THIRD PERSON
"MANANG pakitawag na si Annalou sa kwarto niya. Kanina pa 'yon sa taas hindi pa bumababa," utos ni Sandara kay Manang Cecil. Nagpaalam kasi itong maliligo muna sa kanyang kwarto. Pero kanina pa siya doon ay hindi pa rin bumababa. Kanina pa sila nagtatawanan at nagku-kwentuhan ng iba niya pang kasambahay habang hinihintay ang oras ng tanghalian.
Excited siya dahil makalipas ang isang linggo ay makakasabay niya na ang kanyang anak sa hapagkainan.
"Ma'am Sandara," napalingon silang lahat sa umaangos na si Manang Cecil galing sa itaas. Hinihingal pa ito habang hawak ang kanyang dibdib.
"Ohh, ano'ng nangyari sa'yo?"
Lahat sila ay nakatingin dito habang hinihintay ang kanyang sasabihin.
"Ma'am, wala po si Annalou sa taas. Wala na rin po ang mga gamit niya," humahangos niyang pahayag sa kanyang amo.
Kita sa mukha nito ang pagkagulat.
"Call the guards dito sa subdivision!" utos ni Sandara sa mga ito.
Bigla siyang kinabahan.
Bakit naman aalis si Annalou nang hindi nagpapaalam sa kanya?
"Ma'am, may sinakay raw po 'yung isang guard na rumoronda sa buong subdivision tuwing tanghali. Babae raw ito at may bitbit na dalawang bag. Baka si Annalou ang tinutukoy niya," sabi ni Tere, isa sa mga kasambahay ng mga Castillo.
Nanghihinang napa-upo si Sandara sa upuan at napahilot sa kanyang sentido.
"Ma'am, inom ka po muna ng tubig," alok ni Tere dito at inabutan ang kanyang amo ng isang baso ng tubig.
"Saan naman kaya pupunta si Annalou?" bulong ni Sandara sa sarili pagkatapos inumin ang isang basong tubig. Alam naman niyang naninibago si Annalou dito at nakikita naman niya ang pag-a-adjust nito. Wala naman siyang nakikitang dahilan kung bakit ito aalis na lang nang hindi nagpapaalam sa kanila.
"Ano'ng nangyayari?"
Napatingin silang lahat sa pintuan nang pumasok si Steven. Agad na tumayo si Sandara sa kanyang upuan at nilapitan ang anak.
"Steven, please do find her," utos niya dito na labis na ikinapagtaka ni Steven. Kunot ang kanyang noo at hindi maintindihan ang ibig sabihin ng kanyang ina.
Mas lalo pa siyang naguluhan nang bigla siyang yakapin ng kanyang ina at humagulgol ito ng iyak sa kanyang dibdib.
"What's wrong Mom? Sino ang hahanapin ko?" tanong niya dito na naguguluhan.
"S-Si, A-Annalou... umalis!" hagulgol nito.
Hindi niya naiwasan ang mapangiti. Pero nang maalala niya ang sinabi ng kanyang ina kanina ay napalitan ito ng pagka-inis.
Bakit siya ang maghahanap sa babae na 'yon? Gusto nga niya itong umalis dito?
"Honey, why are you crying?" baritonong boses ni Benedict na kadarating lang.
Nang marinig ng asawa ang boses niya ay agad itong umalis sa pagkakayakap kay Steven at lumapit sa kanya nang umiiyak.
Hinagkan niya naman ito na may pag-aalala.
"What happen?"
"Hon, s-si... A-Annalou."
"What about her?"
"Umalis siya," hagulguol nitong sumbong.
"What?! Tumawag na ba kayo sa mga guards?" taranta niyang tanong at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Binalingan niya ng tingin ang anak na nakatayo sa kanilang likuran.
"Steven, ihanda mo ang sasakyan," utos niya dito. Pero nanatiling nakatayo lang si Steven at ni hindi man lang kumilos. Nakaramdam siya ng pagka-inis sa inaasta ng mga magulang.
"Steven!" ma-awtoridad na sigaw nito nang makita niyang hindi pa kumikilos ang kanyang anak.
"Why are we still looking at her? Maybe she really didn't want to be here, that's why she left!"
Hindi na niya napigilan pa na mapasigaw sa kanyang mga magulang.
Dahil sa ginawa niya'y galit na tumingin sa kanya ang mag-asawa.
"Naririnig mo ba sinasabi mo, Steven? Mag-isa na lang siya sa buhay, wala siyang pera, wala siyang matutuluyan, at isa pa babae siya. Tapos gusto mo na hayaan na lang natin siya?" galit na turan ni Sandara kay Steven. Hindi siya makapaniwala na masasabi iyon ng kanyang anak. Bigla na lang itong nagbago simula nang dalhin nila dito si Annalou. Pinaningkitan niya ng mga mata ang kanyang anak nang maisip na baka may posibilidad na siya ang dahilan kung bakit umalis si Annalou dito sa mansyon.
"May ginawa ka ba kay Annalou kaya siya umalis?" mapanuring tanong niya sa kanyang anak.
Lumihis naman ang tingin ni Steven sa kanyang ina at naalala nga niya ang huling pag-uusap ni Annalou.
'If you want me to come home here again, you adjust, you leave!'
He remembers the words that he said to Annalou that day.
"What did you do to her, Steven?" matigas na tanong sa kanya ni Benedict.
Ramdam niya na may ginawa ang anak kay Annalou. Kilala niya ito. Kapag may gusto ito ay gusto niyang nasusunod agad. Noong pinakilala pa lang nila si Annalou dito ay kita na niya ang selos at galit sa mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit naging ganito na lang ang asta niya sa dalaga gayo'ng wala naman itong ginagawang masama sa kanya.
"N-Nothing, dad, mom," pagsisinungaling niya sa mga ito.
Para maiwasan ang mapanuring mga mata ng magulang, labag man sa loob niya'y sinunod na lang niya ang utos ng daddy niya na ihanda ang sasakyan.
Pumihit na si Steven palabas ng dining nang magsalita si Sandara.
"If something bad happen to Annalou. I swear to God, you won't receive any inheritance from us!" mariin nitong sambit sa kanyang anak.
Padabog na lumingon si Steven sa kanyang ina.
"Really, mom?"
"Yes, at hindi ako nagbibiro, Steven. Do find her, or else, wala kang makukuhang maski isang kusing sa amin ng daddy mo!" matigas nitong wika.
Umiling-iling si Steven dahil hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa kanyang ama.
"You are all unbelievable!" aniya at tumalikod na sa mga ito.
Lahat ay nagulat sa narinig, maging ang mga kasambahay na nakikinig. Maging sila ay hindi rin makapaniwala.
"f**k! Damn that woman!" malakas na mura ni Steven sabay hampas sa harap ng kanyang kotse.
Nanggagalaiti siya sa galit dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang ina kanina.
At ngayon ay responsibilidad niya pa ang babae na 'yon!
Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan ang kaibigan na si Marvin.
"Bro, I need your help," bungad niya kay Marvin mula sa kabilang linya.
"What is it, bro?"
"We need to find that woman?"
Natawa si Marvin. "Woman? Who? Babae mo na naman?" magkakasunod nitong tanong.
"No, bro. I'll just send to you the other details. I'll explain it to you later."
"Okay."
Kahit kailan talaga ay hindi siya nabibigo kay Marvin. He's our good friend.
Lumabas na sa loob ng mansyon ang mag-asawa para tingnan kung naihanda na ba ni Steven ang sasakyan. Naabutan nila itong may kausap sa kanyang cellphone. Ngunit nang makalapit sila ay wala na siyang kausap.
"Let's go and find Annalou."
Napalingon si Steven sa kanyang likuran nang marinig ang tinig ng kanyang ama.
"Ako na lang ang maghahanap, dad, mom," presinta niya kaya nagtaka ang mag-asawa at nagkatinginan pa. Isang marahas na pagbuntong hininga ang pinakawalan ni Steven.
"Wala akong gagawin na ikakagalit niyo, okay? Hahanapin ko siya, I already called a friend to help me to find her." mahinahon niyang saad sa mga ito. Nakahinga naman ng maluwag ang mag-asawa.
"Iuwi mo siya dito, Steven. And please, 'wag mo siyang aawayin," bilin ni Sandara sa kanyang anak.
Tumango naman ito kaya napanatag na silang dalawa.
Hinatid na lang nila ng tingin ang sasakyan ng anak habang papalabas ng gate. Yumakap si Sandara kay Benedict.
"Sana mahanap siya ni Steven," bulong niya dito.
"We should trust Steven. Alam kong iuuwi niya dito si Annalou."
Pumasok na ang mag-asawa at naghintay na lang sila ng balita.
Hindi na tuloy sila nakakain pa ng tanghalian dahil sa pag-alis ni Annalou.
Labis silang nag-aalala para dito. Dasal lang nila ay sana walang mangyari sa kanyang masama.
Ring ng cellphone ang pumukaw kay Steven habang nagda-drive. Kaagad niya itong sinagot nang makitang si Marvin ang tumatawag. Kanina ay pinasa na niya dito ang ibang impormasyon kay Annalou.
"Balita?" tanong niya dito nang mai-loudspeaker na niya ang kanyang cellphone.
"Base sa description mo sa pinapahanap mo, nakita siya ng mga inutusan ko sa palengke malapit diyan sa subdivision niyo," imporma ni Marvin kay Steven.
"Where is she now? Nasa palengke pa rin ba siya?" tanong niya. Niliko na niya ang manibela sa direksyon kung saan naroon ang palengke.
"Pinapasundan ko pa. I'll call you later. Basta stand by ka lang."
"A'right, bro. Thanks."
Binaba na niya ang tawag.
At naghintay nga siya hanggang gabi sa loob ng kanyang kotse hanggang sa tumawag na si Marvin sa kanya.
Sa isang eskinita raw ito nangupahan. Pero nang puntahan nila ay nakapatay na ang ilaw. At nang silipin nila sa bintana ay tulog na raw ito.
"What kind of a woman she is? Bakit niya hinayaang nakabukas lang ang bintana niya?" bulong niya sa sarili.
Hindi siya umuwi hanggang sa mag-umaga.
ANNALOU
"A-Ano'ng ginagawa mo dito?"
Napaatras ako nang naglakad pa siya palapit sa akin.
"You need to go home," malamig niyang sabi.
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Ha? 'Di ba gusto mong umalis ako sa bahay niyo? Ito na umalis na ako," matapang kong sagot.
Nagdilim naman bigla ang mukha niya kaya nakaramdam ako ng takot.
Hawak ko pa rin ang pinto at hindi ko ito binuksan ng malaki para hindi niya makita ang loob ng bahay ko.
"Sa tingin mo gusto kong bumalik ka sa bahay? No!" matigas niyang singhal na kinagulat ko. Hindi ko pinahalata sa kanya na natatakot ako. Mas pinatigas ko pa ang mukha ko.
"Yon naman pala 'e. Bakit papauwiin mo pa ako?"
Bumuntong hininga siya.
"Look woman. Wala akong choice kun'di sundin ang utos ni mommy at ni daddy," saad niya na tila nauubusan na siya ng pasensya. Pero hindi ako nagpatinag sa kanya.
"Hindi ako sasama sa'yo at hindi na ako babalik doon. Umuwi ka na lang at samahan ang mommy mo. 'Wag mo siyang iiwan at alagaan mo siya ng mabuti."
Hindi ko napigilan ang maging emosyonal sa mga sinabi ko. Naalala ko kasi ang mga magulang ko na namayapa na.
"Maswerte ka dahil buhay pa sila. Nandiyan pa sila sa tabi mo. Kaya sulitin mo iyon, at 'wag mong sayangin," dagdag ko.
Bago pa tuluyang pumatak ang mga luha ko ay pinagsarhan ko na siya ng pinto. Napasandal ako sa likod ng pinto habang hawak ang aking dibdib.
Naninikip ang aking dibdib.
"Hey, open the door!" sigaw at katok niya mula sa labas. Pero hindi ko siya pinakinggan at pinagbuksan. Ang plano ko tuloy na pag-alis ay hindi na natuloy. Hintayin ko na lang siguro siyang umalis, hindi naman 'yan magtatagal diyan at mananawa rin.
Titiisin ko na lang ang gutom ko.