Episode 1: The Road
Namamaga ang katawan ng isang babae, tanging isang malaking t-shirt lang ang suot nito at wala ng iba. Halos hindi na makilala ang kanyang mukha dahil sa dumi na nagkakalat sa kanyang katawan, pagod na ang babaeng ito at gusto na niyang magpahinga.
Hindi niya alam kung ilang taon na siyang nanlilimos sa mga tao sa daan dahil ang tanging nasa isip niya ay ang mabuhay pero hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Ang mga pera niya galing sa limos ay ninanakaw ng mga lalaki sa kanto at binubogbog siya ng mga ito.
Palaboy laboy lang siya sa daan na parang robot, wala siyang pamilya at wala rin siyang kaibigan. Hindi alam ng babae kung saan siya nagmula at kung sino ang mga magulang niya, nagising na lang siya na nakahiga sa kalsada at doon na nagsimula ang paghihirap ng kaniyang buhay. Hindi nga niya alam kung ilang taon na siya, napatawa ng mapait ang babae, sa loob ng ilang taon, wala siyang naramdaman na saya sa kanyang puso kaya napatanong siya kung kailan siya sasaya at makakain ng masasarap na pagkain.Pagod na siya, lalong nanghihina ang t***k ng kanyang puso dahil sa pagod at gutom.
Napahiga ang babae sa kalsada pero kahit isa ay walang tumulong sa kanya, unti unting bumuhos ang ulan at nakaramdam siya ng lamig sa kanyang katawan, she laughed mentally, mamamatay na siya pero bakit masaya siya? Dahil siguro mas gusto na niyang mamatay kaysa mabuhay ng ganitong buhay. She is breathing really hard hanggang sa mawalan na siya ng malay.
Kasalukuyang nagmamaneho ang isang may maamong mukha na lalaki , he cursed nang makita niyang bumuhos ang ulan. Hindi niya gusto ang ulan dahil sa past niya, the rain makes him remember everything from his past. Napangiti naman siya ng mapait, kaya binubuhos niya lahat ng oras niya sa kanyang trabaho para makalimutan niya ang lahat ng nangyari noon.
Wala siyang naging girlfriend sa loob ng maraming taon dahil sa isang babaeng sinaktan lang ang puso niya kaya nawalan siya ng interes sa mga babae, he became cold and ignored everything.
His vision became blurry dahil sa ulan and he hit the brake immediately ng nakakita siya ng katawan na nakahiga sa daan. Hindi niya alam kung totoo ba ang nakita niya, medyo walang mga tao at mga sasakyan sa lugar na iyon.
He closed his eyes and opened it again and the body is still there. Kinuha niya ang cellphone niya para tumawag ng emergency pero wala ng baterya ang kaniyang cellphone kaya tinapon niya ito sa backseat at napakumot sa kanyang ulo. Madali siyang magalit at mairita kaya maraming natatakot sa kanya.
"Damn it" he said angrily at lumabas sa kanyang sasakyan, he softly pressed his hands on the girl's neck to see if she's dead pero humihinga pa ito kaya kinarga niya ito at pinasok sa kanyang sasakyan.
Hindi niya itong pwedeng dalhin sa hospital dahil sa media, maraming makakakita sa kanya and he will be once again the center of attraction and he is so fed up with all of the drama. Siya ang tipong lalaking, ayaw ng atensyon galing sa media, maraming mga fake news ang lumalabas tungkol sa kaniya kaya hindi niya gusto ang mga ito.
Dinala ng lalaki ang babae sa kanyang malaking mansion kung saan mayroong mga yayang mag alalay sa kanya. Nakaramdam naman ng galit ang lalaki dahil he shouldn't have cared about this person pero hindi niya naman kayang may mamatay dahil hindi niya tinulungan. Isa siyang masungit at walang pakialam sa iba gaya ng sinasabi ng lahat at alam niyang totoo ito pero meron parin siyang kunting konsensya na natitira sa kaniyang sarili kaya niya nagawa ito.
Nang makarating na siya ay agad niyang tinawag ang mga kasambahay niya para tulungan ang taong nakita niya. Tapos na ang mission niya kaya wala na siyang pakialam kung ano ang mangyayari basta ginawa na niya ang kanyang parte na madala siya sa bahay.
"Naku! Kawawang babae" narinig ng lalaki ang sabi ng kanyang kasambahay na si Aling Rosa. He ordered them to help her at sila nang bahala rito dahil wala siya sa mood para sa mga sitwasyon na ito.
Pumunta siya sa kanyang kwarto kung saan walang kahit na isa sa mga kasambahay ang pumasok dito dahil sa takot. He sigh and lit his cigarette, ito lang ang nagpapakalma sa kaniya kapag napupuno siya ng galit.
Kasalukuyang ginamot ng mga kasambahay ang babae at nilinis ang sobrang dumi na katawan nito. Nang makita nilang malinis na ito ay namangha naman sila dahil maganda ang babae kung wala sana siyang mga pasa sa kanyang mukha at katawan.
Tulog pa rin ang babae at nilutuan nila ito ng pagkain para may makain ito sa kaniyang paggising. Siya ang naging topic ng chismis ngayon ng mga kasambahay at kung paano sila nagtataka kung bakit tinulungan siya ng kanilang amo dahil sa pagkakaalam nila ay ang kanilang amo ay nababalot ng kasamaan, tahimik parati ang mansion dahil ayaw ng amo nila ng maingay at bihira lang rin itong nagsasalita sa kanila.
Ang nagustuhan lang nila sa amo nila ay ni minsan ay hindi ito nagdadala ng babae sa mansion at sa pagkakaalam nila ay matagal na walang girlfriend ang amo nila kaya iyon ang malaking pinagtataka nila dahil sobrang gwapo ang amo nila at maraming babaeng naghahabol pero hindi siya interesado sa mga babae. May balita ngang lumabas na baka bakla ang amo nila pero hindi sila naniniwala dahil walang kahit na isang sign ang nakita nila sa kanilang amo na nagsasabing bakla ito.
Lahat ng kasambahay ay takot sa kanilang amo maliban kay aling Rosa dahil siya ang nag alaga sa kanilang amo nong ito ay bata palang kaya para na itong nanay ng kanilang amo. Tinignan ni Aling Rosa ang dalaga na nakahiga sa kama, wala parin itong malay. Kawawang tignan ang dalaga dahil puro sugat at pasa ang nasa katawan nito, sobrang hirap siguro ang sinapit ng babaeng ito.
Hinawakan ni Aling Rosa ang kwintas ng babae at nakitang may nakalagay na "Nova", siguro Nova ang pangalan ng dalaga.