Episode 6: Elevator

1093 Words
Ito ang araw na pinaghandaan ko kagabi. Tulog pa si Sir Bell sa kwarto niya kaya naligo muna ako para ipagbili siya ng coffee. Nang matapos na akong maligo ay agad akong nagbihis at dahan dahan akong pumunta sa pinto at bumukas ito. Napangiti naman ako. Teka, saan pipindutin ko dito? Nakita ko si Sir Bell kahapon na may pinindot siya. Siguro itong pinakadulo? Pinindot ko ang pinakadulo at after a few minutes ay bumukas ang pinto. I smiled dahil sakto iyong napindot ko dahil nandito na ako sa pinakababa ng building. "Miss saan po ang coffee shop dito?" tanong ko sa isang babae. Tinuro niya ang Isang shop at pinasalamatan ko ang babae at agad akong pumunta roon. Dala ko ang maliit na papel na sulat ni Sir Bell. Nakalagay sa papel na ito ang kape na pinapabili niya. Nang makabili na ako ay tumakbo ako patungod sa building ni Sir. Kanina pa kasi ako naghintay para makabili sa kapeng ito. Nakarating ako sa loob at pumasok ako sa pinto na automatic na bumubukas. Teka, anong pipindutin ko rito? Nakarinig ako ng tanong umupo sa tabi ko. I saw a handsome man na nakatingin sa akin. "Saang floor ka?" tanong niya. Huh? Anong floor ang pinagsasabi niya? Hindi ko alam ang ibig sabihin niya. "Anong floor?" tanong ko at napatawa naman ito. Bakit ba siya tumatawa? "Is this your way to flirt with me?" tanong niya. Tumango lang ako kahit wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. "Wow, honest. I like you" sabi niya. Nang bumukas ang pinto at bumugad ang opisina ni Sir Bell. Napangiti naman ako. Success. "Dito Ka rin?" tanong niya at tumango naman ako. "What a coincidence." sabi niya at inakbayan ako dahilan ng pagkagulat ko. Hindi ako sanay na may humahawak na lalaki sa akin kahit gaano pa iyan kagwapo. Pumasok na kami at nakita ko na napatingin si Sir Bell sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit may galit sa ekspresyon ng mukha ni Sir Bell. "What are you doing here Mark?" galit na tanong ni Sir Bell. "Well, nice you see you too cousin" natatawang sabi ni Mark. Magpinsan pala sila? Kaya pala ang gagwapo nila. Maghanda talaga ang lahi nila. Pilit kong tinanggal ang kamay ni Mark sa balikat ko pero hindi ito kumikibo. "Let her go" sabi ni Sir Bell at pinakawalan naman ako ni Mark. Nilagay ko sa mesa ang kape ni Sir Bell. "Can I have her bro? I like her" sabi ni Mark at nakita kong napatayo si Sir Bell at napatingin sa akin. May galit ba sila sa isa't isa? Bakit ganito ang pag uugali nila? At ano ba ang sinasabi nitong Mark? "Linisin mo muna ang c.r" sabi sa akin ni Sir Bell kaya tumango ako at pumunta sa c.r para maglinis. Sumilip naman ako at nakinig sa pag usap ng dalawa. Napakachismosa mo talaga Nova. "I just want to have fun" narinig kong sabi ni Mark. "Secretary mo ba siya?" tanong ni Mark Kay Sir Bell. Tanging likod lang ni Sir Bell ang makikita ko kaya hindi ko makita ang kanyang ekspresyon. "She is my maid kaya don't come near her" sabi naman ni Sir Bell. Nakita kong natawa si Mark. "Bro. Maid mo nga lang pinagdadamot mo pa" sabi ni Mark. Sinara ko na ang pinto at Hindi na nakinig sa mga pinag usapan nila. Ako ba ang pinag usapan nila? Ako lang naman ang maid dito ah. Umiling lang ako at nagpatuloy sa paglinis. Nang matapos na ako ay lumabas na ako at wala ni si Mark. "Tapos ko na pong nalinis ang c.r Sir." sabi ko sa kanya. Tumango lang ito at nagpatuloy sa pag type ng laptop niya. Mas lalong nagiging maamo ang mukha ni Sir kapag nakasalamin. Naalala ko ang sinabi niya kahapon na ako ang mag a-arange sa mga papeles niya sa mesa kaya nag simula na akong mag-arange sa papeles niya. Bumibilis talaga ang t***k ng puso ko kapag malapit lang ako sa kanya. Biglang bumukas ang pinto at bumugad ang isang magandang babae. Nakaheels ito habang nakasoot pang opisina. Maitim at mataas ang kanyang buhok. Bigla akong na conscious dahil sa hitsura ko Ngayon. "Sir, eto na ang mga papers na pinapahatid mo" sabi niya sabay ngiti. Napatingin si Sir Bell sa kanya. Syempre, sino ba ang Hindi mapatingin dahil sa ganda niya. Nagseselos ba ako? Oh my God, Hindi dapat ako magselos. Tinignan ako ng babae. "Sino ka?" tanong niya sa akin. Sasabihin ko na sana ang pangalan ko pero nauna nang magsalita si Sir Bell. "You can go now" sabi ni Sir sa kanya kaya tumango ang babae at umalis. "Pwede kanang umupo kung wala kanang gagawin" malamig na sabi ni Sir sa akin. Pumunta ako sofa at umupo. Kahit parang boring ang kalagayan ko Ngayon, masaya pa rin ako dahil kasama ko si Sir. Baliw na ata ako. Para akong nanonood ng TV habang pinagmasdan ang maamong mukha ni Sir na nagtatrabaho sa laptop niya. Agad akong napayuko nang tumingin si Sir sa akin. Parang uminit ang pisnge ko dahil sa hiya. **** "Ihatid mo nalang Mamaya ang pagkain sa kwarto ko" narinig kong sabi ni Sir. I nodded my head at nagpatuloy sa pagluluto. Nang matapos na ako ay inihanda ko na ang pagkain sa trey at kumatok sa kwarto ni Sir kaso Hindi siya sumagot. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nasilayan ko ang natutulog na Sir Bell. Mukhang pagod na pagod ata ito sa trabaho. Nilagay ko ang pagkain sa mesa niya at pinagmasdan siya habang natutulog. I smiled habang tinitignan siya. Para siyang inosenteng tignan kapag natutulog. Nanlakihan nag mga mata ko nang minulat ni Sir ang mga mata niya at tinignan ako. "What are you doing?" he asked at dahil sa gulat ay na out of balance ako dahilan ng pagkatumba ko sa kama. Teka, bakit parang matigas ata tong nahulugan ko? Minulat ko ang aking mga mata at nakaharap ko ang mukha ni Sir Bell. Oh my God. Nakapatong ako Ngayon sa kanya. Ang mga kamay niya ay nakahawak sa baywang ko habang nakahawak ang akin sa dibdib niya. Ang mga mukha namin ay sobrang malapit sa isa't isa. Nakita ko na napatingin si Sir sa labi ko dahilan ng paglakas ng t***k ng puso ko. Mabilis lang ang mga pangyayari dahil Hindi ko namalayan na nandito na ako sa sahig. Napangiwi ako sa sakin. Tinulak ako ni Sir Bell. "Ano ba! Hindi kaba nag iingat?" galit na sabi niya. He is breathing heavily while staring at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD