Chapter 4: Crazy Family

2056 Words
HINDI maiwasan ni Ginny na mailang. Paano? Isinama siya ni Snake sa airport at isinakay sa eroplano. “Do you trust, Cloud?” tanong sa kanya ni Rob ilang oras ang nakalipas. “Yes!” kaagad niyang sagot. “Sumama ka kay Snake. I'll bring your child kay Madam Lira,” anito. “Meet your husband sa airport.” Pagpasok niya ng eroplano, hindi lang si Apolo ang nandoon kung hindi pati ang asawa niya na si Cloud. Anong nangyayari? Kahit pa dalawang lalaki ang nakatingin sa kanya pagpasok niya, agad siyang lumapit kay Cloud Han. “Cloud Han, what is happening?” naguguluhan niyang tanong dito. Nakangiti lang sa kanya si Cloud kahit pa nga malamig ang mata nito. “Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo sa lugar,” sagot nito. “Where are we going?” Hindi ito sumagot. Kinuha lang nito ang kamay niya at pinaupo siya nito sa mga hita nito. Namumula naman ang pisngi ni Ginny dahil hindi lang silang dalawa ni Cloud ang sakay sa loob. Nakakailang na naroon si Apolo. “Just sleep... Mahaba ang magiging biyahe natin,” paliwanag nito sa kanya. Tumango si Ginny. Nagtitiwala siya kay Cloud. Kaya lang ay hindi siya mapakali dahil nakakandong siya rito. Ganito ba ang magiging posisyon niya buong biyahe? “Uupo na lang ako sa tabi mo,” sabi ni Ginny. “Iisa lang ang pamasahe natin, kaya kailangan mong kumandong sa ‘kin. Hindi ba, Master Apolo?” nang-iinis na sabi ni Cloud. Tahimik naman si Apolo na nasa kabilang isle. Kanina pa ito pinapakain ni Cloud Han ng ‘selos’. Gusto na nga nitong pababain ang dalawa na parang nilalanggam sa loob ng private plane nito. Pero may usapan na ito at si Cloud. Nabigla si Apolo nang tawagan ni Cloud at ilapag sa sarili nitong mesa ang inutos dito ni Master Kent matapos maimbestigahan ng grupo ni Rob. Para makaiwas sa dalawa. Naglagay si Apolo ng eye mask. Itutulog na lang nito ang nararamdaman buong byahe. Hahayaan niya na lang muna nito ang dalawa sa gilid kung anuman ang gustong gawin ng mga ito. Si Ginny naman ay nag-enjoy na kayakap si Cloud buong biyahe. Dahil sa komportable siya sa ganoong posisyon, nakatulog siya nang masarap at hindi na niya na-monitor pa ang oras. Nagising lang si Ginny nang gisingin siya ni Cloud. “We are here,” anito sa kanya. Madilim ang paligid nang bumaba sila ng plane. Na ilang oras ang itinagal sa ere. Malamig ang simoy ng hangin kaya isinuot sa kanya ni Cloud ang makapal na jacket nito. “Papaano ka?” tanong niya sa lalaki nang nag-aalala. “It's okay. Malapit lang naman ang lugar na pupuntahan natin,” sagot nito. Isang van na naghihintay ang sinakyan nila. Napansin ni Ginny na malamig na ang kamay ni Cloud kaya hindi niya maiwasan na mag-alala rito. “We can share...” sabi niya. “Ginny Lopez, it's bad. ‘Di ka ba nahihiya kay Master Apolo?” pang-iinis nito. “Baka isipin niya na masyado tayong PDA.” Sinilip niya si Apolo. Ang totoo, hindi niya napapansin na kasama pala nila ito. Huminto ang sinasakyan nila sa isang kalsada. Nagtaka si Ginny. Wala kasi siyang nakikitang kung ano sa paligid bukod sa mga puno. Inakay lang siya ni Cloud na magpatuloy na maglakad sa mga punong iyon at napansin niya na habang papalayo sila. Paunti rin nang paunti ang puno. Maya-maya pa ay isang burol na binabalutan ng berdeng damuhan ang nilalakaran nila. Malamig ang hangin kaya hindi niya naiwasan na mag-alala kay Cloud. “Ayos ka pa ba?” tanong niya rito. “What about you? Hindi ka pa ba napapagod maglakad?” tanong ni Cloud. “I'm good,” simpleng sagot niya. “Para hindi ako lamigin, sakay ka na lang sa likod… Then, cover me as well.” Tumango si Ginny kaya naka-piggy-back siya kay Cloud habang papaakyat ng burol. Naalala niya ang araw noong sixteen lang siya kung kailan unang ginawa iyon ni Cloud sa kanya. Umakyat din sila noon ng bundok. Si Apolo naman, habang tumatagal ay nasanay na sa presensya ng dalawang tao na kasama nito. Hindi nito maiwasan na mapangiti at maisip. Ginny was safe in Cloud's hands. Hindi tulad noong narito pa si Ginny. He knows now why they love each other because they also care. Nang makarating sa malaking gate, nakakunot ang noo ni Ginny sa sitwasyon na akala mo ay papunta sila sa langit. May mga pinindot na numero si Cloud. “Kakaiba naman ang lock code,” komento ni Ginny kay Cloud. “It's not just a lock code. You could tell who is your visitor by the lock code itself.” Hindi niya maiwasan na mamangha. Matagal-tagal pa silang naglakad pero natatanaw na ni Ginny ang villa na akala mo ay bahay ni Drakula sa mga pelikula. Pag dating sa pintuan, si Apolo na ang kumatok gamit ang bakal na bilugan. Isang lalaki ang nagbukas ng pinto na hindi nalalayo sa edad ni Apolo at Cloud. “Master Cloud! Master Apolo! And—” bati nito. “Ginny Lopez,” aniya. Yumuko lang ang lalaki para batiin sila. “Padala na lang si Master Apolo sa waiting room,” ani Cloud. She was speechless while confused. Bakit kung umasta ang lalaking ito, akala mo ay may-ari nitong villa? Nahiwalay na sila kay Apolo at sa lalaki. Naglakad lang si Ginny at Cloud. Dim ang ilaw sa loob kaya medyo natatakot si Ginny. Sobra ang kapit niya kay Cloud. Pinasukan nila ang isang kwarto. Walang nakitang tao si Ginny sa loob kung hindi isang kama na kulay pula ang beddings at kurtina na walang kulay. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang nasa castle siya ng Game of Thrones. Ganitong-ganito ang mga napapanood niya sa vampire movies. “Grandpa! Go on, labas na! I already saw you!” ani Cloud. Hindi maiwasan ni Ginny na magtaka. Grandpa? May nakita siyang matandang lalaki na biglang lumitaw mula sa pader. Nagulat si Ginny na halos magpatili sa kanya. Kakulay kasi ng roba na suot nito ang pader. Nagmamaktol na lumabas ito at umupo sa kama. “Now I want to know, why do you want my son?” Nakahalukipkip pa si Cloud na pinangangaralan ang matanda. Ginny “...” *** IBIG sabihin, ang matandang ito na nasa harapan niya ngayon ang gustong dumukot sa anak niya? At kilala ni Cloud? At lolo ito ni Cloud? “Hmp! He is seven months old, but I haven’t met him! You didn’t bother to bring him here, not even once! Every one of you didn’t care about me at all!” parang nagmamaktol na sabi nito kay Cloud. “We have plans to go here. All you have to do is wait. At ang galling, ha! Talagang si Apolo pa ang inutusan mo?” pangangaral dito ni Cloud. Nagkamot ito sa ulo. “Well... I just want to entertain myself.” “Yes... Na-entertain din ako.” Sinimulan siyang ipakilala ni Cloud. “By the way, she is Ginny Lopez—my wife.” Itinuro nito ang matanda. “He is my Grandpa” Lumapit si Ginny sa matanda at nagmano. “It’s nice meeting you.” Kahit pa nga nakakatakot. Mukhang nasiyahan naman si Grandpa Kent sa kanyang inakto. “How is your mom?” tanong nito maya-maya. Masama pa rin kasi ang loob ni Madam Lira kay Master Kent. “She is good. Bago mo ilayo ang usapan. I want to know kung sino ‘yong inutusan mo bukod kay Apolo para dukutin si Cally?” tanong ni Cloud. “Wala na akong inutusan na iba,” sagot naman ng matanda. “Gusto ko lang makita ang apo ko kaya ko siya pinadadala kay Apolo. Pero alam ko rin na posible na ikaw ang magpunta rito.” Kinabahan si Ginny. “Wala na?” Hindi siya pwedeng magkamali, dalawang grupo ang nakita niya. Kahit si Cloud ay nagtaka kung sino ang isa pa. Nagkatinginan silang dalawa ni Cloud. Hindi na siya napakali. “Cloud, please call your mom...” kinakabahan na sabi niya. Ginawa naman ni Cloud. Isinet niya sa loud speaker ang tawag. Nag-ring ng ilang beses ang telepono bago nito iyon sagutin. “Hello, my pretty baby son!” bati nito kay Cloud. Pare-parehas silang speechless. Hindi maiwasan ni Cloud na mapangiwi. Nakakahiya kay Ginny. “Do you have Cally?” tanong ni Cloud para matapos na agad ang kahihiyan. “Cally? Why do I have Cally?” tanong ni Madam Lira. Kinabahan si Ginny. Tumigas ang mukha ni Cloud. “Rob!” naiinis na sabi ni Ginny. Ipinagkatiwala niya ang anak kay Rob. Saan nito dinala ang anak niya? “Mom, I am here in the UK,” sabi ni Cloud kay Madam Lira. Sabay silang nagulat ni Madam Lira. UK? Ibig sabihin ilang oras nang nawawala si Cally? “I'll call you later, mom! Kailangan kong hanapin ang anak ko,” paalam ni Cloud. “Joke lang! Cally is sleeping here,” sabi nito sa kabilang linya. Ginny “...” Hindi alam ni Ginny kung matatawa ba siya o maiiyak sa biro ng mother-in-law niya. Hindi naman alam ni Cloud kung mayroon ba itong nagawa na kasalanan noong past life nila para magkaroon ng ganoong klaseng pamilya. “Mom... Sa susunod galingan mo ang pag-arte at pagbigay ng jokes... Tinakasan ng kulay ang asawa ko. Muntik na ‘kong mawalan ng asawa sa talim ng tingin niya sa ‘kin ngayon,” sabi ni Cloud bago nito pinutol ang tawag. Hinihimas niya ang sentido niya. Ang Lolo niya, gustong kidnap-in ang sariling apo nito. Ang Mommy naman niya na habang tumatagal ay nagiging komedyante. Si Star na manganganak na, pero mukhang nagpapa-party pa sa bahay. Ang daddy niya na laging nasa galaan. Si MC naman ay magmamadre raw? Sa palagay ni Cloud, dalawa na lang sila ni Ginny ang normal sa pamilya. Nakahinga naman nang maluwag si Ginny matapos malaman na maayos ang kanyang anak sa poder ni Madam Lira. Pagkababa ng tawag, hinarap sila ni Master Kent. “Now since both of you are here, I want to give you a challenge,” seryosong sabi nito. Hindi naman mapakali si Cloud. “Bukas na natin ‘yan pag-usapan kung ano man ‘yan. Mahaba ang niyahe naming at kailangan ni Ginny na magpahinga.” Tumango ang lolo niya. “Sige... Let's meet at ten in the morning, bukas sa meeting hall.” Tumango si Cloud. Kailangan na muna niyang kausapin si Ginny. Alam niya na heto na ang oras ng pagsusulit ng asawa. Nagpaalam na sila kay Master Kent at sinabihan ito na harapin si Apolo at patuluyin muna. Hindi na nila pinuntahan pa si Apolo dahil aasikasuhin na ito ng matanda. Pumasok sila sa isa pang silid. “This had been my room for eight years,” sabi ni Cloud sa kanya. Nagulat si Ginny. Pinagmasdan niyang mabuti ang kwarto na gawa sa bato. “Are you lonely for those years?” Malungkot naman na tumango si Cloud. “When was the time na naaalala mo 'ko?” tanong niya. “When I always going out at paakyat na ng burol.” Napangiti si Ginny. Parehas kasi ng naramdaman niya kanina nang naka-angkas siya sa lalaki. Niyakap siya ng lalaki. “Gin... Tomorrow is a battle. My grandpa Kent is not an ordinary person,” sabi ni Cloud. Nag-isip si Ginny. Obvious naman na kakaiba mag-isip ang lolo ni Cloud na mukhang bampira, na nakatira sa Transylvania-house. “We are not ordinary.” “I know... Because you were always a problem boy... And I love you for being like that.” Iniangkla niya ang braso sa leeg nito at saka siya tumingkayad para halikan si Cloud Han. Tinulungan naman siya ni Cloud na makalingkis sa katawan nito habang magkadikit ang labi nila. “May you compensate for my eight years of being lonely?” She was speechless. “What kind of compensation?” kinakabahan niyang tanong. Ngumisi lang si Cloud bilang sagot. “Hey, Cloud Han! You and your perverted mind!” galit na sabi niya dito. “Huh? I just wanted to cuddle you para hindi na ako lonely tonight. What is wrong with your malicious head?” Naiiling na lang siya. He’s a tease.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD