Chapter 1: His Feelings
ISANG pamilyar na daan ang nilalakaran ni Apolo sa Bristol kung saan naroon ang mansiyon ng mga Kent. Isang malaking kastilyo ang kailangan niyang dayuhin. At para makarating sa patutunguhan, kailangan niyang maglakad paakyat sa tuktok ng burol. Malamig ang simoy ng hangin at doble-doble ang kailanganing suot ni Apolo dahil sa mababang temperatura ng panahon. Halos manuot sa katawan niya ang lamig sa kapaligiran.
Pagdating sa makapal at mataas na gate na gawa sa mataas na uri ng bakal, may pinindot na mga numero si Apolo sa key box na naroon sa gilid. Agad naman itong nagbukas matapos tanggapin ang password na inilagay niya. Isang mahabang lakaran pa ang kailangan bago makarating sa mismong gusali, gayunman ay hindi naiinip o nakaramdam ng pagod si Apolo.
Ilang saglit pa ay naroon na siya sa tapat ng makapal na pintuan na gawa naman sa kahoy. Ginamit niya ang bilog na bakal na naroon sa gitna para kumatok sa loob. Isang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa kanya ang nagbukas niyon.
“Master Apolo!” bati nito sa kanya.
“Nais ko sanang makita at makausap si Master Kent,” hiling niya rito.
Nilakihan nito ang pagkakabukas sa pintuan para makapasok siya sa loob.
Tinanggal niya ang winter coat at ibinigay sa lalaking sumalubong sa kanya. Sumunod siya rito at lumakad sila sa may kadiliman na pasilyo dahil tanging liwanag lang mula sa labas ang ilaw na nagbibigay sa pasilyo na iyon. Sa anyo pa lang ay nababagay na ang pangalan ng grupo sa kastilyong iyon—Dark Lords.
Pinatuloy siya ng lalaki sa isang may kadiliman ding silid para hintayin si Master Kent—ang ama ni Madam Lira. Kulay semento ang pader pero may apat na pang-isahan na upuan ang nakapaligid sa maliit na mesa. Hinandaan muna siya ng tsaa ng lalaki bago ito lumabas muli sa silid at iwan siya.
Hindi naman naghintay nang matagal si Apolo dahil bumukas din kaagad ang pintuan at pumasok ang isang matandang lalaki. May bahid sa pisikal na anyo nito ang tapang at walang kinatatakutan. Iyon nga lang ay halata na ang kulubot sa balat nito na may kapayatan. Mapanuri pa rin ang tsokolateng mata nito katulad noong kabataan nito.
Agad na tumayo si Apolo upang magbigay-galang sa matanda. Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan iyon.
“Master Kent!” bati niya rito.
Seryoso lang ang matanda at umupo ito sa tapat na silya kung saan siya naroroon. Hindi lingid sa matanda ang dahilan ni Apolo kung bakit napadpad sa malayong bansa. Nakatingin ito sa kanya at naghihintay sa pakay niya.
“Master, may malaki akong nagawang kasalanan sa apo ninyo na tagapagmana,” ani Apolo.
Tumango si Master Kent. Halatang alam na nito ang naganap. “Ano ang nais mo ngayon?”
Nag-isip muna si Apolo sa sasabihn niya bago niya iyon ibinahagi. Para kay Ginny…
“Hihingi po ako ng kaparusahan.”
Seryoso ang matandang lalaki na sinulyapan siya. “Sige. Ibibigay ko ang parusa mo.”
May inilapag itong kuwadrado na may numerong nakasulat—30.
Iniisip ni Apolo kung ano at para saan ang bagay na iyon. Seryoso siyang inangat muli ang paningin kay Master Kent.
“Kidnap-in mo ang anak ni Cloud at dalhin sa ‘kin.”
Natulala si Apolo sa nais ni Master Kent. Nagdadalawang-isip siya. Iyon ang matindi niyang kasalanan kay Ginny. Gagawa ba muli siya ng panibagong kasalanan?
“Master…”
Tumayo ang matanda at saka ibinahagi ang huling salita at utos para sa kanya. “Maghihintay ako, Apolo…”
Natulala si Apolo sa ibinigay na parusa sa kanya. Hindi na siya nakapagsalita nang lumabas ito ng silid. Iba ito sa naiisip niyang ipapataw sa kanyang parusa. Kapag hindi niya sinunod ang gusto ng great master ng kanilang grupo, sigurado siyang hindi lang anak ni Ginny ang mapapahamak kung hindi pati ito mismo.
Alam niya ang ibig sabihin sa '30'. Binibigyan siya nito ng tatlumpung araw para gawin ang parusa niya.
Ginny…
***
HINDI maiwasan ni Cloud na makaramdam ng selos sa anak. Wala na kasing ginawa si Ginny kung hindi ibigay ang buong atensyon nito kay Cally. Naiintindihan naman niya ang asawa niya dahil ngayon lang din nito nakita ang anak nila.
Huminga nang malalim si Cloud.
“Ginny Lopez, let's eat...” aniya sa asawa habang hawak nito si Cally na naroon sa bisig nito.
“Yes, honey!”
Natulala si Cloud... Honey?
Tiningnan niya si Ginny. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa endearment na binigkas nito o mas gusto niya ang ‘Cloud Han’.
“Bakit kakaiba ka yata makatingin?” tanong nito.
“Come here...” hiling niya.
Sumunod naman si Ginny habang buhat ang anak nila.
“Sit here.” Pinaupo niya ito sa ibabaw ng kanyang mga hita habang karga pa rin nito ang kanilang anak. Masaya siya sa ganoong posisyon.
“Say it again,” he said.
Nakataas ang mga kilay na inangat ni Ginny ang paningin sa kanya. “What is it?”
“The honey.”
Napangiti ang babae. In her thought, why was he so cheeky?
“Honey.”
“Say it again.”
“Honey.”
Pinaulit iyon ni Cloud nang ilang beses.
“Cloud Han, may problema ka ba sa ‘kin?” reklamo nito.
Cloud Han?
Bakit parang mas sweet ang pagkakabigkas nito sa pangalan niya kaysa sa honey? Iyon ang nasa isipan ni Cloud.
“I like it better,” komento ni Cloud.
Ginny was speechless.
Sa sampung taon na magkakilala sila ni Ginny, wala silang masasabi na endearment sa isa't isa. They call each other by their name or full name. Ngayon, alam niya na kung bakit. Dahil mas nasisiyahan siya kapag tinatawag nito ang buo niyang pangalan. At tingin niya ay ganoon din ang dalaga.
Hinakawan ni Cloud sa pisngi si Ginny. Nagbigay iyon ng kakaibang mensahe. “Hindi ka pa ba napapagod?”
“I'm not,” masayang sagot nito.
Nag-iwan siya ng halik sa labi nito. Pinaalis kasi ni Ginny sa penthouse ang tatlo pang tumutulong kay Cloud para alagaan ang anak niya. Ngayon na nakabalik na ito, mas gusto nito na mag-full time sa anak nilang si Cally. Sinabihan niya lang ito na pwede itong mamili ng trabaho na gugustuhin nito at naroon lang siya para sumuporta.
Pero malaking tulong din sa kanya si Ginny kahit pa nga nasa bahay lang ito. Kapag napapagod si Cloud sa opisina tinatawagan niya ang asawa niya. Agad na nawawala ang stress ni Cloud kahit ang marinig lang ang boses nito. Parang Stresstab sa pakiramdam niya ang babae kahit marinig niya lang ang tinig nito.
Madalas din na kapag ginagabi siya sa library sa kanilang tirahan dahil sa trabaho, magbibigay ito ng mga suhestyon na sobrang nakakatulong sa kanya at sa kumpanya.
Hindi nila namamalayan na lumalalim ang halik niya. Napurnada lang iyon nang magreklamo ito. “Hey! Huwag mong ipitin ang anak ko!”
Bumuntong hininga siya at parang bata na nagtampo. “Mabuti pa si Cally, kahit tulog na, hindi mo kinakalimutan. You forget about me...”
Napakamot naman ito sa ulo. In her thought, she never expected she would one day forget her husband's feelings.
“Uhm, what do you want as compensation?”
Nagliwanag ang mukha ni Cloud. Kinakabahan naman si Ginny sa kakaibang ngiti ng lalaki. Sigurado siya na hindi maganda ang pinaplano nito.