Episode 3: My Boss

1722 Words
Masaya kong niligpit ang mga damit na binigay sa akin ni Aleng Rosa, galing din ito sa ibang mga kasambahay at ngayon lang ako nagkaroon ng maayos na damit. Sinabi rin sa akin ni Aleng Rosa na don ang kwarto ko kasama ang dalawang kasambahay na si Sanya at Mary, malaki ang kwarto namin kaya masayang masaya ako. Hindi ko na poproblemahin ang tirahan ko ngayon dahil may bubong na masisilungan na ako at hindi lang basta bastang bahay kundi, isang mansiyon. Nagpapasalamat talaga ako kay Sir Bell dahil siya ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko. "Hindi mo ba talaga alam kung sino ang pamilya mo?" tanong sa akin ni Mary, naging close na kaming tatlo at masaya ako dahil may bagong mga kaibigan na ako. Kanina pa sila tanong ng tanong tungkol sa buhay ko. "Nagising nalang ako na walang pamilya, ang tanging pangalan ko lang ang matandaan ko" sabi ko sa kanila, hindi ko talaga maalala ang lahat. "Hindi mo ba rin ba alam ang edad mo?" tanong ni Sanya, I shook my head. Hindi ko rin alam ang edad ko, wala nga akong birthday, lahat wala sa akin kaya palaboy laboy lang ako sa kalye, matagal na akong nakatira sa kalye, bata pa siguro ako. "Sa tingin ko, 18 or 19 kana" sabi ni Mary, sabi nila sa akin 21 na ang mga edad nila. Tumango lamang ako dahil wala akong alam sa mga numero, minsan ay nakakalungkot dahil wala akong alam sa sarili ko, ang tanging alam ko lang ay ang palakad lakad sa kalsada at manghihingi ng pera. "Bakit suplado si Sir Bell?" tanong ko sa kanila, napatingin naman sila sa isa't isa. Bakit naman ganyan sila makatingin? "Nako Nova, huwag na huwag kang magkakagusto kay Sir dahil walang interes iyon sa babae. At tsaka hindi namin alam kung bakit ganyan ugali ni Sir" sabi ni Mary, huh? Bakit naman ako magkakagusto kay Sir Bell? Hindi ko siya gusto, gusto ko lang siya makilala. "Hindi ko naman gusto si Sir Bell" sabi ko sa kanila, nagpatuloy lang kami sa pag uusap at pagkatapos ay bumalik na kami sa trabaho. Pumunta ulit ako sa kusina dahil tuturuan na naman ako ni Aleng Rosa sa pagluto at para maipagluto si Sir Bell. Nang matapos kaming magluto ay tinikman muna ni Aleng Rosa ang luto ko bago namin inihain sa mesa dahil pauwi na si Sir Bell. Hindi ko alam kung bakit excited akong makita siya, siguro dahil siya ang kauna unahang boss ko kaya ganito ang nararamdaman ko. Pumunta ako sa kwarto namin nila Sanya at Mary at nagbihis, sinoot ko ang isang long sleeve na maluwag sa akin dahil medyo malaki si Sanya, at sinoot ko rin ang jeans. Tinignan ko ang hitsura ko sa salamin, sa wakas ay muhang tao na akong tignan. Lumabas ako sa kwarto at nagulat ako nang makita ko si Sir Bell na nilalagay ang suit jacket niya sa stand, napatingin ito sa akin and he eyed me up and down. Nagustuhan niya ba ang damit ko? Feeling ko kasi ang ganda ko sa bagong damit na sinoot ko. "Wala kabang ibang damit?" malamig na sabi nito, napatayo ang balahibo ko dahil sa boses niya. Ngayon niya lang ako tinanong. I shook my head dahil hindi ako makasalita. "Dalhan mo ako ng pagkain mamaya, huwag kang papasok sa kwarto ko, sa labas lang" sabi niya. "O-opo sir" utal na sabi ko and he sigh at nilagpasan ako at nagtungo sa kusina. Hindi ko akalaing maguusap kami ni Sir Bell, napakagwapo niya sa malapitan. Teka, bakit big deal sa akin kung kakausapin niya ako? Nababaliw na ata ako. Agad akong nagtungo sa kusina at nilagay ang mga pagkain sa trey. "Nova? Anong ginagawa mo?" narinig kong tanong ni Aleng Rosa sa akin. "Sabi ni Sir Bell, dalhan ko raw siya ng pagkain sa taas, Aleng Rosa" sabi ko kay Aleng Rosa, tumango naman si Aleng Rosa at pumunta na ako sa taas. Alam ko na kung saan ang kwarto ni Sir Bell dahil tinuro ito sa akin ni Aleng Rosa at sinabing hindi ako pupunta rito kung hindi sasabihin ni Sir Bell. Inayos ko muna ang buhok ko bago ako kumatok sa pinto ni Sir Bell, naghintay ako sa labas dahil hindi parin binubuksan ni Sir Bell ang pinto. Baka naman nagbihis pa? Kumatok ako ulit baka kasi hindi narinig ni Sir ang katok ko. Bumukas ang pinto at nakita ko siya na walang pang itaas na soot, napapikit naman ako. Hindi ko dapat makita iyon, paano kung magalit siya dahil nakita ko ang katawan niya? "S-sorry, wala akong nakita sir" takot kong sabi sa kanya. "Ano bang pinagsasabi mo?" galit na tanong nito at kinuha sa akin ang trey na hawak ko, he slammed the door at napabuntong hininga naman ako. Ano ba Nova? Bakit naman siya magagalit na makikita mo ang katawan niya eh siya nga ang nagbukas ng pinto diba? Hayss, dahil na siguro ito sa nakasanayan ko sa mga lalaki sa kalsada na binubogbog ako. Nagalit na naman tuloy si Sir sa akin. Ngayon lang ako nakakita ng ganong katawan sa buong buhay ko.Pumunta ako sa baba. "Hoy bakit ang pula pula ng pisnge mo?" narinig kong tanong ni Sanya sa akin, napatingin naman si Aleng Rosa sa akin. Ha? mapula ba pisnge ko? Hindi ko alam na pumupula pala ang pisnge. Hinawakan ko namana ng mga pisnge ko. "Bakit pumupula pisnge ko?" nagtatakang tanong ko sa kanila dahilan ng pagtawa nila, I looked at them confused. Napangiti naman si Aleng Rosa, hindi ko talaga alam ang pinagsasabi nila. "Sige na, magligpit na kayo para makapagpahinga" sabi ni Aleng Rosa at nagligpit kami ng mga gamit at hinugasan ko ang mga pinggan. Sabi ni Aleng Rosa na kailangan kong hintayin matapos si Sir Bell kumain para makuha ko ang mga plato na kinainan niya. Kung makakarinig daw ako ng ring ay iyon na ang tawag ni Sir Bell sa akin para pumunta ako sa taas kaya umupo muna ako sa kusina para hintayin si Sir Bell. Ilang mga minuto ang lumipas at narinig ko narin ang tunog na ring sa kusina kaya pumunta na ako sa kwarto ni Sir Bell. Kumatok ako sa kwarto niya at matagal pa ito bago bumukas at bumugad ang napakaamong mukha ni Sir Bell, may damit na siyang pang itaas ngayon. Binigay ni Sir Bell sa akin ang tray at sinara ang pinto nang walang sinabi. Dinala ko naman sa baba ang mga plato na nasa tray at hinugasan, pagkatapos ko ay naligo muna ako bago ako humiga sa taas ng double deck naming higaan. Tulog na si Sanya at Mary pero hindi ako makatulog, naiisip ko si Sir, tatanungin ko kaya si Aleng Rosa kung anong sign kapag gusto mo ang isang tao? Hindi ko naman gusto si Sir Bell diba? At kahit magkagusto ako sa taong katulad niya, hindi siya bagay sa isang katulad ko na napulot niya lang sa kalsada. Ang tanging nasa isip ko lang buong gabi ay si Sir Bell, hanggang di ko na namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako dahil sa alarm clock naming tatlo ni Sanya at Mary, agad akong tumayo at nagbihis at nagtoothbrush. Nang matapos na ako ay nakita kong hindi parin nakabihis ang dalawa. "Magbihis na kayo, 6:00 na" sabi ko sa kanila and they groaned dahilan ng pagtawa ko. Kailangan ko pang ipagluto si Sir, tinuturuan parin ako ni Aleng Rosa dahil hindi ko pa alam ang steps ng mga putahe na niluluto para kay Sir Bell. Nang matapos na kaming magluto ay nakita ko si Sir Bell dala ang kaniyang tuwalya. "Dalhan mo ng pagkain si Bell, maliligo siya ngayon sa pool" sabi ni Aleng Rosa at tumango naman ako at pinaghanda ng pagkain si Sir. Nang matapos na akong maghanda ay pumunta ako sa pool sa labas ng bahay ni Sir Bell at nakita siyang umupo sa upuan habang nakatingin sa laptop niya. Lumapit naman ako sa kanya dala ang tray. "G-good morning sir, nandito na ang pagkain mo" kinakabahan kong sabi at nilagay ang trey sa maliit na mesa na nasa tabi niya. Hindi siya sumagot at nang paalis na sana ako ay biglang lumipad ang isang maliit na papel na nasa mesa niya. Hinabol ko naman ito at di ko namalayan na malapit na pala ako sa pool and the next thing I know ay tubig lang ang aking nakikita. Hindi ako marunong lumangoy kaya ginawa ko lahat para makalabas sa tubig pero hindi ko talaga kaya, hindi rin ako makasalita dahil puro tubig lang ang nababalot sa lahat ng katawan ko. Naramdaman kong may yumakap sa akin at inahon ako sa taas, pagka ahon ko sa labas ng tubig ay huminga ako ng malalim dahilan ng pag ubo ko. "Ano kaba?! Alam mo namang hindi ka marunong lumangoy" narinig ko ang galit na sabi ni Sir Bell, hindi ako makasalita dahil sa hiya. Gusto ko lang naman makuha iyong papel na nalipad sa hangin baka importante iyon sa kanya. "S-sorry po sir" malungkot na sabi ko, napabuntong hininga naman siya. "Magbihis kana don" sabi niya at tinapon sa katawan ko ang tuwalya niya at umalis, nagulat naman ako sa ginawa niya. Totoo bang binigay sa akin ni Sir Bell ang kaniyang tuwalya? Bumilis na naman ulit ang t***k ng puso ko at dahan dahan akong tumayo at pumasok sa loob yakap ang tuwalya na binigay ni sir Bell. "Nova? Anong nangayari?" nag alalang tanong ni Aleng Rosa habang tinitignan ang kalagayan ko. "Nahulog ako sa pool aleng Rosa buti nalang niligtas ako ni sir Bell" pagpaliwanag ko sa kanya. "Nako naman, sa susunod mag ingat ka, buti nalang binalot ng kabutihan ngayon ang batang iyon" sabi ni Aleng Rosa at ngumiti lang ako at pumasok sa kwarto namin. Tinignan ko ang tuwalya na binigay sakin ni sir Bell, sobrang bango nito grabe pati tuwalya ni sir Bell napakaayos at sobrang bango. Napangiti naman ako at nagbihis, nilagay ko ang tuwalya sa mesa ko. Pangalawang beses na niligtas ni sir Bell ang buhay ko kaya sa tingin ko ay nagugustuhan ko na talaga si sir, kahit masungit at suplado si sir Bell, nakikita ko parin ang kabaitan niya. Hindi ko alam ang gagawin, imposibleng magugustuhan ako sa taong katulad niya diba? Sino ba naman ako para magustuhan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD