hindi katulad noong nakaraang gabi ay tila walang ekpresyon ang mga mata niya. “Can you be my girlfriend?” “I like you, Berlin,” Huminga ako ng malalim at agad na humakbang papasok sa elevator nang makita ang pagpasok ni Honey. Doon ko napansin sila Theo at Rasdy na nakangiti sa akin kaya binati ko ang mga ito bago muling lingunin si Clyden para tipid na ngitian. Agad din akong tumalikod kay Clyden at sumandal sa bakal na dingding ng elevator para hindi siya makita ngunit nabigo rin ako dahil kitang-kita ko sa nakasarang pinto ng elevator ang repleksyon niya. Muli akong huminga ng malalim at kinuha na lamang ang phone ko para aliwin ang aking sarili. Narinig ko ang mahinang pag-uusap nina Honey at kahit na gusto kong makisali sa kanila ay pinili ko na lamang na tumahimik. Sobrang lakas kasi talaga ng presensya ni Clyden at kahit na alam kong wala naman akong masamang ginawa sa kanya ay para bang nakokonsensya ako sa mga ginawa at sinabi ko noong gabing iyon. Clyden wants me to be his girlfriend. Clyden said he likes me. Ako na saglit niya pa lang na nakilala. Ako na hindi galing sa mayaman na pamilya kagaya niya at ako na nakakapag-aral dahil na rin sa scholarship na ang pamilya ni Clyden ang nagbigay. Sino nga ba naman ako para maniwala na totoo ang sinasabi ni Clyden? Hindi sa hinuhusgahan ko siya pero hindi lang talaga ako makapaniwala na gusto niya ako. I mean kung kailangan niyang magpanggap ako na girlfriend niya para lamang tuluyan siya na lubayan ng ex niya ay willing naman ako na gawin iyon. Hindi naman niya ako kailangan na pilitin na magustuhan, makikipag cooperate naman ako sa kanya sa kung ano man ang gusto niyang mangyari. Hindi naman namin kailangan na magkaroon pa ng relasyon para lamang na maging makatotohanan ang gagawin namin dahil kaya ko naman magpanggap. Expert ako sa pagpapanggap dahil lagi ko iyang ginagawa maging okay lang sa paningin ng pamilya ko kahit na hindi. Huminga ako ng malalim nang maramdaman ang pagtigil ng elevator kasunod ang pagbukas ng pinto. Nauna akong lumabas at naglakad sa parking space na nakalaan para kay Honey at hinintay siya na makalapit. “Let’s meet na lang sa tapsihan,” dinig kong wika ni Honey bago nito pindutin ang car key, agad na sumakay naman ako sa sasakyan nito at hinintay siya sa loob. Nakita kong kumaway pa ito kina Theo bago maglakad patungo sa driver’s seat. “Are you okay? Kanina ka pa tahimik,” tanong ni Honey nang makasakay ito sa sasakyan at agad na humarap sa akin. Marahan na tumango naman ako kay Honey saka tipid na ngumiti. “Hindi pa tumatalab ‘yong kape kaya medyo inaantok pa ako,” sabi ko na lamang dito. Hindi naman na muli pang nag-usisa si Honey at tumango na lang ito, ilang sandali pa ay nagsimula na itong mag-drive patungo sa school. Pagkarating namin sa Tapsihan ni Aling Nena ay si Theo at Rasdy lamang ang naabutan namin doon. Magtatanong pa sana ako kung bakit sila lang pero naunahan na ako ni Rasdy. “May dinaanan si Clyden kaya hindi siya makakasabay pero sasabay daw siya mamayang lunch,” sabi nito saka makahulugan na tumingin sa akin. Hindi ko pinansin ang mga tinginan nito saka tahimik na naupo sa tabi ni Honey. Tinanong ni Theo kung ano ang kakainin namin habang si Rasdy naman ay inilabas na ang mga handouts saka binigyan kami ng tig-isang kopya ni Honey. Sandaling nagpaalam si Theo para um-order habang si Rasdy ay nagpatuloy sa pagdi-disscus kung ano ang magiging topic namin mamaya sa group study. After kumain ay agad kaming nagtungo sa lecture hall. Nandoon na si Clyden nang makarating kami at pinag-save na kami ng upuan. Tahimik na naupo ako sa tabi nito habang naupo naman si Honey sa tabi ko na sinundan ni Theo at Rasdy na sa bandang dulo naupo. Ipinatong ko ang bag at libro ko sa desk saka sandaling sinulyapan sina Honey at nakitang seryoso silang nag-uusap ng kung ano. Huminga ako ng malalim at nilingon si Clyden na ngayon ay nakatingin sa phone natin. Kinagat ko ang ibabang labi ko saka agad na nag-iwas ng tingin nang makitang nag-angat siya ng tingin. Sandali na nagtalo pa ang isipan ko bago ako muling huminga ng malalim at ilabas ang banana milk na binili ko kanina sa tapsihan. Inilapag ko sa harapan ni Clyden ang milk carton saka hinintay ang magiging reaksyon nito. Muli itong nag-angat ng tingin sa akin bago tignan ang banana milk, ibinaba niya ang cellphone sa lamesa at hinawakan iyon saka mataman na tinignan. Hindi ako tinitigilan ng konsensya ko at pakiramdam ko ay may ginawa akong masama sa lalaking ito kahit wala naman talaga kaya naisipan ko siyang bilhan ng banana milk. Wala akong ideya sa kung ano ang gusto niyang inumin kaya ‘yong favorite drink ko na lang ang binigay ko. And I think he doesn’t like it dahil rich kid siya. “Kung ayaw mo ay akin na,” mahinang sabi ko nang mapansin ang pagtataka sa mga mata niya habang tinitignan pa rin ang binigay ko. Muli itong tumingin sa akin at napakunot ang noo dahil sa sinabi ko. “Sinabi ko bang ayaw ko?” wika nito at tinaasan pa ako ng isang kilay. Inis na inirapan ko na lamang ito saka umayos ng upo nang makita ang pagpasok ng professor sa lecture hall. “Thank you, Berlin,” dinig kong wika pa ni Clyden at nang silipin ko ito ay nakita kong itinago niya sa bag niya ang banana milk. Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang pagngiti at pilit na itinutok ang atensyon sa harapan nang magsimula ng magsalita ang professor namin. Lunch time. Magkakasama kami na lumabas ng lecture hall at nagtungo sa café na nasa tapat lamang din ng school para doon kumain. Nag-request si Honey ng pasta at ang café ang ni-recommend ni Rasdy dahil masarap daw ang pasta at pizza doon. Pagkarating namin sa cafe ay agad kaming naupo sa malaking table. Ipinatong namin ang mga dala-dala makakapal na libro at handouts sa lamesa saka nag-usap-usap kung ano ang pagkain na o-order-in. “Masarap ba ‘yong seafood aligue pasta nila?” tanong ni Honey habang nakatingin sa menu book na hinatid ng isa sa mga waiter dito sa table kung nasaan kami. “That’s crab fat. Mahilig ka ba sa seafood?” wika naman ni Theo habang nakatingin din sa menu book. Magkatabi sila ni Honey na nasa harapan namin ni Clyden habang si Rasdy ay sa center na nakaupo at abala rin sa pagpili ng o-order-in. “Not really but I want to try this seafood pasta,” sagot pa ni Honey sabay abot sa akin ng menu book para ako naman ang mamili. “Alright. How about you, Berlin?” wika pa ni Theo sabay baling sa akin. Sandali kong pinasadahan ng tingin ang menu bago ito sagutin. “I’ll try the chicken parmigiana pasta,” nakangiti na sagot ko dito saka inilapag ang menu book sa lamesa. “Make that two,” sabi naman ni Clyden na gaya-gaya ng order. Tumango naman si Theo saka bumaling kay Rasdy para ito ang sunod na tanungin. After Theo collects our order ay agad siya na nagtungo sa counter, sinabi niya na siya na lamang din ang mag-o-order ng drinks namin at hinayaan na lamang namin siya since libre niya raw ang lunch namin ngayon. Katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan namin na naiwan sa lamesa. Kapwa abala sa pagbabasa ng makapal namin na textbook sina Rasdy at Honey habang ako naman at si Clyden ay parehong nakatutok sa kanya-kanyang phone. “Have you heard this?” Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang paglapit ni Clyden kasunod ang pagsuot niya ng wireless earphone sa isa kong tainga. Kunot-noo na tinignan ko siya na ikinangiti lamang niya kasunod ang pagtunog ng earphones na nasa tainga. “Simple Plan?” tukoy ko sa singer ng kanta na pinaparinig niya sa akin. Mabilis naman siyang tumango habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Umayos ako ng upo at mataman na pinakinggan ang music hanggang sa maging pamilyar iyon sa pandinig ko. “You look so beautiful today…When you're sitting there it's hard for me to look away…” dinig kong mahinang pagkanta ni Clyden sa unang verse ng lyrics. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ang kakaiba niyang titig. Tinignan ko na lamang ang phone ko at nag-scroll sa social media, pinilit ko na ibaling doon ang atensyon ko kahit pa sobrang distracted ako sa kantang naririnig ko. “So, I try to find the words that I could say…. I know distance doesn't matter but you feel so far away…” mahinang pagkanta pa ni Clyden. His voice is so soothing that made my heart beats so fast at kahit pa malakas ang volume ng wireless earphone na suot ko ay nangingibabaw pa rin ang mahina niyang pagkanta. Ano ba ang gustong mangyari ni Clyden? Did he really mean what he said last Friday night? Paano kung hindi pa ako ready dahil una sa lahat, may goal ako at sagabal lamang ang gusto niyang mangyari sa mga pangarap ko sa buhay? I never tried to be in a relationship before dahil focus talaga ako sa goal ko ever since, but what if pumayag sa gusto niyang mangyari pero magkasakitan din kami sa huli? Ano ang mangyayari sa akin? Saan ako pupulutin kung sakali gayong hindi ko kinakaya kapag sobra akong nasasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD