Episode 5: Alone with him

1292 Words
"Nana, I have to stay in my office for 1 month at kailangan ko ng Isang katulong doon" narinig naming sabi ni Sir Bell Kay aleng Rosa. So wala na rito si Sir Bell? Bakit ako nalulungkot? Dapat maging masaya ako dahil wala na ang masungit at suplado naming boss. Napatingin si Aleng Rosa sa akin. "Si Nova nalang ang dalhin mo doon" nagulat ako sa sinabi ni Aleng Rosa. Ako? Ibig sabihin non ay magsasama kami ni Sir Bell? Naramdaman kong uminit ang aking pisnge. Napatingin naman si Sir Bell sakin. "She's not capable" sabi ni sir Bell, nakaramdam naman ako ng lungkot sa aking puso. Ginagawa ko naman ang best ko kahit ganito lang ako. Inaamin ko na na gusto ko siyang makita araw araw, namimiss ko siya kapag Hindi ko siya nakikita. "Kaya nga turuan no siya" sabi ni Aleng Rosa. He sigh at tumango. "Fine" sabi niya, napangiti naman ako. Makakasama ko na si Sir Bell! Kailangan kong galingan ang trabaho ko para hindi magalit sakin si Sir Bell. "Mag impake kana" matipid na sabi ni Sir Bell at tumango naman ako at pumunta sa kwarto para ihanda ang mga gamit ko. Masayang masaya ako Ngayon. Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok sina Mary at Sanya. "Hoy sanaol nito" tawang sabi ni Sanya. "May crush ka Kay Sir no?" tanong naman ni Mary. Agad ko namang dineny ang mga sinasabi nila. "Wala no, gusto ko lang ma try kung Anong buhay don" sabi ko sa kanila pero hindi naniwala. Nang matapos na akong mag arrange ng gamit ay pinahiram ako ni Sanya ng maleta niya kaya nagpasalamat ako sa kanya. "Nako, mag ingat ka talaga Nova." sabi ni Mary sakin. Tumango naman ako at niyakap sila. Isang buwan ko silang hindi makikita kaya mami-miss ko sila lalo na si Aleng Rosa. *** Nagpaalam na kami ni Aleng Rosa at ngumiti naman si Aleng Rosa sa akin kaya niyakap ko ito bago umalis. Sumunod ako kay Sir at pumasok sa sasakyan niya. I stared at the car in awe. Ngayon lang ako nakasakay ng ganito kagarang sasakyan. Ang lamig dito at mabango pa. "Seatbelt mo" matipid na sabi ni Sir. Tinignan ko naman siya, huh?Anong seatbelt? Saan ang seatbelt dito? Malilintikan talaga ako dahil kahit seatbelt hindi ko alam. "A-asan ang seatbelt dito sir?" nahihiyang tanong ko sa kanya. He sigh and suddenly, lumapit siya sakin. Napaatras naman ako nang makalapit ang mukha niya sa mukha ko. His minty breath is fanning in my face. Lumakas ang t***k ng aking puso habang tinitignan ang malapitan niyang mukha sakin. May kinuha siya sa likod ko at nilock niya ito sa gilid ko. Eto pala ang seatbelt? Ngayon alam kona. Bumalik siya sa upuan niya at pinaandar ang sasakyan. Kalma kalang Nova. *** Nakating na rin kami sa kompanya ni Sir Bell, napakalaki pala ng kompanya niya. Para akong natulala habang tinignan ang pinakamataas na floor sa building. Ang yaman pala talaga ni Sir Bell. "Susunod ka o Hindi?" galit na tanong nito kaya napabalik naman ako sa realidad. Hinila ko na ang maleta ko at sumunod sa kanya. Nang makapasok na kami, lahat ng mga tao ay binabati si Sir pero hindi ito pinapansin ni Sir Bell. Tinignan ako ng mga tao, siguro nagtataka sila kung bakit ako kasama ni Sir Bell. "May girlfriend na pala si Sir Bell?" "Hala seryoso?" "Kailan pa nagka girlfriend si Sir?" Parang uminit ang pisnge ko nang marinig ko ang usap usapan nila. Bakit nila ako nakikita bilang girlfriend ni Sir? Sa palagay ko kasi sobrang taas ni Sir kompara sakin kaya hindi ako makapaniwalang girlfriend ang tingin nila sa akin. Pumasok si Sir sa Isang pinto na bumubukas, wow ang Ganda naman ng pinto nila, automatic na bumubukas. Pumasok narin ako katabi ni Sir at may pinindot siya at biglang umandar. Ganito na pala ang mga sasakyan sa loob ng kompanya? Bumukas ang pinto at bumugad ang isang malawak na silid. I gasp sa nakita ko, napakalaki nito. May dalawang malaking sofa sa gilid at may malaking TV. Makikita mo rin ang view sa baba at lahat ng mga buildings. Meron ding parang kusina na pwede kang magluto. Sobrang ganda naman dito. Ang sarap sa pakiramdam na mararanasan ko na rin ang ganitong buhay. "My room is right in that door at ang c.r ay katabi niyan. You are going to sleep on the sofa. Got it?" Saad niya sakin. "Okay po Sir" masayang sabi ko. "You can put your things in the comfort room, may mga cabinet don" sabi niya at tumango naman ako at pumunta sa c.r. Napamangha naman ako nang makita ko ang c.r. Maluwag ito at may malaking cabinet sa gilid kaya kinuha ko ang mga damit ko at nilagay roon, konti lang din naman ang mga damit ko. Nang matapos na ako, lumabas na ako at nakita ko si Sir Bell na busy sa laptop niya. Napatingin naman siya sa akin. "Kailangan naka arrange ang lahat nang ito araw araw" sabi niya at tinuro ang sobrang daming papeles na nakakalat sa table niya. Tumango naman ako at lumapit sa kanya at sinimulan kong e arrange ang mga papel habang siya ay nakatoon sa laptop niya. "Before I forgot, Ikaw na ang bibili ng coffee sakin every 8:00 sa umaga,and also, magsimula kanang magluto pagkatapos diyan" sabi niya. Hindi ko alam kung saan ang coffee na tindahan dito pero magtatanong nalang ako baka magalit siya. "Okay po Sir" sabi ko sa kanya. Ngayon pa ako magluluto na wala si Aleng Rosa, makakaya ko kaya? Feeling ko magaling naman akong magluto pero iwan ko if magaling pa rin kahit wala si Aleng Rosa. Nang matapos na akong mag arrange ng mga papeles ay nagsimula na akong magluto, na surprise naman ako dahil parang alam na alam ko nang magluto, ang dali ko palang matuto. Tinikman ko ang niluto ko at napangiti dahil masarap ito. Inihanda ko na ang plato ni Sir Bell at nilagay ko ito sa mesa. Iba ang table na tinatrabahuan ni Sir at may isang medyo malaking mesa din sa gitna kaya roon ko nilagay ang pagkain niya. "Ready na ang pagkain Sir" sabi ko sa kanya. Huminto siya sa sa ginagawa niya at pumunta sa mesa kung saan nandoon ang mga pagkain na niluto ko. I just stood there not knowing kung anong gagawin. Saan ba ako uupo? Pag umupo kasi ako dito ay makakatabi ko siya. Nahihiya rin akong umupo sa sofa. He glanced at me. "Kumuha kana doon ng plato mo" sabi niya sa akin. Agad naman akong kumuha ng plato at umupo. Nakakahiya naman ito ngayon. Hindi ako nasanay na kasama siyang kumain sa iisang mesa kasi mag isa lang siya parating kumakain doon sa bahay. Nabalot kami ng katahimikan habang kumakain. Napatingin ako kay Sir habang tahimik siya na kumakain. Ang gwapo niya talaga, kahit lalaki si Sir Bell, matataas parin ang kanyang mga pilikmata. Napayuko ako baka kasi makita niya na tinititigan ko siya. Nang matapos na kaming kumain, hinugasan ko na ang mga plato na ginamit namin. Pagkatapos ay tinignan ko ang view sa baba. Gabi na, kaya napakagandang tignan ang mga ito. nakangiti lang ako habang tinitignan ang view. "Hindi kapag matutulog?" I jumped nang marinig ko ang boses ni Sir Bell. "Matutulog na po" sabi ko sa kanya at pumunta na ako sa malaking sofa at humiga roon. Nakita ko na pumasok siya sa room niya. I smiled, masaya ako dahil hindi ako napagalitan ni Sir Ngayon araw. Kailangan ko nang maghanda para bukas kasi ang dami ko pang gagawin. Marami pa akong dapat na matutunan gaya ng pagbili ng coffee ni Sir. Sana naman maging successful ako bukas kasi ayaw kong e disappoint si sir Bell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD