Chapter 3 - Ampon

1783 Words
ANNALOU SA lumipas na mga araw ay iniwasan ko si Steven. Halos isang linggo ko na ring hindi nakikita ang binata. Hindi ko alam kung maaga lang ba ito umaalis tuwing umaga o baka hindi siya umuuwi dito sa bahay nila. Na-guilty tuloy ako. Iniisip ko na baka ako ang dahilan kung bakit siya hindi umuuwi dito. Tama nga ang iniisip ko nang aksidente kong marinig ang usapan nila Mama Sandara at Papa Benedict. Ito na lang ang mas pinili ko na itawag sa kanila. Masyado kasi akong nailang sa pagtawag ng mommy at daddy. "Hindi na naman umuwi ang anak mo," pahayag ni Mama Sandara kay Papa Benedict. Nasa dining sila at kumakain ng almusal habang ako ay nandito pa lang sa hamba ng pintuan. Napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong magsalita si Mama Sandara. "Malaki na siya at may sariling buhay, uuwi rin 'yon," tugon ni Papa Benedict. Ilang minuto na silang tahimik kaya tinuloy ko na ang pagpasok sa dining. Pero mali yata ang pagpasok ko dahil naabutan kong tahimik na umiiyak si Mama Sandara. Nakaramdam tuloy ako ng awa para sa kanya. Naramdaman nila ang presensya ko kaya sabay silang lumingon sa aking kinatatayuan. "M-Magandang umaga po," nahihiya kong bati sa kanilang dalawa. Niyuko ko ang aking ulo dahil hindi ko kayang tingnan ang naluluhang mga mata ni Mama Sandara. "Good morning, iha, tara kumain ka na," aya sa akin ni Mama Sandara. Nahihiya akong tumingin sa kanya. Wala na ang luha sa kanyang mga mata pero namumula ito, tanda na galing siya sa pag-iyak. Ngumiti ako ng tipid at lumapit sa kanila. Umupo ako sa tapat niya habang nasa side naming pareho si Papa Benedict. "Nakatulog ka ba ng maayos, iha?" tanong niya sa akin. "Opo, papa. Medyo nanibago pa rin po ako kasi ang laki po masyado ng kwarto ko," saad ko sa kanila at sinabayan ko iyon ng mahinang pagtawa. Gusto kong baguhin ang atmosphere sa paligid, dahil ramdam ko ang lungkot na nararamdaman ni Mama Sandara. Nangungulila siya sa kanyang anak. At dahil iyon sa akin. Natawa si Mama at Papa sa sinabi ko, at ang eksenang iyon ang naabutan ni Steven. Natigilan kaming lahat na para bang may dumaang anghel. "Ohh, what a happy family!" mapang-uyam niyang sabi habang masamang titig naman ang pinukol niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang mapayuko na lang para iwasan ang kanyang mga mata. "Steven, anak, mabuti naman at umuwi ka na." Masayang tumayo si Mama Sandara at nilapitan ang kanyang anak. Ni hindi na niya pinansin ang sinabi ni Steven kanina. Inangat ko ng konti ang aking ulo para pagmasdan sila. Hinalikan siya ni Mama sa pisngi. Pero wala man lang siyang reaksyon doon. "Kumain ka muna dito, Steven, sabayan mo kami." "No, thanks, mom. I just forget something in my room, aalis rin ako agad, besides I already lost my appetite," sambit niya. At muli siyang tumingin sa akin. "Steven, pagbigyan mo na ang mommy mo. Nakaraan ka pa niya hinahanap at hinihintay na umuwi. You didn't even answering my calls," ma-awtoridad na sambit ni Papa. "I'm sorry, akala ko kasi hindi niyo na ako anak." "Steven!" sigaw ni Mama sa kanya. "I'm fine, mom and dad. Sorry hindi ko po kayo masasabayan kumain ngayon. May importante pa akong pupuntahan," aniya at niyakap ang mommy niya na ngayon ay umiiyak na. Hindi ko alam, pero parang pinipiga ang dibdib ko habang naririnig ang hagulgol ni Mama Sandara. Pakiramdam ko talaga ay ako ang dahilan kung bakit hindi na umuuwi dito si Steven, nami-miss tuloy siya ni Mama. Nang umalis si Steven sa dining at pumunta muna sa kwarto niya. Nagpasya akong sundan siya. Hindi ko na siya naabutan kaya matyaga akong naghintay sa labas ng kanyang pintuan. Ilang beses ang ginawa kong pag-atras abante, dahil sobra akong kinakabahan. Nagdadalawang-isip rin ako kung itutuloy ko pa ba ang binabalak ko. Pero nang sumagi na naman sa isip ko ang malungkot at naluluhang mga mata ni Mama Sandara, ito ang nagpalakas ng aking loob. Para akong kinakapusan ng hininga habang naghihingtay sa paglabas ni Steven sa kanyang kwarto. Ilang beses rin akong napabuga ng hangin. Maya-maya lang ay bumukas na ang kanyang pinto. Hinanda ko pa ang ngiti ko para sa kanya. Napahinto siya sa paghakbang nang makita niya ako. Tinaasan niya pa ako ng kilay. "Ahm..." Tumikhim ako. "What are you doing here?" galit niyang tanong. Bigla akong nanginig nang marinig ko ang baritono niyang boses. Huminga ako ng malalim. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata, kahit na natatakot ako sa mga mata niya. "P-Pwede bang pagbigyan mo muna si Mama Sandara?" lakas loob kong sabi. Pagak siyang natawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Tamad siyang tumingin sa akin bago nagsalita. "And who are you to order me around?" galit niyang tanong. Napayuko tuloy ako ng aking ulo dahil sa sobrang hiya. Hirap akong lumunok. "P-Pasensya na nag-aalala lang ako-" "Just shut up, okay. Wala kang karapatan para pagsabihan ako, ampon ka lang nila mommy and daddy. Ni hindi ko nga alam kung saang basurahan ka nila napulot!" bulyaw niya. Tila kutsilyo ang mga salita niya sa akin na tumusok direkta sa puso ko. Nanginig pa lalo ang kalamnan ko at nakuyom ko ang aking kamao para pigilan ang sariling sagutin siya. Tama naman siya na wala akong karapatan dahil ampon lang ako. "P-Pasensya n-" "Don't bother explaining. I don't want to hear anything from you!" putol niya sa sinasabi ko. Hindi na ako nakapagsalita pa, tutal ay wala rin namang saysay ang sasabihin ko dahil hindi rin naman niya ako pakikinggan. Bakit? Sino ba ako? Naramdaman ko ang paghakbang niya at nakita ko ang pagdaan niya sa gilid ko habang ako naman ay nanatili lang sa aking kinatatayuan. Tila napako na ang mga paa ko at hindi na ako nakakilos. Naramdaman ko ang paghinto niya at paglingon niya muli sa akin. "And one more thing, woman. If you want me to come home here again, you adjust, you leave!" madiin niyang sambit bago siya tuluyang humakbang palayo sa akin. Magkakasunod na tumulo ang luha sa aking mga mata. Siguro nga ay nakatadhana na talaga ako na mag-isa sa buhay. Kaya nga kinuha na ni Lord si mama at papa ay dahil ito ang gusto niya, ang mag-isa ako. Marahil ay isang pagkakamali ang nagawa kong tanggapin ang alok nila Mama Sandara at Papa Benedict sa akin na aampunin nila ako. Nakapasok na ako sa aking silid. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid. Sa maiksing panahon ay nakaranas akong makatulog sa ganitong klaseng kwarto. May malambot na kama, may aircon, may sariling banyo at higit sa lahat ay komportable ako. Ang kaso pinatikim lang pala sa akin ang ganitong pamumuhay. For experience lang pala dahil agad rin pala itong mawawala sa akin. 'Di bale, makakaya ko naman ang matulog sa semento, sasapinan ko na lang ng karton. Nag-impake ako at inayos ang aking mga gamit. Plano kong mamayang gabi na lang umalis. Gusto ko munang ipagluto ng pagkain sina Mama at Papa bilang pasasalamat ko sa kanila dahil sa kabutihan nila. Iniisip ko pa lang ay naiiyak na ako. Kahit na isang linggo pa lang kaming nagkakasama ay pinaramdam naman nila sa akin na pamilya nila ako dito. Hindi nila pinaramdam sa akin na ampon lang ako. Ngunit gano'n talaga ang buhay. May mga bagay talaga na hindi nakatadhana para sa atin at kailangan natin iyong tanggapin. Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng aking kwarto. Kapag ganitong oras ay nasa loob si Mama at nagtatahi ng kung ano-ano. Ang sabi niya kasi ay libangan niya raw iyon. Si papa naman ay alam kong nasa opisina na niya, sa sarili nilang kompanya. Nag-practice pa ako ng magandang ngiti kanina na aabot sa aking mga mata para hindi nila mahalatang galing ako sa pag-iyak. Dumiretso ako sa kusina. Doon ay naabutan ko si Manang Cecil na naghahanda ng mga lulutuin para sa pananghalian. "Hi, Manang!" pilit kong pinasigla ang aking boses. "Annalou, ikaw pala." Malawak ang ngiti niyang tumingin sa akin. Saglit lang iyon dahil binalik niya ulit ang kanyang mga mata sa hinihiwa na karne ng manok. "Gusto ko po sana na tulungan ka, Manang. Ano po bang lululutin mo?" tanong ko sa kanya. "Naku, iha, kaya ko na 'to," pigil ni Manang sa akin. Tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Nakita ko ang mga hindi pa nababalatan na mga carrots at mga patatas. "Ayos lang po, Manang," tanggi ko at hinawakan ang isang balot ng patatas. "Ito po, ako na ang magbabalat," masigla kong wika sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot sa akin. Agad kong tinungo ang lababo at hinugasan ang mga patatas bago ito balatan. Sa pagtulong ko kay Manang ay nawala ang bigat sa aking dibdib na nararamdaman ko kanina. Nag-enjoy ako sa pagtulong sa kanya. Nalaman ko na afritadang manok pala ang lulutuin niya na paborito ni Mama Sandara at ni Steven. "Alam mo, kung nandito lang si Steven, siguradong taob ang kaldero ng kanin," pagkuwan ay sabi ni Manang. Bigla akong nalungkot sa narinig, pero hindi ko pinahalata ito sa kanya. Tipid lang akong ngumiti. "Ewan ko ba sa batang 'yon, kung bakit hindi na lang pumirmi dito sa bahay!" pagpapatuloy niya. Mataman lang akong nakikinig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, pero may gusto akong itanong sa kanya. "Manang, n-ngayon lang po ba hindi umuwi dito si Steven?" lakas loob kong tanong. Napahinto siya sa ginagawa at nilingon niya ako. "Madalas siyang wala dito, pero ngayon lang siyang ilang araw na hindi umuuwi," pahayag niya sa malungkot na tinig. Maging siya ay nalulungkot dahil sa hindi pag-uwi ni Steven dito sa mansyon. Ipinagpatuloy niyang muli ang ginagawa at hindi na nagsalita. Maya-maya lang ay nakarinig kami ng mga hakbang na papalapit dito sa amin. "Manang, tumawag si Steven at dito raw siya kakain!" masayang balita ni Mama Sandara kay manang dito sa kusina. Malawak ang ngiti niya habang ibinabalita iyon kay Manang. Maging si Manang ay masaya rin sa narinig. "Talaga po? Sabi ko po sa'yo, Mam na magic word talaga ang afritadang manok para umuwi siya." Nangingiting sambit ni Manang. Maging ako ay naging masaya na rin dahil sa nakikita kong itsura nila. Pagkuwan ay bumaling ang tingin ni Mama sa akin. "Ohh, nandito ka pala, iha." "Naku, Mam, tinulungan niya nga po akong magluto," pagbibida ni Manang. "Gano'n ba? Napaka-sipag talaga niyan, manang-mana sa mama niya," nagmamalaking saad ni Mama. Maganda si mama kapag palagi siyang nakangiti. At masaya ako kapag masaya siya. 'Huwag kang mag-alala, Mama. Simula ngayon ay palagi ka ng nakangiti.' sabi ko sa aking isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD