Episode 2: Nova

2318 Words
Nagising ako dahil sa sinag ng araw, masakit lahat ng parte ng katawan ko. I rubbed my eyes at nakitang nasa kakaibang lugar ako, tinignan ko ang paligid, nasa isang magarang kwarto ako at hindi ito basta bastang kwarto dahil parang kwarto ng mayaman ito. Ngayon lang ako nakakita ng kwarto na ganito. Siguro nananaginip na naman ako? Dala na siguro ito ng gutom. Sinampal ko ang mukha ko para magising ngunit walang nangyari, nandito pa rin ako sa isang magarang kwarto. Teka, hindi ito panaginip? Dahan dahan akong umupo dahil masakit pa rin ang mga katawan ko, wala akong matandaan sa mga nangyari, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako. Suddenly, nakakita ako ng maraming pagkain sa mesa na katabi lang ng kama na inupuan ko kaya hindi na ako nag paligoy ligoy pa at kinuha ko ang pagkain at agad na kinain na parang asong gutom na gutom. Napabalikwas ako nang marinig kong bumukas ang pinto at nakita ko ang isang medyo matandang babae na nakangiti habang tinitignan ako. Agad kong binalik ang pagkain at napayuko, siya siguro ang may ari ng bahay na ito? Paano kung pagalitan niya ako dahil nandito ako sa bahay niya? "S-sorry po talaga, h-hindi ko po alam kung paano ako nakapunta rito" I stuttered dahil sobrang takot ako na baka anong gagawin niya sa akin dahil sa ginawa ko. Narinig ko ang tawa ng matandang babae kaya nag taka naman ako, bakit siya tumatawa? Diba dapat galit siya ngayon sa akin? Hindi ko maintindihan ang sitwasyon ngayon. Wala talaga akong alam sa mga nangyari. "Iha, huwag kang mag sorry. Nakita ka ni Sir Bell kagabi na walang malay sa kalsada kaya dinala ka niya dito" sabi niya. Sir Bell? Diba dapat ma'am kasi babae si Belle? Bakit sir ang tawag nila kay Belle, at sino si Sir Belle? "Babae po ba si Sir Belle?" tanong ko at narinig ko muli ang tawa niya, hindi ko alam kung tatawa ba ako kasi wala naman akong sinabing nakakatawa pero ngumiti nalang ako baka kasi magalit siya. "Hindi iha, lalaki si sir Bell. Bell Anthony and pangalan niya at siya ang may ari ng bahay na ito" sabi niya and my eyes widen, si Sir Bell ang may ari ng bahay na ito? Paano kung magalit siya sa akin? At bakit niya ako dinala dito? Sino si Sir Bell? "P-papagalitan niya po ba ako?" takot ko na tanong sa kaniya and she shook her head. "Hindi ka niya papagalitan iha, kumain ka muna at tawagin mo akong Aleng Rosa, okay?" sabi niya at ngumiti ko and nodded my head, kinuha ko ulit ang plato na puno ng pagkain at kinain ang lahat ng nasa plato. Sobrang gutom ko na talaga at sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na pagkain. Para akong nasa langit habang kumakain dahil sobrang sarap talaga, hindi ko nga alam kung anong tawag ng mga pagkaing kinain ko, ang tanging alam ko lang ay ang itlog at hotdog na kinakain ko ngayon at hindi ko na alam ang pangalan ng iba. "Dahan dahan lang iha" natatawa na sabi ni Aling Rosa ta ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Sana dito nalang ako parati, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong buhay, gagawin ko lahat para dito lang ako, sana pumayag si Sir Bell, kung sino man siya. Mabait kaya siya? Ano kaya ang itsura niya? Gusto ko siyang makita dahil siya ang nagligtas ng buhay ko. Sobrang bait niya siguro dahil hindi niya ako pinabayaan na walang malay sa kalsada. Nang matapos na akong kumain ay niligpit naman ni Aling Rosa ang mga plato ko, sinabi ko sa kanya na ako nalang ang maghugas pero hindi pa rin daw ako gumagaling kaya sinabi niyang magpahinga muna ako rito. Paano kapag papaalisin ako dito ni Sir Bell dahil wala akong trabaho? kailangan kong magtrabaho para makita ni Sir Bell na masipag ako at pwede akong maging kasambahay dito. Sinubukan kong tumayo at dahan dahan akong lumakad ngunit nagulat ako nang makita ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. Nakita ko na ang mukha ko noon sa salamin ngunit hindi ko gaano makilala sarili ko dahil sobrang dumi ng mukha ko pero ngayon ay wala nang dumi sa mukha ko, mayroong mga pasa pero nakikita ko na talaga ang sarili kong mukha sa salamin. Naka Buhaghag ang mataas at kulay kayumanggi kong buhok at ngayon ko lang nalaman na kayumanggi rin pala ang kulay ng mga mata ko, mataas rin ang ilong ko at normal lang ang kulay ng balat ko, hindi gaanong maputi pero hindi rin masasabing maitim. Sinubukan kong ngumiti sa salamin, maganda ba ako? Hindi naman siguro, marami akong sugat at pasa. I sigh at dahan dahang lumabas ngunit nabangga ako sa isang matigas na katawan at napaupo ako sa sahig. I looked up at nanlakihan ang mga mata ko, isang napakagwapong lalaki ang nakita ko, ang maitim at medyo magulo nitong buhok ay natatakpan ang isa niyang mata. Tinignan ko ang mataas niyang height, sobrang taas niya at siguro taga diddib lang ako sa kanya. Sino siya? Anak ba siya ni Sir Bell? Baka pagalitan niya ako. Ang mga mata niya ay nakatingin lang sa akin at nakita kong napalitan ito ng galit. Dahan dahan akong tumayo at napayuko. "S-sorry po" mahina kong sabi, hindi na siya nakapag salita nang marinig ko ang boses ni Aling Rosa. "Naku iha, bakit ka lumabas ng kwarto? Hindi pa magaling ang mga sugat mo" nag aalala na sabi ni Aling Rosa, tinignan ko muli ang lalaki. he glared at me at umalis ng walang sinabi. Napabuntong hininga naman ako, buti nalang hindi niya ako pinagalitan. Hinawakan ni Aling Rosa ang kamay ko at dinala ulit ako sa kwarto. "Huwag ka muna kasing lumabas, buti na lang hindi ka pinagalitan ni Sir Bell" Sabi niya, nanlaki ang mga mata ko. Iyong lalaking nakita ko kanina, siya si Sir Bell? Napayuko naman ako, parang suplado naman pala siya, siguro papalayasin niya ako dito dahil nabangga ko siya kanina. Galit na galit pa naman ang mukha niya kanina. "H-hindi ko alam na si Sir Bell iyon, Aling Rosa" mahinang sabi ko. Bakit hindi sinabi sa akin ni Aling Rosa na suplado si Sir Bell? Siguro kailangan ko nang ihanda ang sarili ko kapag papalayasin na niya ako rito, I enjoy ko lang muna ang mga natitira kong araw dito dahil minsan lang ito sa buhay ko. "Nova ba ang pangalan mo iha?" tanong niya, I nodded my head. Iyan lang ang natatandaan ko sa sarili ko may natatandaan akong mayroong tumatawag sa akin na Nova pero hindi ko na matandaan kong sino. "Nova, strikto si Sir Bell at ayaw niya ng maingay, ayaw niya ring may pumasok sa kwarto niya kaya huwag kang pupunta don. At tsaka kakausapin ko siya na dito kana mag trabaho kung magaling kana. Wala kabang pamilya?" tanong ni Aling Rosa. "W-wala po" Sabi ko sa kanya, she nodded her head. "Sige, huwag kang mag alala dahil kakausapin ko si Sir basta maging maingat kalang pagdating sa kanya" Sabi niya, at napangiti naman ako and I nodded my head, "Salamat po talaga" Sabi ko, gusto kong manatili dito dahil nandito na lahat, okay lang sa akin kahit maghirap pa ako magtrabaho dito basta huwag lang akong mapunta ulit sa kalsada, pagod na akong palaboy laboy sa daan at inaabuso ng mga tambay. Ayaw ko nang bumalik sa impernong buhay na iyon. "Basta sundin mo lang ang mga sinasabi ko Nova" sabi niya and I nodded my head. Sabi ni Aling Rosa na magpahinga raw ako kay humiga ako sa kama at tinignan ko ang magarang ilaw na nasa taas ko. Kung papayag si Sir Bell na dito ako, ito kaya ang magiging kwarto ko? Imposible naman ata iyon, siguro may mas maliit pang kwarto dito, baka pinahiram lang ito ni Sir Bell sa akin dahil may sakit ako. Inamoy ko ang sarili ko dahil ngayon lang ako nag amoy mabango, ngayon ko lang rin nakita ang sout kong damit, naka simpleng summer dress ako at may shorts sa loob. Habang napaisip ako sa mga nangyari, napunta sa isip ko si Sir Bell, hinawakan ko ang aking dibdib at naramdaman na malakas ang t***k ng puso ko. Ngayon ko lang ito naramdaman, bakit malakas ang t***k ng puso ko? May sakit ba ako? Hindi ako pwedeng magkasakit dahil kailangan ko nang magtrabaho para tanggapin ako ni Sir Bell dito. I sigh, bakit kaya Bell ang pangalan ni Sir Bell? Kahit pambabae siyang dinggin, parang nagustuhan ko na ang pangalan niya, kakaiba kasi, ngayon ko lang narinig na may pangalang Bell sa lalaki. I slap my cheeks, bakit ba kasi parating nasa isip ko si Sir Bell hindi naman ako nagkakainteres sa mga lalaki noon. Sa pag isip ko ay hindi ko namalayan na kain na pala ako ng antok. Nagising ako dahil sa sinag ng araw, umaga na pala? Napabalikwas ako sa kama, kailangan ko nang magtrabaho dahil hindi ko na nararamdaman ang sakit ng katawan ko baka pagalitan ako ni Sir Bell at papalayasin niya ako dito. Agad akong lumabas, nasa first floor ang kwarto na ginagamit ko ngayon kaya diretso na sa kusina. Malaki ang bahay kaya medyo nalilito parin ako sa mga daan, nasaan kaya si Aling Rosa? Nang makarating ako sa kusina, binase ko na nalang sa mga file ng kutsilyo na nakalatag. Agad kong nakita si Aling Rosa at Sir Bell na nag uusap, hindi muna ako nagpakita sa kanila. "Oo na Aling Rosa, papayag na ako dito siya pero kapag may ginawang hindi ko magugustuhan ang babaeng iyon, goodbye nalang" narinig kong sabi ni Sir Bell, ngayon ko lang narinig ang boses niya, lalaking lalaki talaga ang boses niya. Ano kaba naman Nova, dapat maging masaya kana dahil sang ayon na si Sir Bell na dito ka na magtatrabaho. "Salamat naman anak dahil pumayag ka" sabi ni Aling Rosa. Nakaramdam ako ng kaba nang umalis na si Sir Bell at papunta sa daan ko, agad ko namang inayos ang soot kong damit kahapon at inayos ko ang buhok ko. Nang malapit na siya ay yumuko naman ako. "G-good morning po Sir Bell. Salamat po sa pagligtas sakin" I stuttered, hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglakad. I sigh at napa buntong hininga, kinakabahan ako kapag nakikita ko si Sir. Agad akong nagpunta sa kusina kung saan nandon si Aleng Rosa. "Nova, gising kana pala. Bakit ka lumabas sa kwarto mo?" tanong ni Aling Rosa. "Okay, na po kasi ako Aling Rosa kaya magtatrabaho na ako" masayang sabi ko, napangiti naman si Aling Rosa. Naamoy ko ang mabangong luto niya, hindi ko alam kung anong tawag sa niluluto niya. "Ano po ang luto mo Aling Rosa?" tanong ko. "Hindi mo alam to?" gulat na tanong niya, I smiled sheepishly and shook my head. Nabuhay ako sa kalye kaya wala akong alam sa mga ganyan, ang tanging alam ko lang ay manlimos sa iba, hindi ko nga alam magbasa dahil hindi ako nakapag aral, hanggang tingin lang ako sa iba habang pumapasok sila sa kanilang paaralan. "Tinolang isda ito iha, isa sa mga paborito ni Sir Bell kaya tuturuan kitang magluto at kung makapasa na ang luto mo ay ikaw ang e aasign ko sa pagluluto, okay ba iyon?" tanong ni Aling Rosa, my smile widen dahil gusto kong matutong magluto at mas lalong gusto ko na ako na nagluluto para kay, Sir Bell. "Sige po, gusto ko na pong matuto ngayon" masayang sabi ko at napatawa naman si Aleng Rosa. Sinabi ni Aling Rosa sa akin ang lahat ng steps para sa pagluluto ng tinola, masaya naman ako dahil madali akong natuto, hindi ko alam kung bakit madali lang akong natuto. Namangha nga si Aling Rosa dahil sa pagluto ko dahil parang expert nadaw ako kaya natawa naman ako, hindi ko nga kasi alam ang ginagawa ko tapos tatawagin pa ako ni Aling Rosa na expert. Nang tinikman ko ang luto ko ay doon na ako naniniwala sa sinabi ni Aling Rosa, masarap nga, hindi ko akalaing makaluto ako ng masarap. Magugustuhan kaya ito ni Sir Bell? "Wow Nova, ang sarap ng pagkaluto mo ha" masayang sabi ni Aling Rosa pagkatapos niyang tikman ang luto ko, napangiti naman ako. Excited na akong ipatikim ni Sir Bell ang niluto ko. Hinanda namin ni Aling Rosa ang mga pagkain ni Sir Bell sa mesa. Habang hinihintay namin si Sir Bell ay nilinis ko ang buong kusina, sabi ni Aling Rosa ay dito na ako ma aasign sa kusina pero tuturuan pa rin niya akong magluto sa iba pang putahe ng pagkain. Napahawak ako muli sa aking dibdib nang makita ko si Sir Bell na papunta sa kusina, hindi ko alam kung bakit malakas ang t***k ng puso ko kapag nakikita ko siya, natatakot ako dahil baka may sakit ako sa puso. "Kumain kana anak, si Nova ang nagluto niyan" masayang sabi ni Aling Rosa habang umuupo si Sir Bell sa mesa, napatingin naman si Sir sa akin at parang huminto ang puso ko, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kinuha na ni Sir Bell ang kutsara at tinidor at napalingon siya muli sa akin dahil nakatitig pa ako sa kanya. Sinenyasan naman ako ni Aling Rosa na huwag titigan si Sir kaya nagpatuloy ako sa paglinis. "Ano sa tingin mo Bell, makakapasok ba si Nova?" tanong ni Aling Rosa, nang matapos nang kumain si Sir Bell. Sobrang close siguro nilang dalawa dahil pwedeng tawagin ni Aling Rosa si Sir Bell ng kanyang pangalan. "Ikaw bahala" sabi ni Sir Bell at tinignan ako ni Aling Rosa habang nakangiti at nag thumbs up. Napangiti naman ako, nagustuhan ni Sir Bell ang luto ko. mas gagalingan ko pa ang pagluto para kay Sir Bell. Siguro kaya ko ito ginagawa ay dahil si Sir Bell ang nagligtas sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD