Chapter 2 - Galit

1570 Words
ANNALOU "WHAT's going on in here?" Malakas na sigaw ni Sir Benedict mula sa kakabukas lang na pintuan sa kanilang silid. Nakatakip pa rin ng aking mga kamay ang mga mata ko kaya hindi ko makita ang reaksyon ng kanilang mukha. Nahihiya ako dahil sa nagawa ko. Kung bakit naman kasi hindi ko sinunod ang bilin sa akin ni Manang Cecil, 'e 'di sana wala ako sa sitwasyon na ito ngayon. Natatakot akong tanggalin ang takip sa aking mukha dahil ayaw kong makita ang galit na mukha nang lalaki kanina. At isa pa, sobrang nakakahiya na nakita ko ang hayop niya. Sobrang hayop sa laki at taba. God, patawarin niyo po sana ako! "Steven, ano'ng nangyayari dito?" tanong naman ni Mam Sandara. Alam kong nakalapit na sila sa amin dahil sobrang lapit na ng boses nilang dalawa. Unti-unti ko ng tinanggal ang takip sa mukha ko sabay dilat na rin ng mga mata ko. Pagkadilat ko ay sakto namang nagtama ang mga mata namin ng isang gwapong lalaki. Nakadamit na siya ngayon, pero nakatakip lang ng tuwalya ang ibaba niya. Kulay asul ang kanyang mga mata, pero namumula ito ngayon dahil sa sobrang galit niya sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at binaling ito kina Mam at Sir na nasa tabi ko na pala. "What now, Steven? Hindi mo ba sasagutin mga tanong namin?" galit na tanong ni Sir Benedict sa kanyang anak. So, Steven pala ang pangalan niya. Ngayon ko lang ulit siya nakita dahil huling kita ko sa kanya ay bata pa kaming dalawa. Alam ko na mas matanda lang siya sa akin ng ilang taon, hindi ko lang alam kung ilan. Hindi ko nga rin alam kung natatandaan niya pa ako. Sa tingin ko sa pag-uugali niya ay hindi naman niya pag-aaksayahan na alalahanin ang isang tulad ko. "Who the hell is she, mom, dad?" galit niyang tanong sa kanyang mga magulang. Napangiwi ako sa inasta niya na iyon sa kanyang mga magulang. Masyadong bastos at wala man lang paggalang sa mga magulang niya. "Wag mong ibahin ang usapan, Steven. May tinatanong kami sa'yo, iyon ang sagutin mo!" sigaw ni Sir Benedict na kinagulat ko. Napapikit ako sa gulat at napakagat ako sa aking labi dahil sa takot. Bumibilis na rin ang t***k ng puso ko. Gusto ko ng umalis dito sa kinatatayuan ko, pero masyadong traydor ang mga paa ko at hindi ko ito maigalaw ngayon. "That woman!" sigaw rin ni Steven na halatang nagpipigil. "What?" "She peeked into my room! It's annoying," reklamo niya. Bakas sa boses niya ang sobrang galit at pagka-irita. Nahihiya naman akong tumingin kina Mam at Sir na nakatingin na rin sa akin. "P-Pasensya na po.. a-akala ko po kasi nasasaktan siya. Tapos nakita ko pa pong nakabukas ang pinto kaya... s-sumilip ako," paliwanag ko. Napayuko na lang ako dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi nga ako makatingin kay Steven dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ko. Hindi ko na rin alam kung nasaan 'yong babae na kasama niya sa ibabaw ng kama. Napapikit ako ng mariin nang muling nanumbalik sa isip ko ang mga eksena nila sa ibabaw ng kama kanina. Mga eksena na naabutan ko. Na hindi ko dapat makita. "Kasalanan mo pala, Steven. Bakit kasi hindi ka nagla-lock ng pinto mo?" sarkastikong tanong sa kanya ni Sir Benedict. Sa tantsya ko'y alam na nila ang ginagawa ng kanilang anak. Lagi niya siguro itong ginagawa at ito ang unang pagkakataon na may nakahuli sa kanya. Kaya kampante siya kahit na nakaawang ang pinto niya kanina at naka-hubo't hubad lang silang dalawa ng kasama niyang babae sa kama. "W-Wha.... What? Kasalanan ko pa? Bakit kasi hindi na-train 'yang bago niyong katulong dito?" may galit at inis niya ulit na tanong. "She's not our maid, okay. Fix yourself and we will talk," utos sa kanya ni Mam Sandara. May awtoridad ang boses ng ginang kaya ramdam ko ang pagkilos ni Steven sa aking likuran. "Pauwiin mo na ang babae na 'yan, Steven. I've told you so many times, don't ever bring your girls here and make a mess!" dagdag pa nito. Wala naman akong narinig pa kay Steven. Tanging ang pagsara na lang ng pinto ng kanyang kwarto ang narinig ko. Nakahinga ako ng maluwag. Ngayon ko lang na-realize na kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga. "Annalou, doon na tayo sa sala maghintay," pag-aya ni Mam sa akin. Malumanay na ang kanyang boses at malambing. Hinawakan niya pa ang siko ko para alalayan na makababa ng hagdan. Ramdam ko naman ang pagsunod sa amin ni Sir Benedict. Nakaramdam tuloy ako ng kaba habang bumababa kami. Mukhang ipapakilala na nila ako sa anak nila. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari. Baka magalit siya at hindi niya ako matanggap. Dumiretso ako sa kusina, uminom ako ng tubig. Pinakalma ko rin ang sarili at nag-isip ng mga positibong bagay. Nangangapa pa ako dito sa bahay at naninibago. Napakalaki ng kusina, at ang mga gamit nila ay kumpleto at alam kong mamahalin. Pagkatapos kong uminom ay dumiretso na ako sa sala. Nandoon na si Steven, naka-upo katapat ng mommy at daddy niya. Napahinto ako sa aking paglalakad at huminga ng malalim. Naramdaman siguro ni Mam Sandara ang presensya ko kaya napalingon siya sa gawi ko. Malawak ang kanyang pagkaka-ngiti. "Annalou, come here," kaway niya sa akin. Napalingon na rin dito sa gawi ko si Steven. Napayuko na lang ako at napa-iwas ng tingin sa kanya nang makita ko ang masamang titig niya sa akin. Siguro kung nakamamatay lang ang masama niyang titig ay kanina pa sana ako nakabulagta sa aking kinatatayuan. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makalapit ako sa kanila. Umupo ako sa pang-isahang sofa, malayo kay Steven. Pero kahit na malayo ako sa kanya ay ramdam ko pa rin ang matalim niyang paninitig sa akin. "What are we going to talk about that's important?" he lazily muttered. Parang hindi niya magulang ang kausap niya. Rinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ni Sir Benedict na malapit lang sa akin. Ramdam ko ang pagtitimpi niya na magalit sa kanyang anak. "We would like to introduce you, Annalou. She's not our maid, she's your now a sister," pagpapakilala sa akin ni Mam Sandara. Nagulat ako sa padabog na pagtayo ni Steven kaya hindi ko na napigilan ang mapatingala sa kanya. At tama nga ako ng aking hinala. Masama na naman ang tingin niya sa akin. "Wait, what? Sister? Kapatid ko siya sa labas?" sunod-sunod niyang tanong. "Dad, is she your daughter from other woman?" baling niya sa kanyang ama. Napaawang ang aking labi sa pagkabigla dahil sa sinabi niya. "Watch your words, Steven!" Dumagundong ang boses ni Sir Benedict dito sa sala. "Steven, she is our friend's daughter. Namatay na ang kanyang mga magulang kaya mag-isa na lang siya ngayon sa kanyang buhay. At naisipan namin ng daddy mo na ampunin siya," paliwanag ni Mam Sandara sa kanya. Umupo na siya at bumaling ulit ng tingin sa akin. "Hindi ko alam na bahay ampunan na pala ang bahay natin ngayon," sarkastiko niyang sambit. Napayuko na lang ako ng mukha para maiwasan ang mapang-uyam niyang paninitig sa akin. Para tuloy akong nanliit sa aking sarili. Pinaparamdam niya sa akin na wala akong puwang sa bahay na ito at wala akong karapatan na magkaroon muli ng isang pamilya. May tumulo na butil ng luha mula sa aking mga mta. Agad ko itong pinunasan para hindi makita nila Mam at Sir. "Steven, please respect our decision. Just treat her well, okay," malumanay na pakiusap sa kanya ni Mam. "Whatever, mom! At the end of the day kayo pa rin naman ang masusunod sa bahay na 'to," saad niya. "And you woman!" Napapitlag ako sa gulat nang balingan niya ako at sigawan. "Steven!" saway ni Sir Benedict sa kanya, ngunit hindi niya man lang ito pinansin. Tumingala ako sa kanya dahil ngayon ay nakatayo na siya. "If you want to stay here longer, don't invade my privacy. Do you understand?" mariin niyang sambit. Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango sa kanya bilang pagsang-ayon. Pagkuwan ay binalik niya na ang tingin sa kanyang mga magulang na tahimik lang. "I have to go." Paalam niya sa mga ito. Napasunod na lang ako ng tingin sa kanya hanggang sa makaakyat na siya sa second floor nitong bahay. "Pasensya ka na iha sa inasta ng anak ko sa'yo," hingi ni Mam Sandara ng pasensya sa akin. Tipid ko siyang nginitian. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala niya para sa akin. "Ayos lang po, Mam, may kasalanan rin po kasi ako," saad ko. "Don't call me Mam, okay. Just call me mommy or mom from now on," aniya. "..and you can call him dad," turo niya naman kay Sir Benedict. Nahihiya man ay tumango na lang ako. Mabuti na lang ay mabait silang dalawa. Susundin ko na lang ang bilin ni Steven. Siguro ay iiwasan ko na lang siya para hindi na siya magalit sa akin. Bumalik na kami sa itaas. Sina mom at dad ay bumalik na sa kanilang kwarto at ako naman ay naglakad patungo sa aking kwarto. Huminto pa muna ako sa katapat kong pintuan at tinitigan ito. Nagulat ako nang bigla itong bumukas at nakita niya akong nakatitig sa kanyang pintuan. Tinaasan niya ako ng kilay. "What? Maninilip ka na naman ba?" may pang-uuyam niyang tanong. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at umiling. "Tss... just a cheap girl," bulong niya na nakaabot naman sa pandinig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD