bc

Billionaire's Redemption: CHAINED HEARTS (SPG)

book_age18+
4.0K
FOLLOW
48.7K
READ
heir/heiress
drama
mystery
like
intro-logo
Blurb

STEVEN RAY CASTILLO & ANNALOU MANARES

BLURB:

Si Annalou Manares ay isang ulilang lubos, kaya't inampon siya ng mag-asawang Castillo, na kaibigan ng kanyang ina. Dinala siya sa kanilang mansyon at itinuring na parang tunay na anak. Sa kabila ng magandang pagtrato sa kanya ng mag-asawang Castillo, si Steven Ray Castillo, ang kanilang nag-iisang anak at lihim na minamahal ni Annalou, ay patuloy na nagtatanim ng galit sa kanya.

Ilang buwan ang lumipas, namatay ang mag-asawang Castillo sa isang plane crash. At dahil sa last will and testament ng mga ito, magbabago ang buhay ni Annalou sa piling ni Steven.

"If it weren't for the inheritance, I wouldn't marry you. You're nothing more than a cheap girl that my parents picked up from the trash and dressed up. Don't dream that I will love you, because that's not going to happen. Keep that in your mind!"

BOOK 2: MARVIN ALEXANDER VALDORIA & HILLARY EVEN DE JESUS STORY!

(START: CHAPTER 53)

BLURB:

"YOU have to marry me, Hillary!"

Mabilis na nangunot ang kanyang noo sa kaharap niyang lalaki.

Nameywang siya sa harap nito at tinaasan niya ito ng kilay.

"Bakit naman ako magpapakasal sa'yo? Hindi naman kita boyfriend!" asik niya dito.

"Kailangan mong panagutan ang ginawa mo sa akin. We fvcked, remember?"

Namula ang kanyang pisngi sa sinabi nito. Pinaalala ba na naman kasi nito ang nangyari sa kanilang dalawa no'ng gabi pagkatapos ng kasal ng pinsan niyang si Autumn at ang napangasawa nitong si Terrence.

She was drunk that night at akala niya ay ito ang kanyang boyfriend. Ngunit nagulat na lang siya nang magising siya na si Marvin ang katabi niya sa iisang kama.

And they're both naked!

He took her virginity that night and that's fine with her. Dapat nga masaya ito dahil hindi na siya nag-habol pa.

Pero heto siya ngayon sa harap niya at inaalok siya ng kasal.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Hayop
THIRD PERSON "MAMA, paano na po ako ngayon?" humahagulgol na wika ni Annalou sa harap ng kabaong ng kanyang ina. Ulilang lubos na siya ngayon dahil unang binawian ng buhay ang kanyang ama sa kaparehong sakit ng kanyang ina. Ni hindi man lang siya binigyan ng kapatid ng kanyang mga magulang, e 'di sana may kasama siya ngayon sa pagluluksa at magbibigay lakas rin sa kanya. Walang tigil sa pagtulo ang kanyang luha. Parang pinira-piraso ang puso niya dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Huling araw na ng kanyang ina ngayon at bukas ang araw ng libing nito. Ang pinoproblema niya pa ay hindi pa siya nakakabayad sa punerarya at sa pagpapalibing. Kulang na kulang pa ang kanyang pera. Hindi naman sumapat ang mga natanggap niya na abuloy mula sa mga kapitbahay namin. Maging sa tong mula sa mga nagsusugal ay kulang din. Sa kape at biscuit pa lang ay nauubos na. May mga nakuha rin siyang tulong mula sa kapitan, at balak nga niyang lumapit rin sa DSWD at sa munisipyo. Baka sakaling makahingi rin siya doon ng tulong. Habang umiiyak ay nakarinig siya ng humintong sasakyan sa tapat ng bakuran nila. Umayos siya ng kanyang tayo at pinunasan ang mga luhang nagkalat sa kanyang mukha. Nagsimula ng magbulung-bulungan ang mga taong narito sa burol ng kanyang ina. Mag-asawang may edad na ang bumaba sa isang magandang sasakyan at ang mga mata nila ay nakatingin sa burol ng ina ni Annalou. May lungkot na mababanaag sa mga mata ng mag-asawa. At habang naglalakad nga ang mga ito ay hindi na mapigilan ng ginang ang pagtulo ng kanyang luha. Lumunok si Annalou at huminga ng malalim bago sinalubong ang mga bisita. Kilala niya ang mga ito. Sila ang mag-asawang kaibigan ng kanyang ina. "Magandang tanghali po," sumisinok na bati ni Annalou sa kanila. "Magandang tanghali naman, iha," naiiyak rin na bati ng ginang. Tinanguan niya naman ang ang lalaki sa likod nito. "Pasensya ka na, ngayon lang kami nakapunta sa burol ng iyong ina. Galing pa kasi kaming ibang bansa at lately lang namin ito nalaman," paghingi nito ng pasensya kay Annalou. Umiling-iling si Annalou sa kanila at tipid na nginitian. Wala naman itong dapat na ikahingi ng pasensya sa kanya. "Wala po iyon, Mam. Salamat po at nakapunta kayo kahit na busy po kayo," nahihiyang sambit ni Annalou. Hinawakan ng ginang ang dalawa niyang kamay at mataman siyang tinitigan. "K-Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga na may sakit siya.... naipagamot ko sana siya. Kaso masyadong malihim ang iyong ina. Nagkakatawagan naman kami pero hindi man lang niya nabanggit sa akin ang tungkol sa sakit niya," ani nito na punong-puno ng pagsisisi ang kanyang boses. Hindi na niya napigilan ang mapaiyak sa harap ng kanyang mga bisita. Lalo pa ng maalala na naman niya ang mga pagsubok na pinagdaanan nila ng kanyang mama nang magkasakit ito. Ni wala silang nalapitan para sa pagpapa-gamot ng kanyang ina hanggang sa siya na lang ang sumuko sa sakit nito. Maski siya ay wala na ring nagawa. Eighteen pa lang siya at ang tangin naitulong niya lang sa kanyang in ay ang pagtitinda ng kakanin sa palengke. Sapat lang para sa pangkain nila araw-araw, at kung minsan ay kulang pa nga. Umupo sila sa bakanteng upuan katapat ng kabaong ng kanyang ina. Tanghali pa naman kaya wala pang gaanong tao. Nahihiya pa nga si Annalou sa mga bisita dahil napaka-init ng kanilang lugar at wala man lang siyang maialok na electricfan sa mga ito. "Pasensya na po kayo sa tahanan namin. Luma lang po ito at masikip pa." "It's okay, iha. Kahit na mayaman na kami ay hindi pa rin naman namin nakakalimutan ang buhay namin noong mahirap pa lang kami. Gaya na lang ng iyong ina, kahit na yumaman na kami at magkaiba ang tinakbo ng kapalaran naming dalawa ay hindi pa rin namin nakalimutan ang isa't isa," madamdamin nitong saad habang nakatingin sa ataul kung saan nakahiga ang mama ni Annalou. Ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya lubos akalain na wala na sa mundong ito ang kaibigan niya. Ang tinuring na niyang kapatid. Namamangha naman si Annalou sa mga kaharap ngayon. Hindi kasi siya makapaniwala na ang mga taong kaharap niya ay mahirap lang din noon. "Annalou," tawag ng ginang sa kanya. "Po?" "Ahm... g-gusto mo ba na sumama na lang sa amin?" nahihiya nitong tanong. Nagulat siya at nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin dito. "Aampunin ka na lang namin," sabat naman ng asawa nito na si Sir Benedict. Tumango-tango naman si Mam Sandara bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kanyang asawa. Hindi siya makapagsalita dahil hindi niya alam ang isasagot sa mga ito. Labis siyang nahihiya. "Iha, kami na ang bahala sa pagpapalibing ng iyong Nanay. Aasikasuhin natin ito agad para bukas ay mailibing na siya. Gusto lang namin na maging maayos ang kalagayan mo. Pag-aaralin ka namin hanggang sa makapag-tapos ka ng pag-aaral," paliwanag ng ginang. Hindi siya kaagad makapag-desisyon, maraming katanungan ang pumasok sa isip niya. "Pag-isipan mo, iha. Hindi ka naman namin inaapura na mag-desisyon ngayon." "Salamat po... pero... nakakahiya po kasi," nahihiya niyang sambit sa mga ito. "Naku, iha, 'wag kang mahihiya sa amin. Kaibigan kami ng iyong mama at kahit na hindi naman tayo noon madalas na magkita ay lagi ka niyang kinu-kwento sa amin." "T-Talaga po?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Totoo naman ang sinabi ng ginang. Noon ay magkikita sila ng kanyang mama sa isang mamahaling restaurant at isang beses na siya nitong isinama. Nakilala pa nga niya noon ang anak ng mga ito na lalaki. Bata pa sila noon, pero alam niyang masungit ang bata dahil hindi siya nito pinapansin. "Huwag kang mahiya o matakot sa amin, iha. Your mother is my friend and like a family to me," pangungumbinsi nito sa akin. Wala naman sigurong mawawala kung papayag siya. Isa pa, wala na siyang ipambabayad na upa dito sa bahay nila. Maliit lang ito pero napaka-mahal ng upa. Wala naman siyang trabaho at nagkakasya lang siya sa kita ng pagtitinda ng mga kakanin sa palengke. Okay na rin siguro na magpa-ampon na lang siya para maipagpa-tuloy niya ang kanyang pag-aaral. "S-Sige po, pumapayag na po ako," saad niya sa kanila na labis nilang ikinatuwa. KINABUKASAN ay inilibing na nga ang kanyang ina. Sa tulong ng mag-asawang Castillo ay nailibing ang kanyang ina sa magandang sementeryo. Sila na ang gumastos mula sa pagpapalibing hanggang sa pag-aarkila ng sasakyan para sa mga makikilibing. Puno man ng luha ang kanyang mga mata ay may saya naman sa puso niya dahil kahit na wala na ang kanyang mga magulang ay may maituturing na siyang mga magulang ngayon. Lubos ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil sa kinasangkapan nito para matulungan siya. "Mama, papa, kung nasaan man po kayo ngayon, bantayan niyo po ako at gabayan," dasal niya habang nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga puting lobo na pinalipad nila. Sinama na siya ng mag-asawang Castillo sa kanilang tahanan. Namamangha niyang nilibot ang kanyang mga mata sa mala-mansyon na bahay ng mga ito. Ang lawak ng garden na puno ng puno at bulaklak. May fountain pa sa gitna nito. Sa loob ng bahay naman ay mamahaling gamit ang makikita sa loob. Nag-gagandahan ang mga ilaw na sa hotel niya lang sa palabas noon nakikita. "Manang Cecil, siya po si Annalou, anak po ng kaibigan ko na namatay," pakilala ni Mam Sandara sa kanya. Ngumiti naman ang matanda sa kanya na sa palagay niya ay ang mayordoma dito. Lima silang katulong na sumalubong sa kanilang pagdating. At lahat sila ay mukha namang mababait. "Good evening po," bati ni Annalou sa kanilang lahat. "Naku, napaka-gandang bata naman pala nitong anak ng kaibigan niyo Mam," bulalas ni Manang Cecil. Natawa naman ang mag-asawa at sumang-ayon. "Oo, kamukhang-kamukha ng kanyang ina no'ng dalaga pa ito." Napangiti si Annalou sa naging usapan nila kahit na nag-iinit na ang kanyang pisngi dahil sa hiya. Hindi niya pa naranasan ang purihin at masabihan ng maganda ng ibang tao, tanging ang nanay at tatay niya lang. Sobrang payat niya kasi at maitim pa ang kanyang balat dahil sa pagbibilad sa araw kakatinda ng kakanin sa palengke nila. Hindi rin naman siya mahilig mag-ayos. Makapag-suklay lang at pulbo ay ayos na sa kanya. Kung minsan nga ay tamad pa siyang mag-pulbo. "Salamat po." "O, siya, isama niyo na si Annalou sa magiging silid niya," utos naman ni Sir kay Manang Cecil. "Annalou, anak, kung may kailangan ka, 'wag kang mahihiya. Maraming pagkain diyan sa kusina, kumain ka nang kumain para tumaba ka," baling ni Sir Benedict sa kanya. Nahihiya man pero tumango na lang siya. Totoo ngang napakabait ng mga ito sa kanya at hindi siya nagsisi na kunin ang alok nito sa kanya. Ang sabi nila ay aasikasuhin ng mga ito ang mga papeles para maging legal ang pag-aampon sa kanya. Tinungo nila ang kwarto. Habang umaakyat ay namamangha siya sa mga nakikita. Para kasi siyang nasa palasyo. At nang makarating naman sa second floor ay napakaraming pinto ang natanaw niya. "Dito ang kwarto mo Annalou, ha. Basta kung may kailangan ka, 'wag kang mahihiya sa amin," sambit ni Manang Cecil. Hindi pa rin makapaniwala si Annalou sa mga nakikita. Isang malaking kama lang naman ang tumambad sa harap niya. Kahit sa panaginip ay hindi sumagi na makakahiga siya sa ganitong klaseng kama at titira sa napakalaking bahay. " Maraming salamat po, Manang Cecil," aniya dito. "Naku, walang anuman iyon. Siya nga pala, 'yong katapat ng kwarto mo, ay kwarto ni Sir, ang anak nila Mam. 'Wag ka na lang magkakamali na papasok doon dahil ayaw no'n na may pumapasok sa kwarto niya," bilin nito sa kanya na agad naman niyang tinanguan. Lumabas na si Manang kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makalibot sa buong kwarto. Mas malaki pa itong kwarto na ito kaysa sa bahay nila sa squatter area. Nang mapagod sa paglilibot ay naupo siya sa kama at sinimulan na niyang ayusin ang kanyang mga gamit. Lahat ng gamit ay dala niya. Kaunti lang naman ang mga ito. Ang damit ng kanyang ina naman ay balak niyang sunugin sa ika-forty days nito. Pinatong niya sa table na maliit ang litrato ng kanyang ina at tinitigan ito. "Mama, salamat sa kaibigan mo. Kun 'di dahil sa kanila, siguro ay hindi ka pa rin naililibing hanggang ngayon," lumuluha niyang pagka-usap sa larawan ng kanyang ina. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap na wala na siyang ama at ina. Ulila na siyang lubos at mag-isa na lang siya sa buhay. Pasalamat na lang siya at may mga kaibigan ang kanyang mama na mabait at handang ampunin siya. Isa lang naman ang kanyang hiling. Ang makapagtapos ng pag-aaral, para masuklian niya ang kabaitan ng mga umampon sa kanya. At sana ay makasundo niya rin ang anak ng mga ito. Hindi niya pa ito nakikita ngayon, marahil ay malaki na ito. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa dami ng kanyang iniisip. Nagising siya na kumukulo ang kanyang tiyan dahil sa sobrang gutom. Nagdesisyon siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina. Ngunit may kakaiba siyang naririnig sa katapat niyang kwarto. Ito yata ang sinasabi ni Manang Cecil kanina sa kanya na bawal niyang pasukin. Puno ng kuryosidad na si Annalou ay humakbang siya patungo sa tapat ng pintuan ng silid. Nakaawang ito at may konting ilaw na nanggagaling sa loob. "Ohh... Hmmm.." daing ng isang tinig ng lalaki ang kanyang narinig. "Nasasaktan ba siya?" bulong ni Annalou sa kanyang sa sarili. Dahil sa kuryosidad ay hindi na niya naalala pa ang mahigpit na bilin sa kanya ni Manang Cecil kanina. Dahan-dahan niyang tinulak ang pinto para silipin ang taong naririnig niya na tila nasasaktan. Ngunit gano'n na lang ang pagkalaki ng mga mata niya nang makita niya ang isang babae at lalaki na parehong walang saplot sa ibabaw ng kama. Nakahiga ang lalaki habang ang babae naman ay sinusubo ang..... "AHHHHHHH!" malakas na sigaw ni Annalou sabay takip ng kanyang mga mata. Tila nanigas siya sa kanyang kinatatayuan at hindi niya na nagawa pang makaalis doon. "s**t! f**k!" dinig niyang mura ng lalaki. Sa tanan ng buhay niya ay ngayon pa lang siya nakakita nang ganoong uri ng hayop. Kitang-kita niya ang paggalaw nito kanina habang sinusubo ng babae. "Who the hell are you?" matigas na tanong ng lalaki sa kanya gamit ang galit nitong boses.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Isang Gabing Pagkakamali (SSPG)

read
58.5K
bc

Push It Harder (SSPG)

read
125.5K
bc

Landscaper's Lust (SSPG)

read
23.2K
bc

ZIGGY MADRIGAL: HIS SECRET OBSESSION (THE REBELS #1) SPG

read
70.9K
bc

Sinful Desire (SSPG)

read
4.4K
bc

Governor's Obsession

read
14.4K
bc

The Sister's First Love (SPG)

read
64.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook