Episode 4: Glass

2121 Words
Kasalukuyan kaming naghahanda ng maraming pagkain sa mesa dahil pupunta raw ang pamilya ni Sir Bell dito, tahimik ang lahat habang nagluluto. Hindi ko alam kung bakit natataranta ang lahat dito. "Bakit parang takot kayo dito?" tanong ko kay Sanya. "Strikto ang parents ni Sir Bell kaya ihanda mo ang sarilii mo at huwag kang magkamali sa pagkikilos mo" sabi niya, I gulp. Ganon pala ka strikto ang parents ni Sir Bell, siguro doon siya nagmana kaya ganyan ang ugali niya. Hays, kailangan ko nang ihanda ang sarili ko. Tumulong ako sa paluto kay Aleng Rosa habang ang iba ay naglilinis sa buong bahay. Nang matapos na kaming maglinis ay hinanda na namin lahat sa mesa. Bakit parang kinakabahan ako ngayon, sana naman walang mangyaring masama ngayon dahil baka magalit na naman si Sir Bell. Ayaw kong magalit si Sir Bell sa akin. Habang naghihintay kaming lahat sa kusina ay narinig namin ang tunog ng doorbell sa bahay ni Sir Bell, nagtiniginan naman ang lahat. Nakita ko si Aleng Rosa na pumunta sa labas para salubungin ang family ni Sir Bell. Tumibok ng malakas ang aking puso nang makita ko si Sir Bell na bumababa, nakasoot ito ng simpleng grey shorts at long sleeve, ang gwapo gwapo niya talaga kahit simpleng damit lang ang sinonoot niya. Nakita kong palabas rin si Sir Bell para salubungin ang pamilya niya. "Huwag na huwag kayong gumawa ng mali" sabi ni Mary sa amin at tumango naman kami at pumunta sa table kung saan nakahanda ang mga pagkain, nakasoot kami ngayon ng pang maid na uniform na black and white dahil ganito raw dapat ang soot namin kapag nandito ang family ni Sir Bell. Tumayo kami sa gilid ng dining table at doon lang daw dapat kami nakatayo para pagsilbihan ang mga bisita kung mayroong kailangan. Nakarinig kami ng ingay papunta sa loob ng bahay at doon ko nakita ang napakagandang pamilya, may isang batang lalaki na kamukha ni Bell at may isang dalaga na napakaganda na kamukha rin sa kanya. Tinignan ko ang mama at papa ni Bell, napakaganda ng mama niya at gwapo ang papa niya, doon nagmana si Bell sa papa niya base sa mukha. Nakita naming umupo sila at nag uusap usap. "So kumusta ang company?" narinig kong tanong ng papa ni Bell. "It's running good" matipid na sabi ni Bell. "Hon, alam mo namang sa trabaho lang nakatoon ang anak mo, kaya walang mangyayaring masama sa kompanya" narinig kong sabi ng mama ni Bell. Napatawa naman ang papa niya. "I know" sabi ng papa niya. "It's obvious naman Dad, kaya nga walang jowa iyan" narinig kong sabi ng dalagang kapatid ni Sir Bell. Tinignan ko si Sir Bell na tahimik lang habang kumakain na parang walang pake sa mga sinasabi ng pamilya niya. "Son, may kilala akong babae na malaking maitutulong sa kompanya natin, we can arrange a marriage for the both of you" nairinig kong sabi ng papa ni Bell. Marriage? Diba kasal iyon? Nakikita ko iyon noon sa mga palabas na napapanood ko. Ikakasal si Sir Bell? Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking puso. "Dad, I already told you. I am not getting married" naiinis na sabi ni Sir Bell. "Bell, whether you like it or not, ikakasal ka rin kaya mas mabuting e secure mo na ang iyong mapapangasawa" sabi ng mama niya, sana hindi pumayag si Sir Bell. Bakit ako nalulungkot kung ikakasal si Sir Bell? Hindi ko na siguro matatago na may gusto na talaga ako kay Sir Bell kaya parang nahihirapan ako sa nararamdaman ko dahil bago lang itong lahat sa akin. "It's life at nakadepende lang sakin kung magpapakasal ako o hindi" galit na sabi ni Sir Bell. "Dahil ba naman to kay Imogen?" galit na sabi ng mama niya, natahimik naman ang lahat. Sino si Imogen? Nakita kong parang puputok na sa galit si Sir Bell. Pakiramdam ko, importanteng tao si Imogen dahil grabe ang epekto niya kay Sir Bell. "I'm sorry" narinig kong sabi ng mama niya. "You, get me some wine" Nagulat ako nang tinuro ako ng papa ni Bell. "Iyong bote na nakalagay sa mesa sa kusina, ilagay mo sa baso" Sanya whispered kaya agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng baso at nilagyan ito ng wine na sinasabi ng papa ni Bell. Kinakabahan ako habang dala ko ang baso, nakakatakot naman kasi ang pamilya niya. Nang makalapit na ako sa mesa ay hindi ko inasahang mabangga ako sa upuan dahilan ng pagka tapon ng wine sa mesa. "Ano ba?! Bakit hindi ka nag iingat?" galit na sabi sa akin ng mama ni Bell. Napayuko naman ako. "Sorry po talaga" mangiyak ngiyak kong sabi habang nililinis ang mesa na nataponan ng wine. Agad na tumayo ang mama ni Bell at laking gulat ko nang dumampi ang kanyang kamay sa aking pisnge. "You are fired, umalis ka sa pamamahay na to" galit na sabi ng mama niya. Hindi ko mapangiling tumulo ang aking mga luha, nahihiya kasi ako sa ginawa niya, napahiya niya ako sa mga tao na nandito ngayon at lalo na kay Sir Bell, ito na ata ang katapusan ko dito, Bakit ba kasi hindi ako nag iingat. Hindi ko matignan sa mukha si Sir Bell, sigurado akong galit na galit siya dahil sa nagawa ko. Mabilis lang ang mga pangyayari dahil naramdaman kong may humawak sakin at at inilayo ako sa mesa. Laking gulat ko nang makita ko si Sir Bell na sobrang galit ang mukha. "Ano ba mom? Kasambahay ko siya at bakit mo pinagbubuhatan ng kamay?!" galit na sabi ni Sir Bell sa kanya, pati ang ibang mga kasambahay ay nagulat dahil sa ginawa niya. Hindi inasahan iyon ng mama ni Bell dahil nakita ko ang gulat niyang ekspresyon. "Son, ano bang nangyayari sa iyo? Kasambahay lang siya at wala ka namang pake sa mga maids mo" sabi ng papa ni Bell. Nakaramdam ako ng saya sa puso ko, pinagtatanggol ako ni Sir Bell? Bakit niya ako pinagtatanggol? "Because I care about Nana Rosa, and she likes this girl kaya huwag mo nang ulit gagawin iyon mom" malamig na sabi ni Sir Bell at hinila ako sa kusina. Galit na galit ang mukha nito. "Hanggang kailan kaba maging ganyan ha? Bakit hindi ka nag iingat?" galit na sabi ni Sir Bell at napakumot ito sa kanyang ulo. "Gusto mo bang palayasin kita dito? Kung hindi lang sana para kay Nana Rosa to, matagal na kitang pinaalis dahil sa katangahan mo" galit niyang sabi kaya sumakit na naman ang puso ko. Ginagawa niya ito para kay Aleng Rosa at hindi para sa akin. Napayuko naman ako. "S-sorry po talaga" malungkot kong sabi, he sigh at umalis pabalik sa pamilya niya at hindi ko na marinig ang pinag usapan nila. Napaiyak naman ako dahil sa nangyari. "Okay kalang iha?" narinig kong tanong ni Aleng Rosa at nakaramdam ako ng yakap nito. "Pasensya napo talaga, hindi ko naman sinasadya" mangingiyak kong sabi sa kanya. "Tahan na, ganyan talaga ugali ng pamilya niya kaya hayaan mo na" sabi niya at tumango naman ako at bumalik si Aleng Rosa don sa sala, Nagulat ako nang makaramdam ako ng yakap sa tiyan ko. I look down at nakita ang kapatid ni Sir Bell. "Your so pwettyy" rinig kong sabi nito, pero hindi ko naiintindihan sinasabi niya. Ngumiti ako sa kanya at kinarga ito, siya lang ata ang mabait sa pamilya nila. "Ano pangalan mo?" tanong ko nito. "Huh?" tanong nito, paano nato, hindi ako marunong mag English, kunti lang alam ko, hindi ko alam kung bakit may nalalaman pa akong Engish words dahil hindi naman ako nag aral. "What is your name?" tanong ko nito. "Dean, how about you?" masayang sabi niya, napakagwapo niya, mini me siya ni Sir Bell. Siguro ganito ang hitsura ni Sir nong bata pa siya. "Nova" sabi ko sabay ngiti, naramdaman kong hinaplos niya ang aking pisnge. "It's Reddd" sabi niya, siguro dahil ito sa malakas na sampal ng mama ni Sir Bell kanina. Wala naman akong pakialam sa sampal niya, napahiya lang talaga ako kay Sir Bell. Ganito ba kapag may gusto ka sa isang lalaki? "Dean, where are you?" narinig ko ang bosed ni Bell at napahinto naman siya nang makita niyang karga ko ang kapatid niya. Tumalon naman si Dean tumakbo patungo kay Sir Bell. "Kuya, Nova is so pweettyy right?" tanong niya kay Sir Bell, napatingin naman si Sir sa akin kaya napayuko ako at parang uminit ang pisnge ko. "Mom and Dad is waiting for you outside" sabi ni Sir Bell, nakita kong sumimangot si Dean. Napakacute talaga ng batang ito. Nag wave naman si Dean sakin kaya napangiti naman ako at dinala na siya ni Sir Bell sa labas. Napahinga naman ako ng malalim, galit pa kaya si Sir Bell sa akin? Sana makalimtan na niya iyong nangyari, nahihiya na talaga ako sa kanya. Hindi pa kasi ako sanay sa mga ganitong bagay kaya hindi ko naaayos ang aking mga kilos. "Hoy, anong feeling ng pinagtanggo ni Sir Bell?" masayang tanong ni Sanya. "Ginawa niya lang iyon dahil kay Aleng Rosa" sabi ko. "Kahit na, pinagtanggol ka parin" natatawang sabi ni Mary, I sigh. Dapat itigil ko natong nararamdaman ko kay Sir Bell dahil hinding hindi iyon magkakagusto sa akin. Nagsimula na kaming maglinis at magligpit ng mga gamit. Nakita naming umalis si Sir Bell, wala na naman siya dito, pero ako naman magluluto para sa kanya mamaya kaya makikita ko rin siya. "Sanya, turuan niyo ako paano maging pormal na babae" sabi ko sa kanilang dalawa ni Mary at napatawa naman ang dalawa. "Easy lang iyan, una, dapat elegante kang kumilos tapos dapat hindi ka mahiyain at dapat may confident ka sa sarili mo" sabi ni Mary, ano ba iyan, lahat ng iyan wala ako. Saan ba ako lulugar dito. I sigh, hindi na nga lang, wala akong alam sa bagay na iyan dahil lumaki ako sa kalsada kaya hindi ko na mababago ang sarili ko. "Hoy bakit kaba nalulungkot diyan, swerte kanga dahil maganda ka, buti naman di ka pinagsamantalahan ng mga lalaki sa kalye noon" sabi ni Sanya sakin. Napatawa naman si Mary. "Nakita mo ba hitsura niyan nong dinala siya dito? Puro dumi ang nasa mukha kaya walang makakahalata na maganda siya kaya pasalamat ka sa dumi Nova" natatawang sabi ni Sanya. Hays, itong dalawa talaga parati nalang ako pinaglalaruan. Lumipas ang ilang oras ay tinulungan na ako ni Aleng Rosa na magluto para sa pagkain ni Bell mamaya kaya masayang masaya ako habang nagluluto. Nang matapos na kaming magluto ay saktong sakto na nakauwi si Sir Bell. "Dalhan mo ako ng pagkain sa taas" malamig na sabi niya sakin at tumango naman ako at inihanda ang trey na naglalaman ng kanyang pagkain. Nang matapos ako ay dahan dahan na akong pumunta sa taas para ihatid ang pagkain ni Sir Bell. Kumatok ako sa pinto niya at maya maya'y bumukas ito. Nang kunin na niya ang pagkain ay nagulat ako ng matapon niya ito lahat sa sahig. "Cockroach! s**t, patayin mo iyan!" gulat na gulat ako habang tinitignan si Sir Bell na napatalon sa kama niya, ang isang masungit na Sir Bell ay hindi ko inaasahan na takot pala sa ipis. Napabalik ako sa realidad at hinabol ang ipis sa loob ng kwarto niya, kinuha ko ang tsinelas ko at pinatay ito. Katahimikan ang nabalot sa kwarto ni Sir Bell at ang tanging naririnig ko lang ay ang kaniyang malakas na paghinga. Na realize ko na nakapasok pala ako sa kwarto ni Sir Bell at nakita ko na napakalinis ng kwarto niya, hindi ko inaasahan sa lalaki na malinis ang kwarto, walang kalat ang kwarto niya at maraming mga libro sa kanyang mesa. Napatingin ako kay Sir Bell na napakumot sa ulo niya. "L-lilinisin ko lang to sir" sabi ko sa kanya at dahan dahang kinuha ang mga nabasagag na plato sa sahig. "Don't touch it" sabi niya kaya napahinto naman ako. Eh sinong maglilinis nito? "Just get out" malamig na sabi niya. "P-pero sir sinong maglilinis nito?" tanong ko sa kanya, he glared at me kaya agad akong lumabas. Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman ko. Una, nakapasok ako sa kwarto ni sir Bell, pangalawa, di niya pinalinis sa akin ang mga pagkain na natapon kanina. Ano bang nangyayari kay sir? Nahiya ba siya dahil nalaman ko na takot siya sa ipis? Hindi naman siguro, bakit naman mahihiya si sir eh bahay niya to. Siya ba maglilinis sa kalat? Hindi ko maimagine si sir na maglilinis, siguro dahil ayaw niyang may pumapasok sa kwarto niya kaya niya ako pinaalis at hindi na pinalinis ang kalat. I sigh at pumasok sa kwarto namin nila Sanya. Ano kaya ang ginagawa ni sir ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD